Offcam (ViceRylle)

By HopiaVK014

16.7K 344 46

Magkaibigan? Yun ang akala mo. Paano kung malaman mong pagkukunwari lang pala ang lahat sa harap ng camera? P... More

Introduction
Hinahanap-hanap kita
Nanay Rosario x Karylle
LDR
Welcome back
Pasimple
Throwback: Baby
AUTHOR'S NOTE

Kilig si Viceral

1.7K 35 3
By HopiaVK014

Madaling araw na at gising pa si Vice dahil nags-script writing pa siya. Konti na lang ay babagsak na ang talukap ng kanyang mga mata dahil sa sobrang antok.

"Kung nandito lang sana ang kurba ko, may inspirasyon sana at matatapos ko agad ito." Isip-isip ni Vice.

Maya-maya ay may kumatok sa kanyang pintuan at dahil wala nga siya masyado sa mood dahil sa stress ay hindi niya ito pinapansin. Paulit-ulit na may kumatok sa kanyang pinto kaya binuksan na niya ito.

"Diba sabi ko, wala munang mang-iistorbo? Ang hirap ng ginagawa ko gurl." Sabi ni Vice na naiinis pero sinusubukang maging malumanay pa rin.

"Sir, importante daw po talaga eh. Baka daw ito pa ang makakawala ng pagod niyo."

Inabot na ng isa sa mga angels (kasambahay) ni Vice ang regalo. Nang makita ito ay agad siyang napangiti at pumasok sa kwarto.
Binasa naman niya ang letter ni K.

Vice,
   Your #OOTD for the coronation morning. Pantanggal stress. Confidently beautiful with a concert. Happy Midnight Writing!
K

Ginanahan naman agad si Vice. Tinext niya si K at nagpasalamat.

To: Baby Kurba
Thank you, Kurba sa gift. Gaganahan na ulit ako magwork. I love you!

Maya-maya pa ay may nagtext naman sa kanyang phone.

From: Baby Kurba
Sorry baby, I wasn't able to visit you there. Pagod na pagod na kasi ang maganda mong jowa eh. Nag-date kami nina mama. I love you too.

Dahil dito ay napangiti naman si Vice dahil hindi pa rin nawawala ang pagiging maaalalahanin nito sa kanya.

Nang matapos na siya sa kanyang ginagawa ay nagtweet muna siya.

"@vicegandako: Just finished Day 2 of scriptwriting. Tired but i loveeeet! Sleep ng ilang oras then work again. #GustoMoYanE #LabanParaYumaman"

At dahil pagod na pagod nga siya ay kaagad siyang natulog.

Kinabukasan

Pumasok na si Karylle sa Showtime at nag-text sa nobyo.

To: Baby Pogi ❤
Goodmorning Pogi! Wakey wakey na. Pasok na ko sa Showtime. I love you :)

Wala namang natanggap na reply si Karylle kaya alam niyang tulog na tulog pa si Vice. Kapag late si Vice ay madalas niya itong kulitin para gisingin pero dahil alam niyang pagod si Vice ay hindi na niya ito ginising pa.

Pumasok naman si Vice ng late na. Dumating siya ng commercial break pa at sinalubong naman siya ni Karylle. Dala niya ang regalo ni Karylle at dinala ito sa kanyang DR. Dumiretso naman silang dalawa sa lounge para makasama ang iba pang hosts. Magkatabi ang dalawa at inakbayan naman ni Vice si K dahil kaunti lamang naman ang mga tao at safe silang maging sweet sa isa't-isa.

"Ang sweet mo naman kurba. Thank you ulit :)" Sabi ni Vice na tuwang-tuwa.

"Alam ko naman na pagod ka eh at pangbawi ko lang baby kasi magiging busy din tayo e."

Hinalikan naman ni Vice si Karylle sa ulo nito at maya-maya pa ay tinawag na si Vice para maghost.

*Tawag ng Tanghalan segment*

Hurado naman si Karylle kaya pagkatapos ng unang contender ay agad siyang nagcomment.

"Para kay Karylle, hindi tumagos" pag-ulit ni Vice sa comment ni Karylle.

"Oo, may kulang ng konti." sabi ni Karylle.

"Nalungkot tuloy si K." Sabi ni Vice.

"Hug natin si K." Sabi ni Vice habang papalapit kay Karylle.

Alam naman ni Vhong na gusto lang ni Vice na mayakap ang nobya kaya ipinagpaubaya na niya ito. Yumakap si Vice kay Karylle.

"Ayaw namin nang nalulungkot ka K." Sabi ni Vice.

Natatawa naman si Karylle dahil wala naman talaga siyang problema at alam niya din na miss na miss lang siya ng kanyang nobyo kaya gumawa lamang ito ng paraan para mayakap siya. Naawa din kasi si Vice dahil noong nagdinner si K sa kanila ay dumiretso si K para sa date nila ng mama at papa niya at pagod na pagod ito.

"You'll be alright." Sabi naman ni Vice na natatawa na sa reaction ni K.

"Oo, thank you Vice." Pagsakay ni Karylle sa nobyo niya.

"Whatever it is, feel free to call me or text me, share it to me."

Hinampas naman ni Karylle si Vice dahil bukod sa natatawa ito ay kinikilig na din ito sa mga sinasabi ng kanyang nobyo. Nahalata naman ni Vice na kinikilig na si Karylle dahil kilalang-kilala na niya ito na kapag kinikilig si Karylle ay nanghahampas ito. Dahil dito ay napangisi si Vice.

"Wala akong problema, sira!" Natatawang sambit ni Karylle.

Naging cue naman ni Vice iyon para tumigil na dahil alam niyang pag pinagpatuloy niya pa ang pang-aasar sa nobya ay kikiligin ito lalo at baka iba na ang masabi nito.

Natapos ang Tawag ng Tanghalan at bumalik na ang nga hosts sa dressing room nila para mag-ayos at makauwi na.

At dahil magkalapit lang naman ang DR nila ni Karylle ay dumiretso siya dito at saktong si Karylle lamang ang tao doon at nag-aayos ng gamit. Nakatalikod naman si Karylle sa pintuan ng DR niya kaya hindi niya napansij na nakapasok na pala dito si Vice. Niyakap naman ni Vice si Karylle sa likod nito at iniligay ang baba niya sa balikat ni Karylle. Hindi naman pumalag si Karylle dahil alam niyang si Vice ito dahil sa pabango pa lang.

(Alert: Medyo SPG)

Hinalikan naman ni Vice ang leeg ni Karylle kaya napaharap si Karylle kay Vice. Umiling-iling si Karylle dahil sa ginawa ni Vice.

"Vice, stop. Hahaha." Sabi ni Karylle na nakiliti sa ginawa ni Vice.

"Baka maulit na naman kasi yung sa magpasikat." Pagdadahilan ni Karylle para tumigil si Vice. Lagi niya itong idinadahilan kapag ganito na ang mga inaakto ni Vice. Medyo naging hindi naging maganda kasi ang nangyari noong magpasikat week.

<Flashback>

Commercial break na at Magpapasikat na ni Vhong at Jhong ang sunod. Nakatambay lang sa loob ng Dressing Room ni Karylle si Vice at nag ce-cellphone. Naiinis naman si Karylle dahil ayaw siyang pansinin ni Vice at tutok lang sa cellphone ang nobyo.

"Viiicey! I'm here oh!" Pagpapapansin ni Karylle kay Vice. Dedma pa rin si Vice at tutok lang sa nilalarong game.

"Vicey! Ang sakit ng head ko!!!" Pagpapapansin pa rin ni K kay Vice at medyo sumisigaw na.

"Baby, madedead ako dito!" Sabi naman ni Vice at patuloy pa rin na naglalaro sa kanyang cellphone.

Nainis lalo si K dahil pakiramdam niya ay pinagpapalit na siya ni Vice sa isang laro. Kinuha niya ang cellphone ni Vice at magsasalita pa lamang si Vice nang halikan na siya ni Karylle. Nabigla man si Vice ay agad gumanti ito sa halik ni Karylle. Hihiwalay na dapat si Karylle dahil ang gusto lang naman niya talaga ay makuha ang pansin ni Vice pero hindi na siya nakapalag pa. Nagpatuloy lamang sila sa kanilang ginagawa nang may kumatok.

"Vice, on air na in 2 minutes!" Sigaw ng isang babae na kumatok sa pinto.

"Oo! Papunta na!" sabi naman ni Vice pero taliwas ang kayang sinabi sa kanyang ginawa dahil muli ay hinalikan niya si Karylle.

"Nandyan ba si K? Hindi ko siya makita eh." Pahabol na sabi pa ng babae. Napapayuko naman si Karylle dahil natatawa siya sa mukha ng kanyang boyfriend na naiinis na.

"Wala!" Matapos sabihin ni Vice iyon ay hahalikan na sana ulit niya si Karylle pero tumayo na si K.

"Male-late na tayo baby!" Pagsabi noon ay nadinig na nilang nagsimula na ang kanilang show. Napailing naman si Karylle at natawa. Inayos niya ang kanyang sarili at palabas na ng DR niya.

"Pupunta ka pa ba dun baby? Sabihin mo na lang kaya na nagka emergency ka kunwari?" Tanong ni Vice kay Karylle at medyo nalungkot na may halong inis.

"Ikaw talaga! Puro kalokohan. Fix yourself baby bago ka lumabas. " Natatawang sabi ni Karylle kay Vice dahil sa itsura nito at tumakbo na papuntang stage.

Dahil wala namang magagawa sj Vice ay unti-unti siyang tumayo at inayos din ang sarili. Mabilis siyang tumakbo at pumunta din sa stage katabi ni Karylle. Nagulat naman ang mga hosts dahil nagkaclue ang mga ito sa nangyari dahil sabay din na nawala si Vice at Karylle kanina. Lahat sila ay napanganga habang si Karylle naman ay napayuko habang natatawa nang maalala ang nangyari.

<End of Flashback>

"Eh hindi na naman tayo mag-on air ah." Pagreklamo naman ni Vice.

"Nasa showtime tayo baby!" Pagsaway ni Karylle sa kapilyuhan ng Vice. Wala namang nagawa si Vice at sabay na lamang silang umuwi. Nagtwitter naman siya at nakita niyang nagtweet si Archie at ito ay ang regalo ni Karylle para sa kanya. Napatawa naman si Vice sa reaction ng babies. Masaya naman silang nakauwi ni Karylle.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Sorry mga sibs. Ngayon lang ulit nakapag UD. Naggala kasi ang author ng 4 days and hell week na this week kaya medyo matagal na makakapag UD. Thank you sa mga nagvote at nagbasa na nitong story. Pagpasenyahan niyo na mga sibs. First time eh, pati yung SPG. 🙈

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 252 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
9.2K 260 63
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
48.9K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...