Kilig si Viceral

1.7K 35 3
                                    

Madaling araw na at gising pa si Vice dahil nags-script writing pa siya. Konti na lang ay babagsak na ang talukap ng kanyang mga mata dahil sa sobrang antok.

"Kung nandito lang sana ang kurba ko, may inspirasyon sana at matatapos ko agad ito." Isip-isip ni Vice.

Maya-maya ay may kumatok sa kanyang pintuan at dahil wala nga siya masyado sa mood dahil sa stress ay hindi niya ito pinapansin. Paulit-ulit na may kumatok sa kanyang pinto kaya binuksan na niya ito.

"Diba sabi ko, wala munang mang-iistorbo? Ang hirap ng ginagawa ko gurl." Sabi ni Vice na naiinis pero sinusubukang maging malumanay pa rin.

"Sir, importante daw po talaga eh. Baka daw ito pa ang makakawala ng pagod niyo."

Inabot na ng isa sa mga angels (kasambahay) ni Vice ang regalo. Nang makita ito ay agad siyang napangiti at pumasok sa kwarto.
Binasa naman niya ang letter ni K.

Vice,
   Your #OOTD for the coronation morning. Pantanggal stress. Confidently beautiful with a concert. Happy Midnight Writing!
K

Ginanahan naman agad si Vice. Tinext niya si K at nagpasalamat.

To: Baby Kurba
Thank you, Kurba sa gift. Gaganahan na ulit ako magwork. I love you!

Maya-maya pa ay may nagtext naman sa kanyang phone.

From: Baby Kurba
Sorry baby, I wasn't able to visit you there. Pagod na pagod na kasi ang maganda mong jowa eh. Nag-date kami nina mama. I love you too.

Dahil dito ay napangiti naman si Vice dahil hindi pa rin nawawala ang pagiging maaalalahanin nito sa kanya.

Nang matapos na siya sa kanyang ginagawa ay nagtweet muna siya.

"@vicegandako: Just finished Day 2 of scriptwriting. Tired but i loveeeet! Sleep ng ilang oras then work again. #GustoMoYanE #LabanParaYumaman"

At dahil pagod na pagod nga siya ay kaagad siyang natulog.

Kinabukasan

Pumasok na si Karylle sa Showtime at nag-text sa nobyo.

To: Baby Pogi ❤
Goodmorning Pogi! Wakey wakey na. Pasok na ko sa Showtime. I love you :)

Wala namang natanggap na reply si Karylle kaya alam niyang tulog na tulog pa si Vice. Kapag late si Vice ay madalas niya itong kulitin para gisingin pero dahil alam niyang pagod si Vice ay hindi na niya ito ginising pa.

Pumasok naman si Vice ng late na. Dumating siya ng commercial break pa at sinalubong naman siya ni Karylle. Dala niya ang regalo ni Karylle at dinala ito sa kanyang DR. Dumiretso naman silang dalawa sa lounge para makasama ang iba pang hosts. Magkatabi ang dalawa at inakbayan naman ni Vice si K dahil kaunti lamang naman ang mga tao at safe silang maging sweet sa isa't-isa.

"Ang sweet mo naman kurba. Thank you ulit :)" Sabi ni Vice na tuwang-tuwa.

"Alam ko naman na pagod ka eh at pangbawi ko lang baby kasi magiging busy din tayo e."

Hinalikan naman ni Vice si Karylle sa ulo nito at maya-maya pa ay tinawag na si Vice para maghost.

*Tawag ng Tanghalan segment*

Offcam (ViceRylle)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang