Hinahanap-hanap kita

3K 51 2
                                    

11:00p.m. na at hindi makatulog si Vice sa hindi niya malamang dahilan. Nagpagulong-gulong na din siya sa kanyang kama pero wala itong epekto. Napatingin naman siya sa kanyang side table at kinuha ang cellphone niya. Hinanap niya ang pangalan ni Karylle at tinawagan ito.

Baby Kurba Ringing...

Matapos ang apat na ring ay sinagot naman ito ni Karylle.

Vice: Baby?

Karylle: Hm baby? May problema ba?

Sagot naman ni Karylle na halatang antok pa.

V: Nagising ba kita, baby?

K: Ang sarap nga ng tulog ko eh. Pero okay lang, kausap naman kita eh.

Sabi ni Karylle na napapangiti pa. At dahil kabisado na ni Vice ang kanyang girlfriend ay alam niyang kinikilig ito.

V: Kaw ah. Miss mo agad ako. Hindi ako makatulog baby eh.

K: Baby, dalhan mo akong ice cream Pleaaaaaase.

At dahil hindi matiis ni Vice si Karylle at gusto rin niya makita ang girlfriend ay agad siyang tumayo sa kanyang higaan at kinuha ang susi ng sasakyan niya. Kumuha din siya ng hoodie at shades para hindi siya mamukhaan ng mga tao.

Mabilis niyang nilisan ang bahay at nag drive papunta sa 7/11. Sinuot niya ang hoodie at shades at lumabas na sa kanyang sasakyan. Bumili naman siya ng ice cream at dumiretso sa condo ni Karylle.

(A/N: Hindi siya nagdala ng may sabaw kasi... charot.)

Sumakay siya ng elevator at nagpunta sa 14th floor. Hinanap niya agad ang Room 0214 at nagdoorbell dito.

*buzz* (pinapaltan talaga ni K yan ayaw niya kasing dingdong)

Pagbukas naman ng pinto ay agad niyakap ni Karylle si Vice na parang sampung taon silang hindi nagkita. Nang makapasok na sila sa condo ay agad kinuha ni Karylle ang ice cream upang makakain silang dalawa...

Habang kumakain silang dalawa ng ice cream ay daldal naman ng daldal si Vice at si Karylle naman ay patuloy lang sa pagkain.

"Baby, sigurado ka bang kumain ka?"

Tanong ni Vice kay Karylle dahil halatang takam na takam ito sa ice cream dahil kahit pisngi nito ay may ice cream na din.

"Ang sharap kaya nichong aysh creaaam" sabi ni K na puno ang bibig.

Hinalikan naman agad ni Vice ang labi ni Karylle ng mabilis at agad din itong humiwalay. Hinampas naman ni K si Vice sa braso nito dahil bukod sa nabigla ito ay kinilig ito.

"Tinikman ko lang naman kung masarap nga." Sabi ni Vice na pangisi-ngisi pa.

"Talaga lang ha, Viceral? May sarili kang baso ng ice cream kaya" sabay turo ni Karylle sa hawak na baso ni Vice.

Offcam (ViceRylle)Where stories live. Discover now