LDR

1.6K 32 0
                                    

*Dancing in tandem segment*

Kasalukuyang iniinterview nila ang mga contestants at nagkakwentuhan naman sila tungkol sa LDR.

"Na-try na namin ni Erwan yun. Hindi namin kaya kaya umuwi siya ulit dito." Tugon ni Anne.

"Mahina kasi kayo!" Pagpuna ni Vice sa sinabi ni Anne.

Naalala naman ni Vice nung mga panahon na madalas silang magkalayo ni Karylle dahil sa kanilang schedules. Naalala niya din ang pag-alis ni Karylle papuntang Singapore para magsagawa ng isang teleserye. Inaamin naman niyang miss na miss na niya ito pero kinakaya naman niya kapag oras ng trabaho.

"Nakaranas na kasi ako nyan eh. 6 months!" Pagmamayabang ni Vice.

"Marami ka yatang kasama nun eh." Yun na lang ang tanging nasabi ni Anne dahil ayaw naman niyang kontrahin si Vice dahil alam niyang si K ang tinutukoy nito.

"Nasa Pilipinas naman kami pareho pero hindi kami nag-uusap." Bawi ni Vice sa sinabi upang hindi na mapunta sa iba pa ang usapan.

"Nung nasa Singapore!" Sabi ni Vhong offmic pero dinig na dinig ito ni Vice at maging sa TV ay nadinig din pero hindi ito pinansin ni Vice at iniba na ang usapan.

*Commercial break*
Dumiretso naman si Vice sa kanyang dressing room at umupo sa upuan. Nagvideo call naman kaagad sila ni Karylle. May pumasok naman sa kanyang DR at nang makitang si Anne ito ay hindi na lamang niya pinansin at hinayaang pumasok.

"Hoy kurbang kulot, uwi na. Miss na kita." pabaklang tugon ni Vice habang kausap si Karylle. Umupo naman si Anne sa tabi ni Vice at nang makitang kausap ni Vice si K ay agad itong tumili.

"Waaaah! Girl!!! I miss you!!! Uwi ka na!" maingay at excited na sabi ni Anne. Halos mabingi naman si Vice sa kaingayan ni Anne. Tawang-tawa naman si Karylle sa nakikita niya lalo na ang itsura ng kanyang nobyo na konti na lang ay sasapakin na si Anne.

"I miss you too, Anning!" natatawa pa ding sagot ni Karylle habang kumakaway pa sa camera.

"Ganyanan kurba ha, si Anne may 'I miss you too' tapos ako wala?" Kunwaring pagtatampo ni Vice.

"Ako lang mahal ni K, no!" sabi ni Anne sabay irap.

"Hahaha. Ito namang si Pogi, tampo agad." Sabi ni Karylle.

"Oh kita mo, miss na miss ako nyang kurba ko, nilalambing ako oh. Dinig mo ba yun?" pagmamayabang ni Vice kay Anne.

"I love you..." malambing na tugon ni Karylle.

Sasagot na sana si Vice ng 'I love you too' nang biglang

"I love you, Anne!" sabi ni Karylle at tumawa ng malakas. Halos malaglag naman si Anne sa sobrang kakatawa sa itsura ni Vice. Sumimangot naman agad si Vice.

"Umalis ka na nga ngangabu! Daot ka talaga samin ng baby ko eh!" inis na sabi ni Vice at akmang sisipain na si Anne.

"Gogora na nga ako! Ikaw bakla, kung makasabi ka ng ang hina namin ni Erwan, ikaw din pala!" tawang-tawa na sabi ni Anne at tumakbo na palabas ng DR ni Vice.

"Joke lang pogi, I love you baby!" sabi ni Karylle at nagpout pa sa camera na parang ikikiss si Vice. Napangiti naman agad si Vice.

"I love you too! Kurba ha, baka nangchachansing na dyan si Yael ha! Sabihin mo lang at lilipad ako dyan ngayon" Sabi ni Vice at halatang nagseselos.

"Hindi naman baby, nagtatabi lang naman kami sa car and pag kailangan lang. Takot niya na nga lang sayo. HAHAHAHA" Sabi ni Karylle.

"Sige na baby, enjoy dyan ha? And tell manga and lolo Carlos I miss them na." Sabi ni Vice nang ngiting-ngiti dahil kinikilig na naman ito. Medyo nalungkot naman siya dahil ang ibang pamilya ni K ay hindi pa alam ang tungkol sa kanila kaya si Yael ang isinasama ni K pag bibisita sa relatives niya. Nagpaalam na sila sa isa't-isa dahil mag aair na ulit ang showtime.

Natapos ang showtime at dumiretso si Vice sa rehearsal niya para sa kanyang concert. Miss na miss naman niya ang kanyang nobya at nalulungkot dahil matagal pa itong mawawala.

<Mixed moments>

Kasalukuyan naman na segment ng Tawag ng Tanghalan ngayon. Hindi naman siya makapag-isip ng maayos dahil miss na miss na niya si Karylle at gustong-gusto niya ito makausap pero kailangan niyang magtrabaho.

"Parang may kamukha siya na singer." Sabi ni Vice at mukhang inoobserbahan ang contender.

Nagsusuggest naman ng mga pangalan ang mga hurado pero occupied talaga ang isip niya ni Karylle.

"Si Khalil... Khalil Tatlonghari" nangingiti naman si Vice sa kanyang biro.
------------------------------------------------------

Gabi na at nagvivideo call na lamang sina Karylle at Vice. Halata naman sa mukha ang lungkot at ganun din si Karylle. Naputol ang kanilang pag-uusap nang may kumatok sa kwarto ni Karylle. Binuksan agad ni Karylle ang pinto at dinig na dinig ni Vice ang pag-uusap ng dalawa.

"Okay lang ba dyan, K?" Tanong ni Yael sa kunwaring asawa. Hindi naman ito nakalampas sa pandinig ni Vice.

"Oo naman. May sasabihin ka pa ba?" Tanong ni Karylle na naiinis dahil magkausap nga sila ni Vice.

"Ah wala. Sige, yun lang." saad ni Yael.

Nakita naman ni Karylle na nakasimangot si Vice.

"Pogi, wala lang yun." Sabi agad ni Karylle at sinisiguro kay Vice na magkaibigan lang talaga sila ni Yael.

"Bakit kailangang kamustahin ka pa?" Sabi ni Vice na selos na selos.

"Wala nga lang yun." Sabi ni Karylle na parang naiinis na din dahil hindi pa din nawawala kay Vice ang pagseselos.

"Ikaw pa yung nagagalit?" Inis na sabi ni Vice.

"Wala nga lang yun diba? Bakit ba pinagseselos mo pa ang sarili mo?" Naiinis na sabi ni Karylle pero pinipilit nitong kumalma.

"Ewan ko sa inyo." saad ni Vice at in-end call agad ang tawag. Mabilis nainis si Vice dahil nga halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Nakakaramdam siya ng pagkamiss kay Karylle, pagod at konting selos na din. Alam naman niya talaga na magkaibigan lamang ang dalawa kahit alam niyang mahal pa din ni Yael si K. Kahit ang totoo ay wala namang plano si Yael na paghiwalayin si Vice at Karylle at tinutulungan niya lamang ang dalawa para sa kasiyahan ng kanyang mahal na si Karylle.

Sa kabilang banda naman ay naluluha si Karylle dahil hindi niya maintindihan si Vice pero pilit niya pa din na iniintindi ang kanyang nobyo dahil alam niyang sobra ang pagod nito. Nagchat naman agad si Karylle kay Vice.

Ana Karylle: Sorry, baby. Wala lang talaga yun. Goodnight. I love you.

Seen 11:14pm ✔

Nalungkot naman si Karylle sa pag-aakalang galit nga si Vice sa kanya ngunit sa kabilang banda naman ay na-guilty si Vice sa kanyang ginawa lalo na nang makita ang message ni Karylle. Hindi naman siya naka-reply kay Karylle dahil sa ayaw na niyang maistorbo pa si Karylle at nagu-guilty din siya at hindi mapakali sa kanyang sasabihin kaya hinayaan na muna niya ito at may naisip na gawin.

Natulog ang dalawa nang mabigat ang loob.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Thank you po sa mga nacocomment, nagvovote and nagbabasa nito. Hindi ko inexpect hehez. Sorry kung medyo lame. I'll try my best at gagalingan ko din po talaga. Naging busy lang po ako kaya ngayon lang ulit nakapag-update. Sana magustuhan niyo yung story and pwede din po kayo mag suggest mga sibs. 😂 ayun lang and ang dami nating kota moments so iinclude ko din yun. 😊

Offcam (ViceRylle)Where stories live. Discover now