Pasimple

1.6K 39 11
                                    

Umaga pa lamang ay maaga nang nagising sina Vice at Karylle. Kumain lamang sila ng almusal at agad na nagbyahe papuntang Showtime upang magtrabaho. Nang makarating si Vice ay pasimple niyang inalam kung dumating na si Karylle. Nang masiguro niyang dumating na ang nobya ay tila nagkasigla muli magtrabaho si Vice at pumasok na sa kanyang dressing room upang mag-ayos. Inayusan naman agad siya ni Archie. Habang inaayusan naman siya ng buhok ay biglang dumating si Karylle nang nakangiti pa. At dahil team Vice lang naman ang nandoon ay malaya silang makapaglandian (charot). Nang makita naman ni Vice si Karylle ay agad itong napangiti.

"Gwapo talaga oh." nakangiting sambit ni Karylle. Nang titigan niya si Vice ay naalala niya noong nakipagbonding si Vice sa isang bagets at tila feel na feel ni Vice ang pagiging tatay. Nalungkot naman ng kaunti si Karylle dahil alam niyang hindi pa niya ito mabibigay kay Vice sa ngayon.

"Sexy naman ng kurba ko oh." Nawala naman ang lungkot ni Karylle nang sabihin ni Vice iyon. Natawa naman ang dalawa dahil sa mukha ng team Vice na tila nandidiri sa kanilang mga nakikita at nadidinig. Miss na miss nila ang isa't-isa dahil sa busy ang mga schedule nila at ang tanging pagkikita lamang nila ay kapag may Showtime at sabay na uuwi. Nakita naman nilang pinicturan sila ng photographer ni Vice. Ayos lamang naman sa kanila iyon dahil hindi naman sila magkahawak habang pinipicturan sila.

Nang on air na sila ay muling naghiwalay ng landas ang ViceRylle.

"It's Showtimeee" sambit ni Karylle at ni Tyang Amy. Napaiwas naman ng tingin si Vice sandali dahil sobrang nasesexyhan siya kay Karylle. Nang tumingin muli siya kay Karylle ay hindi na niya napigilan at sinabing

"Sexy ni K oh!" nang lumapit na si K sa kanya ay agad niya itong hinawakan sa likod. Hinawakan niya din si Billy upang hindi siya mahalata na kay K lang siya humahawak. Naalala naman ni Karylle ang nangyari dati.

<Flashback>

Kasalukuyang nagkukulitan ang mga hosts sa stage at pinagmomodel si Karylle. Hindi nagdalawang isip si Karylle at agad na rumampa ng sexy at nang aakit. Bumalik siya sa tabi ni Vice at ginawa ang sayaw. Nabigla si Vice sa sobrang hot ni Karylle kaya napasigaw siya.

"Ang sexy tol!"

<End of flashback>

*Trabahusay segment*
Kasalukuyang nag spiels si Karylle at titig na titig si Vice rito. Nang matapos ang spiels ni Karylle ay nagsalita naman si Vice.

"I love you Ryan Bang. Ikaw ang pinakagwapo.." sinabi ito ni Vice ngunit kay Karylle ito nakatingin. Nakita naman ni Vice na medyo napapout si Karylle.

"WHAT ABOUT ME?!" sigaw ni Karylle na may halong paglalambing.

"Ha?" medyo kinilig si Vice dahil halatang naglalambing at nagpapacute ang nobya niya. Napatigil naman si Billy at Vhong dahil sa dalawa.

"what about meee?" lambing pa din ni Karylle.

"I love you too, K! You'r the sexiest on Earth."

Napatulala naman lalo si Vhong at si Billy ay gusto pang ipush kaso hindi niya magawa. Kinilig naman si Karylle dahil sa sagot ni Vice. Ang akala niya ay babarahin siya nito at isasama sa pagpapatawa ngunit nag I love you ito.

Nang magcommercial break ay nasa lounge sila at magkatext na lamang. May usapan sila na magkita pagkatapos ng trabaho nila sa showtime. Maya-maya lamang ay tinawag na sila dahil muli silang mag o-on air.

*Young tayo eh segment*

Sinabi na nila ang kanilang mga spiels at ipinakilala na ang guest. Gusto man maging clingy ni Vice ay hindi niya magawa. Maya-maya lamang ay lumayo muna si Karylle upang mag interview. Dahil nga lumilipad ang utak ni Vice at puro si Karylle ang laman ay parang robot siya na pasunod kay K ngunit natauhan siya nang magtawanan sina Vhong at Billy sa likod. Bahagya siyang napaatras.

"Miss na miss ah" puna ni Billy. kay Vice. Napatawa na lang si Vice at tuluyang sumunod kay Karylle upang mag interview din. May mga pagkakataon naman na hihilahin ni Vice si Karylle palapit sa kanya.

Nang matapos ang segment ay mahaba naman ang oras ng kanilang commercial break. Magkatext pa rin ang dalawa ngunit minsan ay sumusulyap sulyap sila sa isa't-isa. Dahil hindi naman hurado si Karylle ay sinulit na ng dalawa ang pagkakataon upang magsama dahil maya-maya din ay uuwi na si Karylle. Tumabi si Vice sandali kay Karylle. Nakita naman ni Vice na uupo sana si Vhong sa gitna nila ni Karylle. Sinamaan ng tingin ni Vice si Vhong. Nakita naman agad ni Karylle ang tingin ni Vice. Nagets naman agad ni Vhong ang tingin ni Vice kaya napatawa siya at lumayo na sa dalawa. Miski si Karylle ay napatawa sa ginawa ni Vice.

"Seloso." bulong ni Karylle ngunit sapat lamang upang madinig ni Vice.

"Hindi ako nagseselos." pabulong din na sabi ni Vice. Ngayon ay nagbubulungan lamang sila dahil bukod sa medyo maingay ay baka madinig ng mga tao ang kanilang pinaguusapan.

"Sus." pang-asar ni Karylle.

"Nang aasar lang talaga yun si boy gluta eh." inis na sabi ni Vice. Lalo namang napatawa si Karylle dahil tinapunan na naman ni Vice ng masamang tingin ang tawang tawa na si Vhong. Muling nag text ang dalawa dahil sa mas umingay at gusto nilang makasiguro na walang makakalam ng kanilang pinag uusapan. Bigla namang naalala ni Vice ang ganoong eksena.

<Flashback>

Kadarating lamang ni Vice sa lounge at si Karylle agad ang kanyang hinanap. Nang makita si Karylle ay agad siyang lumapit. Nakikipagkwentuhan naman si Karylle kay Vhong.

"Paupo ako." sambit ni Vice at umupo sa gitna ni Karylle at Vhong.

"Eh dito si bruh" sabi naman ni Karylle at pinipigilan na umupo si Vice kaya malikot ang kanyang posisyon. Ayaw namang umalis ni Vice at nakipagsiksikan pa. Nagulat na lamang sila nang kuhanan sila ni Jugs ng picture. Napangiti na lamang si Vice sa picture. Si Vhong naman ay nagpaubaya na. Kahit na maluwag na ang space ni Vice ay nakasiksik pa din siya kay Karylle. Hindi naman nagreklamo si Karylle dahil amoy na amoy ang pabango ni Vice at naaadik siya rito. Nagbubulungan naman sila at kunwaring may ginagawa sa cellphone.

<End of flashback>

Nang maalala ito ni Vice ay umalis naman na siya sa pwesto niya at sakto naman na tinawag na sila upang maghost. Si Karylle naman ay umuwi na.

Nang matapos si Vice sa showtime ay agad naman siyang umuwi dahil wala siyang masyadong gagawin. Nagpahinga lamang siya saglit. Hinanda niya ang kanyang hoodie, shades at cap upang hindi makilala ng mga tao. Nagpalit din siya ng kasuotan at ginawang panlalaki. Nagtext agad siya sa nobya.

To: Baby Kulot
Papunta na, Kurba.

From: Baby Kulot
Ingat sa pagdadrive, Pogi.

Nagmaneho na si Vice papunta kay Karylle. Nang makarating na ay agad naman siyang sinalubong ng yakap ni Karylle. Nagkwentuhan lamang sila at tila sweet na sweet pa. Wala silang sinayang na oras dahil alam nilang bihira na lamang sila maging ganito dahil minsan lamang sila makapagtago. Alam ni kasing magiging busy sila pareho. Nakatulog naman silang dalawa sa pagkekwentuhan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tagal ko di naka UD huhuhu. Sorry na mga sibs :( Dami na pala nakakita nito. Yeeeeey. First time ko. Sana po suportahan niyo pa. 💓 thank you and labyu mga sibs.

Offcam (ViceRylle)Where stories live. Discover now