POSSESSIVE 15: Phoenix Martin...

By CeCeLib

46.8M 950K 248K

Phoenix would rather stay rooted in Baguio and work his ass off rather than experienced the buzzing life in t... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE

CHAPTER 21

1.1M 27K 5.8K
By CeCeLib

CHAPTER 21

"NASAAN SI Phoenix?" Tanong ni Red kay Pierce na naabutan niyang nagbabasa sa sala. "Alam mo ba kung saan siya nagpunta?" Kanina pa niya hinahanap si Phoenix. Sabay silang natulog kagabi ng magkatabi, pero pagkagising niya, wala na ito. Akala niya may pinuntahan lang ito pero maghahapunan na at pa rin ang binata.

"He left," sagot ni Pierce na hindi man lang tumingin sa kaniya at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Saan siya nagpunta?" Tanong niya ulit. "Kailan siya umalis? Bakit siya umalis?"

Malakas na bumuntong-hinga si Pierce at sa wakas ay nag-angat din ng tingin sa kaniya. "Kaninang madaling araw pa siya umalis. Kung saan siya pupunta, hindi ko alam. Hindi naman siya nagsabi. At kung bakit siya umalis, hindi ko rin alam, hindi rin naman sakin kasi sinabi. Ngayon." humugot ito ng malalim na hininga, "Puwede ka na bang umalis? Kasi nakaka-isturbo ka na sakin. I'm in the middle of reading 'The Curse Child'."

Bumaba ang tingin niya sa binabasa nitong libro saka hindi niya maiwasang magtanong. "Which house are you?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Pierce. "Slytherin."

Lihim siyang napangiti. "Gryffindor here."

Napailing ito saka pinaalis na naman siya. "Go away. Ini-isturbo mo na talaga ako."

Inirapan niya si Pierce saka nagpunta siya sa kuwarto ni Titus. Wala na itong posas, mukhang tinanggal na iyon ni Blake. Ntutuwa siyang makitang kahit papaano ay maayos na ang lagay nito. Nakakapaglakad na ito ng tuwid pero hindi pa puwedeng masyadong magbuhat ng mabibigat na bagay baka mabinat ito.

"Are you okay?" Tanong niya ng makapasok sa kuwarto nito.

"Better than yesterday," sagot ni Titus saka nagsuot ng pang-itaas na damit at itinago sa bulsa ang cellphone nito na binalik niya rito nuong nagdaag araw. "Siyanga pala, on the way na si Moretti."

Natigilan siya sa paglalakad palapit dito. "Ano?"

Hindi puwede! Kailangan ko munang makita si Phoenix.

"Malapit na si Moretti," ulit ni Titus saka kunot ang nuong napatitig sa kaniya. "Bakit ganiyan ang reaksiyon mo?"

Parang may dumagan na mabigat na bagay sa puso niya. "A-aalis na tayo?"

Tumango si Titus. "Oo, kaya maghanda ka na."

Nag-iwas siya ng tingin habang nagtatagis ang bagang niya dahil sa paninikip ng dibdib niya. "S-sige."

Mataman siyang tinitigan ni Titus saka lumapit sa kaniya. "Ayos ka lang ba? Namumutla ka."

"Okay lang ako." Kaagad niyang tinalikuran si Titus saka naglakad palabas ng kuwarto. "Maghahanda lang ako."

Nang makalabas sa kuwarto, kaagad na namalisbis ang luha niya habang naglalakad. Hindi siya makahinga. Parang may sumasakal sa puso niya sa isiping aalis na siya at hindi na niya makikita si Phoenix.

Mabilis siyang pumasok sa kuwarto ni Phoenix kung saan marami silang ala-ala. Nasapo niya ang bibig at walang ingay na umiyak habang inaalala niya ang masasayang ala-ala nila ng binata na hinding-hindi niya makakalimutan.

She would never forget Phoenix. Never.

And now, they were living and she couldn't even say goodbye to Phoenix.

Bakit naman kasi ngayong araw pa ito umalis? Bakit hindi siya nito hinintay na magising bago umalis, e di sana nakapag-paalam siya, sana manlang nayakap at nahalik niya ito sa huling pagkakataon.

Humugot siya ng malalim na hininga saka pilit na pinakalma ang sarili. Pinigilan niya ang luha na gustong kumawala sa mga labi niya, habang inaayos niya ang maleta na pinakuha pa ni Phoenix sa yacht ni Titus para sa kaniya.

Tumulo na naman ang luha niya. Mabilis niya iyong tinuyo saka huminga siya ng malalim at pinilit niya ang sarili na hindi isipin si Phoenix.

Nang natapos siyang mag-ayos, lumabas siya ng kuwarto saka tinanong niya lahat ng tao sa bahay na 'yon maliban kay Titus at Pierce kung nakita ba ng mga ito si Phoenix at pare-pareho ang sagot ng mga ito, 'hindi'. Kaya naman hiningi nalang niya kay Beckett ang numero ni Phoenix at tinawagan niya iyon gamit ang telepono ng bahay.

Nakailang-ring din ang cellphone bago sinagot ni Phoenix ang tawag niya.

"Hello?" Anang pamilyar na baritonong boses ni Phoenix sa kabilang linya.

Humigpit ang hawak niya sa telepono at nilukob ng kakaibang saya ang puso niya ng marinig ang boses nito. "Phoenix? Si Red 'to." Hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil sa sayang nararamdaman. "Nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap? Umuwi ka muna rito, please, gusto kitang makita--"

"I have to go, Red."

Parang may kumurot sa puso niya dahil sa kawalang emosyon ng boses nito. "Pero Phoenix, I miss you and--"

"I have to go, Red."

Umawang ang labi niya ng patayan siya ng tawag ni Phoenix. Parang may sumakal sa puso niya sa sakit habang ibinababa ang awtomatibo ng telepono.

Kaagad niyang tinuyo ang luha saka huminga ng malalim. At nang makitang naglalakad palapit si Titus, tinuyo niya ang basang pisngi at nginitian ang binata para itago ang tunay niyang nararamdaman.

"Aalis na ba tayo?" Tanong niya.

Tinitigan muna siya ni Titus bago sumagot. "Yes. Nasa labas na si Moretti."

Tumango siya. "Sige, kukunin ko na ang maleta ko--"

"Kinuha ko na."

Nagbaba siya ng tingin. "Ganoon ba?"

"Yes." Ilang minutong natahimik si Titus habang nakatingin sa kaniya. Kapagkuwan ay nagsalita ito ulit. "Tinawagan mo si Phoenix?"

Tumango siya saka humugot ng malalim na hininga at nginitian si Titus. "Busy yata siya. Hayaan mo na 'yon. Umalis nalang tayo."

"Sige," ani Titus habang nakatigin sa kaniya na parang inaarok ang isip niya saka tinalikuran siya. "Halika na."

Kaagad siyang sumunod kay Titus sa paglalakad palabas ng bahay ni Phoenix. Hindi naman sila pinigilan ni Beckett, Pierce at Khairro na siyang natitirang tao sa bahay ni Phoenix. Wala na doon si Blake at Blaze, nawala nalang na parang bula ang dalawa.

Nang makalabas sila, mayroon nang kotse na naghihintay sa kanila sa labas. Si Titus pinasakay muna siya sa back seat bago ito sumakay sa passenger seat.

"Let's go, Nate," sabi ni Titus ng maisuot nito ang seatbelt.

Tumango ang lalaking nagngangalang Nate saka nilingon siya at tumango. "Hello, princess," bati nito sa kaniya. "I'm Nathaniel Moretti, Titus' cousin from his father side."

Napakurap-kurap siya. "Isa ka ring Ivanov?"

"My mother is an Ivanov," paliwanag nito habang pinapausad ang sasakyan. "Nakilala niya ang ama ko ng magbakasyon siya rito sa Pilipinas at dahil do'n, hindi na umuwi si mommy sa Sicily at nanatili nalang rito sa Pilipinas para makasama ang ama ko. They fell in love at first sight, and boom, hello me."

Napangiti siya. "Nakakatuwa naman pala ang love story ng mga magulang mo."

"Yeah." Nginitian siya ni Nate ng magtama ang mga mata nila sa review mirror. "My father is dead, though. Pinatay siya ng mga tauhan ng ama ni mommy."

Kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Ano?"

Titus clicked his tongue. "That's because forever doest exist," sabad ni Titus. Puno ng pait ang boses nito. "It's a lie and a fucking daydream."

Mahinang natawa si Nate habang inaapakan nito ang selenyador ng kotse para mas bumilis pa ang takbo nila. "I bet my future wife is now thinking forever with her boyfriend." Napailing-iling ito na nakangiti, "I'll see you in a few years, baby."

Mahina siyang natawa at nailing. Magpinsan nga ang dalawa, parehong pananaw sa pag-ibig.

Tumiim ang mga labi ni Red ng makitang palabas na sila ng Baguio. Isinandal niya ang katawan sa likod ng backseat at tumingin sa labas ng bintana.

Phoenix...

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilang manubig ang mga mata niya. Phoenix was busy with something. At wala itong oras na umuwi at makita siya. Ayaw niyang masaktan pero hindi niya mapigilan, e. Nasasaktan siya sa isiping aalis siya at magpapakasal sa iba na hindi man lang ito nakikita.

Vlaca!

"Ayos ka lang ba, Red?" Tanong ni Titus na bumasag sa katahimikan niya.

"I'm fine," sagot niya ng hindi tumitingin sa binata. "Don't mind me."

"Tumawag pala sakin si patri kagabi. Nakahanda na daw ang lahat para sa kasal natin," imporma sa kaniya ni Titus. "Nang sabihin ko sa kaniyang nasa akin na ang seal, sapat na daw 'yon para maikasal tayo. Nawawala din rin naman kasi ang crest. Sapat ka na daw at ang seal para matuloy ang kasal. Unless my brother shows up with the crest and his own bride. And well, since you're the only bride left, I think we're good. Kailangan natin itong madaliin bago ka pa makuha ng kapatid ko. Matatapos din 'to."

Tumango siya at nanatiling tahimik.

"Pagdating natin sa Manila, aalis kaagad tayo patungong Sicily," dagdag nito.

Tumango siya.

"Are you really okay, Red?" Tanong ulit nito.

Tumango siya, nanatiling walang imik.

Narinig niyang malakas na bumuntong-hininga si Titus at hindi na siya kinausap. Siya naman ay nanatiling nakatingin sa labas ng bintana habang nasa biyahe. Hindi siya umimik hanggang sa makarating sila sa airport.

It was a quiet ride. Isang pribadong eroplano ang sinakyan nila ni Titus at kasama nila si Nate na umaaktong bantay nilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit ito sumama sa kanila, pero hindi na siya nagtanong. Hindi naman niya kailangang malaman.

Isang nakakabagot, nakakatamad at napakahabang biyahe ang naranasan ni Red patungong Sicily. Tumigil sila sa ilang bansa para lagyan ng fuel ang eroplano at para kumain na rin at umalis din sila kaagad.

Nang makarating sila sa Sicily, nang umapak ang mga paa niya sa lupa ng bansang sinumpa niya noon na hindi na babalikan pa, mahina siyang natawa kasabay ng pagragasa ng takot sa buo niyang katawan.

Welcome back to Sicily, Red, aniya sa sarili.

Everything that could and would destroy her life would happen here in this country. At wala nang Phoenix ngayon na magpapasaya at magpapagaan sa dibdib niya.

She was all alone now. With Titus. And this was her choice. Ito ang pinili niya kaya dapat panindigan niya ang sakit na nararamdaman.

Wala nang balikan ngayon. Wala nang talikuran.

"Let's go?"

Napabaling siya kay Titus na siyang nagtanong at nakalahad ang kamay nito sa kaniya. Napatitig siya sa kamay nito saka humugot ng malalim na hininga bago tinanggap ang kamay nito at tumango.

"Halika na."

Pinisil nito ang kamay niya. "Handa ka na?"

"Hindi," pag-amin niya. "But let's just get this over with."

Tumango si Titus saka giniya siya palapit sa itim na sasakyan na naghihintay sa kanila. Siya ang una nitong pinasakay bago ito sumunod at si Nate.

Kumunot ang nuo niya ng makitang binuksan ni Nate ang attache case nitong dala at nakitang may lamang iyong dalawang klase ng baril. Inilibas ni Nate iyon at nagtig-isa ang mga ito at si Titus.

Binasa niya ang nanunuyong labi. "Bakit may baril kayo?"

"Hindi natin alam ang mangyayari," sabi ni Nate habang nilalagyan ng bala ang baril. "Mabuti na ang handa. Alam mo naman ang pamilyang Ivanov, masyadong bayolente ang takbo ng mga utak nila. Kahit pa nga negosyo na ang tinututukan nila ng pansin, nasa dugo pa rin nila ang pagiging mafia."

Nag-iwas siya ng tingin at itinuon nalang ang atensiyon sa dinadaanan nila.

Bahagyang kumunot ang nuo niya ng mapansin ang motorsiklong nasa gilid ng kotseng sinasakyan nila. Napansin niya iyon kasi ng lumiko ang sinasakyan nila, lumiko din ang motor. Sigurado siyang sinusundan sila ng motor. Sa takot na baka isa 'yon sa mga tauhan ni Emmanuel, sasabihin sana niya kay Titus at Nate ang napansin ng mahagip ng mga mata niya ang relong pambisig na suot ng nagmomotor.

Kapareho iyon ng relo na binigay sa kaniya ni Phoenix, kapareho ng desenyo, kapareho ng kulay, desenyong panlalaki nga lang. Para siguraduhin, bumaba ang tingin niya sa relong suot niya saka binalik niya ang tingin sa nakamotor, pero nawalan na siya ng pagkakataong siguraduhin 'yon kasi wala na ang nagmomotor.

Kinapa niya ang dibdib, iba ang tibok niyon. Pero kailangan niyang ipapaalala sa sarili na imposibleng nandito ang lalaking mahal niya. Ayaw nga siya nitong makita, e.

Hanggang sa makarating sila sa isang napakamalaking mansiyon na puwede nang maging palasyo dahil sa laki niyon, naroon pa rin ang kakaibang kabang nararamdaman niya. Pero kaagad iyong nawala ng makita niya ang napakaraming bantay na nakapalibot sa malaking mansion, at bawat isa sa mga 'yon ay may hawak na mga dikalibreng baril.

Natigilan siya ng hawakan ni Titus ang kamay niya. Napatingin siya rito.

"Huwag kang mag-alala," anito na pinapakalma siya. "Nandito ako, hindi kita pababayaan."

Tumango siya saka sumunod na lumabas kay Nate. Habang naglalakad sila papasok, lahat ng mata ay nasa kanila. Nang makarating sila sa pinto, sinalubong sila ni Mauricio, ang butler at personal na body guard ni Rinaldi Ivanov na ni Titus at ang pinuno ng pamilyang Ivanov.

"Welcome," pagbati nito sa kanila saka binuksan ang pinto para sa kanila. "Emmanuel is not here. You are safe, princess," sabi ni Mauricio sa kaniya at nakangiting bumaling kay Titus. "It's nice to see you again, Titus. It's been years. Your mother misses you."

Tumiim ang bagang ni Titus pero hindi ito nagsalita at tumango lang.

Kapagkuwan ay bumaling si Mauricio kay Nate. "It is nice to see you again, Nathaniel. How's the Lady Ynalina?"

Walang emosyong ngumiti si Nate kay Mauricio. "Still graving for my father that your men killed."

Mauricio chuckled. "Pity."

Nate smile never faltered. "Not really."

Tango lang ang tinugon ni Mauricio saka inilahad ang kamay sa harapan nila. "Please, follow me."

Walang imik silang sumunod kay Mauricio hanggang sa ihatid sila nito sa isang malaking opisina na nagsisilbing library na 'rin. Iyon ang opisina ni Rinaldi Ivanov kapag nasa bahay ito at naroon nga ang lalaki, parang hari itong nakaupo sa swivel chair, nakasiklop ang kamay nito na nasa ibabaw ng mesa.

"Good afternoon," magiliw na bati ni Rinaldi Ivanov sa kanila saka bumaling kay Titus. "How are you, my son?"

Sa halip na sagutin ito, nagtanong si Titus. "Where's my mother?"

"Oh." Rinaldi smiled. "She's in her room. She misses you."

Tumiim ang bagang ni Titus. "We're here now so let my mom go."

Umiling si Rinaldi, nanatili ang ngiti sa mga labi nito. "That's not our deal, my son. You get wed first, give me an heir that will continue our family's legacy, and then I will let your mother go wherever she wants to go."

Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni Titus at ang pagtiim ng bagang nito.

Rinaldi clicked his tongue and shook his head and the smile on his face widened even more. "Clenching your fist and gritting your teeth won't get your mother back, my son. We have a deal after the chaos you made three years ago. Stealing Emmanuel's bride, taking her with you in the Philippines, and the latest, stealing the seal in the Dragon Liege, one of Emmanuel's fortress. What you did is punishable by death in Ivanov's family. But, since you are my son, I'm giving you the benefit of the doubt, and I let you compete for three years with your brother to see who is more capable, skilled, experienced, smart and cunning enough to lead our family to the top.

"And standing here in front of me, after surviving for three years from Emmanuel's failed attempt to get the princess back from you only means that you are more qualified than your older brother. And if you want the family's empire and wealth and you want what's best for your mother, I suggest you better deliver the end of our deal." Rinaldi smiled. "Because if you don't, I will not hesitate to kill you, imprison your mother here, and marry off Princess Rhoana Elyzabeth Dadaria to Emmanuel and all the wealth that you desire will be given to your older brother."

Huminga ng malalim si Titus saka pilit na ngumiti. "Let's do it, then."

"The wedding will be the day after tomorrow. I want this fast. I don't want Emmanuel to ruin this wedding because I trust your capabilities more than him." Tumayo ang ama ni Titus saka namulsa at bumaling sa kaniya. "Princess, welcome back. You will be put in another room and it will be heavily guarded. You are not allowed to leave. While you, my son—" Bumaling naman ito kay Titus. "We will go somewhere after my appointment." Rinaldi smiled and walked towards Titus. "And a piece of advice my son, make your smile more genuine." Tinapik nito ang pisngi ni Titus. "Now, leave, all of you. I have an appointment with an ex-seal, ex-convict. He said that he have an important piece of jewelry that I will be very interested to have which I'm very curious of."

"Ex-seal?" Gagad ni Titus, bakas sa boses nito ang kaba. "May I know the name of this person you're meeting?"

"No, you may not." Bumalik ito sa kinauupuan. "Now leave."

"Yes, patri," ani Titus saka hinawakan siya sa kamay at lumabas sila sa silid kasama si Nate.

Nang makalabas sila, kaagad na humarap si Titus kay Nate. "Tingnan mo kung sino ang ka-appointment ni patri tapos sabihin mo sakin. I have a bad feeling about that appointment."

"Consider it done," tugon ni Nate saka tumalilis ito ng alis at naiwan sila.

Bumaling sa kaniya si Titus. "Mag-ingat ka. Huwag kang lalabas. I'll see you at the wedding."

Tumango siya. "Mag-ingat ka rin."

Tumango si Titus saka sinamahan siya nito patungo sa dati rin niyang silid na inukupa niya roon.

"Pasok ka na," ani Titus.

Tumango siya saka pumasok. Bago niya isara ang pinto, nakita niya ang nagkukumpong guwardiya sa labas ng kuwarto niya. Malalim siyang napabuntong-hininga saka isinara ang pinto at humarap sa kuwarto niya noon.

"Welcome back to hell, Red," mahina niyang sambit saka naglakad patungo sa balkonahe at hinawi ang puting kurtina na nakatabing doon.

Then, her heart seemed to stop beating and her mouth parted open in surprise when she saw the man leaning beside the beam of the terrace.

"A-anong g-ginawa mo r-rito..." Hindi makapaniwalang sambit ni Red habang nakatingin sa lalaking nagpatigil ng pagtibok ng puso niya.

Phoenix's lips tugged up as he looked at her in the eyes. "You don't think I'll actually let you go, do you?"

Nanatiling nakaawang ang mga labi niya at hindi siya nakapagsalita. Hindi niya alam ang sasabihin. nakatanga lang siya sa binata na hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ngayon. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.8K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

88.8K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
140M 3.6M 136
Knight Velasquez would willingly and silently sacrifice himself in order to protect the people he cared the most about, even if it meant endless trou...
19.6M 1M 75
Struggling with commitments, savage and independent Zehannah Sevil is ready to be single for the rest of her life. But as she continuously crosses pa...