Cali's Queen (Completed) EDIT...

De Veldet_Ayesha

1.7M 41.5K 3.5K

WARNING R:18 In a famous Belief, every person in this world has their own lifetime partners or the so-called... Mais

Cali, The Human Peste
CQ-2
CQ 3
CQ-4
CQ-5
CQ-6
CQ-7
CQ-8
CQ-9
CQ-10
CQ-11
CQ-12
CQ-13
CQ-14
CQ-15
CQ-17
CQ-18
CQ-19
CQ-20
CQ-21
CQ-22
CQ-23
CQ-24
CQ- 25
CQ-26
CQ-27
CQ- 28
CQ-29
CQ-30
CQ-31
CQ-32
CQ-33
CQ-34
CQ-35
CQ-36
CQ-37
CQ-38
CQ-39
CQ-40
CQ-41
CQ-42
CQ-43
CQ-44
CQ-45
CQ-46
CQ-47
CQ-48
CQ-49
CQ-50
CQ-51
CQ-52
CQ-53
CQ-54
CQ-55
CQ-56
CQ-57
CQ-58
CQ-59
CQ-60
CQ-61
Final Chapter
EPILOGUE

CQ-16

28.1K 623 35
De Veldet_Ayesha

His Queen 16

I watched Cali as he cheerfully fed Storm, Eiji, Trek and Sven. The chicks.

Yes. Mga sisiw.

May nakita kasi siyang mga de-kulay na sisiw habang papunta na kami sa bahay ng Lolo at Lola niya. Takang-taka talaga siya na halos ayaw na niyang lubayan iyong maliit na de-gulong na tulak tulak ni Manong. Nagpapalabunutan daw ito. Ayaw pa ngang ibenta kay Cali, dahil dapat kailangang mahulaan iyong nakasulat sa papel na binubunot. Nung mag offer si Hidalgo na bibilhin niya kahit magkano, aba! Si Manong daig pa ang mangongotong!

Eh, iyon nga. Medyo tanga si Hidalgo, inabutan niya ng two thousand iyong matanda, kung hindi pa ako umangal baka nagoyo na siya dahil sinasabing kulang pa daw ng five hundred. Talipandas na iyon.

''Do you think, they will still have their colors kahit na maging manok na sila?''

Napatanga ako kay Cali. Ay shunga talaga? Saan siya nakakita ng sisiw na kulay violet? Kulay pink? Kulay orange at kulay green? Hindi ba niya nakita iyong mga manok ng lolo niya sa likod bahay?

''Seryoso ka ba dyan sa tanong mo Hidalgo?'' I crossed my arms. Nqgsalubong naman ang kilay niya at hinayaang kumain sa kanyang palad ang mga sisiw.

''Bakit? Anong mali sa tanong ko?''

Ay jusko.

''Hidalgo, ngayon ka lang ba nakakita ng sisiw? Kaya hindi mo alam ang totoong mga kulay nila?'' Mabilis siyang tumango. I took a deep breath, tumalungko ako at tumabi ng upo sa kanya. ''En, that's not their real color okay? Kinulayan lang sila ng letseng Mama na iyon. Chicks usually have a faded yellowish color or iyong parang batik na black and white sa feather nila. Hindi ganyang bright colors.'' I rolled my eyes.

''Then why do they have this color?''

Sinamaan ko siya ng tingin. Kakasabi ko lang na kinulayan, tatanga-tanga talaga, Letse! Nabubuisit akong tumayo at tinalikuran siya.

''Huy! Where are you going? I'm still feeding our child!"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Agad ko siyang nilingon at pinagtaasan ng kilay. The fvck...Child? Kailan pa ako nagkaroon ng lahi ng manok? Hindi ako nainform na may tuka at pakpak na pala ngayon ang lahi ko. "Child?''

''Ahuh?'' he wiggled his brow. Tinuro niya iyong mga sisiw. "Ayaw mo naman kasi akong paiskorin, edi nag-addopt nalang ako ng sisiw."

"Eh kung iyan kayang mukha mo ang gawin kong score board!" pinandilatan ko siya bago sumulyap doon sa mga sisiw. "Wala akong lahing Mulawin, Hidalgo, pwede ba!"

Malakas siyang natawa, bago pinagpag ang kamay. Binalik niya doon sa cage iyong mga sisiw. Saka tumakbo papunta sa akin. He was about to hold my hand ng pandilatan ko ulit siya. "Maghugas ka ng kamay bago mo ako hawakan, their feets are stomping at their own dirt. Tapos ihahawak mo sa akin, eh inaapakan nila yung kamay mo. That's so eww, Hidalgo."

"Arte nito." Ngumuso siya at tumakbo papunta sa mga kulungan ng Kabayo. May gripo kasi doon.
Binabati siya nung halos lahat ng mga nadadaan doon, probably, mga trabahador ng Lolo niya. Pumihit ako paharap sa malawak na palayan. Napakalamig sa mata ang makita ang berdeng paligid, iyon bang hindi poluted air ang nasasagap mo. I really like here, nakakarelax.

"Hi!"

Nilingon ko ang bumati sa akin. Napansin ko agad iyong hikaw na krus na nasa kaliwang tenga niya. Kumikislap kasi iyon sa tama ng araw.

"Ma-ooffend na ba ako, at mas napansin mo pa iyong hikaw ko?''

Saka pa ako tumingin sa pagmumukha niya. Hindi naman ito pangit, infact. Gwapo rin siya. At wala akong pakialam, tinaasan ko siya ng kilay. Feeling close masyado. Gwapo nga, pero mukhang mahangin. Baka hindi ko kayanin, si Hidalgo nga kung minsan natatangay na ako. Dadagdag pa ito.
''May kailangan ka?'' tanong ko sa kanya, dahil hindi padin siya lumalayas sa maganda kong paningin.

"Dapat ang tanong mo, sino ako. Diba?''

"Hindi ako interesado sa pangalan mo. May kailangan ka sa akin? Kasi kung wala, alis na." Nasaan na ba iyon si Cali, kay tagal-tagal maghugas ng kama--Naningkit ang mga mata ko ng makitang busy na siya sa pakikipaghalak-hakan sa kung sinong dalagang bukid.

"Ah...Si Laila yan."

Umismid ako. "Hindi ko tinatanong, at wala akong pakialam." buisit na Cali ito, nalingat lang ako. Naglumandi na! Akala ko maiinis iyong feeking close kong kausap, kaso tumawa siya. May sayad pa yata.

"Ang sungit mo naman. My name is Break Summereux Nightcliff." he extended his hand. "You can call me Break."

Tumitig ako sa kamay niya. Ng hindi ko abutin iyon ay umasim ang mukha niya. "Nice meeting you Break, you're so handsome." parang tangang kinamayan niya ang sarili. Dahil doon ay napatawa ako.

"Azula. Quinn Azula."

Bigla siyang ngumiti at lumabas pantay niyang mga ngipin. It looks fake sa sobrang ganda non. "You're pretty kapag nangiti ka." aniya pa. Pinaikot ko ang mga mata sa kapreskuhan niya. "You're with Cali?"

Nilingon ko ulit si Cali. Busy padin siya sa pakikipag-usap. Talagang nalimutan na niyang kasama niya ako ah! Batuhin ko kaya sila ng bato? O kaya ng tsinelas ko?

"You look murderous." singit na naman ni Break. Siya ang nilingon ko at tinaasan ng kilay.

"Gusto mo, sa iyo ko gawin ang naiisip kong gawin sa kanila?" He let out a soft chuckle, bago hinawakan ang aking siko at iginiya ako patungo kina Cali. Hindi ako nakapiyok agad, ang init naman kasi masyado ng kamay ng letseng Break na ito.

"Hey, fucktard." tawag niya kay Cali. Lumingon ito sa amin, saka pa talaga niya naisipang lumingon ha? Bumaba ang tingin niya ang sa kamay ni Break na nasa siko ko, bago tumalim ang mata.

"Don't touch her, she's mine."

"Wow, parang kanina lang hindi mo maalalang kasama mo ako ah?" Sarkastikong wika ko sa kanya. Nilingon ko iyong Dalagang Bukid na kasama niya. "Ano ka naman?"

"Quinn." Saway agad sa akin ni Hidalgo. I gave him my sharpiest glare.

"A--Ano...Ako si Laila." Alanganin siyang ngumiti sa akin. Akala ko tapos na iyong kaharutan niya pero di pa pala. Dahil umabrisyete pa siya sa braso ni Hidalgo. Gaga ito ah! "I am Cali's Chilhood Friend."

"So kailangan, umabrisyete kapag nagpapakilala?" pumiksi ako sa hawak ni Break at inisang hakbang iyong si Laila. Laila the Malanding Dalagang Bukid. Nanlaki iyong mata niya at agad na napaatras. Duwag naman pala. Binalingan ko si Cali. "Nagugutom na ako, baka gusto mo na akong pakainin. O baka gusto mong iba ang pakainin ko?" Tinalikuran ko sila matapos umirap ng sobra. "Laila.Laila."

Nahagip ng paningin ko ang pigil na ngumingiting si Break. Agad ko siyang pinandilatan at tinaas naman agad niya ang dalawang kamay. Magkakasundo kami nito ni Boy Hikaw. Sumasaludo sa akin eh. Nauna na akong naglakad pabalik sa bahay ng Lolo niya. Kung ayaw niya kumain di wag niya! Bakit ko gugutumin ang sarili ko kung pwede naman akong kumain ng kumain hanggang hindi na ako makatayo sa kabusugan ko.

Pero letse siya. May de paloyal-loyal pa siyang nalalaman, tapos sa isang Dalagang Bukid lang. Nalilimutan na agad niyang may kasama pala siya!

"Hoy, Break! Tagarito ka diba? Pakainin mo nga ako, kunwari ako ang bisita mo." Letse. Naiirita ako sa pagmumukha ng Laila na iyan!

"Quinn Azula!" Sinamaan ako ng tingin ni Hidalgo. Ulol. Magsama kayo ni Laila mo. Gago.

Ngumiti ng malaki si Break sa akin. "Sure!" Then he run after me.

''Subukan mo lang Break! I'll break you into pieces!" Hidalgo, angrily shout at him again, ngunit deadma ako. Nilingon ko siya at lalo lang nag-init ang ulo ng makitang di parin niya inaalis iyong kamay ng babaeng iyon sa braso niya. Oh, gusto niya magabrisyetehan? Magsama kayo mga Punyeta.

Naiinis ako! Nagagalit ako! Dammit! Makaalis na nga lang talaga!

----------------------

Kanina ko pa naririnig ang buntong hininga ni Hidalgo, hindi naman ganoon kalakas ang sounds sa earplugs ko. Hindi miminsang lilingunin niya ako at kakagat sa labi niya. Magdusa ka dyan, letse ka. Huminto kami ng mag Red ang traffic lights sa intersection.

"Queen...Kausapin mo na naman na ako, oh."

Hindi ako umimik.

"Hindi ako makapagfocus sa pagmamaneho, knowing that you're mad at me."

Hindi parin ako naimik.

"Queen, naman. Talk to me please!" nag elevate pa siya ng konti sa upuan niya. Hindi parin ako umiimik. Bahala ka sa buhay mo, Hidalgo. Kanina lang kay landi-landi mo dun sa Laila mo. May di pa sabi-sabi ka pang...'Let's catch up, kapag nasa Manila kana.' Letse.

Ng hindi parin ako umimik ay inihinto na naman niya ang sasakyan. So I decided to speak, but no speak about Laila and him. "Drive, Hidalgo. Kung ayaw mong tumalon ako palabas, mula dito sa kotse mo." Narinig ko siyang nagmura, bago nagpatuloy sa pagmamaneho. Pinikit ko ang mga mata at sumandal sa headrest.

I hate this. I really hate this feeling. Iyong feeling ba na alam mong anytime, pwede kang maisantabi. Iyong feeling na, kayang-kaya kang isantabi para lang sa ibang bagay o ibang tao. Dahil bakit kailangan mong isantabi ang isang tao, kung pwede mo naman silang bigyan ng pantay na atensiyon di ba? Hindi ko naman hinihingi sa kanya na buong atensiyon niya akin lang.

Ayoko lang na nababalewala.

Kulang ba ako sa atensiyon? I don't know, and I don't care. Dahil iyon ako. And I don't plan of changing that attitude of mine, para lang mag-fit ako sa mundo niya. If he can't stand me, being an attention seeker. Then we better end this immediately. Huminto ang sasakyan, kaya't napadilat ako. Binuksan ni Cali iyong pinto sa driver side bago siya umikot patungo sa akin. Mag-iisip na sana akong tanga talaga siya, kung hindi pa niya nabuksan iyong pinto sa side ko. So he unlocked the door kanina? Bakit hindi ko alam iyon?


Kinalag ko na ang seatbelt ng hindi parin naimik, and as soon as I face him ay yumakap agad siya.

"Sorry na." he murmured. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at mahigpit namang hinawakan ang aking kamay. Pinigilan kong mapangisi, dahil talagang nakakaawa iyong hitsura niya. ''Hindi ko naman alam na magseselos ka. Eh, di sana sinabi mo diba?''

Napanganga ako sa sinabi niya. Ako magseselos?!

Bakit hindi ba?

I was caught off guard by my own thoughts. "G--Gago! Hindi ako nagseselos! Ang lakas mo ha?" kapal ng mukha nito. Nginisihan lang ako ni Cali. Hindi parin binibitawan ang kamay ko.
"Bitaw nga!"

"Deny pa, Mahal na Reyna. Sige lang, hanggang saan mo kaya, kayang panindigan yan?" tumatawa-tawang sabi niya padin.

Sumimangot ako at hinigit ang aking kamay. Still, hindi parin niya binibitawan iyon. Kapal ng mukha ng gagong 'to. Ako nagseselos? Pagbuhulin ko pa sila ng Laila niya eh! Again, I tried to pull my hand back. Ngunit tumawa lang siya ng nakakaloko.

"Ano ba?!" naaasar na naman ako.

Hindi siya umimik ngunit ngumuso lang at kinindatan ako. Ano raw? "Anong nginunguso-nguso mo? Gusto mo tapyasin ko yang nguso mo?" mataray kong singhal sa kanya.

Cali, crutches his nose. "Ang slow talaga minsan." bumulong na naman siya, ngunit di ko nagets. Bubulong-bulong pa kasi!

"En! Let go of my hand, papasok na ako." I hissed him again. This time ay siya naman ang umirap at ngumuso na naman. Napipikang tinampal ko ang labi niya ang gamit ang isa kong kamay.

"Oo na nga diba? Bakit ko pa nga ba sasabihin, kung pwede ko namang agad gawin."

Nagsalubong ang kilay ko sa dinadal-dal na naman niya. Hahatakin ko na sana ulit iyong kamay ko, ngunit hinatak niya naman iyon palapit sa kanya. Sinalubong ako ng kanyang labi. At wala naman akong nagawa kundi ang mapatanga. Habang siya ay nakapikit ang mga mata.

----------------

Kanina pa nakaalis si Cali, ngunit nakatayo padin ako sa labas ng bahay namin. Mga galawang Hidalgo talaga. Kahit paano nawala na iyong asar ko sa kanya kanina. Kung dahil ba sa sorry niya o dahil sa halik niya. Nag-init ang pisngi ko ng maalala iyon.

Jeez! Azula, nagiging malandi ka narin kagaya ni Hidalgo. Nahahawaan ka na niya!

Pinilig ko ang ulo at napangiti ng wala sa hulog. Pumasok na ako sa loob ng bakuran namin bitbit ang aking bag, ng mapansin ko ang isang di pamilyar na kotse sa garahe namin. Bumili ba si Mama ng bagong kotse? Pero bakit siya bibili?

Nagtatakang dumiretso na ako sa loob at hinanap si Mama, nagsasawa na ba siya doon sa D-Max niya?

Mula sa sala ay sumilip ako sa kusina, only to feel irritated again. Nandito na naman yung Tatay ko at mukhang may sabit pang kasama, hindi nila ako nakita dahil mukhang dibdiban ang usapan nila. Well, much better. Ayokong makipagplastikan sa kanila. Parang tanga kasi! Hindi ba niya iniisip, na binibigyan lang niya ng sakit sa ulo at problema si Mama? Sa dam ng chismosa sa paligid, baka pababa pa lang siya ng sasakyan niya, may nabuo ng kwento sa isip ng mga punyetang chismosa na iyan.

Tapos etong si Mama naman, mukhang bukas palad pang tinanggap ang Tatay kong gago. Mukhang pati nga yung gwapong lalaki na kasama niya, inentertain pa ni Mama. Letse nayan! Sure naman akong alam ng lalaking iyon ang tungkol sa Mama ko at sa Ama niya. Nakakairita pa, para bang napakaseryoso ng usapan nila. Ano, nahuli ba niya sina Mama? Tapos kinokompronta niya? Sigurado naman kasi ako na may iba ng pamilya ang Tatay ko. Sa walong taon ba naman na iyon, mabubuhay siyang mag-isa? At lalaki pa siya? Tangina, ipapaputol ko ang dalawang kamay ko kung sakaling single pa siy--Well, pakialam ko ba?

Tumalikod na lang ako, bago ko pa mamura ang Tatay ko. Ngunit nasa punong hagdan pa lamang ako ng matigilan na agad ako.

"Hanggang kailan niyo itatago sa kanya, Tita?''
Itago ang alin? "Your Daughter is really smart, I'm sure she will find it out, kahit pa itago niyo ang totoo."

Hindi na ako nakagalaw pa. Iyong paa ko ay napirmi sa unang baitang ng hagdan. Anong totoo...

"Sasabihin ko din naman sa kanya, hindi pa lang siguro ngayon. " Nagbuntong hininga si Mama. "You see, masyadong matigas ang anak ko, masyado siyang malamig, masyadong mailap. Siguro sa tamang panahon, kapag naghilom na iyong sugat na ibinigay natin sa kanya."

Hinamig ko ang sarili at mabilis na umakyat ng hagdan. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay nilock ko agad iyon, napaupo ako sa dulo ng aking kama at tumitig sa carpet ko. Walong taon na, and still I didn't have any sigle idea kung bakit nga ba hindi na bumalik ang Tatay ko sa amin. Hindi naman sila nag-aaway ni Mama. Tandang-tanda ko namang lagi silang masaya. So why did he left us?

Does, Mama knew the reason, eversince he disappeared on our lives?

Pero kung alam man niya, bakit niya itinatago sa akin. Bakit ayaw nilang sabihin?

Humiga ako sa kama ko at tumagilid. Niyakap ko ang mga binti, kahit pa magmukha akong fetus. Iyong lalaki...Sino ba siya? Anong alam niya? Bakit parang mas may alam pa siya sa dahilan ng Tatay ko sa pag-iwan sa amin, kesa akin? Bakit parang matagal na silang magkakilala ni Mama?

Malalim akong napabuntong hininga at napapikit. Ano ba talagang totoong dahilan ng Tatay ko, at iniwan niya kami? Anong nangyari sa walong taon na iyon at hindi man lang niya nagawang magpakita para magpaliwanag? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon kung kailan, nakatanim na sa isip at puso ko ang epekto ng ginawa niyang pagabandona sa amin...

--------------------

Naalimpungatan ako ng may marahang yumugog sa aking balikat. Nagpupungas na nagmulat ako ng mata at tiningnan kung sinong gumising sa akin.

"May bisita ka..." Nakangiting ani Mama. Tapos ay dumiretso siya sa bintana ng kwarto ko at binuksan iyon ng malaki. Saka ko pa napansin na madilim na pala. Bumangon ako sa kama at akmang didiretso sa banyo ng makarinig ako ng tunog ng gitara at piano?

Mula sa labas.

Agad kong inayos ang magulong pagkakaipit ng aking buhok saka dumiretso sa bintana. Tumambad sa akin si Cali, kasama ang buong gang niya. Minus, Storm Alexis, na mukhang manghaharana pa yata!

"Shit..." I muttered.

"Mahal na Reyna!" Sigaw niya mula sa ibaba. "Alam ko kasing nagselos ka kanina. Hindi ko naman alam ang gagawin para talaga okay na tayo." Ngumiti siya sa akin. Iyong ngiting nagsusumamo na ewan. Damn...Para akong aatakihin sa puso. "Haharanahin na lang kita. Wag mo akong pagtatawanan! Hahalikan kita kahit nandyan ang Mama mo."

Narinig kong tumawa si Mama sa gilid ko.

"Tapos, pagbati na tayo. Pa-score na ako ah!" Kumindat pa siya. Namula ang buong mukha ko lalo ng malakas na namang tumawa si Mama, pati iyong mga kapitbahay naming nakikiusyoso.

Shit! Nakakahiya ka talaga, Hidalgo!

Continue lendo

Você também vai gostar

2.1M 41.9K 47
If you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and...
33.2K 1.1K 53
ALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Kather...
9K 175 23
Noah Sandoval--Popular for being a Bachelor and a young owner of the leading Airline Company in the Philippines, always get the woman he wants. In h...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...