Project: Black Out (Philippin...

By EMPriel

50.1K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... More

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)

555 22 0
By EMPriel

"You're different. Sooner or later, different scares people. You think if you don't fight back then maybe they'll like you, stop picking on you and calling you a freak. Victim or not, make a decision."

-The Accountant


"Natatakot ka ba? 'Yon ang tanong niya sa akin. Hindi man ako makapagsalita ay tumango na lang ako para lang sumagot. Walang silbi ang takot kung hindi mo mararamdaman ang lahat," sambit ni Dylan habang isinusuot ang isang puting t-shirt.

Mula naman sa kadiliman ay sumulpot si Victor, nakangiti at napapailing.

"Natakot ka nga ba?" tanong niya.

"Ano nga ba ang silbi? Naroon ako, nakahiga, naghihintay...na maramdaman ang sakit, na mawala sa sarili, na mawalan ng pakiramdam. Na maging katulad ng kadiliman na ibinigay mo sa akin," sagot naman ni Dylan. Hinawakan naman siya sa balikat ni Victor bago siya nilampasan.

"Alam mo ba kung gaano ako katakot noong mga panahon na iyon Dylan?" tanong ni Victor. Kinuha niya ang isang bote ng scotch at isinalin sa isang maliit na baso bago iyon angatin ng kanyang kanang kamay.

"Alam ko...ipinakita mo sa akin," sagot ng binata. Sa isang iglap ay hawak na ni Dylan ang baso sa kanyang kanang kamay at nilagok ang laman nito. Hindi naman makita sa paligid si Victor na tila ba naging anino lamang sa madilim na kwartong iyon.

"Ang lahat ng tao ay takot sa kamatayan..."

Lumitaw muli ang boses at sa sofa sa gitna ng kwartong iyon nakaupo si Victor. Tila nilalaro ang tatlong piraso ng baraha sa kanyang mga daliri. Ipinapakita ang tatlong baraha ng queen, king at jack at sa isang pitik ay nagiging tatlong king.

"Kaya tingnan mo, hindi tayo mapakali sa mga gamot, mga pampabata, mga pangontra sa sakit...hanggang sa mabuo ang memory gene. Isang kahangalan ang paniwalaan na ang kumitil ng isang buhay ay ang pahabain ang isa pang buhay," pagpapatuloy ni Victor. Napakunot naman ng noo si Dylan at kinamot ng madiin ang kanyang memory gene habang nakapikit.

"Kaya ka nila ginawa?" tanong ni Dylan. Tinanggal niya ang kamay sa sinumpang aparato at muling lumagok ng scotch. Naglakad naman si Victor patungo sa mesa sa kanyang tabi at inilapag ang tatlong baraha.

"Pumili ka sa tatlong baraha." Inilapat niya ng nakataob ang mga baraha. Pinili naman ni Dylan ang baraha sa kanan. Kinuha niya iyon at nakita ang panibagong mukha nito. Isang payaso na animo'y nagsasayaw ang kanyang nakita kung saan nakalagay sa ilalim ang katagang 'Joker.'

"Ano ang iniisip mo?" tanong ni Victor. Kinuha naman ni Dylan ang dalawa pang natitirang baraha. Nakalagay doon ang dalawa pang joker. Napangiti siya saglit bago ilapag ang tatlong baraha at lumagok muli ng scotch.

"Alam mo kung ano ang iniisip ko. Dahil iyon ang kakayahan mo." Nagtungo siya sa gitna ng sala upang kunin ang isang tila salamin na hugis parihaba. Pinindot niya ang gilid nito at doon ay umilaw ang mga boton na tila hologram. Pinindot ni Dylan ang isang boton at bumukas naman ang isang hologram screen.

"Iniisip mong tapusin ang lahat ng ito?"

"Iyon naman ang gusto mong mangyari hindi ba? Ang maging ligtas sila," sagot ng binata.

"Pero iba ang gusto mo."

"Nakuha ko na kung ano ang gusto ko."

"Nakuha mo na nga...pero hindi mo matanggap ang katotohanan," tugon ni Victor. Umupo siyang muli sa sofa at pinanood ang mga balita sa hologram TV. Pinapakita naman sa balita ang malawak na pinsalang naganap dahil sa ginawa ni Dylan. May mga taong nadamay at hinuhukay ng mga rescuer, mga pulis at militar na nakakalat at mga taong patuloy na nakikiusyoso. Halos hindi na malaman kung EDSA pa nga ba ang lugar na iyon dahil sa pinsalang naganap. Napakaraming malalaking piraso ng bakal na umuusok ang nakabalandra lamang sa highway. May gusaling halos matumba na at tumukod na lamang sa katabing gusali. Nagkabitak-bitak ang daan at ang mga bakal na pundasyon ay tila mga butong umusli sa kanilang mga katawan. Napasimangot na lamang si Dylan habang naririnig naman sa kanyang likuran ang pagngisi ni Victor.

"Hanggang kailan ka magsisinungaling sa akin?" seryosong tanong ng binata.

"Hangga't hindi mo pa alam kung sino ka."

Ibinato ni Victor ang baraha na joker nang humarap si Dylan sa kanya. Nasalo naman iyon ng binata gamit ang dalawang daliri sa kanyang kanang kamay. Tinitigan niyang muli ang baraha at matapos noon ay ang kinauupuan ni Victor ngunit sa isang iglap ay nawala lang ito na parang isang bula. Lalo lamang napakunot ng noo ang binata.

_____________________________

December 30, 2280 – 3:15 PM – Cavite - -17°C

Napakaraming mga bid sa loob ng isang campo na tila inabandona na ng mga tao. Umuulan pa rin ng makapal na yelo. Kapansin-pansin na ang mga gwardya sa kampong iyon ay alerto sa mga dumarating. Bumaba naman si Albert, and pinuno ng grupong rebelde na tinatawag na New Order mula sa isang nasira nang hagdan. Mababakas pa ang mga tama ng bala at mga bitak ng pader dahil sa nagdaang engkwentro.

"Sir, may mga bago pang dumating," sambit ng isa sa mga sundalo. Lumabas siya ng gusali at doon nakita ang nasa pitong hover truck na pumapasok sa loob ng kampo. Ang iba sa mga bid ay naglalakad papasok, nanginginig, giniginaw, nagugutom.

"Tulungan niyo," utos ni Albert habang itinuturo ang mga matatanda na inaakay ang mga bata sa kanilang mga bisig. Napakunot naman ng noo ang pinuno dahil sa lungkot. May mga sugat ang iba sa mga bid na naroroon, ang iba ay hindi na halos makalakad dahil sa sobrang gutom.

" Bilis! Dalhin niyo sa likod ang mga sugatan! Kailangan natin ng doktor!" sigaw ni Albert. Agad siyang tumakbo sa isang matandang babae upang akayin papasok ng kinakalawang nang gate. Ang mga bantay naman ay panay ang tutok ng baril sa labas ng compound.

"Tanya?" sambit niya. Ang babaeng may mahaba at itim na buhok na nakasuot din ng panlamig ay napatingin sa kanyang ama. Kasalukuyan niyang inaakay ang isang sanggol na sagad na sa kapayatan. Agad niya iyong ipinasa sa isa pang kasamahan bago tumungo sa kanyang ama.

"Bakit?"

"Dalhin niyo ang mga bata sa likod, pakainin at gamutin," utos niya. Tumango lamang ang dalaga at muling tumakbo palayo.

"Hindi na ba siya babalik?" pahabol na tanong ni Albert. Napatigil naman si Tanya dahil sa narinig. Hindi siya humarap sa kanya. Lungkot at inis ang kanyang nadama, napiga niya ang kanyang mga kamao at tahimik na nagsalita.

"Hindi na, tapos na 'di ba?" sambit niya.

"Tapos na. Ang hinihiling na lang nila ay ang kanyang kamatayan. Hindi niya gustong madamay tayo."

"Tanya alam kong..."

"Oo, pero wala akong magagawa. Desisyon niya 'yon." Tumulo ang mainit na luha sa kanyang pisngi. Pinahid niya muna iyon gamit ang kanyang braso bago tumakbo palayo. Gumawa naman ng makapal na usok sa kanyang bibig si Albert dahil sa lamig at sa kanyang pagbuntong hininga.

__________________________

"Inspektor? Naririnig niyo ba ako? Inspektor?" sambit ni Dylan. Tinatapik niya ang isang kordon na kumokonekta sa isang computer at sa isang aparato na ginagamit niya sa kanyang kaliwang kamay na nakapatong din sa mesa.

"Inspektor?" sambit niyang muli. Nakakarinig siya ng mga ingay, mga bulong na hindi niya maintindihan. Ang video naman ay malabo at nasisira pa. Pinindot niya ang isa pang boton sa hologram computer at bahagyang naging maayos ang ipinapakitang video nito. Isang imahe ng lalaki na tila iginuhit lamang sa pamamagitan ng blue print ang kanyang nakikita.

"Inspektor?"

"S-sinong na'ndyan?!" sagot ng lalaki. Napangiti naman si Dylan at napahawak sa kanyang bibig nang marinig ang tinig ni Inspector Robert Vega.

"Inspektor...ako 'to. Si Dylan."

"Dylan? Imposible. Patay na ako! Hindi puwede 'to! Nasaan ako?" Hindi mawari ang imahe sa video. Muli iyong nasisira at tila nadadagdagan ng iba pang imahe. Lumulutang ang mga pader at ilang piraso ng kahoy at mga bato. Nabubuo naman paunti-unti ang imahe ni Inspector Vega.

"A-anong nangyayari?"

"Huwag kang mag-alala inspektor. Kinuha ko ang memorya mo. Taliwas sa iniisip mo na binubura ko ang memorya ng lahat pero...hindi. Hinihigop ko ang mga memoryang iyon para sa impormasyon. Pero ang sa iyo ay hindi ko kinuha. Inilagay ko lang sa hard drive at nag-modify."

"G-ganoon ba? Nakikita mo ba ako?" tanong niya.

Pumindot naman si Dylan sa hologram computer at nagprogram.

"Nakikita kita inspektor. Umupo ka," wika ni Dylan. Mula sa mga lumulutang na piraso ng kahoy ay nabuo ang isang magarang upuan. Doon umupo ang lalaki at nagmasid sa paligid, tila namamangha sa kanyang nakikita.

"Ano ang lugar na ito?" tanong niya. Lumitaw naman ang mga video sa paligid na umiikot din sa kanya.

"Nakikita mo na ba ako inspektor?"

Lumabas ang imahe ni Dylan sa harapan ng lalaki. Napangiti naman si Inspector Vega at tila napapaluha.

"G-ganito pala. Ito pala ang memory gene. B-buhay pa rin ako. Pero paano?"

"Hindi ko rin alam inspektor. Hindi ko din alam," sagot ni Dylan na tila napapailing.

"Ligtas ba ang lahat?" matamlay na tanong ng inspektor. Tumango lamang si Dylan bilang sagot.

"A-ako lang pala ang namatay. Haha, siguro mas mabuti nang ganoon," sagot niya. Unti-unti namang nabuo ang mukha ni Inspektor Vega sa video na iyon. Mula sa linya ay nagkakaroon iyon ng solidong itsura.

"Mas gwapo po pala kayo noon inspektor," biro ng binata. Kinapa naman ni Inspektor Vega ang kanyang mukha habang napapangiti at napapaluha.

"A-ahaha. Ito ang totoong itsura ng una kong katawan...bago ako lagyan ng memory gene. Haha," tugon niya. Lumuluha ngunit sinusubukang nilang tumawa sa pagkakataong iyon. Pilit na pinapagaan ang kanilang nararamdaman.

"Ganito pala, mabubuhay pa din ako. Pero sa kawalan, nakakalungkot isipin." Tuluyan nang bumuhos ang emosyon ni Inspector Vega. Hinawakan niya ang kanyang mga mata at doon ay tumulo ang kanyang luha.

"Huwag inspektor. Huwag mong isipin 'yan. Gagawna ko ng paraan. Huwag kang malungkot," wika ng binata. Sinisinok, sinubukang kumalma ng lalaki at pinunasan ang kanyang mga luha.

"May gusto lang akong malaman inspektor, bago ang lahat."

"Sige ano 'yon? Sabihin mo," tugon niya.

"Noong sumiklab ang gulo sa EDSA. May umatake sa akin noon. Bahagya ko pang nakita ang presensya mo sa lugar na iyon bago ako mawalan ng malay..."

Napakunot ng noo si Inspector Vega sa sinabi ng binata. Tila nagtataka at inaalala ang mga pangyayari. Tila alam niyang may mali sa sinabi ng binata ngunit hindi muna niya pinutol ang sinasabi nito.

"Alam mo ba kung sino ang lalaking iyon? Alam mo ba kung bakit niya ako hinahabol? Kahit anong impormasyon ay tatanggapin ko," wika niya. Napalingon naman ang inspektor sa paligid, tila naghanap ng impormasyon sa mga nag-iiba-ibang imahe ng mga video na lumulutang at pumapalibot sa kanya.

"May inabot kang papel sa akin noon. Isang mahalagang impormasyon. Naaalala mo ba? Ang panahon na ipinahuhuli ka na ng ahensya. Pero pinili kong patakasin ka. Inabot mo sa akin ang isang libro, binuksan ko iyon at nakita ko ang mga numero. Ahh...teka lang, ano nga ba 'yon?"

Napakamot ng ulo ang inspektor. Tila nasisira naman at nag-iiba-ibang muli ang mga video sa paligid hanggang sa magiging iisa ang imahe na ipinapakita nito.

'MEMO Corp. Subject 1 – 56761.'

"Tama! Ito nga!"

Nakita naman ni Dylan ang mga numero at impormasyon na iyon. Nagtataka naman siya kung bakit nakasulat iyon sa isang maliit na papel at nakaipit pa sa libro ng kanyang ama.

"Ikaw ang nagsulat niyan hindi ba?" tanong ng inspektor.

"Oo, sulat kamay ko ito. Pero...bakit? Paano? Hindi ko maalalang sinulat ko ang isang 'yan."

"Inisip ko noon na ikaw ang nagsulat niyan. Hinanap ko kung saan-saan. Sa internet, sa world wide web, at kahit na sa imformation center ng PNP at AFP. At nakita ko, ang code na nakalagay diyan bilang pangalan ng isa sa mga eksperimento noon ng MEMO. Ang pangalan niya ay Victor Torres," sagot niya.

"Siya ang aking ama," sambit naman ni Dylan.

"Ha? Paano?"

"Sinabi niya sa akin lahat, ipinakita niya sa akin. Gaya ng nangyayari sa'yo ngayon inspektor. Namatay ako, muling nabuhay...nakita ko ang lahat. Siya din ang nagsasabi ng mga dapat kong gawin, ang mga susunod kong hakbang. Karamay ko siya sa ngayon."

"May iba pa," putol naman ng inspektor.

"Anong iba pa?"

"May iba pang katulad niya. Sigurado akong ang umatake sa iyo ay katulad din niya. May kakaiba siyang kakayahan. Kaya niyang wasakin kahit na ang bakal, ginawa niya 'yon sa augmented arm ko. Hindi ako makapaniwalang mawawasak niya 'yon ng gano'n gano'n na lang," wika ng inspektor. Ipinapakita naman sa ilang mga video ang kuha ng pag-atake sa kanya ng misteryosong lalaki.

"May pitong subject experiment ang MEMO. Ang subject 1 na nakalagay sa papel na ibinigay mo sa akin ay si Victor Torres. Hindi naman isinaad sa mga impormasyon na nakita ko ang mga pangalan ng anim pang natitira. Pero isa lang ang ibig sabihin nang pagdating at ang pag-atake niya. May kailangan siya sa 'yo. Hindi ka niya gustong paslangin noong araw na 'yon. Gusto ka lang niyang pahinain at kunin. At kung kukunin ka para ilabas ng bansa ay hindi niya iyon magagawa dahil ang paglabas ng mga sibilyan sa Pilipinas ay mahigpit na iniinspeksyon ng awtoridad. Ibig sabihin noon..."

"Ibig sabihin noon, may kasabwat at kapit siya," pagpapatuloy naman ni Dylan. Naningkit ang kanyang mga mata nang titigan ang video ng pag-atake ng misteryosong lalaki kay Inspector Vega.

"Tama ka. Pero may impormasyon din ako tungkol doon. Ang Klein Development Industries na itinatayo sa Maynila. Isang kompanya na itinayo para lamang maging distributor ng mga kagamitan mula sa MEMO. Sa kanila lang din nanggagaling ang mga doktor, siyentipiko at mga programmer na tanging may lisensya upang maglipat ng memory gene sa iba pang katawan. Walang iba kundi si Dr. Levine Klein, ang may-ari ng kompanya. Malakas ang hinala ko, na magkakilala ang taong umatake sa atin at ang may-ari ng kompanyang iyon," paliwanag ng inspektor.

Habang siya ay nagpapaliwanag ay siya namang pagbabago ng mga imahe na umiikot sa inspektor. Iyon ay nakikita din ni Dylan at tila lalo pang nakapagpalinaw ng lahat.

"M-maraming salamat inspektor," malumanay na sagot ng binata.

"May ipinagtataka lamang ako Dylan," sambit ni Inspector Vega. Muling kumunot ang kanyang noo at tumingin sa video kung saan naroroon ang imahe ng binata.

"S-sinabi mo na nawalan ka ng malay noon...sa EDSA. Sigurado ka ba?" paniniguro ng inspektor.

"Opo, bakit niyo naitanong?" pagtataka naman ng binata. Hindi nagsalita ang inspektor. Isang video lamang na lumitaw sa kanyang likuran ang malinaw na nagsabi ng lahat.

Nakaupo noon si Dylan sa nagyeyelong sahig, gumagapang patalikod, tila umiiwas sa nakaambang panganib. Sa kabilang dulo naman ay makikita ang misteryosong lalaki na nakangiti. Napakapit ang binata sa kanyang ulo na tila ba matindi ang nararamdaman na sakit. Tumigil siya sa pagkilos, nanginginig lamang ang kanyang mga kamay habang nakahawak sa kanyang ulo. Maya-maya pa ay inabot ng kanyang kanang kamay ang kanyang memory gene. Dahilan upang magpintig ng mabilis ang ilaw ng memory transfer reactor na kanyang ginagamit. Napatitig siya sa itaas na tila ba may ibang nakikita. Tinanggal niya ang kanyang itim na maskara. Mya-maya pa ay napangiti siya at normal na tumayo. Nagpamulsa pa siya sa kanyang mahabang itim na trench coat. Ang kanyang mga ngiti ay kakaiba, halos mabanat na ang kanyang pisngi dahil sa ngiting iyon. Saka lamang dumating si Brigand. Kinapitan niya lamang sa balikat ang kanyang butler at pumwesto sa kanyang likuran.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Dylan habang pinapanood ang video na iyon. Hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

"Hindi ka hinimatay ng mga oras na 'yon Dylan. Hindi ko alam kung...kung paano mo nagawang sanggain at indahin ang sakit na iyon matapos ng pag-atake niya. Nagawa mo pang ngumiti. Parang hindi ikaw ang taong 'yan Dylan. Alam ko, hindi ikaw ang taong 'yan," paliwanag ng inspektor.

"Imposible. Tinulungan niya ako. Alam ko! Tinulungan ako ng aking ama. Binitbit niya ako palayo sa lugar na iyon. Gumising ako, buhay pa ako at nasa harapan ko siya paggising ko!" wika ni Dylan.

"H-hindi ko na masasagot ang tanong na 'yan Dylan dahil 'yan lang ang alam kong nangyari," tugon naman ni Inspector Vega. Nanginginig pa rin ang mga mata ng binata habang tinititigan ang video sa likuran ng inspektor. Wala siyang maalala sa ginawa niyang iyon, alam niyang nawalan na siya ng malay. Alam niya ding ibang tao na ang kasalukuyang kumikilos noon sa kanyang katawan dahil sa kakaibang galaw nito.

"Sa tingin mo inspektor, may alam dito ang doktor na sinasabi mo na si Levine Klein?" tanong ng binata. Napakunot naman ng noo si Inspector Vega bago magsalita.

"Oo, sigurado ako. At ang taong umatake sa 'yo. Sigurado akong hindi ka niya gustong patayin. Gusto ka lang niyang kunin."


Huminga ng malalim si Dylan bago napayuko. Hinimas ng kanyang kanang kamay ang kanyang ulo. Animo'y hinuhukay ang kaloob-looban ng kanyang pag-iisip. Alam niyang may nagtatago, alam niyang may iba sa kanya. Nararamdaman niya iyon. Ang kanyang bawat hinga ay kapareho rin ng paghinga ng taong iyon sa kanyang memorya.

Continue Reading

You'll Also Like

2025 By boss ni wawie

Science Fiction

611K 39K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
550 153 39
A biological weapon created for an impending war was accidentally released in a small town of Hillside and most of its citizens who failed to evacuat...
22.5K 2K 17
Kristine Ferrer's Story I was born in Darkness. Sa Chasm. Mundo ng mga tunay na elemental, at sa mundo kung saan naghahari ang kadiliman. We were...
3.7K 191 18
People with dark sense of humour will find the stories here, funny.