Project: Black Out (Philippin...

By EMPriel

50K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... More

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)

543 23 0
By EMPriel

 "We must accept finite disappointment, but never lose infinite hope."

-Martin Luther King, Jr.


"May tatlo akong baraha, isang queen, isang king at isang jack. Ano ang pipiliin mo?" tanong ni Victor. Nakalapat sa kanyang harapan ang tatlong baraha na nakapatong sa salaming mesa. Napakamot siya ng ulo at nagtanong.

"Ano nga ba?"

"Ikaw, kung ano ang gusto mong piliin, hindi naman ako kokontra," sambit niya rin na tila kinakausap ang sarili.

"Sige. Itong jack ang pipiliin ko," sagot din niya.

"Sige. Ngayon itataob ko ang tatlong baraha. Pagpapalitin ko ah...gusto kong hanapin mo ang baraha mo."

Tinaob niya din ang mga baraha sa mesa. Pinagpalit-palit ang mga pwesto nito habang nakangiti. Nagniningning ang kanyang mga mata sa liwanag habang tila inaaliw ang sarili.

"Ta da! Ngayon hanapin mo kung nasaan ang baraha mo."

"Hmm..."

Sa isang iglap ay nagbago ang kanyang personalidad. Nagtaka siya, nag-isip habang nakapangalong baba.

"Ahh! Ito!" Tinuro niya ang isang card sa kanan at tinaob niya din ngunit napangiwi siya sa nakita.

"Ha? King?" pagtataka niya.

"Ahaha...mali ka!"

"Pero bakit?"

"Sige itaob mo ang lahat," sambit din niya. Tinaob niya nga ang dalawa pang natitirang card at nagulat siya sa nakita.

"Tatlong king? Pero paano?" tanong niya din sa sarili.

"Ahahaha...AHAHAHA!"

Tumawa siya ng malakas, kinuha niya ang tatlong baraha at hinagis sa ere. Kinuha niya din ang isa pang bungkos ng mga baraha at sinaboy sa hangin sa loob ng kwarto. Tumayo siya at tinaas ang kanyang mga kamay habang tumatawa. Ang bawat barahang bumabagsak ay unti-unting nagiging confetti sa kanyang mga mata.

____________________________

"Bali-balita nga na nagseset up na umano ng mga bomba ang pwersa ng militar upang i-trap ang rebeldeng grupo na tinatawag na New Order kasama na ang mga bid na nasa ilalim ng EDSA. Pinagtutuunan ngayon ng pansin ng Secretary of Defense maging ng pamahalaan ang mga pangyayari."

"Magdadalawang araw na ang mga rebeldeng 'yon...ang plano talaga namin eh hayaang maubos ang resources nila. Mga pagkain, tubig at iba pa. Susuko din ang mga 'yan."

"Hindi nga naging maganda ang mga pangyayari ngayong kapaskuhan. Ang kamatayan ng anak ng presidente ang nagdala sa kinauukulan na itaas na sa code red at state of emergency ang buong bansa. Bantay sarado ang lahat ng exit at entrance sa buong NCR maging sa mga malalaking siyudad gaya na lamang ng Cebu, Davao, Baguio at Palawan..."

Pinatay ni Dylan ang hologram screen na nasa harapan ng dashboard ng kanyang puting heli ship. Kasalukuyang lumilipad sa ere ang sasakyan na iyon. Hindi naman maipinta ang kanyang mukha dahil sa labis na galit. Pakiramdam niya ay niloloko siya ng mga tao sa kanyang paligid. Hindi niya alam kung dapat nga ba siyang maniwala sa kanyang mga nalaman ngunit alam niyang may bahid iyon ng katotohanan dahil alam ni Mr. Gonzales ang pangalan ni Victor Torres kahit na hindi pa man lumalabas sa media ang kanyang pangalan.

"May tanong ako..." isang boses ang agad niyang narinig mula sa communicator ng sasakyan.

"Sinungaling ka!" bulyaw niya.

"Sandali lang...magtatanong nga muna ako eh," pangungulit naman ni Victor Torres. Hindi naman umimik si Dylan na patuloy pa rin sa pagmamaneho.

"Paano ka nga ba nakaligtas mula sa pagbagsak sa mataas na gusali?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Dylan. Iyon ang tanong na ibinato na rin sa kanya ng misteryosong lalaki na kanyang nakasagupa. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung paano nga ba.

"Hindi mo maisip ang sagot? Bakit Dylan? Sino ka nga ba?" tanong muli ni Victor. Gumuhit naman ang isang malaking kidlat sa kaliwa ng sinasakyan ng binata. Bumibigat din ang takbo ng kanyang heli ship dahil sa kapal ng pag-ulan ng niyebe.

"Bakit?! Sabihin mo sa akin bakit?! Ano ba talaga ako?!"

Hindi na napigilan ni Dylan ang kanyang emosyon at kasabay ng kulog ay kumawala din ang kanyang galit. Hinampas niya ng paulit-ulit ang manibela ng heli ship maging ang dashboard ay napagdiskitahan niya din. Sa sobrang galit ay tila nawawala na rin siya sa sarili habang paulit-ulit na sinasambit ang mga tanong na iyon.

"Relax...relax. Gusto kong huminga ka. Inhale...exhale...inhale...exhale."

"Hindi ako nakikipaglaro sa 'yo!"

"Gusto mo talagang malaman ang totoo? Matagal mo nang hawak ang kasagutan anak. Matagal na. Ang mga sagot ay nasa iyong mga kamay lang," sambit ni Victor.

Dahan-dahan namang kumakalma si Dylan habang tinititigan ang memory transfer reactor na nasa kanyang kanang kamay.

"Ang taong 'yon...ang nagbigay ng mga memory gene sa kinilala kong ina...i-ikaw ba ang taong 'yon?"

"Haha...bakit mo naman naitanong 'yan?"

Tila bumabalik ang imahe ng ina ni Dylan sa kanyang isipan. Muling kumakalansing ang mga barya na dumadapo sa nagyeyelong semento. Bawat kalansing ay gumagawa ng kakaibang musika sa kanyang isipan.

"Ikaw ang taong 'yon. Ikaw din ang nag-utos na dalhin ang mga memory gene na iyon dito sa Pilipinas. Pero bakit mo sila pinaniwala? Bakit mo pinatay ang mga pinaglipatan ng katawan? Bakit sinabi mo sa aking ina na ikabit ang mga memory gene na iyon sa ibang katawan?"

"Hindi ko sasagutin 'yan. Alam mo na ang sagot diyan. Basta ako nagsasabi ako ng totoo. Kung ano ang nakita mo sa memorya ko, iyon 'yon...'yon ang totoong nangyari. Binura ko ang memoryang iyon sa iyo, inilipat sa ibang memory gene at ang katauhan mo...ang pisikal mong katawan ay sa batang iyon na pinaniniwalaan mong ang iyong ina ay pinatay ng mga lalaking naniningil ng mga memory gene na ibinigay ko sa kanya..."

Hindi umimik si Dylan ngunit nakasimangot pa rin ang kanyang mukha. Pinaling niya sa kanan ang sasakyan upang makaiwas sa mga kidlat at sa mabibigat na ulap.

"Kahit kailan ay hindi magkakaroon ng tatlong hari sa mundong ito...may isang hari ang mamumuno sa iba pa para sundin ang mga ipag-uutos niya. Isa ka ba sa kanila? Dylan?" tanong ni Victor.

Hindi naman naintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ama. Lalo lamang siyang naguluhan. Matapos naman ng tawag na iyon ay saka naputol ang linya. Lumabas siya sa mabibigat na kaulapan at doon natunghayan ang mala-basura nang imahe ng Maynila mula sa itaas.

"Magpaliwanag ka pagkatapos nito," bulong niyasa sarili. Agad niyang kinabig ang tila maliit na manibela sa kanyang harapan.

"Engage autopilot," sambit niya.

"Autopilot mode engaged."

Tumigil sa ere ang heli ship na iyon kasabay ng pagsagot ng computer generated audio nito. Agad tumayo si Dylan upang puntahan ang likod na parte ng heli ship. Doon ay nakabalot ng isang abuhing tela ang isang malaking hugis kahon. Tinanggal niya ang balot at tumambad sa kanya ang napakaraming perang papel na nakabungkos at organisadong nakaayos. Tanging ang mga net at tali lamang ang dahilan kung bakit maayos at organisado ang mga pera sa iisang pwesto.

Lumapit sa likod na bahagi ng heli ship si Dylan kung saan naman nakapwesto ang isang malaking kahon na gawa sa luma at antigong kahoy. Sa loob ay kumikinang ang mga barya na animo'y bago pa lamang. Sinara niya iyon agad, pinindot niya ang isang hologram screen sa tabi ng malaking kahon.

Agad namang umugong ang sasakyang panghimpapawid. Umangat ang net at mga tali na naglalaman ng bungkos ng papel nap era at bumukas ang sahig. Humangin ng malakas sa loob ng heli ship, nakikita na ni Dylan ang tanawin sa ibaba.

"Pasensya na kung medyo nahuli ang regalo ko," sambit niya. Muli siyang pumindot sa hologram screen. Agad na bumigay ang mga tali at net na nakakapit sa mga pera. Nagliparan ang mga perang papel patungo sa ibaba.

"Maligayang pasko." Seryoso ang kanyang ekspresyon habang sinasabi ang mga katagang iyon at habang tinititigan ang mga perang papel na nagliliparan pababa.

Ang mga pulis na nagbarikada sa EDSA ay pinipigil pa rin ang mga tao na pumasok sa loob ng dilaw na kordon na gawa sa hologram technology. Ang mga militar ay makikitang rumoronda, naglalakad at pumupuna sa mga nagsisiksikang mga tao na nakikiusyoso. May mga hover truck na dumarating, may mga dalang kahon kung saan nakalagay ang mga katagang: Explisoves. Ibinababa nila ang mga kahon na iyon at agad na dinadala sa ilalim ng subway upang hindi makita ng mga taga-media at press.

Hindi magkamayaw ang mga tao, may ilang mga nagdala ng mga karton kung saan nakalagay ang kanilang mga hinaing. Sumisigaw na pakawalan ang mga bid at daanin sa usapan at hindi sa karahasan ang lahat. May iba ring mga bid na sumisigaw na tanggalin ang bid city o Antipolo na para bang gagawing kulungan o tapunan lamang ng mga bid at kukunin kapag nangangailangan na ng mga batang ibebenta.

Nagkakagulo sa kanilang mga pwesto ngunit tuloy ang pagharang ng mga sundalo at militar. May mga nakatutok na baril sa ibaba at mga sniper naman mula sa itaas.

May kahinaan na ang pag-ulan ng niyebe ngunit nanunuot pa rin sa buto ang lamig dahil sa pagbayo ng hangin. Isang sniper ang nakatutok sa mga taong nagrarally sa ibaba. Kinapa pa niya ang lente upang makita ng mas maigi ang mga tao at pangyayari ngunit may kung anong humarang sa kanyang tinititigan. Inalis niya ang pagkakatingin sa lente at tumingin sa paligid.

"P-pera?" pagtataka niya.

Ang mga kasamang sundalo ay tumingin din sa paligid at tila nagulat sa kanilang nakikita. Umuulan ng mga perang papel mula sa kalangitan. Inuugoy ng hangin ang mga pirso ng perang iyon habang. Ibinaba nila ang kanilang mga baril, itinaas ng bahagya ang kanilang mga kamay upang tingnan kung totoong pera nga ang kanilang nakikita.

"Tunay ang mga 'to," sambit ng isa.

Isang reporter mula sa ibaba ang napatigil nang malaglag ang isang piraso ng perang papel sa kanyang harapan habang siya ay live na tinututukan ng camera.

"A-ano ito?" sambit niya. Kinuha ng lalaking may bitbit na camera ang kanyang hawak at tinutukan ang kalangitan.

"N-nakikita niyo ba ito? Umuulan ng mga perang papel ngayon-ngayon lang..."

"Tingnan niyo!" sambit ng isang lalaki na nasa labas ng dilaw na kordon habang nakaturo ang kanyang mga kamay sa kalangitan.

"P-pera! PERA! UMUULAN NG PERA!" sigaw ng isang ginang.

Nagsimulang mag-unahan sa pagkuha ng pera ang mga tao, maging ang ilang mga sundalo at myembro ng media ay nakiagaw din hanggang sa magkagulo. Pinasok ng ilang mga bid at maging ng mga bidder at commoner ang perimeter kung saan ipinagbabawal ang mga sibilyan. Sinubukang makipagtulakan ng mga tao upang makakuha ng mas marami.

"Akin 'yan! Akin yan!" sigaw ng isa.

Nakipagbalyahan naman ang iba habang iniipon ang kanilang mga nakukuha sa kanilang mga damit, bag at kung saan-saan pa.

"Anong nangyayari?! Hold your position! Anong ginagawa niyo?!" sigaw ng pinuno ng mga sundalo nang bumaba sa isang tangke. Ilang piraso ng pera ang lumipad sa kanyang harapan. Maging siya ay hindi napigilang makiagaw.

"Lumabas din ang totoo. Tingnan mo nga naman ang mga taong 'to, walang kasing ganid. Masisilaw at masisilaw pa rin sa kakaunting barya," sambit ni Dylan habang pinapanood ang mga pangyayari gamit ang hologram screen sa loob ng heli ship.

Ang mga tao ay hindi magkandaugaga sa pang-aagaw ng pera. Naghablutan pa ng bag ang iba habang tumatakbo. Nagkasuntukan, tadyakan, sipaan at sikuhan, makuha lang ang kanilang nais.

Patuloy naman sa pagpapaulan ng pera si Dylan mula sa heli ship. Sinuot niya sa kanyang likod ang isang malaking backpack na gawa sa bakal. Sinuot niya rin ang panibagong maskara na itsurang gas mask sa kanyang ulo at saka tumalon kasabay ng pag-ulan ng pera mula sa kanyang heli ship.

"Anong ginagawa niyo? Ang utos sa inyo ay 'wag magpapapasok ng kahit na sino sa perimeter!" bulyaw ni General Viduya mula sa isang communicator. Kausap niya ang isang sundalo na nasa loob ng isang hover truck.

"Pero sir...hindi mapigilan ang mga tao. Nakapasok na sila sa perimeter. Hindi namin alam kung saan galing ang pag-ulan ng pera."

"Mga buwisit!"

Sa inis ay pinatay na lamang ni General Viduya ang kanyang communicator at humarap sa isa pang hologram screen.

"Eagle 3 Eagle 3 do you copy?"

"Malinaw na malinaw sir," sagot naman ng isang piloto ng heli ship ng militar.

"Hanapin niyo ang pinanggagalingan ng mga perang 'yan! Ngayon na!" utos ng heneral.

"Sir...nakikipag-agawan na ng baril ang ibang mga bid!" wika naman ng isa pang sundalo mula sa isa pang communicator. Napatingin naman ang heneral sa hologram TV kung saan nakikita ang pagkakagulo ng mga tao sa nakahigang camera. Maging ang mga reporter ay nakikipag-agawan sa pera na bumabagsak mula sa kalangitan.

"Planado ang isang 'to..." sambit niya.

Narinig naman ang ilang putok ng mga baril. Ang ilang mga miyembro ng New Order ay nagpapanggap upang makasabay sa mga taong nagkakagulo. Sinamantala nila ang kaguluhang nagaganap upang agawin ang mga baril ng sundalo at lumaban. Sumabay naman ang ilang mga bid.

"Bilis! Bilisan niyo!" sigaw ng isa sa mga bid habang itinuturo ang kinaroroonan ng subway. Nagtakbuhan naman ang ilang sa mga rebelde. Ang iba ay tumatakbo nga ngunit nakikipag-agawan pa rin at namumulot ng pera na kanilang nakikita.

Nahuhulog naman paibaba si Dylan kasabay ang ilang mga piraso ng perang papel. Pinindot niya ang isang maliit na boton sa kanyang kaliwang bisig. Agad lumabas ang tila mga pakpak na gawa sa bakal sa kanyang likod. Sinabayan niya ang hangin paibaba hanggang sa matunton niya ang isang gusali. Nag-aagawan din sa pera ang mga sundalong iyon. Hindi nila pinansin ang utos ng kanilang mga pinuno at ang kanilang mga baril ay nakasabit lamang sa kanilang mga balikat.

"Uhmf!"

Isang sipa ang tinanggap ng isang sundalo na saktong binagsakan naman ni Dylan. Tinanggal niya ang suot na bakal na sisidlan sa likuran. Tumiklop naman ang mga pakpak bago niya iyon ihinampas sa isa pang sundalo.

"B-Black Out!" puna ng isa.

Hawak niya na ang isang bungkos ng pera sa kanyang mga kamay ngunit binitawan niya din iyon upang bunutin ang kanyang baril. Nakailag naman ang binata at nakapagtago sa gilid ng pader nang ipinutok na ng sundalo ang kanyang baril.

Tinanggal naman ni Dylan ang gwantes sa kanyang kanang kamay upang gamitin ang memory transfer reactor. Kinapitan niya ang handgun ng sundalo at saka ipinatong ang kanang kamay sa memory gene nito. Nawalan lamang ng lakas ang sundalong iyon at dumapa sa nagyeyelong semento. Nagpaputok na rin ang iba pang mga sundalo ngunit tumakbo siya patungo sa kanila na para bang hindi alintana ang mga balang sumasayaw sa paligid. Sa paningin ng binata ay napakabagal ng kanilang mga kilos. Niyakap niya ang isa sa mga sundalo at hinawakan din ang memory gene nito. Hindi naman mapigil ang mga imaheng lumalabas sa isipan ng binata habang hinihigop ang bawat detalye ng memorya ng sundalong iyon.

Nagpaputok ang isa pang sundalo at ginawa niya namang panangga ang sundalo na kanyang yakap. Kinuha naman ni Dylan ang machine gun na nakasabit sa sundalong nabiktima at binaril ang dalawa. Natigil ang putukan nang magsihigaan ang mga sundalong iyon. Hindi naman siya makapaniwalang naiputok niya ang hawak na baril. Dahan-dahan niyang binitawan ang wala nang malay na katawan habang nakatitig sa kanyang kanang kamay kung saan hawak niya ang baril na ginamit.

"Buwisit..." kalmado niyang sambit. Ibinato niya ang hawak na baril at dahan-dahang tumayo sa gilid ng gusaling tinutungtungan. Pinagmasdan niya muna ang kaguluhang nagaganap sa paligid, nilapat niya ang kanyang mga braso na para bang lilipad, siya'y pumikit at nagpatihulog paibaba.

____________________________

Mangilan-ngilang putok ng baril ang narinig ng mga bid at mga rebelde na nagtatago sa ilalim ng subway. Napatutok sila ng kanilang mga baril at flashlight sa kinaroroonan ng ingay. Muli namang nagyukuan ang mga bid. Takot na takot ngunit pinipigil nila ang paggawa ng ingay.

"Ssshh...pakinggan nyo," wika ni Tanya habang nakatingala sa kawalan. Sa itaas ay naririnig nila ang sigawan ng mga tao, mga putok ng baril at ang kaguluhan.

"Anong nangyayari sa taas?" tanong ni Albert.

"Na'ndyan pa ba kayo?!" isang boses ng lalaki ang sumigaw. Muli nilang itinutok ang kanilang mga baril sa madilim na parte ng tunnel. Nagkasahan pa ng baril ang iba. Isang lalaki na nakasuot ng gusgusing panlamig na may hawak na kalibre ng baril ang humahangos ng takbo patungo sa kanila.

"Albert? Kayo ba 'yan?" tanong niya.

"Hold your fire!" utos naman ni Albert. Nilahad niya ang kanyang kaliwang kamay upang abutin ang kamay ng lalaki.

"Anong nangyayari sa taas?"

"Nagkakagulo na doon. Hindi ko alam kung maniniwala kayo pero...umuulan ng pera sa taas. Nag-aagawan ang mga tao, kahit na mga sundalo, bidder at reporter nagkakagulo na," paliwanag ng lalaki. Mangilan-ngilan pang mga bid at mga sundalo ang nagdadatingan sa bagon ng tren na kanilang kinaroroonan. Ang ilang mga bid ay nagtatawag ng pangalan, tila may mga hinahanap. Suimasagot naman ang iba sa mga bid at tila sabik na sabik na niyayakap ang kanilang mga kapamilya at kaibigan.

"Kahit mga bid, nakikipag-agawan na ng baril. Gusto na rin nilang lumaban..." paliwanag ng lalaki habang hinihingal pa rin. Napangiti naman si Albert ngunit tila alerto pa rin sa mga taong dumarating.

"Siya ang may gawa..." naghihingalong sagot ni Inspector Vega. Sa pagkakataong iyon ay iba na ang kulay ng kanyang balat. Namumutla siya habang nakasandal sa pader ng tren. Tumigil man ang pagdurugo mula sa naputol na braso ay tila hindi niya naman kinakaya ang nararamdamang sakit.

"Black Out?" tanong ni Tanya. Tumango lamang ang inspektor habang nakangiti.

"Alam niyang mahirap tayong mapasok dahil sa mga sundalo sa paligid, bantay sarado tayo mula sa itaas. Ito ang paraan niya. Kailangan na nating kumilos, nauubos ang oras natin," sambit ni Albert. Agad namang nagtayuan ang mga rebelde na myembro ng New Order at ang mga bid. Ang iba namang mga bid na bata pa ay kumuha ng baril at matapang na tinutukan ang madilim na parte ng tunnel.

*BRATATAT*

*BRATATATATATAT*

"AAAAHH! OOOOHHH!"

Ilang putok ng baril at sigawan ang kanilang narinig sa dulo ng tunnel. Pinagpawisan ng malamig ang mga sundalo at muling napayuko ang mga bid. Tanging maliliit na ilaw lamang ng inabandonang tren ang nagpapaliwanag sa lugar. Hindi nila makita kung ano ang nangyayari sa dulo ng kadilimang iyon.

"Napasok tayo! AAAAHHH!"

*RATATATAT!*

Sumigaw muna ang isang lalaki na natutukan pa ng flashlight mula sa baril ni Albert bago ito lumagapak sa sahig. Nakita naman ni Albert ang pagkislap ng mga baril sa kadiliman.

"Nandito na sila! Mga sundalo!" sigaw niya. Hinigit ng mga rebelde ang kanilang mga baril. Gayundin ang mga sundalo ng militar. Napansin naman ni Albert na walang gamit na flashlight ang kanilang mga kalaban. Agad siyang nagtago sa bakal na pader. Ang iba naman ay naglupasay habang nakatayo bago tuluyang mabawian ng buhay.

"Gumagamit sila ng night vision! Lahat kayo, patayin niyo ang mga flashlight niyo! Mas madali tayong makita!" utos niya. Agad namang nagtago ang mga rebelde at mga bid. Pinatay nila ang kanilang mga ilaw, sumunod naman ang panaghoy ng iba pa habang inaakay ang mga kapamilya at kasamahan na tinamaan ng bala.

"Cover me..."

"Clear!"

"Bilis bilis bilis!"

Naririnig nila ang mga pag-uusap ng mga sundalo sa dulo ng madilim na tunnel. Binuksan naman nila ang mga pulang laser sa kanilang mga baril habang tinututukan ang pinagtataguan ng mga bid at mga rebelde. Ang tanging naging ilaw sa lugar na iyon ay ang ilaw ng tren at ang maliliit na ilaw sa paligid nito.

"Mamamatay tayo...mamatay tayo."

Halos malunod naman sa luha ang isang sundalo habang paulit-ulit na sinasambit ang mga katagang iyon. Nasa kanyang noo ang kanyang baril, tila nagdarasal ngunit ang matinding takot ay makikita sa panginginig ng kanyang mga kamay.

"Tapos na tayo..." sambit pa ng isa.

Nagsimulang umugong ang mga panaghoy, ang pag-iyak ng mga bata, ng mga kababaihan at ng mga matatanda. Maging ang batang si Maria ay umiiyak din kasama ang mga kapatid ngunit hindi lungkot ang kanyang nararamdaman kundi matinding galit. Niyakap niya ng mahigpit ang mga kapatid at pagkatapos ay kumalas din.

"Ate...anong ginagawa mo?" tanong naman ng kanyang kapatid na si Damian. Hindi naman iyon pinansin ni Maria. Inabot niya ang isang baril ng namatay na bid sa kanilang tabi. Kinasa niya ang baril na iyon at pagkatapos ay sumilip mula sa kanyang pinagtataguan.

"AAAAAAAHHHHH!!"

Kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang pagpapakawala ng tingga mula sa kanyang hawak na baril. Alam niyang may tinatamaan siya dahil mayroong mga sundalong sumisigaw mula sa kadiliman kahit na iwinawasiwas niya lang ang kanyang baril sa mga ito. Sumunod namang magpaputok ang isa pang bid na kanyang katabi ngunit agad siyang nangisay nang tamaan ng mga bala mula sa sundalo. Hinatak naman ni Tanya ang batang si Maria upang magtago.

"Wala...wala tayong laban, wala tayong magagawa," sambit ni Tanya.

"Meron! Lalaban ako! Kahit mamatay ako! Mas mabuti pang mamatay ng lumalaban!" sigaw naman ni Maria.

"Ssssh," pagpapaamo ni Tanya. Tumulo naman ang luha sa kanyang mga mata bago yakapin ang bata. Sa pagkakataong iyon at tinanggap na rin ni Maria ang pagkatalo.

"Wala na...tapos na," sambit ni Albert. Ngumiti siya habang nakatingin sa iba pang mga kasamahan. Hawak niya ang kanyang tagiliran na halatang tinamaan ng bala. Bumuhos naman ang kanilang mga luha, marahan nilang ibinaba ang kanilang mga baril at umupo na para bang wala na sa sarili.

"Sige...palibutan sila, patayin ang iba. Mga bata lang ang itira niyo."

Narinig nila ang utos ng pinuno ng squad na lumusob. Nagsimulang mangibabaw ang mga iyakan at mga yabag ng mga sundalong papalapit. Naglalaro naman sa paligid ang mga kulay pulang ilaw mula sa mga baril ng mga sundalo.

"AAAHH!"

Isang sigaw ng sundalo ang kanilang narinig.

"Ano 'yon?!" sigaw ng isa pa. Tila isang imahe ng anino ang naglalaro sa paligid, mabilis itong tumatakbo at sinusugod ang mga sundalo.

"Buwisit!" sambit ng isang sundalo. Kinalabit niya ang gatilyo ng kanyang baril. Pumutok lamang iyon ng tatlong beses bago tuluyang nawalan ng malay dahil sa hindi malamang dahilan.

Isa namang sundalo ang sinubukang paluin ang aninong iyon ngunit nasalo nito ang baril. Hinawakan niya ang memory gene ng sundalo at tumirik ang kanyang mga mata. Sa pagkakataong iyon ay unti-unting nagiging malinaw ang imahe ng anino. May berdeng ilaw sa kanyang kanang kamay, ang kanyang mga mata naman ay nanlilisik, bawat tama ng ilaw sa mga lente ng kanyang mga mata ay maaaninag ang kulay pula.

"Bilis paputukan niyo!" utos ng isa. Napasigaw na lamang ang mga bid nang marinig nila ang sunod-sunod na putok ng baril sa loob ng tunnel ngunit kasabay ng mga putok ay ang sigaw ng mga sundalo.

Isang kongkretong poste ang tinaguan ng isang sundalo matapos magpaputok, nang siya ay muling sumilip ay wala na doon ang misteryosong anino na kanilang pinapaputukan.

"N-nasaan na 'yon?" tanong ng isa. Isang kamay naman ang lumitaw mula sa itaas. Hinatak ng aninong iyon ang ulo ng sundalo at nang bumagsak ay nakita nilang zero na ang numero sa memory gene nito.

"B-Black Out!" sigaw ng isa. Sa isang iglap ay nawalan din ito ng malay dahil nasa likuran niya na agad ang kanilang kaaway. Muling umalingawngaw ang mga putok ng baril.

Kinuha namang muli ni Albert ang kanyang baril at binuksan ang kanyang flashlight. Nakita niya ang kaguluhang nangyayari sa madilim na parte ng tunnel. May mga patak ng dugo at mga nakahandusay na sundalo. Hindi na siya nag-atubili pang magpaputok sa iba pa.

"Pagkakataon na natin 'to!" sambit niya.

Kinuha ng iba ang kanilang mga baril at nagpaputok din. Tila nagsayaw naman si Black Out sa ere habang nagliliparan ang mga bala sa paligid. Ginagawa niya pang pangsangga ang iba pang mga sundalo upang hindi mapuruhan. Tanging ang mga kamay lamang ang kanyang ginagamit upang lumaban. Matapos ang sigaw ng huling sundalo na hawak niya sa balikat ay saka lamang tumigil ang mga putok ng baril. Nakatutok ang flashlight ng mga myembro ng New Order sa sundalong iyon na animo'y nakatayo ngunit tadtad ng bala ang kanyang katawan. May kamay na nakakapit sa kanyang balikat at maging sa kanyang ulo. Unti-unti namang binitawan ni Black Out ang patay nang katawan na iyon. Nakita nila ang kanyang imahe, napupuno ng dugo ang kanyang mahaba at itim na trench coat. Nasabuyan din ng pulang likido ang kanyang maskarang itim na tila gas mask.

Unti-unting napatayo ang mga rebelde at ang mga bid habang siya ay pinagmamasdan. Nakatutok pa rin ang kanilang mga baril sa kanya, naninigurado. Alam nilang mapanganib pa rin ang tao na nagligtas sa kanila mula sa kapahamakan.

"Black Out..." mahinahong sambit ni Albert. Si Tanya naman ay napalunok ng kaunting laway, nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang kanyang baril. Namamangha naman ang mga bid habang nakatitig sa itim na anino sa kalagitnaan ng kawalan.

"I-Ililigtas mo ba kami?" tanong ng isang matandang babae. Tinaas naman ni Black Out ang parehong kamay, senyales na hindi siya aatake. Gamit naman ang kanyang kanan kung saan naroon ang aparatong ginagamit upang magbura ng memorya ay tinanggal niya ang kanyang maskara. Nabuhayan sila ng loob nang makita ang mukha ng isang binata, si Dylan Ford.

"T-totoo nga...ikaw nga. Si Black Out at si Dylan Ford ay iisa," wika ng isang matandang bid. Nagsimula siyang maglakad patungo sa binata. Dahan-dahan, naninigurado pa rin.

Isang matamis na ngiti naman ang isinukli ni Dylan. Tiningnan niya ang mga tao sa paligid, hindi niya halos maaninag ang mga mukha ng mga taong iyon dahil sa mga ilaw na nakatutok sa kanyang mukha. Unti-uinti lamang nagkaroon ng linaw ang wangis ng kanilang mga mukha, ang kanilang panaghoy, ang kanilang pagluha nang tuluyan nang lumapit ang mga bid sa kanya.

"Black Out..." sambit ni Tanya habang umiiyak. Agad yumakap ang dalaga sa kanya. Pumalibot naman ang iba pa at pilit na inabot ang kanyang katawan. Saka na lamang ibinaba ng mga rebelde ang kanilang mga baril nang makitang hindi panganib ang dala ng kanilang tagapagligtas.

_________________________

"How was he?" tanong ng isang batang lalaki sa isang hologram image. Nakasuot siya ng isang lab gown. Matalim ang kanyang pagkakatitig sa kausap. Huminga muna ang lalaki na nakasuot ng isang puting longsleeves. Hinawi muna niya ang itim at puting buhok bago nagsalita.

"Completely different...a real asshole I must say. I mean...why did you have to create him? He totally wrecked everything," sambit ng binata.

"You know who we are, Jonas. You know why we're here...we innovate, we change, and we rule. Some people don't know how to obey our rules. We force them...we force them to think that in this world, they are free."

"So you let him escape?" tanong ni Jonas. Kinuha niya ang hologram stick mula sa knyang bulsa at napakunot nang makita ang nangyayaring kaguluhan sa video na kanyang nakikita.

"No, I let him explore," sagot ni Dr. Freuch bago ngumiti ng matalim.

"Yes...indeed," sambit naman ni Jonas habang napapangiti at nakatingin pa rin sa video sa kanyang hologram stick. Ipinapakita doon ang pag-ulan ng mga pera at ang mga taong nagkakagulo, nag-aagawan at nagtatakbuhan.

Continue Reading

You'll Also Like

Churchless Town By Gward

Mystery / Thriller

45.3K 2.4K 41
A dead woman in a mysterious town... An article soon to be unfolded. #Wattys2019 winner
540K 28.8K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
7.2K 401 27
"Don't take life too seriously. You'll never get out of it alive... especially when you're murdered."
99.2K 2.9K 49
• C O M P L E T E D • Highest Rank - #356 in Romance - Original Story By purpleyhan