Offcam (ViceRylle)

By HopiaVK014

16.7K 344 46

Magkaibigan? Yun ang akala mo. Paano kung malaman mong pagkukunwari lang pala ang lahat sa harap ng camera? P... More

Introduction
Nanay Rosario x Karylle
Kilig si Viceral
LDR
Welcome back
Pasimple
Throwback: Baby
AUTHOR'S NOTE

Hinahanap-hanap kita

3K 51 2
By HopiaVK014

11:00p.m. na at hindi makatulog si Vice sa hindi niya malamang dahilan. Nagpagulong-gulong na din siya sa kanyang kama pero wala itong epekto. Napatingin naman siya sa kanyang side table at kinuha ang cellphone niya. Hinanap niya ang pangalan ni Karylle at tinawagan ito.

Baby Kurba Ringing...

Matapos ang apat na ring ay sinagot naman ito ni Karylle.

Vice: Baby?

Karylle: Hm baby? May problema ba?

Sagot naman ni Karylle na halatang antok pa.

V: Nagising ba kita, baby?

K: Ang sarap nga ng tulog ko eh. Pero okay lang, kausap naman kita eh.

Sabi ni Karylle na napapangiti pa. At dahil kabisado na ni Vice ang kanyang girlfriend ay alam niyang kinikilig ito.

V: Kaw ah. Miss mo agad ako. Hindi ako makatulog baby eh.

K: Baby, dalhan mo akong ice cream Pleaaaaaase.

At dahil hindi matiis ni Vice si Karylle at gusto rin niya makita ang girlfriend ay agad siyang tumayo sa kanyang higaan at kinuha ang susi ng sasakyan niya. Kumuha din siya ng hoodie at shades para hindi siya mamukhaan ng mga tao.

Mabilis niyang nilisan ang bahay at nag drive papunta sa 7/11. Sinuot niya ang hoodie at shades at lumabas na sa kanyang sasakyan. Bumili naman siya ng ice cream at dumiretso sa condo ni Karylle.

(A/N: Hindi siya nagdala ng may sabaw kasi... charot.)

Sumakay siya ng elevator at nagpunta sa 14th floor. Hinanap niya agad ang Room 0214 at nagdoorbell dito.

*buzz* (pinapaltan talaga ni K yan ayaw niya kasing dingdong)

Pagbukas naman ng pinto ay agad niyakap ni Karylle si Vice na parang sampung taon silang hindi nagkita. Nang makapasok na sila sa condo ay agad kinuha ni Karylle ang ice cream upang makakain silang dalawa...

Habang kumakain silang dalawa ng ice cream ay daldal naman ng daldal si Vice at si Karylle naman ay patuloy lang sa pagkain.

"Baby, sigurado ka bang kumain ka?"

Tanong ni Vice kay Karylle dahil halatang takam na takam ito sa ice cream dahil kahit pisngi nito ay may ice cream na din.

"Ang sharap kaya nichong aysh creaaam" sabi ni K na puno ang bibig.

Hinalikan naman agad ni Vice ang labi ni Karylle ng mabilis at agad din itong humiwalay. Hinampas naman ni K si Vice sa braso nito dahil bukod sa nabigla ito ay kinilig ito.

"Tinikman ko lang naman kung masarap nga." Sabi ni Vice na pangisi-ngisi pa.

"Talaga lang ha, Viceral? May sarili kang baso ng ice cream kaya" sabay turo ni Karylle sa hawak na baso ni Vice.

At dahil nga gusto pa nilang makasama ang isa't-isa kahit magkasama naman sila sa showtime ay nanood naman sila ng movie. Pinanood naman nila ulit ang movie ni Vice na Girl, Boy, Bakla, Tomboy dahil natatawa pa din si Karylle at poging-pogi kay Peter (yung boy) habang si Vice naman ay sawang-sawa na sa movie na ito.

Nakaupo silang dalawa sa sofa at nakasandal naman ang ulo ni K sa balikat ni Vice at nakaakbay naman si Vice dito. Tawang-tawa pa rin si Karylle sa movie lalo na sa character ni Vice dun as girl at kilig na kilig naman ito dun sa boy. Kapag naman pinagtatawanan siya ni K sa character niyang girl ay nahihiya siya at pag halata naman niyang namumula si K kay Peter ay ngingisi ito at tutuksuhin si Karylle.

Nang nasa ending na ang movie ay taimtim pa din na pinapanood ni Karylle ito dahil dito na ang part na lalabas siya. Tinutukso naman ni Vice si K dahil sa pamumula nito.

"Oy kurba, mukha ka nang kamatis diyan ah. Crush na crush mo talaga ako." Panunkso ni Vice kay K.

"Nahiya naman ako sa'yo, Viceral! Tingnan lang natin pag lumabas na ako." Pagmamayabang pa ni Karylle.

Dumating na nga sa part na lumabas si Karylle at tawang-tawa ito at proud sa sarili dahil muli ay napanganga pa din si Vice kahit na ilang beses niya na itong napanood.

"Ano ka ngayon, Pogi? Hahahaha. Kailangan mo ba ng tissue? Tulo na laway mo dyan oh." Sabi ni Karylle habang hawak ang tyan nito sa sobrang kakatawa at ang isa namang kamay ay nakaturo pa kay Vice.

"Tie lang no! Sa pagkakaalam ko, kilig na kilig ka niyan kasi ang pogi ko." Pagmamayabang din ni Vice at hindi pinalahalata na talagang hanggang ngayon ay nganga siya sa kagandahan ni Karylle.

Niyakap naman ni Karylle si Vice sa gilid nito habang akbay pa rin siya ni Vice.

"Pogi, bukas nga pala hindi ako makakapasok ng ST ah? You know, pang Miss Universe din kagandahan ko kaya andun din ako sa event."

"Agree naman ako dyan, baby. Ganda mo kaya sobra. Gusto mo ba ako mag make-up sayo tomorrow?"

"Hahahaha. Sleep na tayo baby. May work ka pa tomorrow." Sabi ni Karylle na papikit na.

"Mamimiss kita baby." Sabi ni Vice at tiningnan ang magandang mukha ni Karylle.

"Huwag kang O.A. Mr. Viceral! Magkikita din naman tayo after ST mo."

"Hahahaha sige na goodnight na Mrs. Viceral! I love you." Hinalikan ni Vice ang buhok ni Karylle at pumikit.

"I love you too"

At natulog sila ng nagkayakap sa sofa at mahimbing na natulog.

Kinabukasan...

7am

Maagang nagising si Karylle at ipinagluto si Vice ng almusal na pancake.

Maya-maya naman ay nagising na din si Vice at napansing wala si Karylle sa tabi niya. Agad siyang pumunta sa kusina nang may maamoy siyang niluluto.

"Sarap naman niyan, Misis!"

Niyakap ni Vice nang pa backhug si Karylle. At dahil dito ay napangiti naman si Karylle. Hindi pa rin talaga nawawala ang sobrang pagkakilig niya pag sinasabihan siya ng "misis" ni Vice.

Habang kumakain sila ay nagkukulitan at nag aasaran pa rin sila.

"Oh ano pogi? Pwede na ba akong chef?" Pagmamayabang pa ni Karylle na parang isang dish nga sa resto ang niluto niyang pancake.

Tawang-tawa naman si Vice dahil dito at cute na cute sa kasintahan. Binigyan siya ng "pumayag ka" look ni Karylle kaya napa-oo na lamang din siya at tinitigan si Karylle.

"Uy matutunaw ako niyan. Sige ka, mawawala ng maganda sa mundo."

"Aba. At bumabanat ka na ng ganyan ngayon ha. Hahahaha" medyo nagulat naman si Vice dahil hindi naman talaga nagsasabi ng ganoong mga bagay si Karylle.

"Siyempre nahawa na ako sa kakapalan mo, Mister!"

At muli ay nagtawanan sila.

9am

"Baby, ano nga palang plano niyo ni Yael? Baka magtaka na mga tao niyan kung bakit hindi na kayo masyadong nagkakasama" tanong ni Vice.

"May mga gigs naman siya at hindi na mahahalata ng mga tao yun."

Oo, nagpapanggap din si Karylle at Yael na magkasintahan pa din kahit matagal na silang hiwalay. Wala naman nang pagaalangan sa pagitan ni Vice at Yael dahil magmula nang magkasundo silang magpanggap ay nilinaw na ni Vice kay Yael na magkikita lamang si K at Yael kapag kailangan. Wala namang naging problema dahil maging ang hiwalayan ni Yael at Karylle ay naging maayos kaya wala nang ilangan ang mga ito at bilang tulong na lang din ni Yael sa kay Vice at Karylle na tunay naman na nakikita niyang nagmamahalan ay pumayag na rin siya.

"Tawagan mo na lang ako baby pag nakauwi ka na ah? Para napuntahan agad kita pagkatapos ko sa ST."

Tumango si Karylle at hinalikan si Vice bago ito umalis dahil kailangan pa ni Vice na mag-ayos para sa Showtime samantalang si Karylle naman ay sa pupuntahan niyang event.

--Fast forward--

Nakalipas ang buong show ng masaya kahit miss na ni Vice si Karylle dahil hindi niya ito nakasama buong maghapon at nagkakatext at tawagan lamang kapag commercial break.

"Brad, going strong kayo ni K ah"
Bati ni Vhong kay Vice nang makitang nakangiting nagtetext si Vice at alam na agad ni Vhong na si K nga ang ka text nito. Kakatapos lang ng show nila kaya naman nag-ayos na sila ng nga gamit at napadaan naman sa DR ni Vice si Vhong.

"Syempre. Mahal na mahal ko 'tong kurba ko."

Proud na proud at walang pag aalinlangan na sabi ni Vice. Alam din ng malapit na kaibigan nina Vice at k ang tungkol sa kanila pati na rin ang mga kamag-anak ng dalawa. Kahit si direk ay alam din ito at hinayaan na lamang ang dalawa na magpanggap dahil hindi na naman ito halata sa show.

Nang magtext si K kay Vice na nakauwi na ito ay agad namang pumunta si Vice sa condo ni K para makita ito.

Nagdoorbell si Vice at bumungad sa kanya ang kasintahan niyang pagod na pagod. Agad siyang pumasok at pinaupo si K.

"Bakit pagod na pagod ka yata, baby?" Hinalikan naman ni Vice si Karylle at ngumiti.
"Kurba, wag ka na masyadong magpapagod. Nako, hindi ako papayag na masyadong mapagod ang ina ng mga magiging anak ko."

"Asuuuus. Nambola pa. Ikaw ba, baby? Mukhang pagod ka din ah. Pinagtripan ka na naman ba kanina nina Vhong? Hahaha"

"Namiss lang kita. Wala na nga agad pagod ko nung nakita kita"

Ngumiti naman si Vice kay Karylle. Nagyakapan ang dalawa at dinama ang presensya ng isa't-isa.

Nakaupo naman si Vice sa sofa habang nag-iisip ng concept para sa concert niya. Nakatabi naman si Karylle na pinagtatawanan na naman ang poster ng concert ni Vice.

"Bakit ba ganyan yung bibig mo dyan? Hahahaha"

"Parang bibig ni ngangabu no? Hahahaha."

Naudlot ang pagtatawanan nilang dalawa nang may nag doorbell na naman. Nagunahan ang dalawa sa pagbukas nito pero naunang hawakan ni Vice ang pinto at binuksan ito. Bumungad sa kanilang dalawa si Yael. Sanay na naman si Yael na laging nasa condo ni K si Vice at hindi na rin ito masyadong nagseselos dahil naka move on na nga siya kay K.

"Ah gusto ko lang ibigay sa inyong dalawa pasalubong ko. At nagpakita lang ako para naman alam niyong nandito na ako at magawa na ang plano." Sabi ni Yael na nakangiti pa.

"Ah sige tuloy ka." Alok naman ni Karylle. Tahimik lang si Vice dahil medyo nagseselos pa siya kay Yael pero hindi naman ito nagagalit. May konti lang na parang hindi siya komportable pa kahit ilang taon nang ganito ang set-up nila pero maayos naman sila ni Yael.

"Ah hindi na may pupuntahan pa ako eh."

"Sige salamat, Yael." Tanging nasabi ni Vice.

Inabot naman nito ang kanyang pasalubong at umalis na. Nagpatuloy naman ang ViceRylle sa pagkukulitan at paglalambingan. Damang-dama nila ang pagmamahal ng isa't-isa. Napagdesisyunan na din ni Vice na doon matulog sa condo ni K dahil na miss nga niya ito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Sana magustuhan niyo. :) Simula pa lang naman ito. Maglalagay din po ako ng mga flashbacks kung paano nagsimula ang kanilang pagpapanggap. Don't forget to vote and leave a comment. :))



Continue Reading

You'll Also Like

816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
114K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
181K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
1.8K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"