The Innocent Mafia

By SimpleGears

17.3K 666 62

Siana is just a Typical High School Student only, She's so Friendly, Active and a Positive thinker. She is a... More

Chapter 1 - Mafia
Chapter 2 - Masquerade Party
Chapter 3 - Innocent
Chapter 4 - Skills
Chapter 5 - Kidnapped
Chapter 6 - Two Person
Chapter 7 - Dead
Chapter 8 - Logan
Chapter 9 - Pregnant
Chapter 10 - The Moment of Truth
Chapter 11 - Stress
Chapter 12 - The Moment of Truth (Part 2)
Chapter 13 - Reason
Chapter 14 - Wala na
Chapter 15 - Change
Chapter 16 - Bes kong Tunay
Chapter 17 - BANG!
Chapter 18 - Blood
Chapter 19 - The Real Mother
Chapter 20 - Crush
Chapter 21 - Past
Chapter 22 - Celebration
Chapter 23 - Propose
Chapter 24 - Wedding
Chapter 25 - Dati
Chapter 26 - First day
Chapter 27 - Operation
Chapter 28 - Lovenat
Chapter 29 - President
Chapter 30 - Fortin is Back
Chapter 32 - Ticket Selling

Chapter 31 - May the Best President Win

383 14 2
By SimpleGears


Letisiana's PoV.

"Look at this." Pinakita saken ni fortin ang isang mineral water na puno ng tubig.

"Anong gagawin ko dyan?" Natatakang tanong ko sakanya.

"Kung gano kapuno yan. Ganon kapuno ang pagmamahal ko sayo." Kinindatan pako ng loko pagkasabi nya nun, kaya naman agad ko itong kinurot sa pisngi ng sobrang diin at napasigaw naman sya sa sakit.

"Arayyyyy! Masakitttt." Sigaw nito at binitawan ko na yung pisngi nya. Kita kong namula iyon dahil sa pagkakakurot ko.

"Alam mo? Ang corny mo kase!" Iritadong sabi ko sakanya. Ngayon lang sya naging ganto kacheesy, and its creeping me out.

"But i like you." Ugh. Eto na naman si heart ko, ambilis ng pagtibok. Naiinis nako sa mga ganon ganon ni fortin. Pano nya nagagawang sabihin saken yun ng deretsyuhan?!

Siguro eto na nga yung sinasabi nyang, ipaparamdam nya sakeng gusto nya ko?

"Ewan ko sayo! Makaalis na nga." Inis akong umalis sa tapat nya at naglakad palabas ng cafeteria. Ramdam kong hinabol nya ko mula sa labas.

Uwian na kasi, kaya naman eto nako, gusto ko ng makauwi at ayoko ng makita ang pagmumukha ng isang fortin.

"Oy wait." Nakaramdam na naman ako ng kuryente sa buong katawan ko nang hawakan ako nitong si fortin sa braso ko.

"What?!" Napapaingles tuloy ako ng de oras.

"Hi Siana!" Di nakapagsalita si fortin dahil bigla akong binati ni alexis na mukhang pauwi na.

"Alexis!" Tawag ko naman sakanya, nakangiting humarap uli saken ito.

"Si fortin, gusto kang yayain sa labas ngayon. Payag ka ba?" Nakangiting sabi ko kay alexis.

"A-ako? N-niyaya ni fortin sa labas?" Di makapaniwalang tanong ni alexis.

"Yes! Syempre sa ganda mong yan, nabighani ang isang fortin sa tulad mo."bulong ko dito kay alexis na biglang namula ang mukha.

"T-talaga? R-really? As in?" Tanong nya pa saken.

"Oo nga. So ano? Payag ka?"

"Ofcourse!" Kinikilig na sagot ni alexis kaya muli akong humarap kay fortin na walang kaalam alam sa mga pinag uusapan namin ni alex.


Nakataas na ang isang kilay ni fortin saken at nagtataka na sya sa kung ano ang pinagbubulungan naming dalawa ni alex.

Agad kong hinatak ang kwelyo ni fortin papalapit saken atsaka ko sya binulungan.

"You said you liked me right? Kung ganon, i date mo si alexis!" Sabi ko kaagad rito.

"Wha-----" pinutol ko ang sasabihin nya.

"No buts!" Banta ko sakanya at agad ko na syang tinulak kay alexis na ang ngiti ay abot tenga.

Muntikan pang magyakap ang dalawa dahil sa pagtulak ko.

Hahaha. Nakangiting humarap ako sa dalawa at sinabing ..

"Enjoy kayo sa date nyo ah? Bye!" Paalam ko sakanila at saka ko sila tinalikuran at naglakad na palayo.

Tinawag pako ni Fortin pero di ko na sya pinansin pa. Napahawak nalang ako sa strap ng bag ko at nakangiting naglalakad pauwi.

Napakamatagumpay ng ginawa ko. MWAHAHAHAHA! >:D


Alexis PoV.

O my gad! Is this really happening?! I and fortin is now dating. Nasa isa kaming restaurant ngayon kasi nagugutom nako. Kaya naman buti at pumayag syang kumain na kaming dalwa. Medyo nahihiya hiya pako kay fortin. Syempre kailangan kong maging mahinhin noh,

Para maturn on sya saken. At syempre, crush na crush ko tong si fortin kaya medyo nahihiya pakong kasama sya.

Magkatapat kami ng upuan ni fortin sa isang table na for couple. Kinikilig tuloy ako.

"Uhm fortin, anong oorderin mo?" Tanong ko sakanya.

"Hmm, kahit ano. Busog pa ko eh." Sabi naman nya saken. Napatingin ako sa menu.

"Ganon ba? Hihi. Sige, ako din kahit ano nalang din." Umorder nako ng kahit ano. Mema nalang ako don sa cashier. Hindi ko naman alam kung anong gusto netong si fortin eh. Sana ako nalang.

Ako nalang ang gusto nya. Hahaha!

Buong date namin, ang tahi tahimik nya. May gusto ba talaga toh saken?! Di ko feel.

Pero siguro, torpe lang sya saken kaya ganyan. Ahihihi, yaan ko na nga lang. Nahihiya lang yan kasi napakaganda ng kasama nya. Ahihihi.

"U-uhm fortin, san mo pa gusto pumunta?" Nagbe-beautiful eyes pako non pagkasabi ko kay fortin non.

"Hmm, sa bahay." Sagot niya pagkatingin nya sa relo nya.

Oh mygad! This is it. Sa bahay daw namen?! Shit! I have to get ready. Mabuti nalang nalabhan ko ang lingerie ko sa bahay.  Owshit!!

"Sa bahay? Saktong sakto, wala sila mommy and daddy." Pabebeng sambit ko dito pero bigla syang tumigil.

"Eto na pala. May taxi na. Sige uwi na ko sa bahay ah? Bye." Nagulat ako nang iwan ako ni fortin at sumakay sa taxi.

Ay? Gusto na pala umuwi?

Kala ko kung ano na! Nubayan!

Tas di man lang ako nihatid sa bahay ko? Psh. Siguro di pa sya ready. Gusto nya bagong ligo sya sa susunod na pumunta sa bahay namin. Ahihihi.


Letisiana's POV.

Nasa kama ako at naglalaptop. Andami dami agad chats sa messenger ko at puro mga kaschoolmates ko pa.

Kesyo, pakilala ko daw sila sa kuya ko. O kaya kay fortin? Sylvestre? Virus? Hayjusko! Di ko na nga sineen.

Pero teka, speaking of fortin? Musta na kaya date nila ni Alexis?

"Ay alexis!" Nagulat ako nang magbukas ang pinto at pumasok bigla bigla sa loob ng kwarto ko si fortin.

"Speaking of alexis. Oh, musta date?" Nakangiti ko pang tanong dito kay fortin.

"Halatang tuwang tuwa kang makita akong kadate ang isang babaeng hindi ko naman gusto?" Sabi nito habang nakaharap lamang sya sakin.

"Anukaba. Matututo karing mahalin sya.. Hintay kalang." Sabi ko rito.

"Kung maghihintay lang pala ako. Edi hintayin ko ng matuto kang mahalin ako." Nakasmirk na sabi nito saken. Tinaasan ko lang sya ng isang kilay.

Hays, di ko naman alam kung anong isasagot sa mga biglaang banat nyang ganon.

Ano bang dapat kong sabibin? Hays.

"Alam mo? Nang iistorbo ka! Lumayas ka na nga. Dahil may mga kACHAT pako ditong masasayang kausap." Sabi ko rito at nagsimula na ko ulit magpipipindot sa laptop ko kahit na wala naman talaga akong kachat. Kunware lang yon! Hahaha.

Pero ilang minuto na, di pa din sya umaalis sa pwesto nya don. Kaya tiningnan ko ito at nakasmirk sya saken.

"ANO NA NAMAN?!"

"Kung sino man yang kachat mo? Mga isang bala lang sila." Napaawang pa ang bibig ko sa gulat nang sabihin nya yon. Nakasmirk padin ito habang papaalis at papalabas ng kwarto ko.

How dare him! Porke mafia sya! Kaasar toh!

Pagkasarang pagkasara nito ng pinto ay agad akong nainis sa sinabi nyang yon kaya sumigaw ako.

"ISANG BALA MO MUKHA MO!" at binato ko pa ng unan ang pintuan.

Kinabukasan . . .

Sabay kaming pumasok ni fortin. Pero nasa likod lang sya habang ako ay naglalakad sa harapan. Para ko lang syang bodyguard ganon.

Hindi nga nangungulit at seryoso lang sya ngayon. Nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng pants nya at nakapokerface lang sya.

Parang yung itsura nya nung una ko syang nakita. Ang gwapo tingnan.

Ay teka! Anong gwapo? Hinde pala! MUKHA SYANG BALA! Peste sya. Oo mukhang bala sya.

Pagkapasok ko ng school ay nakangiti saakin ang karamihan. Tas babatiin pa ko ng "Goodmorning future president!"

Tingin nila saken? GUSTONG GUSTO TALAGA MAG PRESIDENTE?! KAASAR KASI KUYA! LECHE.

pagdating ng classroom ay natigilan ako sa paglalakad. Naumpog pa tuloy sa likod ko si Fortin.

"Bat ka tumigil?" Tanong nito saaking si fortin.

"Ano kasi..." tila nag iisip pako pagkasabi ko nun sakanya. Agad akong ngumiti ng nakakaloko sakanya.

Halos mapaatras pa ito nang ituro ko sya sa mukha. "Mag GOOD MORNING ka kay ALEXIS! ok?" sabi ko rito na tila boss ako. Agad ko na syang inirapan pagkasabi ko nun at nakangiting pumasok sa loob.

Nakita ko don ang vice president na si Vivory. Binati ako nito at nginitian.

"Good morning letisiana." Nakangiting sambit nito saken. Ang bait nya talaga.

"Good morning din sayo Vivory." Bati ko dito.

"Hi SIANAAAAA!" Niyakap ako bigla bigla ng isang masayang masaya na si Alexis.

"Aba, alexis, saya mo ata ngayon ah?" Tanong ko pa sakanya.

"Syempre, kundi dahil sayo. Di ako magiging ganto kasaya noh!! Hihihi." Sabi pa ni alexis.

Nakita ko ang padaan na sa pwesto naming si Fortin.

Hinihintay ko kung gagawin nya ang sinabi ko sakanya kanina.

"Goodmorning Alexis." Walang ganang bati ni fortin dito at dere deretsyong umupo sa upuan nito sa likuran at yumuko pra matulog uli.

Problema non?

"Oh my god. Did he just greet me? Oh my goddd!!" Nagpapanik na sabi ni alexis at nagtatatalon pa sa tuwa.

"I love you na talaga Sianaaaa!!! Ang bait bait mo talaga.." natutuwa pang sabi ni alexis na halos lahat na ata ng kaklase namin ay nakatingin samen dahil sakanya. At sa kaingayan nya.

"Oww, talaga? Mabait ka pala siana?" Napatingin ako kay evangeline na biglang sumabat na kakapasok lang ng classroom.

Nakatingin lang ako dito.

"Yes. Evangeline! Mabait talaga si siana. Try to make her a friend." Nakangiting sabi ni Alexis.

Biglang lumapit si evangeline saken atsaka nagsalita.

"Mabait? Sa una lang yan." Pagkasabi niya non ay agad na ako nitong tinalikuran at nakipag apiran sa mga kaibigan nito.

"Mabait din yang si evangeline!" Kindat pa saken ni Alexis.

Mabait? Eh parang sa pananalita nya palang saken, parang antaray nya.

Pero di nako umimik pa at hinayaan ko nalang iyon. 

Maya maya lang ay dumating na ang adviser namin na magtuturo samen ngayon ng english.

Pero bago ito magturo ay may inanunsyo ito sa harapan.

"Ok, para sa mga Sumali maging SSG OFFICER. gusto ko lang iannounce na sa next week na ang botohan. Kaya galingan nyo ok? Kahit ako, di ko alam kung sino ang bobotohin dahil dalawang presidente sa aking klase ang sumali." Nakangiti pa na nakatingin saamin ang teacher namin. Tumingin ito saken at kay evangeline.

Nakita ko pa si evangeline na ang sama ng tingin sakin. Srsly? Anong ginawa ko sakanya?

"Ok, by tomorrow. Maghanda ang lahat ng mga tumakbong presidente bukas dahil, may mga ticket kayo na kailangang ibenta sa mga estudyante at paramihan ng nabenta. Ok?"

Srsly? Anong klaseng pakulo yon?

Daming alam.

Nang matapos ang apat na lesson ay naglabasan na lahat ng estudyante para mag breaktime.

Pinauna ko na nga si fortin kasi alam kong may klase pa sya. Ewan ko ba dun, feeling ko easy easy lang sya sa klase nya. Di ko nga nakikitang nag aaral yun o may hawak na libro eh. -_-

"Excited na ko para bukas siana!" Sabi ni Alexis na nasa tabi ko at naghahanda na para lumabas.

"Ano bang ticket yun? Bat ibebenta pa namin?" Tanong ko.

"Ticket yun na kapag binili ng mga estudyante, ipaparaffle iyon. Tapos ang mga pera na naipon nyo sa pagbebenta ay ibibigay para sa charity or idodonate sa orphanage." Paliwanag saakin ni Alexis.

"Ah. Ganon pala." Sabi ko nalang dito at tumayo na ito sa upuan.

"Oh sige siana, alis nako. Inaantay nako ng mga friends ko sa canteen. Bye!" Masayang paalam saakin ni alexis at umalis na sya. Nginitian ko na lamang nga ito pagkaalis.


Kinuha ko nadin ang bag ko dahil ako nalang tao sa classroom at palabas nako ng classroom ay nakasalubong ko bigla si Evangeline.

Ngayong nasa harapan ko sya ay di ko alam ang gagawin, habang sya naman ay nakatitig lamang sakin ng malalim.

Para bang tinutunaw nya ko sa titig nya.

Maya maya lang ay bigla syang ngumiti saken. "Good luck for tomorrow ms. Letisiana." Sabi nito saken at tinalikuran na ko.

Ang bitter pa ng pagkakasabi nya saken non. Kaya naman tinawag ko sya agad.

"Evangeline. Wait." Pagkatawag ko sakanya non, ay humarap ito saken ulit.

"Yes?"

"Gusto ko lang linawin sayo na ayaw ko ng kakompetensya. Hindi ko gusto maging presidente ng school na toh kaya sana hindi mo ko ituring na isang kalaban." Paliwanag ko dito.

"Hindi mo gustong maging presidente? Pero sumali ka?"

"It is because of my kuya. Siya nagpalista ng pangalan ko don. Hindi.Ako." sabi ko pa.

"Then it will be considered na magkalaban padin tayo. Kasi pareho tayong tumatakbong presidente ng school na toh. Kaya, eto lang masasabi ko sayo..." dahan dahang lumapit saakin si evangeline at sinabing ..

"May the best president win."

To be continued . . .

P.s. sorry sa late late late updated. Nanood kasi si author ng The Legend of the Blue Sea, <3  kaya ayun. Namatay sa kilig ng ilang linggo. HAHAHAHA XD

Continue Reading

You'll Also Like

15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
1.9M 79.6K 45
Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved 2020 Credits to Voltage Inc for the back...
3.2M 89.8K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!