The Innocent Mafia

By SimpleGears

17.3K 666 62

Siana is just a Typical High School Student only, She's so Friendly, Active and a Positive thinker. She is a... More

Chapter 1 - Mafia
Chapter 2 - Masquerade Party
Chapter 3 - Innocent
Chapter 4 - Skills
Chapter 5 - Kidnapped
Chapter 6 - Two Person
Chapter 7 - Dead
Chapter 8 - Logan
Chapter 9 - Pregnant
Chapter 10 - The Moment of Truth
Chapter 11 - Stress
Chapter 12 - The Moment of Truth (Part 2)
Chapter 13 - Reason
Chapter 14 - Wala na
Chapter 15 - Change
Chapter 16 - Bes kong Tunay
Chapter 17 - BANG!
Chapter 18 - Blood
Chapter 19 - The Real Mother
Chapter 20 - Crush
Chapter 21 - Past
Chapter 22 - Celebration
Chapter 23 - Propose
Chapter 24 - Wedding
Chapter 25 - Dati
Chapter 26 - First day
Chapter 27 - Operation
Chapter 28 - Lovenat
Chapter 29 - President
Chapter 31 - May the Best President Win
Chapter 32 - Ticket Selling

Chapter 30 - Fortin is Back

369 11 0
By SimpleGears

Letisiana's Pov.




Ginising nako ni chattie para pumasok at mag ayos. Ilang oras lang tuloy tulog ko. Kaasar!




Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ko at bumaba nako ng kusina at nandon na silang lahat sa hapag kainan para mag almusal kami lahat sabay sabay.




Naupo ako sa tabi ni chattie na nasa kanan ko. At si kuya logan naman ay nasa kaliwa ko.




"Yow! FORTIN! BUHAY KA PA PALA!" Nagtatawanang binati ng mga lalaki si fortin nang bumaba ito.




No siana. Wag mong titingnan si fortin. Wag. No. No. No!




Nabigla pako nang tusukin ako sa tagiliran ni chattie pero hinampas ko kaagad yung kamay nya.




Ramdam ko na lumapit na sa lamesa si fortin at ramdam kong nakatingin sya saken hanggang sa makaupo ito sa tapat ko.




Nakayuko lang ako at nakatingin sa plato ko. Ayoko syang tingnan dahil baka pag sisihan ko.




"Anu bayan! May basag na baso pala dito oh. Halatang may lumamon pa ata kaninang madaling araw eh." Narinig ko si astrid habang nagwawalis don sa isang basong basag.




Ugh! Nagflashback ang lahat ng nangyare saken bwiset! Naalala ko lahat ng nangyare kagabi i mean,kaninang madaling araw. At pati lahat ng sinabi ni fortin saken eh naalala ko bigla!




"Naamin ko na din naman sayo ang nararamdaman ko diba? Kaya wag mong aasahang itatago ko pa ang feelings kong toh para sayo. Kasi kaya ko na yun iparamdam sayo ng buong buo galing pa sa puso ko."




Pinukpok ko ulo ko!




ERASE SIANA! ERASE MO NA YON.




di ko sinasadyang napatingin ako bigla sa kaharap kong si fortin. Napa iwas ako agad nang makita ko itong nakangisi saken at nakasmirk! UGH! BWISET. SABI NA BA EH! KAYA AYOKO SYANG TINGNAN EH.




"Mabuti't maayos na lagay ni fortin. Kaya fortin, babantayan mong maigi tong si siana ah." Bilin ni kuya kay fortin.




"Kuya. Kaya ko naman mag isa e! Di nako bata." Sabi ko pa kay kuya.




"Kahit na. Basta babantayan ka ni fortin." Ugh! Di nako sumagot pa at umalis na ko pagka-kain ko.




Nauna akong pumasok at di ko na nasabayan pa si Chattie. Pagka-akyat na pagka-akyat ko sa classroom ko ay nakita ko kaagad ang mga kaklase ko doon. Nakangiti saken ang karamihan ng babae.




"Hi letisiana! Good morning!" Bati pa nila saken. Naalala ko bigla yung nangyare kahapon. Kaya sila mabait saken dahil sa gusto nilang mapalapit sa mga mafia boys.




Naupo nako sa upuan ko. Nagulat ako sa katabi kong babae na nag lean bigla at nilapit ang mukha saken.




"Hi siana! Iboboto kitang presidente. Hihi." Sabi nito bigla saken na parang kinikilig pa.




Kilala ko sa mukha tong babaeng toh. sya yung babaeng guwapong guwapo kay fortin nang makita nyang kasama ko yon. Pero di ko alam kung anong name nya.




"Im alexis." Nakangiting sabi nito saken at nakipag shake hands pa.




Maganda naman si alexis, sya ang muse sa classroom namin.





"Nice to meet you." Nakangiting sabi ko sakanya.




"Asan na nga pala yung gwapong kasama mo non? Parang isang linggo ko na syang hindi nakikita ah." Sabi pa saken ni alexis.




"Ah si fortin? Nagkasaket kasi ang lok------" naputol ang sasabihin ko nang bigla itong sumigaw





"YAN NA PALA SI FORTIN!" Sigaw nitong si alexis at bigla nakong nakaramdam ng kaba. Hindi ako tumitingin sa kung saan nakatingin si alexis. Ayokong makita si fortin. Ayoko!




Nakita ko namang kinikilig na itong katabi kong si alexis at pasimpleng tumititig kay fortin.




"Ang gwapo nya talaga." Kinikilig na bulong saken ni alexis. Pero nginitian ko nalang sya dahil ayokong magrespond sa sinabi nya.




Nang dumating ang teacher ay hindi padin ako tumitingin sa likuran ko. Alam ko kasing nandon si fortin at di ako papayag na magtama ang aming mga mata.




Hindi ako makapagfocus sa sinasabi ng teacher at tinuturo nito. Dahil alam kong nandito lang sa likuran ko si logan. Pano ako makakapagconcentrate hah aber?!




"Nabalitaan ko nga pala. Dalawa pala ang sumaling presidente dito sa loob ng classroom ko." Nakangiting sambit ng teacher namin, nairita na naman tuloy ako sa twing maaalala kong tumatakbo akong presidente dito sa school! Naiinis ako lalo kay kuya. Peste talaga yon.




"Si Evangeline! At .. sino nga ulit yung isa?" Tanong ng teacher namin pero nagtago lang ako sa likod ng notebook ko para di nya ko makita.




"Maam, eto po si siana! Iboboto ko nga po sya eh!" Nagulat ako nang ituro ako nitong si alexis at pilit akong pinatayo sa upuan ko. Kaya wala akong nagawa kundi tumayo nalang. Nakita ko si evangeline na nakatayo din sa upuan nya. Pero nakakatunaw yung tingin nya saken. Yung tingin nya saken ay napakasama. As in.




"Hi siana!" Nakita ko si vivory na binati ako. Katapat ko lang pala sya ng upuan. Hindi ko man lang napansin. Nginitian ko ito dahil mabait naman si vivory saken.




"Oh good. Ikaw pala si letisiana Villaroel right?" Tanong ng teacher saken. Nag nod naman ako dito bilang sagot.




"Haha. Yung laging naki-clinic." Ngumiti nalang ako ng pilit sa pagkasabing yon ni maam. Bat kailangan nya pa banggitin yun?! Baka isipin ng nga kaklase ko, malnutrition ako. -_____-




Nang matapos magturo ang teacher namin. Hinintay namin ang isa pang teacher na kasunod pero sobrang tagal dumating. kaya eto si alexis sa tabi ko, daldal ng daldal saken. Napakadaldal pala nitong katabi ko. Pero di ko naiintindihan kung anong sinasabi nya kaya nod nalang ako ng nod.




Nang magbreaktime na. Niyaya ako ni alexis kung gusto nyang sumabay ako sakanila ng friends nya pero tumanggi nako. Pagkatayo ko ng upuan ko ay nagtama ang aming mga mata ni fortin.




Parang tuloy ako nakaramdam ng kuryente na dumaloy sa katawan ko mula sa mata.




Ugh! Kaya ayoko syang makita eh. Kaya naman dali dali nakong nag ayos ng gamit ko at dali dali akong lumabas ng classroom.




Papalabas nako ng tuluyan sa classroom nang hatakin ako nitong si fortin.




"Wag kang makipag siksikan. Kita mo namang andami pang estudyanteng lumalabas oh." Sabi saken nitong si fortin. Pero agad kong binawi ang braso ko na kaninang hinatak nya.




"Wag mo nakong bantayan fortin. Kaya ko sarili ko ok? Kaya Go mind your own business." Sabi ko.




"Hindi pwede. Pinapabantay ka nga saken ng kuya mo eh." Sabi pa nito saken. Hays! Pesteng kuya!




"A-anong gusto mo?! Maging sunod sunuran nalang kay kuya ah?!" Sigaw ko dito. Wala nadin naman estudyante pa sa loob ng classroom.




Kinakabahan na naman ako lalo na nang nagsmirk sya saken bago sumagot.




"Oo ba. Basta ba ikaw yung inuutos nya saken eh. Susunod talaga ako." There is something wrong with his voice. Para syang nang aakit or what! Pwes, di ako maaakit sakanya! NO!




Ugh! Inirapan ko nalang sya at tuluyan ng umalis. Nakasunod lamang sya sa likuran ko.






Hendrix PoV.



Pagdating ko ng school, nakita ko kaagad si electra na may dala dalang mga libro. Nakita ko pang may nakabangga sakanyang isang lalake. Kaya nahulog ang mga dala nitong libro.




Patakbo na sana ako para puntahan ito at tulungan pero tinulungan na sya nung lalakeng nakabangga sakanya.




Medyo nilapitan ko ang dalawa nang hindi  nila ako mapapansin.




Nag ngitian pa ang dalawa at nagpakilala sa isa't isa.




"Sorry talaga miss ah? Ako nga pala si Kevin Renario. And you are?" Aba loko loko talaga at gusto pang makipag shake hands kay electra. Syempre di ako papayag na maghawak kamay ang dalawa kaya naman lumapit ako kay electra at inakbayan ito.




"Sya si electra at ako si hendrix." Sabi ko rito at ako ang umabot ng kamay nito. Kinindatan ko pa tong si electra pero iritadong tinanggal nya yung kamay ko na nakaakbay sakanya.




"Wag mong pansinin yan. Di ko yan kilala." Sabi pa ni electra sa kevin na yon.




Aba at! Di daw nya ko kilala? Baka naman bitter lang sya.




Sabay na naglakad palayo saken yung dalawa. At kakakilala palang nila sa isa't isa at nagkakatuwaan na agad silang dalawa.



Sinundan ko ang mga iyon at pumagitna ako sa dalawa nang mapansin kong medyo nagkakatabi na sila.




"Kilala nya ko pre. Eh ikaw? Kakikilala palang nya sayo eh." Sagot ko sa kevin.




"Pero ang sabi ni electra di ka daw nya kilala."




"Sus eh ik-----" naputol ang dapat kong sasabihin dahil nagsalita bigla si electra.




"Dont mind him kevin, he is just my stalker. Tara na nga." Sabi ni electra sa kevin na yun, at hinatak nya yun palayo saken. Aba at makahatak sya kala nya naman close sila.




Tinulungan lang sya close na agad sila?! Aba! Aba!!!




"Pffffttt HAHAHAHAHA! KAWAWANG HENDRIX." Nakadinig ako ng tawanan bigla sa likod ko. Sila virus at warren. Eto na yung dalawang kinaiinisan kong mga loko loko. Baka mamaya gayahin na naman nila kami ni electra kaya nag'tss' nalang ako at nilayasan ang dalawa.




Nang mag breaktime pa, nakita kong sabay si electra at kevin na kumain.


Aish! Ganon na ba talaga sila ka close agad?! Nababadtrip ako sa pagmumukha ng kevin nayon! Sarap sapakin.




Yung mukha ni kevin, ay parang pamilyar saken eh. Parang nakita ko na sya noon pa pero di ko lang maalala at maaninag ng husto kung saan ko ito nakita.






Sydney's PoV.




HRM ang course ko. Di ko alam kung bat HRM din tong si sylvestre. Gaya gaya! Tunay ngang stalker ko sya. >0<





"Ok class, gusto kong magluto kayo ng isang soup! Not just ordinary soup ok? Gusto ko, Isang appetizer soup na super sarapppp!" Sabi samen ng prof namin habang lahat kami nakapang apron at may hairnet sa ulo.




Napatingin ako sa katabi kong si sylvestre.  Mukha namang seryoso sya at twing nagluluto na ay hindi nya nako kinukulit.




Pero pag naglelesson, napakadaldal nya sa tabi ko na kulang nalang salpakan ko sya ng sili sa bibig para  lang mapatahimik ko sya!




Nagsimula na ang lutuan at andami ng nagluluto. Napapatingin pako kay sylvestre na talaga namang seryoso sya sa ginagawa nya. Twing nakikita nya kong nakatingin sakanya ay nginingitian nya lang ako, salamat nga at di sya nag aasume kung bat ako nakatingin sakanya.




Nagfocus nalang din ako sa niluluto ko. At pagtapos ng oras ng pagluluto ay saktong natapos ko nadin yung appetizer soup na niluto ko.




Hindi ko alam kung ano yung niluto nitong si sylvestre. Parang napaka plain nung kanya at parang walang sahog yung soup nya.




"Hi Sylvestre! Mukhang masarap yan ah!" Puri ng isang kaklase naming babae na anlandi landi. Makakapit pa sa braso ni sylvestre eh!




Tinaasan ko lang ito ng kilay at nakita iyon ng babaeng todo kapit sa braso ni sylvestre.




"Oh? Anong tinitingin tingin mo sydney,?" Mataray na tanong saken nitong babaeng malanding ito.




"Nagmumukha ka kasing koala na nakakapit sa isang puno." Sagot ko naman dito at lalong nanlaki ang mata nya sa sinabi kong iyon. Halatang nainis sya at inirapan ako at nag walk out sya bigla.




Natawa bigla si sylvestre. "Ang hard mo sa babae ah." Natatawang sabi ni sylvestre saken.




"Totoo lang yung sinabi ko." Nakangiting sagot ko rito.




Maya maya ay dumating na ang prof namin para tikman isa isa ang mga soup namin.




"Anu ba naman toh sydney! Tinikman mo ba yung soup mo bago mo ito pinrisinta saken?" Napatakip ako sa bibig ko nang makalimutan kong tikman ang soup ko. Ugh! Anong lasa kaya non?




"Ang alat!" Sabi ng prof namin at tinry ko yung soup na ginawa ko. Ang alat nga! Pwe!




Napayuko nalang ako. "Im sorry." Sabi ko nalang dito.




"Dalawa. Dalawa lang ang nagustuhan kong soup sainyo! At gustong gusto ko ang soup ni Sylvestre at ni Trina. Congrats sa inyong dalawa." Napatingin ako sa masayang si sylvestre at napatingin ako dun sa trina.




Si Trina Ebaneria. Yung babaeng malanding mukhang koala. >.<




To be continued . . .

Continue Reading

You'll Also Like

661K 28K 38
Ink Fuego found herself in a situation she never even imagine. Nagising nalang siya isang araw na kailangan niyang sambutin ang responsibilidad na da...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
11.4M 484K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!