Kabit

By jaysanj

840K 30.5K 9.9K

Masakit malaman na may kabit ang asawa ko. GXG More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 1

37.5K 938 960
By jaysanj



Napabuntong-hininga ako at pinipilit na wag tumulo ang luha sa mga mata ko dahil hindi ko kayang makita ako ng anak kong umiiyak dahil baka magtanong tanong pa sya. Matalinong bata si Kevin at makulit, hindi sya titigil hangga't hindi sya kuntento sa gusto nya. Well, may pinagmanahan eh, yung ama nyang hindi kuntento sa isang babae.

Napakagat ako ng labi para pigilan ang pagluha ko. Kasama ko ngayon ang anak ko kaya ayokong syang mag-aalala sakin. Kahit na nahihirapan akong pigilan ang pagluha ko, kailangan kong pigilan.

Ano na lang mangyayari sa kanya kapag nalaman nyang may ibang babae ang Daddy nya? Ayokong masaktan ang anak ko, hindi baling ako ang masaktan, wag lang sya dahil naaalala ko ang palagi nyang sinasabi na gusto nyang palaging buong ang pamilya kahit na busy kaming parehas ni Lorenzo sa trabaho, ang mahalaga ay nakakasama nya kami kaya paano na lang ito? May ibang babae si Lorenzo, hindi na magiging buo ang pamilya namin.

"Mommy." umangat ang tingin ko kay Kevin, pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Bakit baby boy ko?" hinawakan nya ang pisngi ko at pinunas. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam na napaluha na pala ako.

"Kung ano po yan. Nandito lang po ako Mommy." seryosong sabi nya. Hindi ko mapigilan na mapaluha. Niyakap ko sya nang mahigpit.

"Okay lang si Mommy." sabi ko pero patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Narinig ko syang bumuntong hininga. Napangiti ako ng kaonti, ang anak ko talaga. Sa edad nyang sampung taong gulang para syang matanda sa inaasta nya.

"Okay po Mommy. I love you po." napangiti ako sa anak ko. Hinalikan ko sya sa ulo nya at niyakap sya. Ang sweet talaga ng anak ko. Sana lang ay hindi sya magmana sa ama nya.

"Tapos na ba ang assignment mo?" tanong ko sa kanya at humiwalay sa pagkayakap sa kanya. Pinahid ko ang pisngi ko.

"Opo." sagot nya habang nakatingin sakin. Alam kong nag-iisip na sya kung bakit ako umiiyak. Ganyan si Kevin, iniisip nya muna bago sya magsalita para isang matinding tanong ang ibabato nya at doon ako kinakabahan.

"Nagugutom ka na ba?" tanong ko sa kanya at pumunta sa study table nya para ayusin ang gamit nya.

"Mommy." napabuntong-hininga ako. Ayan na sya.

"Yes, baby boy?" tanong ko pero hindi ko sya nilingon.

"Sino po yung babae na kasabay ni Daddy umalis?" natigilan ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Kaibigan sya ng Daddy mo." sabi ko. Pinagmasdan ako ng anak ko. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pag-ayos ng gamit nya.

"Mommy. Maganda sya." sabi nya. Sinabi mo pa anak. "Pero mas maganda ka, Mommy." tumingin ako sa anak ko at ngumiti.

"Sus binobola mo na naman Mommy mo." nagpout sya. Lumapit ako sa kanya at yumuko ng kasing pantay nya. Inayos ko ang collar ng polo shirt nya. "Ikaw ah? kapag nagmahal ka ng babae dapat isa lang okay? kasi isa lang ng puso mo." ayoko lang na gumaya ka sa Daddy mo.

"Mommy. Paano po kapag dalawa ang mahal ko?" tinignan ko sya. Seryoso syang nakatingin sakin. Hinaplos ko ang pisngi nya.

"Piliin mo kung sino talaga ang nilalaman ng puso mo. Hindi pwedeng dalawa ang mahal mo anak. Ang puso nakalaan lang sa isang tao at yung tao na yon ay mahal na mahal mo at hindi mo pagsisisihan sa lahat na sya ang pinili mo." sabi ko. Nginitian ko sya at hinalikan sa noo.

"Okay po." ngumiti sya at niyakap ako. Niyakap ko din sya.


Alas otso na ng gabi nung makarinig ako ng busina sa labas. Nandyan na si Lorenzo. Hindi ko alam kung pagbubuksan ko pa ba sya ng gate pero asawa ko pa rin sya at kahit na masakit sakin ang ginawa nya mahal ko pa din sya. Napabuntong-hininga ako at naglakad na palabas ng bahay para pagbuksan ng gate si Lorenzo.

Agad nyang ipinasok sa garahe ang sasakyan nya. Isinara ko ang gate at lumapit sa sasakyan nya. Lumabas sya dala ang mga gamit nya. Kinuha ko ang bag nya at sya naman ay hinalikan ako sa pisngi.

"Si Kevin?" tanong nya habang niluluwagan ang necktie nya. Sabay kaming pumasok sa loob.

"Natutulog na. Napagod kakalaro kay Oven." Oven ang pangalan ng aso namin, si Kevin nagpangalan sa kanya nung three years old palang sya. Basta nya na lang kasi tinatawag na Oven si Oven kaya Oven na ang pangalan ng aso namin.

Walang masyadong kaibigan si Kevin dahil palagi lang ito sa bahay at hindi lumalabas na kahit na sinabihan namin syang lumabas ng bahay para makipaglaro sa ibang bata, mas gusto nyang kalaro si Oven.

"Hmm...kumain ka na?" tanong nya.

"Kumain na kami ni Kevin." dati hinihintay ko syang dumating bago kami kumain ng sabay. Ngayon lang kasi napagod si Kevin ng husto kakalaro kay Oven kaya pinakain ko na sya at sumabay ako dahil ayoko itong kumakain ng walang kasabay.

"Sige na, mukha pagod ka na rin. Magpahinga ka na." hinalikan nya ako sa noo bago naglakad papunta sa kusina.

Kahit na gusto ko syang kausapin tungkol sa babae nya ay tama sya, pagod rin ako dahil naglinis ako ng buong bahay at nakipaglaro rin kay Kevin. Nagtungo na ako sa kwarto namin ni Lorenzo at nagbihis ng pantulog. Pahiga na ako sa kama nang makaramdam ako ng pagkauhaw kaya bumaba ako para kumuha ng tubig.

"You should eat na. Anong oras ka na naman nyan makakain eh." rinig kong sabi ni Lorenzo. Sinilip ko sya at nakitang may kausap sya sa cellphone nya. "No, Acey kumain ka." sa tono ng boses ni Lorenzo parang naiinis ito sa kausap nya. "Bakit ba ang hirap mong pakainin?" napahilot sa sentido si Lorenzo. "Seriously?" nailing sya at napangiti din.

Siguro kausap nya ang babae nya. Narinig ko kasing tinawag nya kanina yung babae nya na Acey. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko. Hindi ko talaga matanggap na may babae sya. Mahal ko sya eh, alam kong mahal nya rin ako pero bakit bigla kami nagkaganito? bigla syang nambabae?

"I...love you." tumingin ako kay Lorenzo ng banggitin nya yon. Nakatingin sya sakin pero napaiwas rin ng tingin. "Kumain ka na. Bye." sabi nya at binaba ang cellphone nya. Tumingin sya sakin.

"Bakit Lorenzo?" hindi ko na naman mapigilan mapaluha. "Ano bang ginawa ko para saktan mo ako ng ganito?" patuloy ako sa pag-iyak.

Tumayo sya at lumapit sakin. Niyakap nya ako. Walang salita lumabas sa bibig nya. Mas lalo akong umiyak.


Kinabukasan, maaga akong nagising. Naghilamos ako at tumingin sa salamin. Maga pa rin ang mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi. Walang ibang sinabi si Lorenzo kundi humingi ng sorry. Mas lalo akong nasasaktan.

"Please hon wag ka ng umiyak." tumingin ako kay Lorenzo na pumasok ng banyo namin. Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Paano ako hindi iiyak Lorenzo? kung alam kong may babae ka." hindi ba masakit 'yon para sa isang asawa kapag nalaman mong may kabit ang asawa mo?

"Sorry kung nasasaktan kita at sorry kung masasaktan pa kita." may pag-aalalang sabi nya. Tumingin ako sa kanya na nagtatanong. Pinahid nya ang luha sa pisngi ko. "Dito na sya titira simula ngayon."

Para akong binuhasan na malamig na tubig sa narinig ko. Tila ako nabingi sa narinig ko.

"Na-nagbibiro ka ba?" tanong ko sa kanya. Unti-unti umagos ang mga luha ko nung umiling sya. "Hindi ka na ba nahihiya sakin Lorenzo?" napayuko sya. "Patitirahin mo ang babae mo rito sa bahay na 'to? Ang sama mo!" hinampas ko sya sa dibdib nya habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Hindi ako papayag! sapat na sakin na alam kong may babae ka pero ang patirahin mo sya rito? sumosobra ka na Lorenzo! ano na lang iisipin ng mga kabitbahay natin? ng anak mo?! hindi ka na nahiya! nagdala ka ng babae, rito pa talaga sa bahay na 'to kung nasaan ang asawa't anak mo!" pinaghahampas ko sya. Wala akong pakialam kung nasasaktan sya, mas nasasaktan ako.

"Stop!" hinawakan nya ang kamay ko ng parehas. Tinignan ko sya ng masama. "Bahay ko pa rin 'to. Ako ang masusunod kung ano gusto kong gawin dito sa bahay. At kung babalakin mong umalis dito kasama si Kevin, hindi ako papayag." seryosong sabi nya.

"Ang sama mo! Ang sama-sama mo!" gusto ko syang saktan pero mahigpit ang pagkahawak sakin ni Lorenzo. "Bitawan mo ako!" pinipilit kong bitawan nya ako pero hindi nya ako binibitawan. "Lorenzo ano ba?!" walang reaksyon syang nakatingin sakin. Mas lalo akong naiinis sa kanya.

"Mommy, Daddy." tumigil ako nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto at pagtawag ni Kevin.

Tumingin sakin si Lorenzo at binitawan ako.

"Mag-ayos ka na." sabi nya at lumabas ng banyo. Napaluhod ako at napahagulgol ng iyak. Pero pinipilit ko na hindi ito lakasan dahil baka marinig ako ng anak ko.

Hindi ko na kaya, ang sakit sakit na. Bakit ba nagkaganito?





------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 98.7K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
1.8M 59.4K 56
UDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli...
68.2K 4K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.