Music & Hearts|| ViceRylle

Autorstwa kaname0587

80.7K 1.7K 143

Collection of one shot stories. Lahat tungkol sa Love na hinango ang kwento mula sa mga paborito nating love... Więcej

Baby, I Love your way
Crazy for you
Wherever You Will Go (Part 1)
Wherever You Will Go (Part 2)
Wherever You Will Go (Part 3)
Love's Grown Deep
Stitches and Burn (Part 1)
Stitches and Burn (End)
Manhid Ka
Suddenly It's Magic
Whoops Kiri Whoops
Sacrifice (Part 1)
Sacrifice (Part 2)
I Dare You To Move by Switchfoot
DECODE by Paramore
.Radioactive by Imagine Dragons
Promise by Jiro Wang (Part 1)
Promise by Jiro Wang (Part 2)
Momo (Silently) Fahrenheit
Mandy (Kor. Ver. Jang Geun Suk)
Bitter, Sweet
Dear Fandoms
Woman's Cry
Let's Not Fall Inlove by Bigbang
For You by BTS
Oh My Lady by Jang Geun Suk
Hold Me Tight by BTS
Monster
Where You At Taeyang eng ver
Because I Miss You - Jung Yong Hwa
Beautiful by EXO Baekhyun
주영 (JooYoung) - Call You Mine
Starting over again
Save Me by BTS
Fire
Fire (Part 2)
The Runaway Groom
The Runaway Groom 2
Not an update
Jealous
Jealous 2
Runaway Groom Part 3

Stitches and Burn (Part 2)

2.3K 53 6
Autorstwa kaname0587

Part Two

Now I don't want 

To see you anymore 

Don't want to be the one 

To play your game 

Not even if you smile 

Your sweetest smile 

Not even if you beg me 

Darling please 

"Conratulaions, Mrs. Viceral, you're six weeks pregnant" nakangiting kinamayan ako ng aking ob gyne. Medyo tulala pa ako sa sinabi nya pero nagawa ko pa ring tanggapin ang kanyang kamay. 

"I only have one question Mrs. Viceral" napatingin naman ako sa doctor.

"Ano po yun doc?"

"Does it run in your family? What I mean is yung medyo mahirap magbuntis"

"Po?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Sa mga test mo kasi kanina, I can say medyo maselan ka magbuntis. Mahina ang kapit ng bata sa matris mo so kailangang inumim mo sa tamang oras ang mga irereseta ko sa iyong vitamins, This will make the baby strong"

"Ok po doc"

"Aside from that, please refrain stressing yourself, avoid over fatigue."

Kung ano ano pa ang paalala ng doctor sa akin para maging maayos ang pagbubuntis ko. Im so excited para maibalita na ito kay Vice. Hinawakan ko ang aking impis pa na tyan. Baby, help me bring back your sweet dad. Alam kong makakatulong ang batang to para mabago ang relasyong meron kami ngayon.Before going home, I have decided to go to supermarket. Gagawa ako ng espesyal na hapunan. 

Pagkadating pa lang sa bahay ay dumiretso na ako sa kusina. Inihanda ko na ang mga gagamitin ko para ipagluto si Vice ng paborito nyang adobo.Halos inabot din ako ng isang oras sa pagluluto. Sunod kong inayos ay ang hapagkainan. Nakangiting inalapag ko ang flower base at kandila sa gitna ng lamesa. Nang makuntento na ako ay umakyat muna ako para maligo.

Pagbaba ko ay tiningnan ko ang wallclock na nakasabit, pasado alas otso pa lang kaya napagpasyahan kong manuod muna habang inaantay si Vice na umuwi. Nakatapos na ako ng dalawang movie pero wala pa rin yung inaantay ko. Di ko na rin mapigilan ang pamimigat ng mata ko kaya ipinikit ko na lang muna. Iidlip lang ako kahit saglit. Madali naman akong magising sa konting ingay lang, kaya sigurado akong mamalayan ko ang pagdating nya. 

Nagising akong nanakit ang batok ko. Marahil dahil di maganda ang pagkakapwesto ko sa sofa. Bigla akong napaunat. Oo nga pala, inaantay ko si Vice kagabi. 

Tumayo ako at tiningnan ang lamesa, nandun pa rin ang mga inihanda ko kagabi, naubos na nga rin ang sinindihan kong scented candle kagabi. Halatang halata na walang gumalaw sa inihanda ko. Kung paano kung iniwan iyon kagabi habang inaantay sya ay ganon din ang ayos nun ngayong nakaalis na sya. Yep, alam kong umuwi sya kagabi, di ko lang alam kung anong oras sya nakauwi. Naamoy ko pa kasi ang pabangong gamit nya. Ganito ba talaga pag buntis, matalas ang pang amoy?

Suddenly parang gusto kong makita ang aking asawa. Nakatapos na akong iligpit ang mga di nagalaw na pagkain pero di pa rin ako mapakali. Paikot ikot ako na parang may hinahanap. Napatingin ako sa wedding picture namin ni Vice, ngiting ngiti ako dun pero sya ay seryoso lang. Naalala ko pa nun, pagkagaling sa simbahan ay nagpakita lang sya sa mga bisita at agad ding umakyat upang magpahinga. iniwan nya sa akin ang pag iistima sa mga bisita. Alam ko na nung mga panahong yun ay labag talaga sa loob nya ang magpakasal sa akin. Ikaw ba naman, pikutin ka ng isang babae habang ang dami mo pang gustong gawin at marating. That time, I'm so in love with him at masyado akong naoverwhelm nun dahil naging akin sya. I never thought that it would change the Vice that I've known. 

Tanghali na pero ganon pa rin ang pakiramdam ko. Di ko alam pero kanina pa din ako kinakabahan. Sa tuwina ay lagi ko naiisip si Vice tapos biglang kakabog ng todo ang puso ko. Kaya naman napagdesisyonan kong pumunta dito para masigurado kong nandito si Vice at safe syang nakapasok. Ngumiti ako ng makita ko ang kanyang secretary nya.

"Andyan ba ang sir Vice mo?" malumanay kong tanong sa kanya.

"Ah yes ma'm, pero...." alam kong may sasabihin pa sya pero tumalikod na ako. Gusto ko ng makita si Vice. Nakakatawa pero ang aking asawa ata ang pinaglilihian ko. Dali dali kong binuksan ang pinto ng opisina nya. Nagitla ako sa aking nakita. Napaatras ako sa aking nasaksihan. Nag uunahang bumagsak ang mga luha ko. I felt a sharp pain on my chest.

"Vice..." agad na naghiwalay ang magkahugpong na labi ng dalawa upon hearing me. Sabay silang napatingin sa akin. Para akong naistatwa sa aking kinatatayuan. I'm still in a state of denial ng magsalita ang babae.

"Oh look who's here babe, You're trying hard good for nothing wife" tiningnan ko lang sya at bumaling sa aking asawa. Ang inaantay ko lang ay ang magsalita si Vice at magpaliwanag. Pero ang laki ng dismaya ko ng di man lang sya kumikilos sa kanyang kinatatayuan at nakatingin lang sa amin. Akmang lalapitan ko sya ng hilahin ng babaeng yun ang kamay ko. Marahas ko iwinasiwas ang aking kamay at tuloy tuloy na lumapit kay Vice.Malapit na sana ako ng bigla akong hablutin ng babae nya at malakas na itinulak. Sa sobrang lakas ng impact ay halos matulig ang aking pagkatao. Buti na lang at naitukod ko ang aking kamay kung hindi ay tatama sana ang aking mukha sa semento.

Unti unti ay nakaramdam ako ng pagkirot sa aking balakang at puson. Agad akong napahawak sa aking tyan. Napakapit ako sa pinakamalapit na upuan upang itayo ang aking sarili pero dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay lalo lang akong napasubsub sa sahig. Nanlaki ang mata ko ng parang may bumulwak sa kaloob looban ko. I looked down. Halos himatayin ako ng makitang may dugong umaagos galing sa aking hita pababa.Naiiyak na pinunasan ko iyon. Pagapang na nilapitan ko sya at hinawakan ang binti nito. Tears and fear are all over my face. 

"Vice tulungan mo ko, ang baby natin..." pagmamakaawang sabi ko sa kanya habang umiiyak.

Unti unting kinakain ng kirot at sakit ang lakas ko kasabay ng pamimigat ng aking mga mata. Bago  tuluyan magdilim ang paningin ko ay ramdam ko pang binuhat nya ako. I tightly grip his hand.

"Please Vice..... save our baby" pagkatapos nun ay tuluyan inagaw ng dilim ang kamalayan ko.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Mabigat man ang aking pakiramdam ay pilit akong bumangon, I felt a throbbing pain sa aking puson, agad namang lumapit sa akin si Vice at umalalay. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Vice, ok lang ba ang baby natin?" nakayuko lang sya at di tumitingin sa akin habang pilit pinapabalik ako sa higaan.

"K, matulog ka muna. Mahina pa ang katawan mo" di ko pinansin ang sinabi nya. Bagkus ay lalo kong inabot ang mga braso nya.

"Vice tinatanong kita, kamusta ang baby natin. Ok lang ba sya? Bakit ganon lumiit na ang tyan ko? Nasaan na ang anak natin" Ramdam kong unti unting nanginig ang mga braso nya. Tiningnan ko sya ng diretso pero iniiwas nya ang kanyang mga mata. Alam kong histerikal na ako pero kelangan kong malaman kong ayos lang ba ang anak namin.

Umikot ang paningin ko sa paligid. Di lang pala kami ni Vice ang tao. Nandito rin pala ang mga magulang ko pati na ang mga kapatid. Nagpilit akong bumangon upang lumapit sa aking mama.

"Ma, nasaan na si baby? Ito kasing si Vice ayaw sabihin sa akin eh" iniyugyug ko pa ang ang mga braso ng aking mama pero ito man ay umiwas lang din ng tingin. Ano bang nagyayari? Bakit ayaw nilang magsalita? Muli kong nilapitan si Vice. Hinawakan ko ang pisngi nya at iniharap sa akin. Medyo kinakabahan na ako.. wag naman po sana.

"Vice, tell me, ok lang ang baby natin di ba? Sabihin mo, dali na " Inaantay ko syang sagutin ang tanong ko pero iba ang isinagot nya.

"K...... I'm........ I'm sorry, hindi ko.. kasi alam na..... Bakit di mo sinabi sa akin na buntis ka?"

"Sasabihin ko sana  sayo, but you didn't give me a chance.... bakit ba di mo ako sinasagot?"

"kayo...." tiningnan ko sila isa isa. 

"Bakit ba hindi kayo nagsasalita? Anong nangyari sa baby ko..." sigaw na tanong ko. Alam kong di tama na sumigaw ako pero kasi I need to know bago pa ako lamunin ng takot. Kanina pa akong may kutob pero kelangan ko na kumpirmasyon sa kanila. 

"Shhh.... K, I'm sorry.. Its my fault......"

"The baby.... it's gone... Im sorry di ko sinasadya....."

Napahagulgul ako sa sinabi nya. Instantly, my body felt numb. Napaluhod ako habang umiiyak. Mula sa mahina papalakas. Unti unti, narerealize ko na ang tangin bagay na naguugnay sa amin ni Vice ay wala na. Ang sakit, ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang pakiramdam ko, pinutulan ako ng isang bahagi ng aking katawan. Napakarami ko pang plano sa kanya. Ang sabi ko paglabas nya, ipapasyal ko sya sa Disneyland, agad agad kahit baby pa sya tapos ibibili ko ang lahat ng gusto nya. Sabi ko pa noon, kahit di na ako mahalin ng tatay nya basta nasa tabi ko lang sya, ok na ako. Paano na ngayon? Saan pa ako kukuha pa ng lakas para mabuhay....

Ang kaninang malakas kung pag iyak ay biglang tumigil. Parang balon na biglang nawalan ng tubig. Tuyong tuyo na ang pakiramdam ko. Pati siguro mga mata ko ay napagod ng umiyak. Napayuk yuk na lang ako sa aking kinakaupuan. I want to shut off my self from the this world. Ayaw nila akong maging masaya. Ang gusto ko lang naman ay mahalin ng lalakeng gusto ko. Mahirap ba yun.? Ang gusto ko lang magkapamilya sa kanya. Malabo ba talagang mangyari yun?

Mula sa pagkakayukyuk ay gumalaw ang katawan ko. Naringgan ko na lang ang aking sarili ng humihimig ng isang kantang panghele. Napapangiti ako pero di ko alam kung bakit. Sa aking paningin ay may batang nakikipaglaro sa harapan ko. Nakikita kong itinataas nya ang kanyang kamay na parang bang sinisabing hawakan ko iyon. Inaangat ko ang aking kamay at inilapit iyon sa kanya. Sa aking isip ay nakikipaglaro ako sa isang sanggol. Kamukhang kamukha ko sya, tapos ang ilong nya ay parang kay Vice, napangiti ako.  Bumubuka ang bibig nya, parang gustong makipag usap sa akin. 

"Hi baby.... Ano yun ha..... ang cute cute mo naman. Mana ka sa akin... tapos yung ilong mo, ang tangos parang sa tatay mo" alam kong para akong nasisiraan sa pagkausap ko sa kanya. Hindi ko alintana ang pagkakagulo ng mga tao sa paligid ko. 

"Doc, anong nagyayari? Bakit sya nagkakaganyan?" narinig kong nagsalita si Vice. Napaismid ako. Bumalik ang tingin ko sa baby na  sa paningin nila ay ako lang ang nakakakita.

"Mr. Viceral, I need to do some test sa iyong asawa. This maybe the result of a trauma dahil sa pagkawala ng baby nyo" Marahas kong tiningnan ang nagsalita. Anong nawala ang baby namin? Eh andito sya sa harap ko, nakikipaglaro sa akin. 

"Anong sinasabi nyu ha, Andito ang baby ko oh..." itinuro ko pa ang aking kamay sa harapan. Narinig kong may humagulgul. Paglingon ko ay nakita ko ang aking ina na yakap ng aking dad at pinapakalma. Ano bang nagyayari sa kanila. Para silang mga sira....

"Hmp, halika na nga baby, dun tayo sa kama, pagpasensyahan mo na kung maingay sila" Tumayo at umaktong may binubuhat.... Alam kong nakatingin sila sa akin. Nararamdaman ko........

To be continued......

Preview to the next part:

It's been two weeks simula nung mawala ang baby namin at ganon pa rin ang kalagayan ni Karylle. God knows, how I hate myself for hurting her and losing our baby. Sarili ko lang ang pwede kong sisihin. Tinitigan ko sya. Tulala lang syang nakatitig sa kisame habang nakaupo. Nilapitan ko sya at inilapag sa tabi nya ang dala ko.

"K, kumain ka muna ng breakfast" Ni hindi man lang sya gumalaw o tumingin sa pagkaing dala ko. 

Parang gusto kong saksakin ang sarili ko sa nakikita kong kalagayan nya. After ng pangyayaring yun ay nag iba na sya. Pagkaminsan ay nagsasalita sya pero para bang may kausap syang bata... 

Naiiyak ako habang gingawa ko to. I still need you're comments and votes guys... Thanks

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
1.2K 275 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
18.8K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
227K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...