The Untamed Beauty and The Ha...

By cofitwiin

2K 37 8

Disney's Classic fairy tale with a twist: Mayroon tayong kasabihan na LOVE CONQUERS ALL. But will love conque... More

Prologue
Chapter 1: Meet Ana Fonetier
Chapter 2: Date With The Stranger
Chapter 3: Travis the Traitor
Chapter 5: Bahay Mo Bahay Ko
Chapter 6: Bisita To Yaya
Chapter 7: Meet the Most Special Girls in My Life
Chapter 8: Household Chores Blues
Chapter 9: All New...
Chapter 10: Painful Past
Chapter 11: Rest-Oh-Rant
Chapter 12: Angela
Chapter 13: The Announcement
Chapter 14: Hi! I'm Mr. Confused
Chapter 15: His Parents
Chapter 16: Ana or Angela
Chapter 17: Two Halves
Chapter 18: My Angel
Chapter 19: Ana vs. Angela

Chapter 4: The First Time I Saw You

99 2 0
By cofitwiin

Thank you sa lahat ng mga bumabasa ng stories ko. Di ko man kayo kilala, I just hope na subaybayan niyo po ito. I need inspiration mga dear readers.

Please comment din po kayo sa baba.

A million THANK YOUs for you... ^_^

Chapter 4

Ivo's POV

Unang POV ko eto. Syempre kasali talaga ako dito. =)

Ako nga pala si PRIMITIVO PELANO. Ivo for short. Huwag niyong sabihing maganda ang pangalan ko, kasi ako mismo nasusuka dito. Kung bakit kasi mahilig ang mom at dad ko sa mga ganitong names. Ang name ng mom ko is Pelagia Pelano (Pelagia is read as pela-hYah). And my dad is Restituto Pelano. Galing di ba? May dalawa akong  younger sisters. The elder is Constancia Jane Pelano and the other is Concepcion Mae Pelano. Bakit kaya ganito ang mga magulang ko? Di na lang kaya nila maadopt ang makabagong panahon? Taeng mga pangalan to.

----------------------------------------------------------------

Isinakay ko ang babaeng ito sa kotse ko. Actually kilala ko siya. Sino ba naman ang di makakakilala sa kanya? But I don't judge her as "slut". She is still a girl. Sa tinagal tagal ko nang nabubuhay sa mundo, alam kong hindi magkakaganito ang babae pag walang external o internal factor.

Pinasakay ko siya sa kotse ko at nagmaneho na din ako. Tahimik lang babaeng ito. Ayaw magsalita, yet narinig ko siyang humihikbi.

"Miss are you ok?" tanong ko.

"Ok lang" sagot naman niya pero di siya tumitingin sa kin. Nakayuko lang siya.

Tahimik kami sa byahe hanggang sa ini-stop ko ang car ko. Andito na kami sa bahay. Wala naman kasi akong alam na lugar kung san ko siya pwedeng idala.

"Baba." sabi ko sa mahinahong tinig, kahit naiinis pa din ako

Pero hindi siya kumilos dahil natrauma yata sa nangyari kanina. Badtrip na badtrip talaga ako. Dinagdagan pa ng mga siraulong mga kabarkada ko. Sinabihan na nga na huwag manakit ng babae physically kahit ano pa mangyari. Ako naman pag naiinis ako, hindi naman ako nanakit. Pero mahilig akong mambulyaw lalo na pag galit na galit talaga ako.

Sa inip kong naghihintay sa kanyang bumaba, tiningnan ko siya sa loob at tahimik na umiiyak. Nagpunta ako sa kabilang side ng kotse, inopen ko yung pinto, tsaka ko siya hinila sa loob ng bahay.

Hindi naman siya kumalas. Hindi rin naman talaga kasi siya makakawala sa higpit ng hawak ko sa kanya. Wala pa kami sa loob ng bahay ay feeling kong bumigat ang kamay niya. Naku ang babae hinimatay na. Ano kaya nangyari dito???? Nagpanic ako. Nakalimutan ko wala pala si Yaya Ching. Bumalik sa probinsya nila. At sa pagkakatanda ko sa sabado pa ang balik niya. Ano ba yan, matagal pa, eh Tuesday pa lang ngayon eh!. Haaaay!!!!

"Miss, miss, are you ok?? Di ka patay di ba? Please don't die. "

Sa kapapanic ko, wala ako nagawa, binuhat ko na siya. Nagulat na lang ako kasi kumapit naman siya sa batok ko.

Ok na yun para masuportahan niya ang pagbuhat ko sa kanya. Magaan pa din naman. Iniakyat ko na siya sa..... teka saan ba?? Alangan naman sa kwarto ko.

Anu ba?? sa kwarto na lang ni yaya. Hindi naman siguro maarte ang babaeng to. Malinis naman dun eh.

So, mukhang kailangan kong mag-alaga ng babae dito. Wala ang mom at dad ko. Puro business ang iniisip ng mga yun. Nakakainis na. Wala man lang akong kasama dito sa bahay ko. Kelan kaya uuwi mga yun? Ang tanong.... UUWI PA BA SILA? :-( Hello! 2weeks na silang di umuuwi.

Madami kasing business ang family namin. May isang part ng SM Cebu ang pag-aari namin dun. Tapos isang sikat na restaurant sa Palawan. May resort pa kami. Hay, oo na, kami na ang mayaman. O tapos?

Sabagay tatawag naman ang mga yun pag uuwi sila.

Gutom na ko! Gisingin ko kaya ang babaeng to para ipagluto ako? Haha kapal ko talaga. Bukas na bukas ay papauwiin ko na din to. ......................................................

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!" anu yun?? May sumigaw. Sa kwarto ni yaya galing yun ah. Tumakbo ako, mabilis. Bumaba pa kasi ako para humanap ng food. Gutom na talaga ako.

"ANO YUN????????" tanong ko naman. Tinignan ko ang babaeng to na nakatayo sa gitna ng kama at parang takot bumaba.

"DAGA! MAY DAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" sigaw pa niya na nanlalaki ang mata at tinuro pa kung saan niya nakita yung sinasabi niyang daga. Natatawa na lang ako sa itsura niya. "Miss daga lang yan. Will you please shut up! Naririndi ako sa boses mo. Kala ko may kung ano na nangyari." Tumalikod na ako sa  kanya, pero bumalik ako. "Ano pala pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Ah, ako si Ana...Fonetier." yun ang sagot niya sa kin. "Talaga? Baka naman name ng iba yan ha. Sa lahat ng mga naidate mo, anu anong pangalan pa ang ginamit mo?" tanong ko pa, pero tumalikod na din ako at nagpunta sa kwarto ko.

Napagod yata ako. Feeling ko inaantok na ako kahit 8pm pa lang. I am used in sleeping at 11pm or later. Pero ngayon, sumuko ang katawan ko at bumagsak na ako sa bed ko.

-------------------------------------------------------

Ana's  POV

Bwisit na mga lalakeng yan. Buti na lang at dumating si Mr. Familiar Voice. Sino nga kaya ito at bigla na lang akong hinila sa kotse niya? 

Pero lungkot na lungkot pa din ako kanina sa nangyari sa ken. Naaawa ako sa sarili ko. Akala ko pa naman mabait ang hayop na travis na yun. Pero ano pa ba naman ang ineexpect ko? Igalang ako ng mga tao? Hindi naman ako kagalang galang. As a matter of fact, kabastos bastos pa ako. Mama, tignan niyo ang nangyari sa akin ngayon. Ang lungkot lungkot ng pinakamagandang anak niyo. Pinakamaganda kahit nag-iisa lang naman akong anak. Namimiss ko tuloy si mama. Hindi ko napigilang umiyak. T_T.

Nagsalita etong kasama ko sa kotse.

"Miss are you ok?" tanong niya

"Ok lang" sagot ko naman, malakas yata ang pag-iyak ko. Parang narinig niya eh.

Tahimik lang kami at ako naman pahikbi hikbi pa din. Ang lungkot talaga. Hindi magkakaganito ang buhay ko kung di lang namatay si mama at papa. Maginhawa naman kami dati eh. Kaso nung umalis sila, alam kong kokontroli lang ako ng tita ko lalo na hindi niya ako gusto. Palibhasa kasi mas maganda ako sa kanya. Hmmm!

Puro flashbacking lang ginagawa ko,  pero maluha luha pa din ako. first time lang kasi may nagsabi sa akin ng mga ganung bagay. Ang sakit. Pinamukha nila sa akin na masama ako. Sorry ha. Wala kasi akong alam na pangkabuhayan ko maliban sa STABLE JOB ko. Naramdaman kong huminto ang sasakyan. Siguro ay nakarating na kami sa kung saan man kami pupunta. Pero nakayuko lang ako.

"Baba" sabi ng lalaki sa mahinahong boses pero mukhang badtrip pa din sa nangyari.

Hindi ako kumilos. Basta umiiyak lang ako sa loob. Nang mapansin kong naglakad siya papunta dito sa kabilang side ng car. Binuksan niya, tsaka niya ako hinila. Hindi pa din naman naiibsan ang lungkot ko. Kaya wala din akong nagawa pero pumayag sa kahit saan ako dalhin ng lalakeng to. Kahit papano ay mukha naman siyang matino. Pero parang humina ang puso ko at kinapos na lang ako ng paghinga. Tumingin ako sa lugar na pupuntahan namin. Maganda yung bahay kaso panget. Kasi umiikot yung vision ko. Hanggang sa.................hindi ko na alam.

----------------------------------------------------------

Nagising ako. Pero pagkagising ko may malamig na nakadikit sa ilong ko. Hindi pa ako lubusang nakamulat kaya naduduling pa ako. Pero nang makita ko kung ano ang bagay na malamig,

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!" sigaw ko tsaka ako nagtatalon sa bed. Ayokong bumaba natatakot ako. Baka may daga pa! Yuck!!!  Kaderder naman dito!!! Hanggang sa nabuksan yung pinto.

"ANO YUN????????" tanong nung lalake na halos mapasigaw pa sa gulat.

"DAGA! MAY DAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" sigaw ko pa tapos itinuro ko pa kung san ko nakita yung daga! Takot ako sa ganun eh. Itsahan na nila ako ng ipis at kung anu ano pang mga insekto. Pero wag namang daga!!! Ayoko nun! Shaaaakkzzzz!!!!

 "Miss daga lang yan. Will you please shut up! Naririndi ako sa boses mo. Kala ko may kung ano na nangyari." Tapos umalis din siya pero after 5 seconds bumalik din "Ano pala pangalan mo?" tanong niya. Syempre sagot ako agad "Ah, ako si Ana...Fonetier." "Talaga? Baka naman name ng iba yan ha. Sa lahat ng mga naidate mo, anu anong pangalan pa ang ginamit mo?" aba! Ang yabang naman ng taong.... ng halimaw na to!!! Yun naman talaga ang pangalan ko eh. Simpleng  A-N-A lang naman. Baka gusto niyang gawin ko pang Angel o Rose Marie ang pangalan ko. Nakakainis! Ayoko matulog dito baka kainin ako ng daga.

Binuksan ko yung pinto. Walang tao. Ang ganda naman dito. Kaso nakakahiya kung maglilibot ako sa loob. Baka sabihin tinulungan lang ako, tapos titignan ko p yung itsura nung bahay niya. Makatulog na nga. Inaantok na din naman ako. Kaso takot ako dun sa daga. Huhuhu. Magkukulambo na lang ako. Tutal meron naman nung tignan ko ang cabinet. Tsaka po pinaligiran ng madaming madaming unan sa paligid. di n ako makagalaw. Palibhasa ginawa kong palaman ang sarili ko sa mga unan na to.

Continue Reading