BY THE WAY, HIS NAME IS JACK...

By mimhytot

15.7M 473K 126K

Odd name it is and one thing is for sure: Next to his name is nuisance. This story is now available in leadin... More

By the Way, His Name is Jack Frost
[1] Summer
[2] First Day of Class, Day of My First..
[3] The Gangster
[4] Unending Fights
[5] Storm
[6] Tan Siu International Academy
[7] Jasmine
[8] By the Way
[9] His Name
[10] Eggs
[11] Egg Party
[12] Don't Let Him Know
[13] The Lost Gangster
[14] The Popular Jasmine
[15] A Good Friend
[16] Bad News
[17] The Jack Frost Equation
[18] True Color of a Flower
[20] Thunder
[21] In The Midst Of a Rainy Night
[22] This Must Be Something
[23] Jasmine The Second
[24] Okay
[25] Words That Were Not Left Unsaid
[26] Promise
[27] First Times
[28] Type AB
[29] Snow White
[30] Three Years Ago
[31] Betrayal
[32] The Risk
[33] The Tresspassers
[34] Judgment Day
[35] Hear His Heart
[36] Friendship
[37] The Rejection
[38] The Transformation of Jack Frost
[39] Break You A Little
[40] Wanted: Jack Frost
[41] Tangled
[42] Two Broken Hearts
[43] Suicide Mission
[44] The Superior
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 1)
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 2)
[46] Stupid Bravery
[47] All About Revenge
[48] Change of Heart?
[49] Like a Knife
FINALE
EPILOGUE
BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST BOOK

[19] Avellino High

267K 9K 1.5K
By mimhytot

Tulad nga ng sinabi ni Jasmine ay nagkaroon ako ng bagong tyansa na mamuhay ng tahimik dahil mapayapa ang Avellino High kumpara sa mga paaralan na dati kong pinapasukan. Kahit na isa akong transferee ay wala akong nahuli ni isa na nakatingin sa akin. Walang pumapansin sa akin at tila may sari-sariling mundo ang lahat...Isang bagay na matagal ko ng ipinagdadasal.

Sa dalawang subject na lumipas ay wala akong napansin na masama sa kanila. Para akong nasa catholic school at lahat ng estudyante ay required na maging mabait. Nang break na namin ay naiwan lang akong mag-isa sa loob ng classroom dahil ang lahat ay naglabasan.

Sanay naman ako sa palipat-lipat ng school pero tila ngayon ay hindi na ako sanay. Hinahanap-hanap ko ang kakulitan sa akin ni Storm. Kung kailan naman nagkaroon na ako ng maituturing na mabuting kaibigan ay saka pa nawala.

Lumabas din ako ng classroom upang libutin at obserbahan ang bagong paaralan na nilipatan ko. Kulay brown ang uniporme namin at halos katulad lang din ng sa Tan Siu at talagang ang kulay lamang ang pinagkaiba.

Hindi mo aakalain na napakalawak pala masyado ng Avellino High dahil hindi ito ganoong kalaki sa labas. Yun nga lang, wala itong soccer field di tulad ng sa Tan Siu. Di tulad sa mga dating paaralan na nilipatan ko noon ay ngayon lamang ako mapayapang nakakapag-ikot ng school. Bukod kasi sa walang nambubully sa akin rito ay wala rin kasing katao-tao na siya namang ipinagtataka ko.

Walang kaalam-alam ang mga magulang ko na lumipat ako ng paaralan. Ang buong akala nila ay ang unipormeng suot-suot ko ngayon ay isa sa mga uniporme ng Tan Siu. Nakakaguilty man pero kuntento na ako sa paaralang nalipatan ko ngayon. Ayoko na rin bigyan pa sila ng alalahanin kapag sinabi kong lumipat ako dahil ang buong akala nila ay maganda ang sitwasyon ko sa Tan Siu.

Hindi ko namalayan na ang tinatahak ko na pa lang lugar ay papuntang cafeteria. Pakiramdam ko ay sa sobrang laki ng school na ito ay maliligaw ako ng madalas. Dahil sa cafeteria na rin naman ang punta ko ay napagdesisyunan ko na lang na bumili ng makakain at para na rin makita kung ano ang itsura nito.

Pagpasok ko sa loob ay ingay ng mga estudyante ang sumalubong sa akin. Napangiti ako nang wala ni isa ang nakapansin sa akin na pumasok. Lahat ay may kani-kaniyang pinag-uusapan. Nang makabili ako ng tinapay at juice na makakain ay naupo ako sa isang bakanteng upuan kung saan ay hindi masyadong matao. Nakakatuwang isipin na pwe-pwede din pala akong maging normal na estudyante.

"Sigurado kang taga Tan Siu iyon?"

Isusubo ko na sana ang tinapay na binili ko nang marinig iyon mula sa mesa sa bandang likuran ko.

"Hinaan mo ang boses mo. Baka may makarinig sa'yo. Alam mo namang ipinagbabawal ang pangalan ng paaralan na 'yun dito," bulong ng kasama niya.

Gusto kong lumingon upang makita sila pero naunahan ako ng takot. Sa paraan ng pag-uusap nila ay tila isang malaking kasalanan ang pagbabanggit ng pangalan ng dati kong paaralan. Tila isang malaking kaparusahan ang kabalikat nito. Mukhang totoo ang mga sinabi ng Jasmine na iyon kahapon.

Napatingin ako sa babaeng nasa katabing lamesa ko nang padabog itong tumayo at galit na lumakad papunta sa may likuran ko.

"Narinig ko ang pinag-uusapan niyo," galit na puna niya.

Bigla nalang naging malamig ang aura sa paligid. Natahimik ang mga estudyante na kanina ay may kani-kaniyang usapan at lahat ay itinuon ang atensyon sa bandang likuran ko. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng dugo sa mukha dahil sa kaba buhat ng tensyon na nararamdaman ko.

Kahit na hindi nasa akin ang tingin nila ay pakiramdam ko'y sa akin pa rin sila nakatingin dahil nasa likuran ko lang ang mga taong tinitignan nila. Gusto ko ring lumingon upang tignan ang nangyayare pero hindi ko magawa dahil sa takot.

"Alam mo namang ipinagbabawal ang magbanggit ng kahit anong related sa paaralan na 'yun diba?"

Napatingin sa akin ang ibang estudyanteng malapit sa akin nang makita nilang nanginginig kong nabitiwan ang tinapay na isusubo ko sana kanina. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at nanatiling nakayuko.

"Pasensya na. Hindi naman namin intensyon na banggitin iyon pero totoo ang sinasabi ko. May nakapasok na taga Tan Siu rit—"

Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng isang malakas na sampal. Hindi ako makapaniwalang napaharap sa likuran ko. Nakita ko ang isang babaeng nakahawak sa pisngi niya at may dugo sa labi.

"At talagang inulit mo pa?" tanong ng babaeng sa tingin kong siyang sumampal sa kanya.

Napatingin ako sa paligid nang isa-isa silang naglapitan sa dalawang babae. Nagulat na lang ako nang pagbabatuhin nila ito ng kung anu-anong pagkain na kinakain nila kanina. May isa pang babae ang lumapit sa kanila habang may bitbit na plato at talagang napanganga ako nang ibuhos niya ang spaghetti na laman ng plato niya sa dalawa.

Napalunok ako sa pangyayareng nasasaksihan ko. Hindi ako makapaniwala na kasing sahol lang din pala sila ng Tan Siu. Ang buong akala ko ay isa na itong langit. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng lahat? Kung bakit kinamumuhian nila ng ganito ang Tan Siu? Na ang sabihin lang ang pangalan ng dating paaralan na pinapasukan ko ay tila isa ng kasalanan.

"Sandali lang. Ang sabi niya ay may nakapasok raw dito mula sa basurang school na 'yun. Anong ibigsabihin nun?"

Agad akong nanigas sa kinauupuan ko. Tila isang malamig na tubig ang bumuhos sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot at kaba. Pakiramdam ko'y bigla na lang akong pinagpawisan ng malamig.

Napatingin sa akin ang mga estudyante nang bigla na lang akong tumayo sa kinauupuan ko. Nanginginig akong lumakad palabas ng cafeteria na halos lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin. Alam kong isang katangahan ang tumayo at umalis sa gitna ng nagaganap na gulong iyon pero nais kong takasan ang ano mang bagay na maaring mangyare sa akin.

Iyon nga lang babaeng binanggit ang Tan Siu ay grabe na ang natamo, paano pa kaya ako na galing sa lugar na iyon? Buong akala ko ay mamumuhay na ako ng normal sa lugar na ito na malayo sa gulo at takot pero nagkamali na naman ako. Hanggang kailan pa ba ako magiging ganito? Hanggang kailan pa ba ako mamumuhay ng ganito? Sawang sawa na ako. Gusto ko rin ng normal na buhay.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa tila tagong parte ng paaralan. Inikot ko ang tingin ko sa paligid at mukhang walang katao-tao. Talaga bang kakaunti lang ang mga estudyante sa paaralan na ito? Dahil simula pa kanina na nag-iikot ako ay iilang estudyante lang ang nakikita ko.

"Hindi pwede ang sino mang estudyante dito."

Muntik na kong mapatalon sa gulat nang isang lalaki ang tumalon mula sa puno na nasa tabi ko lang.

"Pasensya na. Hindi ko kasi alam," kinakabahang saad ko at aalis na sana pero laking gulat ko nang hablutin niya ang braso ko at iniharap sa kanya.

"So ikaw pala 'yun," saad niya.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ko.

Hindi niya ko inimik pero imbis ay sinuklian lang niya ko ng nakakalokong ngiti. Binitiwan niya ang braso ko at saka ibinulsa ang kamay niya.

"Makikita ulit kita mamaya. Yun nga lang, hindi na ako magiging mabait sa'yo," banta niya habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.

Bigla na lang akong nakaramdam ng takot sa dibdib ko. Ngayon lang ako nakakita ng mga matang tulad ng sa kanya. Napakaamo ng mukhang meron siya pero napakapanganib ng mga mata niya. Napaatras ako palayo sa kanya at bigla na lang nanginig ang mga tuhod ko.

Mas lalong lumawak ang ngiting meron siya dahil sa naging reaksyon ko.

"So fragile," komento niya at saka mahinang natawa at umalis sa harapan ko.

Nilingon ko siya habang naglalakad paalis at napaupo na lang ako nang tuluyan na siyang makaalis. Ibang klase. Pakiramdam ko'y napakamisteryoso ng paaralan na ito at napakalayo sa inaakala ko.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa puno kung saan nanggaling ang lalaking iyon. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang dalawang letra na naka-ukit rito.

'J.F.'

Hindi ko alam kung nagkataon lang ba pero ang gangster na iyon ang unang pumasok sa isip ko. Marahas kong iniling ang ulo ko dahil sa pagkakaalala sa kanya.

Hirap na hirap akong tumayo nang marinig ko ang bell na nagsasabing tapos na ang break. Pinagpag ko ang uniporme ko bago tinahak ang lugar kung saan ako dumaan kanina. Patuloy ako sa paglalakad pero mukhang ito na nga ba ang sinasabi ko...nakakaligaw ang masyadong laki ng Avellino High.

Patuloy lang ako sa paglalakad at paghahanap sa classroom ko nang mapahinto ako dahil sa isang lalaking duguan na bumagsak sa harapan ko. Nanlalaki ang mga mata ko at gulat na gulat na napanganga. Kasunod niya ay isa pang lalaki ang bumagsak sa tabi niya na mukhang nagulpi din.

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko at agad akong nanigas sa kinatatayuan ko nang masalubong ang galit na titig ng lalaking hindi ko inaasahang makita.

Hindi siya makapaniwalang natawa at napasabunot sa sarili niya. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa na tila pinag-aaralan ang unipormeng suot-suot ko.

"Damn," inis na saad niya at sinipa ang isang lalaki na nakahiga sa tabi niya. "You had the guts to run away?" tila hindi makapaniwalang tanong niya.

Napalunok ako dahil sa takot sa itsura niya. May dugo sa kanyang labi at sa may kilay habang napupuno ng dugo ang magkabila niyang kamao. Inilibot ko ang tingin sa paligid niya at nakita ko ang napakaraming lalaki na nakasuot ng uniporme ng Avellino High na nakahiga sa sahig.

"H-How did you find me?" nanghihinang tanong ko.

"Of course I'll find you anywhere, Summer. I told you, there's no way you can get away from me. I'll look for you even deep down in hell," galit at tila nagtitimpi na sagot niya.

Napalunok ako habang tinitignan ang mga mata niyang tila nag-aapoy sa galit. Tinignan ko ang mga lalaking namimilipit sa sakit na nakahiga sa sahig. Binugbog niya ba silang lahat?

Nagulat ako nang may mga lalaki ang biglang sumulpot sa harapan ko at tila hinaharangan ako sa gangster na nasa harapan ko.

"Damn! Why do you keep on blocking my way?! I said I just want my girlfriend back!" inis na sigaw niya.

Tila isang bola na bigla na lang tumalbog ang puso ko dahil sa sinabi niya. G-Girlfriend?

"She's now a property of Avellino High, snowman," sagot ng isang lalaki na tila pinipigilan siya.

Gigil na gigil siyang tumingin sa nagsalita at tinawanan niya ito ng napakasarkastiko.

"I can't believe this school is still full of stupid shit," saad niya at saka inilipat ang tingin sa akin. Seryoso niya kong tinignan sa mga mata at saka ipinagpatuloy ang sinasabi. "She's my property and Avellino can't claim what's mine."

.@,O

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 492 81
Since the time when Dhalia University was built a long time ago, a magical rumor was spread. If a couple gets into the university together, they will...
1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
366 133 93
Olivia Dela Torre purchased a charming pocket notebook and filled its pages with heartfelt pictures and cherished memories. She carefully documented...
152K 9.2K 45
"Just because you're rich doesn't mean you take the shortcuts!" Simpleng babaeng nakapasok sa isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas pero nagbag...