AN: Sorry sa napakatagal na update. Ang dami kasing nangyari sa akin. Charot! :)
BABALA: Mas nakakabitin sa nakaraang chapter. Kung ayaw mabitin, saka na basahin. Hahaha.. :)
"Sometime, you just have to DISTANCE yourself from people. If they care, THEY WILL NOTICE, If the don't, ALAM NA." -Marcelo Santos
Chapter 40
Clarice POV
Segu-segundo ata akong tumitingin sa relo ko. Parang bawat oras na lumilipas mas lumalakas yung tibok ng puso ko.
9:23am na sa watch ko, pero wala pa din siya, sakto namang lumakas yung ulan.
Kinakabahan akong baka hindi siya sumipot. Una, alam kong napilitan lang siya. Pero umaasa pa din ako, kasi sabi niya, may isang salita siya. Kelangan ko lang sigurong habaan yung oras ng paghihintay ko, tutal ako naman ang may gusto neto. Saka bago ko pa lang siya itext, nagexpect na ko ng worst, para kung mangyari man yung kinatatakutan ko, hindi na ganun kasakit.
Biglang may isang lolo na umupo sa harapan ko.
“Iha paupo ha? Hinihintay ko kasi yung anak ko.”
“Sige lang po.”
Haaaaaay. Hindi ko alam kung lilipat ako ng table. Malamang baka dumating siya tapos makita niyang katabi ko si lolo, tapos pang dalawahan lang tong naupuan ko, at malapit sa pintuan, para makita ko siya agad.
Tatayo na sana ako ng may isang babae papasok dito sa loob ng Jollibee. Oo nandto nga ako sa Jollibee at dito kami magkikita. Excited ako kaya ganito kami kaaga nagkita, eh sarado pa yung mall! -___-
Hanggang balikat yung buhok niya, naka-blue siya na polo na ¾, nakapants, nakasneakers, nakaback-pack siya, at ang sarap pisilin ng pisngi niya! *__*
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Literal na yun ang ginawa ko. Haha. Siya yun! Hindi ako pwedeng magkamali!
O_______________O
Parang biglang tumalon yung puso ko! Hindi ako makapaniwala! Dumating siya! :) Sh*t na lang ang nasabi ko sa isip ko! Napangiti na lang ako. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko.
Lalo na nung tinignan niya lang ako at dumaan sa harap ko saka umupo sa ibang table. Malamang hindi niya ako tatabihan dahil nga nasa harap ko si lolo. Pero hindi man lang niya ako pinansin.
Kaya naman tumayo na lang din ako at sumunod kung san siya umupo. Nginitian ko lang siya, at tumingin siya sa kin, ngumiti at tinaasan ako ng kilay! -____-
“Hindi ka man lang namansin.” Nagsalita na ako bago pa magkaron ng dead air. Tutal ilang minuto ding hindi ako nag salita, muntik nan gang mapanis yung laway ko eh.
“Kasi naman ang pangit ng pwesto mo, malapit sa pinto, saka may katabi ka kaya, at ano bang malay ko kung ikaw nga yun.” Ang sarcastic niya, pero okay lang kasi nakangiti naman siya. Gusto ko na atang magdisappear.
“Oo na! Tsk. Order na tayo, anong gusto mo?”
“Tinatamad ako kaya pwede bang ikaw na lang magorder? :)” Leche yung ngiti niya hindi ko matanggihan! -___- Saka mukang wala naman akong choice. Gawain ko din naman talaga to. As much as possible I want to do things for other people.
“Okay anong order mo?”
“Isang one piece burger steak, sprite yung drinks.” Sabay abot niya ng pera.
Ayoko ko sanang tanggapin yung pera niya, gusto ko sana ako na lang magbabayad, kaso for sure pagtatalunan na naman naming yun. Dahil nga ayaw niya ng nagpapalibre. Lalo na’t hindi naman kami close.
Kaya naman tumayo na ako at nagorder. Kung kanina ay gutom na gutom ako, pakiramdam ko ngayon, hindi na ako gutom. Kasi naman naiinis ako sa sarili ko. Hanggang ngayon, nasa harapan ko na nga siya, kinakabahan pa din ako. Hindi man lang ako makakilos ng maayos! Bawat galaw ko masyado akong nagiging conscious. First time kong makipagmeet na ganito yung naramdaman kong kaba. Dahil ba gusto ko siya? -___-
“Welcome sa Jollibee mam, ano pong order nila?” Hindi ko namalayan na ako na pala ang sunod sa pila. Nililipad yung utak ko.
“Isang one piece na burger steak sprite yung drinks, then isang spaghetti coke yung drinks.”
“Regular lang po ba yung drinks nila mam?”
“Yes po.”
Pagkatapos nun ay kinuha ko na yung order ko at umupo sa table namin.
Hindi ko maiwasang titigan siya. I-memorize yung muka niya. Kasi baka eto na yung una’t-huli naming pagkikita.
“Pwede bang wag kang tumitig? Nakakailang.”
Grabe ang taray nya talaga hanggang sa personal, ganun nga talaga siya!
“Sorry, hindi lang kasi ako makapaniwalang pupunta ka nga. Late ka pa.” Pinipilit kong tanggaling yung pagiging awkward ng situation, kasi gusto kong maging memorable yung unang meet up namin!
“Wait lang, about sa pagiging late ko. Sinabihan na kita kahapon diba? Na malelate talaga ako, hindi ko na kasalanan na pumunta ka ng maaga. :) And about staring, did you know na staring at a person is rude? :)”
Nakakatuwa siya, gusto talaga niya ata laging nakikipagdebate. Kasi parang ang hilig niya sa argue. Tapos nakakatuwa masyado siyang vocal na tao. Pakiramdam ko mas matanda pa siya sa akin eh!
Habang kumakaen kami, binawas bawasan ko na yung pagtitig ko sa kanya. Mahirap nab aka naman malusaw siya. Hahaha.
“Lagi ka ba talagang late?” Wala naman talaga akong maitanong. Gusto ko lang siyang kausapin ng kausapin. Pakiramdam ko kasi, bawat minuto na kasama ko siya mahalaga.
“The truth is, hindi. Kung gugustuhin kong maging maaga, kaya ko naman. The reason bakit ako nagpalate is, ako kasi kaya kong maghintay sa isang tao ng matagal, so okay lang na malate ako. Gets mo?”
“Ah sinubukan mo yung patience ko sa paghihintay sayo?”
“Yeah, sort of.” Then she smiled again. Hindi kaya ako ang malusaw neto? (Ang feeling ko lang)
Habang tumatagal, medyo nagiging okay na din naman yung usapan namin. Ang saya lang kasi nandito na siya sa harap ko. Yung pakiramdam na nakikita mo yung isang taong dahilan ng pag ngiti mo, ang saya lang! :)
Ang sarap sa pakiramdam na kahit na takot siya baka kidnapin ko siya, still she did trust me, at eto nagpakita na siya sa kin. Take note, sikat siya sa wattpad, at for sure madami siyang suporters, pero ako ang unang taong mineet niya! *____* Ang sarap lang sa pakiramdam.
“Alam mo bang pag may nakasaga sa kin dyan sa daan, mamumulubi yung taong makakabangga sa kin.” Ang kulit niya lang, wala na kasi kami mapagusapan kaya yan, nagpasok siya ng mga out of nowhere na topic..hahaha.
“Talaga?Bakit?”
“Kasi babayaran nung taong yun, yung worth ng buhay ko, like diba college na ko ngayon, babayaran niya yung mga bagay na pwedeng maicontribute ko pa sa bansa natin, so in short icocompute yun then malaman aabot yun ng milyon.”
“Talaga? May ganun pala!”
Andrea’s POV
Hindi ko akalaing tutuloy ako sa meet up na to. Kasi naman nakakatakot talaga. Baka mamaya masamang tao pala talaga siya. First time ko tong gagawin kaya naman talagang kinakabahan ako.
Hindi ko ineexpect na ganun yung body built niya. Kasi ang ineexpect ko, mataba talaga siya, pero hindi naman pala. Naalala ko na lang na matangkad nga pala siya.
Naka stripes siya na blouse, then naka pink and white na jacket, nakapants, shoes and sling bag.
Nakakatuwa siya kasi ang dali niyang utusan, come to think na mas bata ako sa kanya. Ang saya lang! Tapos ang saya niya din paulanan ng random facts kasi naniniwala siya agad.
Naisip ko nga, what if mag sabi ako ng fact pero hindi naman pala totoo, kaso naisip ko wag na lang, kasi ang mean ko naman pag ganun, eh mukang mabait pa naman siya. Hahaha.
“Huy totoo yun ah, meron talagang ganung batas. Napagaralan namin yun eh! :)” Sagot ko sa kanya. Akala niya siguro niloloko ko siya. Well mahilig lang talaga ako sa mga random facts. Nakakatuwa kasi kapag ganun, feeling ko ang dami kong alam na hindi alam ng iba. :)
Ganito pala ang feeling ng nakikipagmeet-up. Hindi naman pala talaga nakakatakot, ang awkward, pero normal lang naman siguro yun sa taong kakakilala mo pa lang. Matagal na din kaming magkakilala pero xempre iba pa din yung personal hang-outs sa watty.
Kung bakit ako napapayag? Hindi ko din talaga alam. Siguro dahil nasaktuhan lang na pwede akong umalis, at nandito siya?
Saka parang hindi niya ko binigyan ng choice, dahil ang sabi niya, pupunta siya kahit na hindi ako pumunta. Kung hindi ako tumuloy, nakonsensya pa ako. Ang hirap naman ng ganun.
“Hello.”
Napatingin na lang ako sa kanya nung bigla siyang sumagot ng tawag.
Hindi niya ba alam how rude to answer a phone sa meet up? I mean, hindi ko naman siyang pwedeng pigilan. Pero ang sama lang. Ako yung kasama niya tapos may kausap siyang iba.
After 3minutes.. Oo ganun siya katagal nakipag-usap sa fone.
“Alam mo bang ang rude na sumagot ka ng tawag habang ako ang kasama mo?” Yan ang sinabi ko pagkababa niya ng phone. Kasi naman, nakakainis kaya.
“Sorry, I really have to take the call, nanay ko kasi yung tumawag.” Nakunsensya naman ako, nanay naman pala niya. Okay she’s forgiven.