Cali's Queen (Completed) EDIT...

By Veldet_Ayesha

1.7M 41.8K 3.5K

WARNING R:18 In a famous Belief, every person in this world has their own lifetime partners or the so-called... More

Cali, The Human Peste
CQ-2
CQ 3
CQ-4
CQ-5
CQ-6
CQ-7
CQ-8
CQ-9
CQ-10
CQ-11
CQ-13
CQ-14
CQ-15
CQ-16
CQ-17
CQ-18
CQ-19
CQ-20
CQ-21
CQ-22
CQ-23
CQ-24
CQ- 25
CQ-26
CQ-27
CQ- 28
CQ-29
CQ-30
CQ-31
CQ-32
CQ-33
CQ-34
CQ-35
CQ-36
CQ-37
CQ-38
CQ-39
CQ-40
CQ-41
CQ-42
CQ-43
CQ-44
CQ-45
CQ-46
CQ-47
CQ-48
CQ-49
CQ-50
CQ-51
CQ-52
CQ-53
CQ-54
CQ-55
CQ-56
CQ-57
CQ-58
CQ-59
CQ-60
CQ-61
Final Chapter
EPILOGUE

CQ-12

29.4K 627 12
By Veldet_Ayesha



CQ TWELVE



"Sinabi ng ayoko!"

Frustrated na napahilamos si Cali sa kanyang mukha. Halata na ang asar sa galaw niya as he threw the velvet maroon dress on my bed. Nabubuisit ako sa katangahan niya. Hindi siya nagpasabi na susugod siya dito, tapos sinabi niya pa sa Nanay ko na kaming dalawa na. Eh, nuknukan ng intregera si Mama! Kung bakit ba naman kasi kailangan pa ng partner sa Birthday Party na iyan, eh hindi naman Debut o Valentines Ball iyon!

"Quinn, I'm starting to get pissed." tumalim ang mga mata niya sa akin. "I'm just asking a short span of time with you."

"And how many times I shouted 'ayoko?''

"Then sinong isasama ko doon?!" Inisang hakbang niya ako at hinigit sa kamay ng magalakad ako patungo sa pinto ng aking kwarto. "Si Morgianna?!"

"Subukan mo!" I glared at him. "Subukan mo, Hidalgo, kung hindi kita kinapon dito mismo!"

"That's why I'm asking you to come with me!" Inis na naman niyang pinasadahan ng kamay ang buhok niya. "C'mon! Kahit ipakilala lang kita kay Mommy, then umuwi kana. Ano ba kasing gusto mong gawin ko para pumayag ka?"

I twitched my lips at stared at him. "Gagawin mo? Kahit ano?" Bahagya siyang natigilan ngunit nagseryoso rin agad at tinanguan ako.

"Yes, lahat."

Napangisi ako at lumapit sa kanya. Pinalibot ang braso sa kanyang bewang at tiningala siya. Ginagawa ko lamang ito kapag kami lang dalawa, kapag walang masyadong tao, at wala kami sa University. Inis siyang napabuga ng hangin at yumakap rin sa aking bewang

"Bakit parang mali ata na tinanong na naman kita ng ganoon, Mahal na Reyna?"

"Wala ng bawian." Makahulugan akong ngumiti sa kanya.

"Parang hindi ko gusto iyang ngiti mo, Quinn Azula." hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko. "Anong ipapagawa mo na naman sa akin?''

"I'll tell you after the party." Humiwalay ako sa kanya, at tumungo sa pinto ng kwarto ko. "Tara, ipamake-over mo ako. Baka magmukha akong basahan sa Party ng Mama mo. Nakakahiya naman sa iyo."

Napapailing na lamang na sumunod siya sa akin. It's almost one week mula ng maging kami. 'daw'. Sinusundo niya ako three blocks away from our house, papasok sa School same goes pag pauwi hinahatid niya ako three blocks away too. True to his words, he seldom talks to others. Specialy, Girls. Although my times na talagang totoo ang kasabihang, 'daig ng malandi ang maganda'. Ilang beses ng nahuhuli kong may makakating haliparot na literal na naghuhubad ng blouse sa harap niya. Nakakapunyeta talaga. Ang sarap pag push-up-in ng nakahubad baro ang mga gaga!

Halos asarin na nga siya ng mga kaibigan niyang under ko, dahil kapag sinabi kong

Although, there are times na napapansin kong nagiging sobra na ako sa kanya. Kaya naman hinahayaan ko na siya. I know relationship is not my thing. I grew up alone, sanay akong mag-isa. sanay akong deadmahin ang mga bagay o taong wala namang magandang idudulot sa buhay ko. But when Cali came.

Hindi ko man literal na maamin, unti-unti niya ng natitibag ang pader ng yelong itinayo ko, upang protektahan ang puso ko. Sinulyapan ko ang binata na busy sa pagdadrive. Siya ang may suot ng reading glass ko. It looks good to him to be honest. Mas lalo lang naging gwapo ang gago.

"Quit staring, baka mahalikan kita dito." he teased me at kinindatan ako.

"Lakas mo ah? Kumapit ka sa manibela, baka tangayin ka ng sarili mong bagyo.''

Humalakhak lamang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ako naman ay tumingin sa labas, sa mga poste ng ilaw na nagsisilbing liwanag ng daan. Minsan napapaisip ako, tama ba talaga na nakipagrelasyon ako kay Hidalgo? I mean, I know his background. I've seen it with my own eyes.

Hindi ko din alam kung bakit ako pumayag na makarelasyon siya. Bakit ako umoo, bakit ako umamo. Bakit ako nandito ngayon sa tabi niya. At kahit isantabi ko ang takot ko ay may mga pagkakataong umiibabaw iyon. Ilang beses na akong naiwan. Iniwan to be exact.

Marahan akong nagbuga ng hangin.

Alam kong hindi na bago sa akin ang makipagrelasyon, pero bago sa akin itong halos hands on ang Boyfriend. Dahil nagkaroon man ako ng ex noon, daig pa ni Tanda kung magawi sa bahay namin. Kung hindi pa magkaroon ng homework or ng school project, hindi ko makikita ang anino ng hinayupak na iyon.

Naalala ko bigla si Tanda. Kamusta na kaya iyong gurang na iyon? Alam kong nagtatampo ito, gusto ko man siyang tawagan or kontakin hindi rin pwede. Baka atakihin sa puso si Hidalgo. He hates it when I talk about Tanda, when I tried to contact Tanda. And whenever I'm trying to visit Tanda's fb. Kalandian nga naman talaga ni Hidalgo, may paselos-selos pang nalalaman.

Pwede ko naman siyang hindi sundin o deadmahin sa kaartehan niya. Yun nga lang sumusunod din naman kasi siya sa gusto ko. So, give and take lang. Mabait naman ako eh. Sa sobrang bait ko nga, noong isang araw sa University. Dahil may friendly game ang SH at ang IHU. May isang bobang cheerleader akong aksidenteng nabato ng bola sa ulo. Kung aksidente nga bang matatawag na direkta kong ibinato iyon sa direksiyon nila Cali, since nakapulupot ang pat-patin niyang braso sa leeg ng gago kong Boyfriend 'kuno'.

Mabuti na nga lang naniniwala silang hindi ko sinasadya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangisi, lalo na't naaalala ko yung mukha ng malanding lamang dagat na iyon.

"Stop grinning like that Quinn Azula." Suddenly, Cali, speak up.

"At bakit?" nakataas kilay na binalingan ko siya. "Krimen na ba ngayon ang ngumisi? Ha, Hidalgo?"

"Alam mo ikaw, wala ka talagang substance ng sweetness sa katawan mo no?" Nilingon niya ako at binigyan ng mapang-asar na ngiti. "Wala ka man lang bang endearment para sa akin, Mahal na Reyna?"

Tumaas lalo ang aking kilay kasabay ng nakakaasar na ngisi. "Alin yung mga Baby? Bakit sanggol ka paba? Yung Babe? Baboy ka ba ha, Hidalgo? Sweetheart? Hindi karin matamis na hugis puso at namumula sa arawan pwede ba?"

"Kaya nga ang unfair mo!" Pinandilatan niya ako. Demanding ng gago. "Ako, I'm calling you Queen—"

"—that's my name." Putol ko sa kaartehan niya.

"Queen, as in Reyna!" Tumigil siya sa pagda-drive at babatukan ko na sana ng mapansin kong red pala ang traffic lights.

"Oh! Linawin mo kasi." Tinitigan ko ang aking kuko. Bagay siguro sa akin ang burgundy nail polish? Kung minsan mas interesante pang titigan ang mga kuko, at mag-isip kung bakit iba-iba ang hulma nila sa daliri ng bawat tao. May mahahaba, may maiiksi. May malalapad at meron ding minalas at baku-bako ang pagkakatubo.

"Quinn, nakikinig ka ba sa akin?"

Nilingon ko siya, at halos magmukha na siyang may Belle's palsy sa ilang beses niyang pagkurap-kurap. Parang tanga. "You we're saying?"

"Anak ng! Diyos ko naman Azula! You we're saying amputsa! Kanina pa ako daldal ng daldal, suggest ng suggest ng endearment tapos, you we're saying?—"

"Shut up, En." Daldal ni Hidalgo. Kalandian, buisit. Tawag-tawag pang nalalaman. Yung dating kapit bahay nga namin. Wala namang endearment, palayaw lang nila ang tinatawag nila sa isa't isa.

Be, lang. Si Berto at si Bebang.

Umandar na ulit ang sasakyan niya, at expected kong papakainin na naman niya ng alikabok ang kasunod naming sasakyan, pero hindi pala. Ng lingunin ko siya ay para siyang may sayad na ngingisi-ngisi. Lakas talaga ng tama ni Hidalgo.

******************

Suot ang binili niyang damit ay magkahawak kamay kaming lumabas ng kanyang sasakyan. Napabuga ako ng hangin, I shouldn't be feel tensed pero hindi ko mapigilan. He squeezed my hand kaya't napasulyap ako sa kanya.

"Relax, I'm always here beside you." he gave an assurance smile. "I won't leave you."

Agad na lumagabog ang aking dibdib.

"Ok..." I took a deep breath again.

Naglakad na kami papasok sa loob ng marangyang kabahayan. Sa malawak pa lamang na living room ay nagkalat na ang mga bisita. Probably, talking about their Businesses.

"Smile, Queen. You might intimidate them, with that arch look on your face." Nagtayuan ang balahibo ko sa pagdampi ng mainit niyang hininga sa puno ng aking tenga.

"Don't breathe on my ears. nagtatayuan ang balahibo ko sa iyo. Buisit ka." Sinamaan ko siya ng tingin at na pinagpagan ko ng aking kamay ang tenga ko.

"So, I'm giving you a goosebumps? Is it running down to your spine?'' Maloko siyang ngumisi at humawak sa aking bewang. "My room is upstairs, and it's exclusively for My Queen only."

My mouth formed and O shape when I slowly got his message. Aba't Manyakis na Hidalgo! Iniigkas ko ang kamay ngunit sinalag niya lamang iyon habang tawa ng tawa.

"Cali?"

Sabay kaming napalingon sa malambing na boses ng isang may edad na babae. Simple lamang ang suot nito, maging ang mga alahas sa kanyang katawan at ang kanyang kolorete. She smiled at Hidalgo, ngunit mas lalo siyang ngumiti ng bumaling sa akin.

"Mommy." Binitawan ako ni Cali at lumapit sa Ginang, hinalikan niya ito sa pisngi bago muling bumaling sa akin. "Quinn, this is my beautiful Mother. Cleofe Hidalgo."

"Good Afternoon, Ma'am and Happy Birthday." I smiled at her saka iniabot ang regalo ko, kung ngiti nga ba ang tingin niya doon. I'm not used in socializing peoples. Jeez! Peste kasi itong si Cali.

"And this beautiful lady is who, Son? Siya na ba iyon?"

"Yes, My." Lumipat siya sa tabi ko at inakbayan ako. "She's Quinn Azula, Mommy. My Girlfriend."

"So you really did bring her here, Enrique?"

Nawala ang maaliwalas na bukas ng mukha ng katabi ko. Is he not in good terms with that man? Huminto ito sa harap namin.

"It's my Mom's Birthday, and she's my girlfriend. Talagang dadalhin ko siya dito Pa."

"I'm not saying anything, Son. Well, anyway. Let's enjoy the party hmn?" itinaas niya ang kopita at tinalikuran na kami.. "Ohh, I forgot. Elise is looking for you. She's with your cousin. Pay her some attention, I bet your Girlfriend wouldn't mind."

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Humigpit naman ang pagkakahawak ni Cali sa aking kamay. Who the fuck is Elise? I wouldn't mind? Of course I wouldn't , hindi ko na iisipin kung anong gagawin ko. Lulunurin ko nalang agad siya, sa harap niya mismo.

"Pagpasensiyahan mo na ang Papa niya, Hija. He has that habit of teasing our Son. Lalo kapag may kasamang magandang dilag." Bigla'y sabi ng Mommy niya sa akin. Napnsin niya atang nag-iba ang timpla ko sa sinabi ng asawa niya.

Matamis naman akong ngumiti sa Ginang. Pasalamat siya, ayokong sirain ang gabi Birthday Celebrant. Iginiya na ako ni Cali patungo sa mas maraming tao, matapos niyang magpaalam sa Mommy niya. And even if I don't want to force a smile. Wala akong magawa. Masyado silang madami, baka makuyog ako. Halos lahat ng tingin ay nalipat sa amin,

"Tita Cleo!" Mula sa dagat ng mga pasosyal na bisita ay lumitaw ang higad na si Morgianna. Agad kong nilingon si Cali. Umiling agad siya. Sending me a message, na wala siyang alam na narito ang higad na ito. "Happy Birthday." Bago siya bumaling sa kasama ko.

"Hi, Cali." Malanding bati niya. At kumagat pa sa kanyang labi. Dinukwang niya ang katabi ko at akma yatang hahalik ng umatras si Cali. Hindi ko mapigilang mapangisi. ''Oh, Hi Pres! Andiyan ka pala!"

I almost rolled my eyes and raised my brow. Kung hindi lang bumaba ang kamay niya sa aking bewang.

"Yes, she's my girlfriend of course." Hidalgo butt in. At hinalikan ako sa pisngi. Nagsalubong ang kilay niya at matalim akong tinitigan. Take that Biatch.

"Oh, there you are." Ayan na naman yung Tatay ni Cali, na mukhang Kontrabida. Ngumisi siya bigla sa amin, and I swear kung hindi lang siya matanda at ama ni Hidalgo. Pinagtaasan ko na siya ng kilay. Kalma Azula. As long as hindi ka niya binabastos, you have to be calm. Hindi nakakabawas sa kagandahan ang pagiging short tempered.

"Oh hi, Tito." umabrisyete siya sa matanda. Hindi ko mapigilang mapaingos. Malandi. Makiri. Maharot. Mali—Natigilan ako. Siniko ko si Cali sa tagiliran.

"What?"nagtatakang baling niya sa akin.

"How many times you've fucked her?"

Naglalag ang panga niya sa tanong ko. Ilang beses siyang kumurap. Anong makalaglag panga sa tanong ko? O baka naman nalaglag ang panga niya dahil akala niya hindi ko itatanong pa?

"I'm asking you a question." I hissed him. Lumunok muna siya bago napakamot sa kanyang batok. "En."

"Delikado yang mga ganyang tanungan eh. She's my past now okay?"

I look straight into his eyes. Naroon ang takot na baka hindi ko siya paniwalaan, I took a deep breath at marahang tumango na lamang sa kanya. Why I feel so uneasy? Why I feel bothered, knowing that Cali's Father is close to that girl?

"Sorry for disturbing, but do you mind, My Dear. Kung hiramin ko saglit ang aking anak?'' His Father smiled at me. At kahit gusto kong magtaray, hindi ko magawa.

"Of course, I don't, Sir." Lumipat ang tingin ko sa malanding higad na nakatayo sa likod nito.

"Cali, pakisamahan mo na muna itong si Elise kina Tita Bianca mo. Kanina pa siya hinahanap doon. Naroon sila sa silid ng Lola Carina mo."

"Why me?" Halos magdikit na ang aking kilay na aniya. "Why not you? I'm with Quin--"

"And she doesn't mind." His Father smiled at me again. Buisit. "So sige na, samahan mo na si Elise." Tinulak-tulak niya pa si Cali patungo sa malanding babaeng iyon.

Nanatili akong tahimik at pigil na pigil na magtaray. Nangangati na yung dila kong bumuga ng apoy eh. When Cali look at me again. "Halika ka, Mahal na Reyna." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila.

"B—Bakit mo siya hinihila?" anang Gaga. Muntik na akong matawa sa hitsura niya kung hindi ko napigilan ang sarili.

"Cali, ihahatid mo lang naman si Elise." Atrabido talaga ng matandang ito. Akala niya, hindi ko feel na ayaw niya sa akin. Well, I don't like him too. So, the feeling is mutual.

"Kaya nga ihahatid ko lang naman, hindi ako magtatagal. So why do I have to left My Girlfriend here, if I can bring her with me, Pa?"

Malapit-lapit na talaga akong mapahalakhak ng makitang namula ang mukha ni Morgianna sa asar, habang ang Tatay naman ni Cali ay nahilaw ang ngiti. Oh well syempre kunwari mabait ako...

"En, It's okay. I can wait—"

"No, you're coming with me. Ipapakilala din kita kina Tita at Lola." Tumango ako. Kahit, arte ko lang iyong okay lang na maiwan ako. Mabait ako eh. Bumaling siya kay Higad. "Follow us, Morgianna."

At dahil mabait nga ako. "Sige po, Mr. Hidalgo, we'll go ahead." And I gave him my sweetest fake smile. Blanko itong tumango lang.

''Go, Elise."

Elise my ass. Naalala ko yung birada niya kanina, na pay her a small attention. ang sarap hawiin ng maganda kong buhok, kaso wag na. Baka tumaas ang presyon ng matandang nakatitig sa amin. Nilingon ko si Morgianna at matamis siyang nginitian. Akala mo mauutakan mo ko?

Continue Reading

You'll Also Like

6K 385 35
~•~•~ Mistake Duology: Book 2 Cutiee Series Y ~•~•~ Even with an "out-of-this-world" experience with love, Kristine continued her normal life, but...
1M 33.1K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
177K 4.1K 24
You make the Heartless Eros's heart beats. Do you know what happen next?
31.6M 590K 42
"You're invited to Temptation Island."