Bribing Mr. President

By CincoMedicatus

1.5M 22.3K 1.9K

"Nate, bribe me please." More

Bribing Mr. President
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 11

42.9K 609 66
By CincoMedicatus

Hi hgiel26, thank you for reading Bribing Mr. President! This chapter is for you. :)

Sa ibang nanghihingi ng dedications, antay antay lang ha. Isa-isa lang. LOL.Tsaka, make sure na naka-follow po kayo. Sa mga manghihingi pa, you can PM me or perhaps hit the comment box.

Happy 15K reads BMP! Cheers!

P.S. Pakibasa po ng ibang stories please…  Mas maganda po yun kesa sa BMP kasi mas hasa po sila pagdating sa action scenes, drama scenes at bed scenes. Hahaha! Thank you and here’s the 11th chap! :)

 

x

CHAPTER 11

 

 

 

Kareeza’s POV

“Ang lalim natin jan ah.” napalingon ako kay Hanz na nakangiti, sumimangot naman ako sa kanya.

Pinabayaan ko nalang siyang tumabi sakin. Mabuti nalang din siguro ‘to kesa magmukmok ako. Ang bigat parin kasi talaga ng pakiramdam ko. Ewan ko ba, gaya kasi ng sabi ko, pagdating kay Nate, bago lahat.

 

Napabuntong hininga nalang ako. Ang sikip na kasi ng dibdib ko. Dapat kasi di ko nalang pinansin ang ex ng tita ko, dapat nag-explain nalang agad ako sa kanya. Kasalanan ko rin kasi ‘to eh, napaulanan tuloy ako ng maaanghang na salita galing kay Nate. Ang bobo mo talaga, Yui Kareeza.

“LQ?” napalingon ulit ako sa kasama ko.

Nakakunot ang noo ko sa kanya samantalang siya naman ay nakangisi at humalakhak. Napangiwi na naman ako nang makita ko ang hikaw sa dila niya. Paano niya kaya na-handle yan?

“Hindi nga masakit.” Ngumisi lang siya kaya napairap ako. Tss.

Pinagpag ko ang damit ko bago tumayo. Nasa tabi ng basketball court kasi ako ngayon at tumatambay kasi…wala lang. Gusto ko lang sigurong mapag-isa.

Bahagya kong tiningnan ang cellphone ko, napasimangot na naman ako. Wala parin kasing text galing kay Nate, ni simpleng tawag wala din. Ano ba yan, kakasimula pa nga lang namin ang dami ng problema.

Kumain na kaya siya? Niligpit ko ang cellphone ko saka kinuha ang mga gamit ko. Akala ko sabay kaming magla-lunch? Baka busy siya. Oo nga pala, SSG President pala siya. Nature na sa kanya ang pagiging busy.

“Lunch tayo?” napatingin ako kay Hanz na nakangiti. Muntik ko ng makalimotan ang presensya niya ah. Tsk. Kanina pa ako bangag eh. Kainis naman eh. Di naman ako ganito sa dating mga boyfriends ko. Hay. For the nth time, pagdating talaga kay Nate, bago lahat.

Tinaponan ko ng tingin si Hanz at tumango. Nakita kong lumiwanag ang mukha niya kaya napailing nalang ako. Jeez.

“Di naman siguro magagalit ang boyfriend mo diba?” napatigil ako sa paglalakad. Shit! Bakit nga ba di  ko naisip ‘yun? Haaay! Kainis!

Humalakhak nalang siya sa reaksyon ko at inakbayan ako na parang ang close close namin. Err. Bigla akong naasiwa. Gwapo kasi si Siobhan at kahit bago palang siya sa school na ‘to, marami ng nakakakilala sa kanya. Pilit kong tinanggal ang braso niya sakin kasi naman ang dami na ng nakatingin sa gawi ko. Yung ibang estudyante nga iniirapan na ako. Grr. If I know, nag-iisip na naman sila ng masama sakin.

“Akala ko ba sila ni Nate?”

“Gosh! Sabi sayong two-timer yan eh!”

“Tss. Nagbago nga ang pananamit pero kitams? Marumi parin talaga siyang tingnan.”

 

Shit. Gusto ko silang sugorin isa-isa. Ang sakit nilang magsalita ha na para bang may alam sila. Punyetang buhay ‘to oo! Akala ko masayang makipagrelasyon sa isang sikat pero di pala. Sinungaling pala yung mga writers ng mga pocketbooks na nababasa ko.

“Hayaan mo na, walang gamot sa insecurities.” Kumindat pa siya habang sinasabi yun.

Sana nga insecurity lang yang nararamdaman nila. Sana nga lang.

 

Kasi sa ganda ng pangalan ni Nate at sa lakas ng kapit niya dito sa school, baka isang araw magising nalang ako na pinapatay na ng lahat ng tao. Tingin palang ng iba parang kaya na nilang pumatay ng tao para sa presidenteng ‘yon.

“Don’t worry, I’ll explain to him personally kung sakali man.” Tumango lang ako kay Hanz kahit wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

PAGKARATING namin sa caf, agad kaming umupo sa pandalawahang mesa. Of course, ang dami na namang nakatingin. Mga tao talaga ngayon, wala ng ibang libangan kundi ang manghimasok sa buhay ng iba.

“Anong gusto mo?” tanong ni Hanz sakin.

“Uh.. Bicol express nalang tsaka dalawang kanin.” Kinunot ko ang noo ko nang makita ko siyang tumawa at tumango.

“Grabe. Ang sexy mo pero daig mo pa ang baboy kumain.” Aba’t! Babatohin ko na sana siya ng tissue pero tumakbo na ito papunta sa isang food stall. G*go talaga yun.

“Hoy! Yung bayad ko!” sigaw ko sa kanya.

“Wa’g na. My treat!” sigaw naman niya saka kumindat. Biglang uminit ang pisngi ko.

“Malandi talaga!”

“Oo nga! Ang faithful ni Nate ah pero heto siya ngayon, nakikipag-date sa iba. Tss!”

“Ingrata talaga siya!”

 

Pinaikot ko nalang ang aking mga mata at sabay-sabay silang inirapan. Porke’t sabay naglunch, date na agad? Ang dudumi ng mga isip! Pag ako di nakapagpigil, talagang kakalbohin ko na talaga kayo! Grr. Nakaka-high blood namang ang mga tao dito.

Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na si Hanz na bitbit ang lunch namin. Biglang nawala lahat ng sakit na nadarama ko nang makita ko ang mainit na bicol express. Hmm. Ang sarap!

Susubo na sana ako nang marinig ko na naman ang matulis na boses ni Micaela.

“BEEEEEEEEEEEEEEES!” tili niya habang tumatakbo palapit samin.

Halos magkanda-ugaga na siya sa pagtili at muntik pa siyang masamid dahil sa sobrang kasiyahan. Ano na naman kaya ang nangyari at masaya ito? Tss.

Kinuha niya ang upoan sa kabilang mesa at hingal siyang umupo saka ngumisi nang pagkalapad lapad. Napairap nalang ako. Narinig kong tumikhim at tumawa si Hanz sa gilid. Isa pa ‘to eh. Ang sarap bigwasan!

 

“Ikaw ba uminom na ng gamot?” Pa-bored kong tanong sa kanya. Nagulat pa ako kasi tumango ito.

“Oo, tapos na—teka, ba’t ako iinom ng gamot?” napakamot siya sa kanyang ulo “Well, anyway…” Nasamid pa tuloy ako. Slow ampota.

Di na ako umimik pa kasi tumili na naman siya. Tsk. May toyo na yata ‘to sa utak.

“May good news ako!”

 

“Ramdam ko nga.” Sabi ko sa kanya. Inirapan lang niya ako saka pinaypayan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang dalawang kamay.

“Nakita ko kasi sa labas ng office ni Sir Dean na naghahanap sila ng representative about dun sa singing contest na gaganapin sa University days natin!” tumango lang ako para patuloyin siya sa sinasabi niya.

“I walked into his office then I signed it for you!” tili niya.

Halos mabilaokan ako sa kinain ko dahil sa sinabi niya.

“WHAT THE HELL, MICAELA!” Sigaw ko sa kanya na siyang nagpatahimik sa kanya. Nakita ko ring nakatingin na ang ibang estudyante sakin. Binigyan ko sila isa-isa ng matatalim na tingin.

“ANO?! ANONG TINITINGIN TINGIN NIYO DIYAN?!” Singhal ko sa kanila. Kanina pa ako nagtitimpi ah. Bwesit! Nag-iwas sila ng tingin dahil sa biglaang pagsigaw ko.

“Hmp. Why so grouchy besty? God! Ang ganda kaya ng boses mo tapos tinatago mo!” sinamaan ko ng tingin ang bestfriend ko.

Gusto kong magmura ng napakalutong dahil sa sinabi at ginawa niya. Fck. When was the last time I joined this kind of contest? High school pa! Tapos heto na naman?! Alam naman niyang matagal ko ng tinalikoran ang musika eh!

“Darn it, Mica! Dapat kinausap mo muna ako!” padabog kong hinampas ang lamesa namin. Muntik pang mataponan ng tubig si Hanz sa ginawa ko. Kahit siya natahimik sa pag-iinit ng ulo ko.

“Oh please, besty. You should give it a shot!” Pumikit ako ng mariin kasi inis na inis na talaga ako. Ang sarap niyang sakmalin!

“Oo nga naman. There’s no harm in trying!” Singit ni Hanz, pati siya tuloy sinamaan ko na ng tingin.

I don’t get it. Matagal ko ng ayaw kumanta pero heto, sinusundan na naman ako. Sht. Kahit hilig ko yun, it never fails to scare the shit out of me. Huling beses akong kumanta, naging tragic pa ang buhay ko.

“Bes, it’s time to put this nightmare of yours an end. Baka nga ito lang din ang paraan to win back your father’s trust.” Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

What’s with Mica today? Alam naman niyang sensitibo ako pagdating sa bagay na ‘yan ah. Pero kung makapagsalita ito, parang wala lang. Grr. Mapapatay talaga kita, Micaela!

Napailing nalang ako saka huminga ng napakalalim. Nakita kong nakatingin si Hanz sakin at sa tingin palang niya, alam ko na ang mga tanong sa isipan niya.

“Besides, this can give you the chance to impress Nate. I heard boys love women who can basically sing.” Kumindat pa siya sakin. Baliw!

Uminit ang pisngi ko habang iniisip ko na kinakantahan ko siya. Bwesit! Kanina halos lumuwa na akong ng apoy sa sobrang inis tapos narinig ko lang ang pangalan niya, kumalma na ako.

“Hmm. So, it’s a yes?” nakataas pa ang dalawang kilay ni Mica habang nagtatanong sakin.

Bahagya akong tumango dahilan para tumili siya. This time, kami na ni Hanz ang napangiwi sa tulis ng boses niya.

“It’s like hitting two birds with one stone!” humalakhak siya at inayos ang salamin niya. Napangiti naman ako. Hmm. Oo nga. Not bad. “And oh besty, pwede mo ring gamitin ang talent na yan habang nagma-make love kayo ni Nate.” Biglang may kung anong kiliti ang nangyari sa tiyan ko.

Gosh. Me. Nate. Make love.

Uminit ang pisngi ko.

“Parang Katrina at Hayden?” Pahalakhak na singit ni Hanz. Mas lalo akong pinamulahan. Putrages! Ang green nilang dalawa!

“Oo! Tapos sasayaw ka besty! Parang ganito!” tumayo si Micaela at sumayaw ng napakalagkit.

Napatunganga kami ni Hanz sa ginawa niya. Gosh! Ano’ng nangyayari sa bestfriend ko? Sumimangot naman siya pagkatapos gawin ang stunt na yun. Napailing nalang ako.

“Wa’g na lang, best. Nakakahingal pala baka wala ka ng energy pagkatapos.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Seriously?

Biglang tumahimik ang atmosphere ng caf. Isa isa kaming nagtinginan pagkatapos humalakhak. Punyeta! Ang sakit ng tiyan ko! Napaliyad pa ako sa sobrang sakit nito. Sht. Para akong mauubosan ng hangin.

“KAREEZA!” natahimik ako bigla at nilingon si Nate na nag-aapoy sa galit. Ano na naman ba ang ginawa ko?

“Excuse me ha.” Kumindat ako kay Mica at Hanz saka nilapitan si Nate.

Napangiti ako ng makita ko ang suot niya. Pareho kami ng kulay! Tsaka pareho din kami style ng polo shirt! Jeez. Ito na ba yung sinasabi nilang meant to be? Napahalakhak ako ng palihim.

“Hi babe!” hahalikan ko sana siya sa pisngi pero hinigit na niya ako palabas ng caf. Kitang kita ko ang pagngisi ni Karen sa isang tabi. Shit. Ano na naman kaya ang sinabi niya?

Dinala niya ako sa isang tagong classroom at halos mapatalon pa ako sa gulat dahil padabog niyang sinara ang pintoan nito.

“WHAT DID I SAY ABOUT MATURITY?! NASA LABAS PALANG AKO NG CAF, DINIG NA DINIG KO NA ANG TAWA MO!” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Yung lang yong kinagagalit niya?

“N-nate.”

 

“Tsaka akala ko ba sabay tayong magla-lunch?!” napahilot siya sa kanyang sentido. Nakonsensya tuloy ako. Akala ko kasi kumain na siya.

Napatalon na naman ako sa gulat dahil sa pagmumura nito.

“Sorry na—“

 

“You are such a disappointment, Kareeza.” Napailing siya at pinihit ang pintoan saka lumabas.

Kinagat ko ng mariin ang labi ko para pigilan ang sakit na nararamdaman ko. Dun ko lang din napagtanto na halos isang oras na akong nakatunganga roon at umiiyak. Damn, Nate!

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 42.4K 40
MINI-SERIES ON TV5; PUBLISHED UNDER LIB. Demi's mom is getting married to a super hot bachelor's dad. Nothing seems to stop this from happening until...
44.3M 669K 73
Seven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagk...
880K 26.6K 51
(COMPLETED) Sequel of TYMARA's Love Story. Book 1: Crush at First Sight (Completed) Book 2: My First and Last Crush (Completed) Hanggang saan mo...
719K 575 1
Because of one night mistake, she unexpectedly got pregnant. As soon as her grandfather discovered the disgrace she had committed, she was deported t...