Bribing Mr. President

By CincoMedicatus

1.5M 22.3K 1.9K

"Nate, bribe me please." More

Bribing Mr. President
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 10

46.8K 619 51
By CincoMedicatus

Hi crazyMean, thanks for reading BMP! This is for you. :)

P.S. May iba po akong di mabibigyan ng dedic kasi di po kayo naka-follow eh. Just sayin'.

 

x

CHAPTER 10

 

 

 

Kareeza’s POV

 

Sabi nila love is all about acceptance pero mali eh, para sakin, love is all about changing for the better. Yung tipong gagawin mo lahat ng bagay para sa ikasasaya ng mahal mo. Ganon ako ngayon at alam kong hindi ito magiging madali sa parte ko. Pero wala akong pakialam. Magbabago ako para sa kanya hindi para sa iba.

“Hello Kareeza?” Tumango lang ako saka nilagpasan ang isang senior.

“Ah.. Hi! T-teka, Y-yui?” Ngumiti lang din ako sa isang estudyante na di ko kilala.

Napabuntong hininga nalang ako saka nagpatuloy na naglakad papasok ng school. Di ko alam kung ilang estudyante na ang nilagpasan ko na may laglag na panga. Yung iba naman kahit hindi nagsasalita, alam kong nagtataka parin sila. Sino namang hindi diba?

For the nth time, huminga ako ng napakalalim bago pumasok sa classroom.

Pagkapasok ko palang, laking tuwa ko na kasi wala pa si Nate. Ito yung subject namin kung saan kaklase ko siya kasama ang bestfriend ko.

“Hi, Mica!” kumaway ako sa kanya bago siya nilapitan.

Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Muntik na kasi niyang mabuga ang iniinom niyang tubig. Sayang, malapit pa naman si Karen sa pwesto na yon. Bulls eye sana. LOL!

“B-bes?!” nagpunas muna siya ng mukha bago tumayo at tingnan ako ng mas maigi.

“Holy Shi-may! W-what happened to you?!” napangiwi na naman ako nang marinig ko ang matulis niyang boses. Tsk. Di ko mapigilang ngumisi. Alam kong magmumura na sana siya pero napigilan parin niya. Same old Micaela. Naïve and stupid. LOL.

“What? Is it bad?” pinaikot ko pa ang dalawang mata ko para iparating sa kanya na naiirita ako.

Tsk. Alam ko namang mangyayari ‘to eh. Like what the hell? I’m Yui Kareeza pero heto ako ngayon. Ni isang bakas sa dating Yui ay wala na.

“Why are you wearing a shirt? I mean with matching skinny jeans? May sakit ka ba?” di ko na napigilan ang sarili ko sa pagsapak sa kanya. Bwesit.

“T-tsaka, asan ‘yung heels mo?” ni hindi man lang niya ininda ang pagsapak ko sa kanya.

Bahagya niyang inangat ang kamay niya at dinama ang noo ko. Tss. At talagang iniisip niya na may sakit ako ha?

 

“Tumigil ka Micaela ha.” Sita ko sa kanya saka hinawi ang kamay niyang nakalapat sa noo ko.

Pagkaupo ko sa usual seat ko, narinig ko siyang tumawa ng malakas. Sinamaan ko siya ng tingin. Wa’g na wa’g niya akong simulan ha kasi kahit ako nahihirapan na sa suot ko. Grr.

Nagkibit balikat nalang ako habang inaayos ang mga gamit ko – kasama narin pala ang sarili ko.

Oh please, Kareeza, damit parin ang suot mo.

 

Kusang tumango ang ulo ko sa sinabi ng utak ko. Tama. Walang masama sa suot ko kaya walang dapat ipag-alala. WTF? Bakit ko ba niloloko ang sarili ko. Sheesh! Ginulo ko ang buhok ko out of frustration. I know this is going to be a long ride and I’m more than willing to finish it. Ginusto ko ito at wala akong pakialam sa sasabihin at sinasabi nila.

Babe?”

 

Halos mapatalon ako sa gulat sa tawag ni Nate.

Dahan dahan akong humarap sa kanya na may bitbit na hilaw na ngiti. Sana nga lang magustohan niya ‘tong pinaggagawa ko sa buhay ko. Tsk. Kabaliwan man ang tingin ng iba, wala akong pakialam basta lahat ng ito dahil sa kanya.

Nakita ko siyang ngumiti habang papalapit siya sa pwesto ko. Mabuti naman at nagustohan niya. Worth it parin ang lahat kahit gusto na akong itakwil ni Mama dahil sa ginawa kong pagsunog ng mga dating gamit ko.

Damn right. Binago ko ang sarili ko.

Mula sa pananamit hanggang sa pagkilos ko. I know it was insanity pero handa akong mawalan ng bait, matuwa lang si Nate. Una palang, naging hadlang na itong lahat sa amin. Naging iba ang tingin niya sakin dahil sa kilos at suot ko. And I’d rather lose them than lose Nate.

Sinunog ko lahat ng killer heels ko regardless of its brand. Kasama narin dun ang mga skirts ko, spaghetti straps ko at fitted dresses ko. Of course, kasama narin dun lahat ng make-up kits ko. Sinabunotan nga ako ni Mama eh kasi isa dun ay regalo niya pa galing ibang bansa pero kalaunan naintindihan din naman niya ako. And she’s well damn proud dahil nagiging responsable na daw ako.

I can’t help but feel so fvckin’ happy.

“Bakit mo ‘to ginagawa?” Nakangiti parin si Nate sakin.

“Because I love you.” I proudly said kahit narinig kong tumikhim ang bestfriend ko sa gilid.

Oo nga pala, remind me to hit Mica’s head later ha? Nababanas na kasi ako sa mga ginagawa niya.

“B-but, I didn’t---”

 

“Ssshh.” Awat ko sa kanya. I know hindi niya ‘to hiniling sakin pero willing akong magbago eh, para sa kanya. Lahat ng ito, dahil at para sa kanya.

Masusuka na yata ako sa katangahan ko eh pero the hell I care. I’m fvcking in love with Nate at wala silang magagawa kung magbabago ako. Tatalikoran ko lahat para sa kanya – even if it means breaking my old habits and usual routines.

“But I’m still fvcking hot, right?” sumimangot naman siya sa saad ko.

Right. There’s one tiny problem that I needed to fix. My attitude. Tss. Ayaw niya kasi ang pananalita ko. Kung paano ako magmura at magsalita lalo na’t galit ako. Iiwasan ko na rin ang makipag-away at makipag-bangayan. Sht. This is really tough pero okay lang. Basta ba masaya siya.

“Sorry.” Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Putek. Nagwewelga na naman ang mga insekto sa tiyan ko.

“Thank you.” Sabi niya saka ako hinagkan at niyakap ng mahigpit.

Damn. This. Feeling.

“You’re always welcome.” Bulong ko pa.

Shit. Damn. I could live forever just by having this.

“Tapos na kayo?” Napabitaw agad ako sa yakapan namin nang maaninaw ko ang mukha ng professor ko. Kay bata bata pero ang high blood na. Hay naku.

Pumunta na kami agad sa usual seats namin at umupo. Kahit bored yung lessons, di ko parin mapigilang maging masaya. Masaya kasi masaya siya. Pwede pala yun noh? Ang maging masaya para sa ikasasaya ng iba. Dati kasi, nagpapakasaya lang ako dahil yun ang gusto ko. Wala ng iba.

“Okay, send me your reports by the end of the semester. For now, you’re all dismissed.”

Tumayo agad ako at niligpit ang mga gamit ko. May kailangan pa pala akong tapusin sa major subject ko. Isa rin yon sa mga bagay bagay na gusto kong gawin para kay Nate. Ang maging magaling sa lahat ng subjects. Kailangan kong tapatan ang dedication niya sa pag-aaral. Maaga pa naman kaya may oras pa ako para mag-aral.

Babe, san ka pupunta after class?” Tanong ni Nate sakin. Sht. Ilang araw na kaming mag-on pero naninibago parin ako sa endearment namin. Nakakawala na talaga ito ng katinuan.

Nasa hallway na kami ng school at sa pagkakaalam ko, last subject na niya ngayon.

“Ahm.. Library? May kailangan lang akong hiramin at aralin na book.” Tumango lang siya at ngumiti.

“Sige, hihintayin nalang kita by six. Kain tayo sa labas.” Gusto kong lumuwa ng panty kasi kumindat pa siya sa sakin. Ang sarap sabunotan. Hahaha.

“Okay! See you later then!” sabi ko bago kami lumakad sa kanya-kanya naming destinasyon.

Halos tatlong oras rin akong nagbabad sa loob ng library and damn, ang hirap. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero in fairness, nakita ko rin sa wakas ang malaking essence ng library. Never pa kasi akong pumasok dito kasi meron namang internet sa bahay. Kung hindi pa sumakit ang mata ko sa kakabasa ng iba’t-ibang programming languages eh hindi na ako titigil.

Saglit kong tiningnan ang relos ko sa kaliwang kamay ko. Malapit na palang mag-six.

Dali-dali akong lumabas ng library bitbit ang dalawang librong hiniram ko. Halos mahalikan ko na nga ang sahig ng lobby dahil sa bilis ng lakad ko. Ano bang magagawa ko? Eh sa excited akong makita ang boyfriend ko eh. Naks. Boyfriend.

 

Babe!kumaway ako sa kanya nang makita ko na siyang naghihintay sa labas ng building.

Again, lumuluwa na naman ako ng panty dahil sa sobrang kagwapohan niya. Hindi naman kasi lahat ng taong sumasandal sa kotse nila ay gwapo tingnan pero ang isang ‘to, kahit siguro nakadapa siya, gwapo pa rin.

“Tired?” sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Ayan, uminit na naman ang pisngi ko.

Tumango lang ako sa sinabi niya. Bwesit. Kailan kaya ako masasanay sa presensya niya?

Pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago ito umikot at umupo sa drivers seat.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya kaya nakarating agad kami sa isang fast food chain. Mabuti nalang at hindi masyadong matao ang lugar. Pag marami kasi, marami ring mata ang nakadikit sa mukha ni Nate. Mabuti narin ‘to para iwas gulo. Tss. Ayoko kasing pinagnanasaan nila ang boyfriend ko.

Umupo kami sa pangdalawahang mesa pagkatapos naming mag-order.

“Kareeza?!” napalingon ako sa may likoran.

“Noel? Oh hi!” bati ko sa kanya at hinalikan sa pisngi.

Si Noel ay ex boyfriend ng favorite tita ko. Isa rin siya sa mga donors ko kung bakit marami akong magaganda at sexy’ng damit. Medyo tumagal din sila ni tita kaya nga nakakapanghinayang ang breakup nila ni tita eh.

“Oh, by the way, this is Nate Corpuz, my boyfriend.” Nilingon ko si Nate na bahagyang ngumiti at nag-abot ng kamay kay Noel. “… and this is Noel” nagkamayan silang dalawa.

Bahagyang nagtangoan silang dalawa bago ako hinarap ni Noel.

“It’s nice to see you again, Kareeza. See you around.” Tumango ako sa kanya bago hinarap si Nate.

Ngumiti ako kay Nate bago kumain.

 

“Ex boyfriend mo yun?” malamig na sabi ni Nate habang kumakain.

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ang tanda na kaya nun! Si Nate talaga. Napailing nalang ako habang kinikilig kasi naman, nagseselos siya.

 

Tumawa ako ng bahagya kasi hindi parin maipinta ang mukha ni Nate. “Si Noel, siya—”

 

“Bata, matanda, payat, mataba. Lahat nalang naging boyfriend mo.” Putol niya sakin at pailing iling na kumain.

Napangiti ako ng mapait. May parang biglang bumara sa lalamunan ko at di ko alam kung ano yon. Ang alam ko lang, hinuhusgahan na naman niya ako.

Continue Reading

You'll Also Like

44.3M 669K 73
Seven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagk...
719K 575 1
Because of one night mistake, she unexpectedly got pregnant. As soon as her grandfather discovered the disgrace she had committed, she was deported t...
3.9M 42.4K 40
MINI-SERIES ON TV5; PUBLISHED UNDER LIB. Demi's mom is getting married to a super hot bachelor's dad. Nothing seems to stop this from happening until...
392K 5.1K 45
Growing up, Cindy Anne Lopez had it all. Fortune, prestige school, loving and protective parents. She was the heiress. The first born of the Lopez Cl...