BY THE WAY, HIS NAME IS JACK...

By mimhytot

15.7M 473K 126K

Odd name it is and one thing is for sure: Next to his name is nuisance. This story is now available in leadin... More

By the Way, His Name is Jack Frost
[1] Summer
[2] First Day of Class, Day of My First..
[3] The Gangster
[4] Unending Fights
[5] Storm
[6] Tan Siu International Academy
[7] Jasmine
[8] By the Way
[9] His Name
[10] Eggs
[11] Egg Party
[12] Don't Let Him Know
[13] The Lost Gangster
[14] The Popular Jasmine
[16] Bad News
[17] The Jack Frost Equation
[18] True Color of a Flower
[19] Avellino High
[20] Thunder
[21] In The Midst Of a Rainy Night
[22] This Must Be Something
[23] Jasmine The Second
[24] Okay
[25] Words That Were Not Left Unsaid
[26] Promise
[27] First Times
[28] Type AB
[29] Snow White
[30] Three Years Ago
[31] Betrayal
[32] The Risk
[33] The Tresspassers
[34] Judgment Day
[35] Hear His Heart
[36] Friendship
[37] The Rejection
[38] The Transformation of Jack Frost
[39] Break You A Little
[40] Wanted: Jack Frost
[41] Tangled
[42] Two Broken Hearts
[43] Suicide Mission
[44] The Superior
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 1)
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 2)
[46] Stupid Bravery
[47] All About Revenge
[48] Change of Heart?
[49] Like a Knife
FINALE
EPILOGUE
BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST BOOK

[15] A Good Friend

298K 8.7K 2.5K
By mimhytot

Hindi ko ma-explain ang reaksyong meron ang babaeng may luhaang pisngi habang nakatingin sa akin. Itinago ko ang kamay kong kumakaway at awkward na ngumiti sa kanya. Inis siyang tumingin sa gangster na kasalukuyang nakatalikod sa kanya at nakaharap sa akin.

"Until when Jack? Until when are you goin' to push me away? Until when are you goin' to tell everybody that this girl is your girlfriend? I know you very well, Jack. When will you stop?"

Hindi umimik ang gangster sa tanong niya at umastang walang narinig at saka lumapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong hablutin sa may wrist ko.

"Let's go," utos niya at saka hinila ako paalis ng kama pero agad ko naman siyang pinigilan.

"Teka lang! Masakit!" inda ko nang maramdaman ang pagkirot sa may paa ko.

Napatingin siya sa paa ko at nakitang nababalutan ito ng bandage.

"You've sprained your ankles?" kunot noong tanong niya.

Awkward akong tumingin kay Jasmine na masamang nakatingin sa akin.

"Ako kasi 'yung nakabanggaan niya. Nahulog kami parehas sa hagdan," naiilang na sagot ko.

Akala ko ay makakatanggap ako ng mura o kahit anong salita mula sa kanya dahil nang dahil sa katangahan ko ay nabalian ang babaeng 'he cares for more than anything else' pero laking gulat ko nang bigla na lang niya akong binuhat katulad ng sa mga bagong kasal.

"A-Anong ginagawa mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Hindi siya umimik at magsisimula na sanang maglakad paalis habang buhat ako nang magsalitang muli si Jasmine.

"Until when, Jack? Until when are you goin' to do this to me?! Until when?"

Saglit na natigilan ang gangster sa pag-alis. Sa palagay ko'y kahit nakatalikod siya sa kanya ay alam niyang umiiyak ito. Iniangat ko ang tingin sa mukha niya at nakita ko ang mariin niyang pagpikit bago tila nagdadalawang isip na ipinagpatuloy niya ang pag-alis habang buhat-buhat ako. It was obvious something was holding him back pero mas pinili niyang umalis.

"Why are you doing this?" tanong ko habang patuloy siya sa pagbuhat sa akin.

Hindi niya ako inimik at ipinagpatuloy lang ang paglalakad palabas ng clinic.

"I don't understand you, gangster. Why are you doing this?" pangungulit ko dahil gulong gulo na rin ako sa mga nangyayare.

Saglit siyang huminto sa paglalakad at inilipat ang malamig na tingin niya sa akin.

"You don't have to understand me. I don't need you to understand me. So will you shut the hell up?" sagot niya at saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit tila isang matalim na bagay ang mga salitang binitiwan niya at nasugatan ako.

Pagkalabas namin ng clinic ay nagulat ako nang napakaraming tao ang naabutan namin na tila mga chismoso't chismosa na nag-aabang sa labas. Halos sabay-sabay ang lahat na napanganga nang makita akong buhat-buhat ng gangster paglabas.

"Huy! Akala ko ba'y si Jasmine ang pinuntahan niya?"

"Diba si Jasmine ang nahulog sa hagdan?"

Punong-puno ng bulungan ang paligid habang tila balewala lang naman sa gangster na ito ang nangyayare at tila inaasahan na niya ang ganitong scenario.

"Siya ata 'yung babaeng kasama ni Jasmine na nahulog sa hagdan!"

"Edi ibigsabihin siya 'yung pinuntahan ni Frosty, hindi si Jasmine?"

"So totoong sila ni Summer at hindi lang siya ginagamit ni Jack para tigilan ni Cherry at pagselosin si Jasmine?"

"Kung si Jasmine at Summer ang nasa loob, ibigsabihin si Summer ang pinili ni Snowman over Jasmine?!"

"Grabe hindi ako makapaniwala!"

Inikot ko ang mga mata ko habang patuloy na naririnig ang bulungan nila na hindi manlang sila nahiyang ipinarinig sa amin. Tinignan ko ang lalaking buhat-buhat ako at nanatili sa mukha niya ang malamig na ekspresyon.

Nang wala ng mga tao sa paligid ay nagulat ako nang bigla na lang niya akong bitiwan dahilan upang mapa-upo ako sa sahig. Galit akong tumingin sa kanya pero tila wala siyang puso na nilagpasan na lang ako.

"Wow! Pagkatapos mo kong gamitin para saktan siya itatapon mo na lang ako dito?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Saglit siyang natigilan sa pag-alis. Hirap na hirap akong tumayo dahil sa sprained ko sa paa. Pagkatayo ko ay inis kong tinignan ang likuran niyang nakaharap sa akin.

"I don't understand you and I don't really want to understand you! But you're using me to hurt somebody and after using me you'll just discard me this way?! Gosh, gangster! How dare you!" sigaw ko.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko.Gustong-gutso kong ilabas ang sama ng loob ko sa kanya dahil pakiramdam ko'y pag hindi ko pa ito nailabas ay sasabog na lang ako.

Akala ko'y matapos kong maisigaw ang mga iyon sa kanya ay makakaramdam na ko ng kaginhawaan sa loob ng dibdib ko. Pero tila may kulang pa.

"Bakit ba hindi mo na lang ako hayaang lumayo? Ano pa bang kailangan mo sa akin? Dahil ba I'm your fake girlfriend na ginagamit mo para mangtaboy ng mga babae?"

Dahan-dahan siyang humarap sa akin pero ganun pa rin ang klase ng tingin na meron siya.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagpapahirap na ginagawa mo sa akin? Una physical... At ngayon naman ay emotional. Bakit Jack Frost? Why are you doing these to me?!"

Naramdaman ko na lang ang mainit na bagay sa pisngi ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako o nasasaktan ngayon.

"Because I am Jack Frost, remember? And you considered that the next thing to my name is nuisance, Summer. So why do you even ask right now? You shouldn't be surprised at all."

Natawa ako ng pilit sa naging sagot niya. Wow. Ibang klase.

"Then maybe you should stop pestering me from now on. Ayoko ng magkaroon pa ng kahit anong ugnayan sa isang taong kagaya mo. Consider this as a goodbye." Saad ko na agad na nagpakunot sa noo niya.

"What are you even mad about, huh?" kunot noong tanong niya.

Frustrate akong napasabunot sa sarili ko.

"Sa totoo lang? Hindi ko nga alam eh. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako at nasasaktan ngayon. Or maybe, because of the things you've shown me. I almost believed that you're not that bad at all. I assumed that you're nothing like from what I considered you are. But I was wrong. I'm always wrong anyway."

Unti-unting nawala ang kunot sa noo niya. Napabuntong hininga ako bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"But I had that hope, Jack Frost. I had that hope that you may turn out to be different. And now I lose that hope.... And I'm really disappointed."

Pinilit kong umalis sa harapan niya kahit na sobrang sakit ng paa ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang naglalakad paalis. Ano nga bang iniisip ko para mag-assume na ang katulad niya ay may pag-asa pang maging mabuti? He's Jack Frost. Bakit nga ba nagulat pa ko sa pagtratong ginawa niya sa akin matapos niya kong gamitin bilang girlfriend niya para maitaboy ang Jasmine na iyon? Ugh! I hate him!

Kinaumagahan ay minabuti kong hindi na lang muna pumasok at manatili na lang na nagkukulong sa loob ng kwarto ko upang iwasan na rin ang mga tanong nila Mama kung saan ko nakuha ang pilay ko. Hindi sila nagsawa kakakatok sa kwarto ko hanggang sa matapos na ang tanghalian.

Naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko alas-dos ng hapon kung kaya'y napagpasyahan ko ng lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay naabutan ko sila Mama na nakaupo sa sahig sa tapat ng kwarto ko.

"Ma? Anong ginagawa mo dyan?" gulat na tanong ko.

Nagmamadali siyang tumayo at kinapakapa ang katawan ko.

"Ayos ka lang ba anak? May masakit ba sa'yo? Sabihin mo sa akin. Huwag mo naman akong pag-alalahanin ng ganito."

Iniwas ko ang tingin ko nang may luhang nag-uunahang tumulo sa pisngi niya.

"Ayos lang ako, Ma. Ano ba? Tama na po. Hindi na po ako bata. Huwag na po kayo mag-alala sa akin."

Pinunasan niya kaagad ang pisngi niya at niyakap ako. "Ayoko lang na nasasaktan ka, anak. Ayoko din na palihim kang umiiyak at wala akong nagagawa para sa'yo. Nandito lang ako, anak. Sana naman kapag may problema ka sabihin mo sa akin."

Tumango ako at niyakap din siya. "Tama na, Ma. Kaya ko po ang sarili ko," saad ko at saka humiwalay sa kanya. I hate making my mom worried. Kaya ayoko ding nakikipag-away sa school para ipagtanggol ang sarili ko. Kung ipagtatanggol ko ang sarili ko, mapapaaway ako at ipapatawag nila ang Mama ko. Ayokong malaman niya ang mga nangyayare sa akin. I don't want to be a burden to her. Masyado ko na siyang binigyan ng sakit sa dibdib.

Pagkababa namin sa sala ay nagulat ako nang maabutan ang hindi ko inaasahang bisita. Napatayo siya mula sa pakakaupo nang makita ako. Agad na bumaba ang tingin niya sa paa kong nababalutan ng benda.

"Summer," tawag niya sa akin.

"S-Storm."

Nagulat ako nang bigla na lang siyang lumapit sa akin at naupo sa harapan ko. Tinignan niya ang paa ko at animo ay sinusuri kung malala ba ito.

"Anong nangyare sa'yo?" tanong niya na puno ng pag-aalala.

Tumayo siya at pinagmasdan ng maiigi ang mukha ko.

"Pasensya na kung nagpunta ako dito ng walang pasabi. Nag-alala kasi ako sa'yo nang hindi ka pumasok. Buong umaga kitang hinintay kaya nung lunch na hindi na lang din ako pumasok at pinuntahan na kita dito." Pagpapaliwanag niya.

Napangiti ako dahil sa pinapakita niya. Naalala ko tuloy 'yung mga narinig ko sa clinic. Storm is such a sincere living thing. Hindi ko maramdaman na ang mga pinapakita niya sa akin ay pawang kasinungalingan lang o trip lang. He's really a good friend. And maybe that is what he meant about liking me. Maybe he likes me as a friend and nothing beyond that. It's a good thing na hindi ako nag-assume kaya hindi ako nakakaramdam ng disappointment. Hindi tulad ng sa snowman na 'yun! Ugh!

"Yan nga din ang kahapon ko pa tinatanong sa kanya. Kung napaano ba iyang paa niya. Hindi naman niya sinasabi sa akin." Singit ni Mama.

Tumingin ako kay Storm at kunot noo niya akong tinignan. Mukhang nahulaan niya kaagad na hindi alam ni Mama ang tunay na nangyayare sa akin sa Tan Siu.

Humarap ako kay Mama at binigyan siya ng mahinang ngiti. "Ma? Pwede bang sa Park ulit kami ni Storm?"

Agad na naglaho ang ngiting meron sa mukha niya. Alam kong medyo kabastusan ang ginagawa ko na instead na sa bahay kami mag-stay ng bisita ko ay mas ginugusto ko na sa labas na lang kami mag-usap. Ayoko lang na may marinig sila tungkol sa totoong nangyayare sa akin sa school. Ayoko lang na mag-alala pa sila sa akin. Ayokong bigyan pa sila ng alalahanin.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong sa akin ni Storm habang naglalakad kami papuntang Park.

Hindi ko ipinapahalata sa kanya na nahihirapan ako at nasasaktang ilakad ang paa ko pero mukhang napapansin niya pa rin iyon.

"Ayos lang ako," sagot ko sa kanya.

Mabuti na lang at hindi masyadong kalayuan ang park kung kaya't nakarating kami kaagad. Katulad noong nakaraan ay naupo ulit kami sa may swing.

"Malapit na kitang maging idol, Summer. Bakit ba ang bait mo?"

Tinignan ko siya ng seryoso bago nginitian.

"Maybe dahil pinalaki ako ng Mama ko na maging mabait." Nakangiting sagot ko.

Ngumiti rin siya sa naging sagot ko. "Nakakainggit. Wala kasi akong Mama," saad niya.

Nagulat ako sa narinig at agad na nanlaki ang mga mata ko. "What do you mean?" gulat na tanong ko.

"Dalawang taon na siyang patay." Sagot niya habang nakangiti ng malungkot.

"Ah... Parehas pala tayong namatayan. Ako naman 'yung papa ko," kwento ko.

Kumunot kaagad ang noo niya ng marinig ang sinabi ko.

"Step father ko 'yung kasama namin sa bahay." Dagdag ko dahil alam kong iyon ang nasa isip niya. "Apat na taon nang patay ang papa ko. Simula nung namatay siya, lumipat kami nila Mama dito sa Manila at sa paglipat namin dito, doon nagsimula ang pambubully sa akin."

Nanlaki ang mga mata niya at napanganga sa narinig. "Ibigsabihin apat na taon ka ng nabubully? Grabe! Buti kinakaya mo?!" hindi makapaniwalang tanong niya.

Nagulat siya nang may mga luhang nag-uunahang tumulo sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako naiyak. Sa loob ng apat na taon, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan. Sa loob ng apat na taon, ngayon lang ako nagkaroon ng taong masasabihan ng mga hinanakit ko. Ganito pala 'yung pakiramdam na may nalalabasan ka ng sakit sa loob. Ganito pala.

"Hindi ko kinakaya, Storm. Tao din ako, may damdamin. Pagod na ko sa pananakit sa akin. Pagod na ko sa kakapigil at kakapagmakaawa na tigilan na ang pananakit sa akin. Hindi ko kinakaya, Storm. Hindi."

Hindi ako humihikbi pero patuloy lang ang pag-agos ng luha sa magkabilang pisngi ko.

"Sa loob ng apat na taon, walang ibang tao na nagtanong sa akin kung ayos lang ba ako, kung okay lang ba ako. Walang ibang tao na nag-alala para sa akin. Walang ibang taong ipinakita na they care for me. And then you came. And I'm thankful."

Ngumiti siya at pinunsan ang basang pisngi ko.

"And I'm thankful too, Summer. For letting your guards down. I'm thankful dahil hinayaan mong ipakita at sabihin sa akin ang nararamdaman mo. I'm thankful dahil hinahayaan mo kong icomfort ka ngayon. God, Summer. You look perfect even when you cry."

Mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Bwisit! Nag-e-emote ako eh," reklamo ko.

Tumawa siya ng malakas at nagulat ako nang bigla niya kong yakapin. "But whatever happens, Summer. Nandito lang ako para sa'yo. Always remember, I'm your facebook boyfriend and I'm responsible of you."

Ngumiti ako at niyakap din siya. "Thank you, Storm."

Humiwalay siya sa akin at binigyan ako ng malawak na ngiti. "So ngayon, how are you, Summer?"

Ngumiti ako ng mahina bago sumagot. "I'm fine, Storm. I'm just not happy," sagot ko.

Continue Reading

You'll Also Like

56.7M 1.1M 38
Beckett Furrer. Groom. Bachelor's Party. Drunk. Desire. Lust. And mistakes. Three years later, what happened that day still haunted his sleep and wa...
1.5M 3.7K 3
I'm Patricia Angelica Briones, and this is my story WHEN I WAS THIRTEEN
928K 29.3K 111
(Finished) When Sierra Evans, a popular 'it' girl, suddenly receives a message from Orion Lincoln Velasco, her boyfriend's younger brother. The messa...
146K 8.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.