Faded Memories (Complete)

By AaliyahLeeXXI

275K 5.3K 67

Faded Memories (Revised) Let's join Gabriel and Abby on their journey from the present, past and their future... More

Faded Memories
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
***Finale***
***Epilogue***
~♥✿ Special Chapter 1 ✿♥~

Chapter 40

4.7K 97 0
By AaliyahLeeXXI

ahammm... hehehe! :) hello guys!, Dedicated po ang chapter na ito sa inyong lahat na readers ng FM dahil sa 100k na suporta nyo sa FM mula umpisa hanggang ngayong malapit na ang ending especially to @ForsomeTeens dahil sa encouragement mo kay Gab sa previous chapters. Bukas pa po sana ang update pero dahil nag-100k ang reads ng FM kagabi dahil sa inyo ay eto ang regalo namin sa inyo!

Nais ko lang po magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa Faded Memories. Shocks!, HAPPY 100k Reads na kay 'BABA' natin.!, kyaaaah!!!, ay!, hahaha!, kinilig lang ako. sorry!, this is so unexpected. salamat sa aking bff at editor sa pagpapaganda ng mga scenes (@leleleah) alang-alang po sa inyo mga ka-baba!, hahaha!. By the way salamat po talaga sa suporta. Highly appreciated po!. Sa mga palaging nagvo-votes, salamat! At lalo na sa mga matiyaga na palaging nagpopost ng comments na sobrang heartwarming at nagbibigay ng inspiration at motivation sa amin para makagawa kami ng magandang updates at ma-edit ng maayos ang mga eksena, maraming salamat! napaka-rewarding po makatanggap ng votes at comments galing sa inyo!

Congratulations sa ating lahat!!! :)♡♡♡

******

"Dude, are you even aware na nakakahiya itong ginagawa natin? Pakshet, nakakabakla ito!" reklamo ni Gomer habang naglalakad kami dito sa park.

He was holding Hash's left hand while I was holding her right hand. Inilalakad namin si Hash para ma-exercise at lumakas ang leg muscles niya since nakakatayo na rin naman siya para matuto nang lumakad. It was so nice to see her making very small steps while laughing. Pero tama si Gomz, hindi nga magandang tanawin na kaming dalawa ang nakahawak sa magkabilang kamay ng anak ko habang namamasyal kami dahil nakakabaklang tingnan.

"Language, dude!" saway ko sa kanya.

"Language mo mukha mo! Makipag-ayos ka na kasi kay Abby para kayong tatlo ang gumagawa nito. Family bonding n'yo dapat 'to eh. Hindi bonding nating tatlo kasi nakakadiring tingnan. Kalalaki mo kasing tao pero naduduwag ka kay Abigail."

I took a deep breath and looked at him seriously. "Hindi ko alam kung paano ako magpapakita sa kanya. Natatakot kasi akong ipagtabuyan niya ulit. Sobrang sakit makatanggap ng rejection, Gomz, especially from the person that you truly love."

"Gusto mo bang kausapin ko na si Abby? I'll try to convince her para makipag-ayos na sa iyo."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Seryoso? You'll do that? Payag ka na talagang magpakita ako kay Abby?"

"Mas gugustuhin ko na iyon kesa naman tayong dalawa ang naglalabas kay Hash para ipasyal kapag nasa school ang mama niya."

"Mama!" biglang sigaw ni Hash saka tumawa.

Sabay pang nanlaki ang mga mata namin ni Gomz nang marinig iyon. Napaupo ako sa harap ng anak ko at hinawakan ang katawan niya to support her body.

"Did you say mama, Hash?"

"Ma-ma!" Then she chuckled again.

Fúck it! She really did say mama! She's almost ten months when she finally said it. Sayang at wala si Abby kaya hindi niya narinig ang unang beses na tinawag siya ng anak namin.

I took my phone to record her on video. "Say mama again, baby girl. Ma-ma."

My little girl giggled, showing her one lower tooth. "Mama!"

"Langya! Mama daw, dude! Naku, matutuwa si Abby kapag narinig niya iyan," sabi ni Gomer na nakaupo na rin sa tabi ko.

Natutuwa kong hinalikan ang pisngi ni Hash. "Very good little, princess. Now naman say pa-pa."

"Baba!"

Biglang humalakhak si Gomer. Pati si Hash ay tumawa rin ng malakas habang nakatingin sa tito niya. Akala siguro ay nakikipagtawanan si Gomer sa kanya.

"Forever baba ka na talaga, Montreal!" He turned to Hash. "Hash, he's not baba. He's a mumu. You say mu-mu."

Sinuntok ko siya sa braso pero tawa pa rin siya nang tawa.

"Wu-wu," sagot naman ng anak ko.

Lalo pang lumakas ang tawa niya. "Hash, it's mumu. Come on, you say mu-mu."

"Wuwu!" sigaw ni Hash saka tumawa ulit.

"Baliw ka talaga, Arellano! Wag mo ngang turuan ng mga kalokohan ang anak ko!" bulyaw ko sa kanya habang itinatago ko sa bulsa ang phone ko.

His laughter slowly died and his face suddenly became serious. "Iyong anak ko kaya, nakakapagsalita na rin siguro siya. Madaldal na siguro siya ngayon. One year old na siya this April eh."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kinarga ko si Hash dahil baka nangangawit na dahil kanina pa nakatayo. Tumayo na rin kami ni Gomz.

Inilibot ko ang mga mata ko dito sa park. "Dude, may sasabihin sana ako sa iyo, eh. Mukhang nakaligtaan na kasing banggitin ni Abby sa iyo. Kaya nga dinala din kita dito sa park kasi nagbabaka sakali din ako na makita ko sila ulit."

He frowned. "Sinong sila?"

"Noong minsan na ipinasyal ni Abby si Hash dito mismo sa park na ito, nagkita si Abby saka si Gwynne."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Sigurado kang siya iyon?"

"Ano naman ang tingin mo sa akin? Bobo? Kahit ang laki ng ipinagbago ng itsura niya, nakilala ko pa rin siya. Saka tinawag din siya ni Abby. Nagka-usap pa nga sila."

"Kasama niya iyong anak ko?"

"May kasama siyang bata. Malamang anak mo iyon. Kamukha mo eh. At tama ka, lalaki nga iyong bata."

"Fúck it!" he hissed under his breath. "Ang tagal ko nang naghahanap pero nandito lang din pala sila."

"Kaya lang biglang may lalaking tumawag at sumundo sa kanila. Di ko alam pero baka boyfriend niya iyon, dude."

Biglang naging blank ang facial expression niya at hindi na nagkomento pero alam kong nag-iisip na siya ng mga hakbang kung paano magsisimulang hanapin ang anak niya.

******

"Okay, baby, last one! Open your mouth. Say aaaah..."

Ibinuka naman ni Hash ang bibig niya. "Aaaaaaaah..." she said bago ko isinubo sa kanya ang last teaspoon ng yogurt. Nandito kami sa terrace ng kwarto namin, dito ko siya pinakain.

Pinaghahalikan ko ang mukha niya. "Very good ang baby ko na iyan. Lakas-lakas kumain. Look oh, chubby na ang cheeks mo." Pinunasan ko ang konting yogurt sa corner ng mouth niya.

Napansin kong tumingin siya sa likod ko. "Baba!"

Napalingon naman ako sa likod ko para tingnan kung sino iyong tinatawag niyang baba pero wala naman. Natakot pa ako na baka nakakakita na ng multo itong anak ko dahil ang alam ko ay wala naman nakatira sa bahay na iyon.

"'Nak, masama na iyang kakatawag mo ng baba na iyan ha. Baka may third eye ka na pala, hindi ko pa alam."

Tumingin ulit siya sa likod ko at kumumpas pa ang mga kamay at sumigaw ulit ng baba saka tumawa.

"Stop it, little princess. Kakantahan na lang kita. Your papa's not there. Walang tao doon, okay?"

"Baba!"

Nataranta na ako kaya kinanta ko ang first song na pumasok sa utak ko. "Pearly shells from the ocean. Shining in the sun. Covering the shore. When I see them, my heart tells me that I love you. More than all those little pearly shells.♪"

Natawa ako dahil biglang tumawa si Hash at niyugyog ang katawan niya habang nakaupo sa table. "Nagda-dance ang little princess ko. Ang cute-cute! Do you want to go to the beach? Let's pick up pieces of shells?"

"Aaaaaaaah!" mahabang sabi ni Hash saka tumawa.

"Oh you want to go to the--beach." Natigilan ako bigla.

"Next weekend mag-outing tayong tatlo sa isang resort. I missed doing that already."

"Sa tingin mo saan kayang resort magandang magpunta para sa outing natin next week? Sa beach or sa manmade resorts? Iniisip ko kasi si Hash. Gusto ko siya ilusong sa tubig tutal mahilig naman siya mag-swimming sa bathtub."

My eyes watered when I suddenly remembered that moment when he said those lines. Sayang dahil hindi na natuloy iyong balak naming family outing. If only things became different, kung hindi lang sana bumalik ang mga alaala ko, siguro masaya pa rin kami ni Gab ngayon with Hash. Siguro maraming mga lugar na kaming napuntahan para sa family outings namin.

Bigla akong inabot ni Hash. "Aaaaah..."

Pinunasan ko ng kamay ang mga luha ko. "Sorry, princess, mama's crying again. You don't want mama crying, right?"

"Mama!"

Natigilan ako at napanganga. My eyes widened.

"Mama!"

Bigla na namang tumulo ang mga luha ko. "You called me mama, little princess? I can't believe you already called me mama." Kinarga ko siya saka niyakap. "You made mama very happy, did you know that?"

Napaiyak na ako ng tuluyan saka pinaghahalikan siya. Noong una niyang tinawag ng baba si Gab noon ay sobrang saya ko na pero hindi mo pala kayang ipaliwanag iyong saya na mararamdaman mo kapag ikaw na ang unang tinawag ng baby mo for the first time.

******

I was walking through the corridors of the performing arts building. Dito ako dumadaan palagi papunta sa building namin. Natutuwa kasi ako sa mga naririnig at nakikita kong performances kapag dumadaan ako dito.

Habang palapit ako sa isang music room ay nakarinig ako ng isang tugtog mula sa piano. Habang palapit ako doon ay mas lumilinaw sa pandinig ko iyong musika na nagmumula doon. Napahinto ako sa may labas ng pinto nang makilala ko iyong piyesa na tinutugtog.

Napasandal ako sa wall while listening to the melody of the music. It made me reminisce those memories when everything was still going smoothly in my life.

Kahit patago ang relasyon namin noon--kung relasyon man na matatawag iyong nangyari sa amin--masaya pa rin kami. Kahit na hindi niya sinasabing mahal niya ako noon, ramdam ko naman na importante ako para sa kanya dahil iniingatan niya ako. Bakit ngayon kung kailan legal na kami sa paningin ng lahat ay saka naman naging ganito kakomplikado ang mga bagay?

Hindi simple ang pangarapin mo na matutunan ka rin mahalin ng taong mahal mo. Sabi nga nila, suntok sa buwan iyon. Pero kapag nangyari na iyon, parang wala nang pinakamasayang bagay sa mundo para sa iyo kundi iyon na lang. Pero kahit nagtagumpay na akong makuha ang pagmamahal niya, hindi naman pala doon matatapos iyon dahil kakabit niyon ang panibagong mga problema, panibagong sakit, at panibagong mga pagsubok.

May pag-asa pa ba na maging maligaya talaga kami ni Gab? Na kahit gaano pa kalaki at kabigat na mga problema ang pagdaanan namin ay malalagpasan pa rin namin? Na kahit gaano pa kami magkasakitan ay magagawa pa rin namin patawarin ang isa't-isa?

I'm still hoping for the two of us to end up being together for the rest of our lives pero bakit mukhang sumuko na yata siya sa akin? I smiled bitterly as I wiped the tears on my cheeks. Kung babalik ba ako sa kanya ay magiging maayos na ang lahat between the two of us? Pero hindi ko pa kaya. Gusto ko munang buoin ang sarili ko na nakalimutan ko na simula noong minahal ko siya. Ang dami ko nang isinakripisyo para sa kanya. I even gave up my dream to become a good painter when I started loving him. At gusto kong siya naman ang mag-effort ngayon para sa akin.

Nakarating ako sa art room namin nang hindi ko namamalayan. Then we were told to paint the most beautiful site we've ever seen in our life. I sighed.

******

I was staring at the painting displayed in front of me here in the living room. Hindi ko na naman mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang nakatitig doon.

"Bhe, hindi ka pa matu-tu--log?" sabi ni Gomer. Natigilan pa siya nang makita ang itsura ko.

Hindi na ako nag-abalang magpunas ng mga luha. Normal naman na para sa kanya ang makitang palagi akong umiiyak.

Sinundan niya ang tingin ko. "Wow!" Lumapit siya doon sa painting. "Kuhang-kuha mo iyong mukha ni Hash oh. Ginawa n'yo 'to kanina?"

I nodded and smiled bitterly. "We were told to paint the most beautiful sight we've ever seen in our life. Napakadali ko lang iyan nagawa. Hindi ko na nga kailangang pag-isipan. Parang kapag sinabi iyong most beautiful sight, automatic na iyan agad ang maiisip ng utak ko. Automatic na iyan agad ang iguguhit ng kamay ko," sabi ko habang sunud-sunod ang pagp
atak ng mga luha ko.

Iniwan niya iyong painting at umupo sa tabi ko dito sa sofa. "Because deep inside your heart, Abby, you know that they're the most important persons in your life," sabi niya habang nakatitig doon sa painting ni Hash na nakadapa sa dibdib ng papa niya noong five months old pa lang siya.

"Pero bakit sobrang sakit pa rin, kuya? It hinders me to forgive and to forget. Pakiramdam ko nawalan ako ng karamay. Pati sarili kong mga magulang na akala ko ay kakampi ko sa lahat ng bagay, sila pa iyong naglihim sa akin. I don't want this kind of feeling dahil pakiramdam ko nawawalan ako ng respeto pati sa sarili kong mga magulang. I felt guilty dahil pati sila napagsalitaan ko ng masasakit."

"Sometimes it's hard to process everything because our reasoning skill isn't working properly when we're hurt and angry. But try to put yourself in their place. Intindihin mo rin sila, Abby. They just wanted you not to get hurt again because they saw how you greatly suffered when you lost your first child. They thought that you might suffer again that way so they just decided to keep the second miscarriage from you." He turned and looked at me. "Yours are the most wonderful parents in the world for me, Abby. They took me in their care when I had no one to turn to. You should know that because they did everything just for you."

Lalo pang bumalong ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya. "Ang sama kong anak di ba? Nagagawa kong tiisin sila Mama at Papa."

"You're just hurt, bhe. Kapag naka-let go ka na sa pain, it will be very easy for you to forgive them. And Gabriel too."

Kumapit ako sa braso niya at humilig sa katawan niya. "Bakit ganun, kuya? Ginusto ko lang naman ng tahimik na buhay kasama ang pamilya ko pero bakit kailangang maging ganito kakomplikado ang lahat? Ginusto ko lang naman noon ang mahalin niya pero kakabit pala ng pagmamahal na iyon ang napakaraming mga problema. Madalas naiisip ko na sana hindi na lang bumalik ang mga alaala ko para hindi ko na lang din naalala kung gaano kasakit iyong mga nangyari sa akin noon. De sana hindi rin kami nagkakaproblema ni Gab ngayon at hindi sana kami magkahiwalay. Hindi sana nadadamay si Hash sa mga gulo namin."

"Everything happens for a reason, bhe. Siguro sinusubok lang kayo para malaman kung gaano katatag ang pagsasama n'yo. Kapag nalagpasan n'yo ito, magkakaroon pa ng panibagong mga pagsubok. Life is a never ending challenges and struggles. Kapag mahina ka, susuko ka na lang at di na lalaban. But you should not quit, bhe. 'Yong mga trials na pinagdadaanan n'yo ni Gab will make your relationship stronger and they will serve as lessons for the two of you. Wag mo siyang sukuan dahil may anak kayo and she needs both of you."

Hinigpitan ko pa ang kapit sa braso niya. "Alam ko naman iyon eh. Pero sobrang sakit pa rin, kuya, dahil kung sino pa iyong taong sobrang pinagkatiwalaan ko eh siya pa iyong pinaka nakasakit sa akin ng todo. It all started with those pictures." Huminga ako ng malalim dahil naninikip na naman ang dibdib ko dahil sa sobrang pag-iyak.

"Hindi ko lang sinasabi sa kanya noon pero sobrang laki ng tampo ko noon sa kanya. All my life since I was young, siya lang ang lalaking minahal ko kaya nakagawa ako ng mga hindi tamang decisions sa buhay ko. I even failed and disappointed our parents because of it. Ang dami kong sacrifices. Kinalimutan ko iyong mga pangarap ko dahil mas matimbang para sa akin iyong pangarap na makasama ko siya at gawin ang lahat para mahalin niya rin ako.

"Pero, kuya, paano niya nagawang pag-isipan ako na magagawa kong pumatol sa ibang mga lalaki bukod sa kanya? I didn't even entertain any suitors or even looked at any other guys because of him kaya paano niya nagawang isipin na kaya kong ibigay sa iba itong sarili ko? Hindi ko matanggap iyon, kuya. Sobrang sakit kasi. Mas pinaniwalaan pa niya iyong mga kasinungalingan ni Carmela kesa sa akin.

"But what hurts me the most is the thought that because of those lies, I lost my child in just a blink of an eye." Napahagulgol na ako kaya inakbayan na niya ako at napayakap na ako sa kanya.

"Pinatawad ko siya noon kasi gusto kong maka-move on. Akala ko doon na matatapos iyong mga problema. But another one came at iyon ang pinakamasakit sa lahat. Pumatol siya sa ibang babae tapos nagkaanak pa siya doon. Sobrang sakit at laking insulto no'n kasi nawalan kami ng anak pero meron naman pala siyang pamalit galing sa ibang babae. Tapos nag-deny pa siya noong tinanong ko siya about that."

"Huh?" Inilayo niya ako ng bahagya para matingnan. "Sinong ibang babae? Si Amanda? Hindi naman talaga niya anak iyong dinadala no'n, bhe."

Napahinto ako sa pag-iyak at napapunas sa mga luha sa magkabilang pisngi ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi niya anak iyon? Hindi siya nakabuntis ng iba? "Eh sino 'yong babaeng 'yon? She's claiming that Gab was the father of her child."

Napakamot si Gomer sa ulo niya. "Sa tingin mo ba kung totoong may babaeng naanakan si Gabriel ay hahayaan pa namin siyang makalapit sa iyo, lalo na kami ni Papa? Tangina lang niya, ako mismo ang lulumpo sa kanya para di ka na niya malapitan. But it was just a frame up, bhe. Lintik lang ang walang ganti kay Gabriel pag ikaw na ang pinag-usapan kaya pagkatapos mong maaksidente ipinahanap ni Gab iyong babae dahil nagtago no'ng nalaman na naaksidente ka. Sinampahan niya ng patung-patong na mga kaso iyon. Nakakulong na nga iyon eh. Kahit anong pakiusap ni Amanda sa kanya, di siya natinag kahit buntis pa 'yong babaeng 'yon. He was outrageous that time dahil nag-aagaw buhay ka sa ICU no'n tapos idagdag pa na nawalan na naman kayo ng pangalawang anak dahil doon sa babaeng 'yon."

"What the hell?" bulong ko. "Paano niya nakilala iyong babae na iyon?"

"Sa bar. Kasama niya kami that time pero nawala na lang siya bigla. Kahit siya hindi niya alam kung paano siya nadala sa motél no'ng babae na iyon dahil lasing na lasing siya. Problemado siya sa mga nangyayari sa relasyon n'yo that time eh. 'Yong kasama sa trabaho no'ng Amanda ang nagpatunay sa korte na wala naman talagang nangyari sa kanila. And besides, umamin din si Amanda na hindi totoo iyong mga sinabi niya kay Gab. She was just desperate that time so he set Gabriel up kasi ayaw siyang panagutan no'ng nakabuntis sa kanya."

Napahilamos ako ng mga palad ko sa mukha. Itinaas ko ang mga paa ko sa sofa saka dumukdok sa mga tuhod ko at doon nag-iiyak. Hindi ako makapaniwala na dahil lang sa katangahang panloloko na iyon ay naaksidente ako, nag-agaw buhay, nagka-amnesia, at nawalan ng isa pang anak. Ngayon naman ay may gap kami ng parents ko, magkahiwalay kami ni Gab, at pati si Hash ay apektado.

"Tang-ina talaga, kuya. Bakit gano'n? Ano ba'ng naging kasalanan ko sa mundo at pinaparusahan ako ng ganito?" hagulgol ko sa kanya.

He caressed my back. "Listen, Abigail. If there is one person na kaya kong pagkatiwalaan para alagaan ka, si Gabriel lang iyon. Yes, he may not be the perfect man for you, wala sa katinuan mag-isip kapag nasasaktan, nakakagawa ng mga idiotic decisions tulad noong ginawa ka niyang fubu nung college tayo. Pero kapag seryoso siya sa isang bagay, he will pursue it and will be very passionate about it. Ganoon siya sa iyo, bhe. Ikaw lang ang na-involved sa kanya na sineryoso niya, iniyakan niya, at totoong minahal niya.

"Noon, akala namin si Carmela na talaga ang seseryosohin niya because he really pursued her. When she left him, he rebelled thinking that it might remove all his pain and would make him forget. So he resorted into womanizing. But when he fell in love with you, that's when I realized na hindi ko pa pala kilala ang tunay na Gabriel. Noon ko lang siya nakitang naging ganoon kasaya, noon ko lang siya nakitang naging malungkot at noon ko lang siya nakitang umiyak.

"When you had your accident, para siyang palaging walang sa sarili dahil halos di namin siya makausap ng maayos. Ilang beses ka nang muntik na mawala sa amin noong nasa ICU ka noong nag-flatline ka and it was also killing him inside. Halos ayaw ka niyang iniiwan dahil gusto niya na siya ang una mong makikita kapag nagising ka. At siya ang pinakanasaktan sa lahat noong nagising ka nga pero hindi mo naman maalala ang lahat ng tungkol sa mga pinagsamahan n'yo. It tortured him but he never gave up chasing you dahil ang katwiran niya? Hindi ka rin naman sumuko sa kanya dati hanggang sa matutunan niyang suklian iyong pagmamahal mo so he did everything para lang matutunan mo din siyang mahalin ulit."

Tumingin ako sa kanya. "Pero sinaktan pa rin niya ako, kuya."

"Ang dami n'yo nang mga pinagdaanan, Abby. Ngayon mo pa ba siya isusuko? Wag mong isisi sa kanya ang lahat ng mga kasalanan. Hindi lang siya ang may gustong maglihim sa iyo. Guilty kaming lahat diyan. When you gave birth to Hash, sinabi ni Mama sa akin na gusto na niya talagang sabihin ang totoo sa iyo pero pinigilan nila siya. And you already know their reason why.

"When he made you his fubu before, galit na galit ako noon sa kanya pero pinatawad ko siya dahil nakita ko naman kung gaano ka niya minahal. Noong unang beses kang nakunan, gusto ko na siyang patayin noon pero pinatawad ko pa rin siya dahil nakita ko naman kung gaano siya nagbago sa iyo. Pero noong nalaman ko na pinahirapan ka niya after kayo ikasal, hindi ko matanggap iyon. I got so furious, Mama and Papa too.

"But then he knelt in front of us, begging us to tell him where you are. The high and mighty Gabriel Montreal got on bended knees and begged for us just to see you? That's something new. I never thought that he'd do that. He got my respect when he did that."

Natulala na lang ako sa mga sinabi niya. Ginawa talaga ni Gab iyon?

"Don't you think it's already time to go back to him and forgive him?"

"Ayokong maunang makipagbalikan, kuya. If I do that, paano ko mapapatunayan na talagang mahal niya nga kami at gusto niya kaming makasama? Gusto ko siya ang magkusang maghanap sa amin to prove himself to us this time."

******

When she told me that she'd go to sleep already after we've talked, lumabas agad ako ng bahay para puntahan naman si Gab. Tangina, ako ang nahihirapan sa kanilang mag-asawa eh. Parang may silent war sa pagitan nila at wala kahit isa sa kanila ang gustong unang sumuko.

"Did you hear everything that she said?" tanong ko agad sa kanya pagpasok ko sa kwarto niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo siya sa sahig, nakasandal sa kama at nasa harap niya iyong laptop niya.

Hindi siya kumibo. Nanatili lang siyang nakayuko, his shoulders were shaking. I knew he was silently crying at nasasaktan ako para sa kanya. I've known him almost all my life. He was a very strong person. But the Gabriel in front of me now was very far from that person. The Gabriel in front of me now was like a wounded soldier who got lost in a battle.

Nakita ko siyang nag-angat ng tingin sa laptop. Maybe he was looking at Abby. "Tangina lang, Gomz. Bakit ba napakatanga kong tao? Bakit kailangan kong masaktan 'yong asawa ko ng gano'n? Gusto kong magpunta sa harap niya ngayon at lumuhod at paulit-ulit na humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa kanya pero bakit parang hindi sapat ang mga iyon para mapatawad niya ako at mawala iyong guilt na nararamdaman ko para sa lahat ng mga naging kasalanan ko sa kanya?

"Hindi mo alam kung gaanong torture para sa akin iyong pakiramdam na dati kahit anong oras ay pwede ko silang yakapin at alagaan. Iyon lang naman talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko. To love Abby and to take care of her and Hash. Iyon lang ang dahilan kaya nabubuhay ako. Pero ngayon kailangan ko pang magtago para lang makasama sila. Ang dami nang mga pangyayari sa buhay nila ang hinihiling ko na sana ay kasama nila ako while they're doing those things pero ang kaya ko lang gawin ay panoorin sila mula sa malayo.

"Natatakot ako. Sobrang natatakot na akong magpakita ulit kay Abby dahil tuwing magkasama na lang kami, hindi ko pa rin maiwasan na paiyakin at masaktan ko siya. I was always trying to protect her pero ako pa iyong palaging nagiging dahilan kaya nasasaktan siya.

"Kung minsan naiisip ko na pakawalan na lang siya ng tuluyan dahil baka maging mas masaya pa siya kapag wala ako sa buhay niya. Pero paano ko gagawin iyon kung nabubuhay lang ako para sa kanya? I will forever be selfish, Gomz. Hindi ko siya kayang i-let go dahil sa oras na gawin ko iyon, parang sinabi na rin sa akin ng lahat na magpakamatay na lang ako."

I deeply sighed while staring at him. Napatingala na lang ako sa kisame. "Hay, kaya ayokong ma-involve diyan sa love na iyan eh. Dahil once na pinasok ko na iyan, alam kong hindi na ako makakaalis pa." I looked down at him again. "Pero seryoso, dude. You should seriously do everything now to win back her trust. Huwag mong sayangin ang oras dahil baka mapagod iyon sa kakahintay sa iyo. Do your move now before everything gets too late."

**********


Continue Reading

You'll Also Like

11.1K 92 16
Tunghayan ang karanasan ni ARVIN sa mga pangyayari sa kanyang buhay bilang isang binatang maraming karanasang makamundo at parating nadadala ng kanya...
5.4K 248 44
Hindi sang-ayon si Kelsie sa idelohiyang karapatan ng lalaki ang maghanap ng babae na magbibigay ng kaligayahan bukod sa asawa. She was fascinating...
7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
950K 16.5K 51
Oh boy, Zarrick is a forbidden one. Erriah knows that. At such a young age, she shall not think of any kind of obscene things pero masarap talaga ang...