Faded Memories (Complete)

By AaliyahLeeXXI

275K 5.3K 67

Faded Memories (Revised) Let's join Gabriel and Abby on their journey from the present, past and their future... More

Faded Memories
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
***Finale***
***Epilogue***
~♥✿ Special Chapter 1 ✿♥~

Chapter 17

4.5K 86 0
By AaliyahLeeXXI

I looked at Abby and smiled. She's peacefully sleeping on my chest. Niyaya ko siyang pumasok kanina pagkatapos namin mag-usap sa shore. Masaya ako dahil hindi na siya umiiwas sa akin unlike noong una. Kung dati ay pinagtutulakan niya ako, asar at galit sa ginawa kong paglayo sa kanya mula sa mga magulang niya, kanina ay tahimik lang siyang sumunod sa akin.

We ate dinner together at nakikipagbiruan pa siya sa akin. Then inihatid ko siya sa room niya pero pinigilan niya akong umalis. She asked for me to stay with her in her room kaya bakit ko naman siya tatanggihan. I was actually surprised at first at napatulala lang sa kanya for some seconds. Hindi kasi ako makapaniwala na hihilingin niya iyon sa akin. Of course, I grabbed the opportunity. This is now my chance to make her feel how much I love her. Kahit sa ganitong pagkakataon at paraan man lang ay ipaparamdam ko sa kanya ang halaga niya sa akin.

I don't want to waste even a second just to make her feel how much I missed and love her. Kahit hindi ako maalala ng isip niya, I still want Abby to learn how to love me again. A man who will never take her for granted this time. A man who will never play with her feelings anymore, who can be her strength during her weak moments, who will love her unconditionally. A man who is willing to sacrifice even his own life for her. I'm willing to become his slave. I want to take care of her, to cherish her for the rest of my life. Ayaw kong ipadama ulit ang sakit na naramdaman niya dati nang dahil sa akin. Babawi ako sa lahat ng mga naging pagkukulang ko bilang asawa niya.

I tightened my embrace on her back while I was caressing her hair then I kissed her forehead gently. Sana noon ko pa ito ginawa sa kanya. Sana ipinakita at ipinaramdam ko na sa kanya noon ang pagmamahal ko when I finally realized and acknowledged the fact that I'm truly in love with her. De sana wala kami ngayon sa sitwasyong ito. Sana ngayon masaya na kami habang magkasamang inaalagaan ang mga anak namin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang panghihinayang at guilt ko sa pagkawala ng dalawang anghel namin. Sobra-sobra ang pagsisisi ko. Kung noon pa lang sana ay inayos ko na ang mga gusot sa buhay ko including Carmela and Amanda, naging maayos din sana ang pagsasama namin ni Abby at hindi na kailangan pa na mawala ang dalawang baby namin. Hindi na sana siya naaksidente at nawala ang ibang memorya.

I embraced her body even tighter while my eyes are tearing up. Gumalaw ang ulo niya at tumingala siya sa akin. She frowned.

"Gab...?"

"Hmmm?" Pasimple kong pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"You were crying." It's more of a statement than a question.

I smiled gently at her. "I just remembered something. Anyway, I thought you were sleeping?" Hinila ko siya pataas para magkapantay ang mukha namin. Nakadapa pa rin siya sa ibabaw ko. I touched her face, napapikit siya.

"Hindi ako makatulog." Napamulat siya at diretsong tumingin sa akin.

I gave her a soft smile.

"Pwede mo ba akong kantahan?" she requested with a small smile on her lips.

I nodded while gazing at her pretty face. "Whatever you wish, Abby, you know that I will do them for you. Dahil mahal kita, lahat gagawin ko para sa iyo," buong pusong sabi ko.

She just nodded. Parang kinurot ang puso ko. I'm always telling her how much I love her pero puro irap at pambabara lang ang inaabot ko mula sa kanya. Now I know how much it is hurting to say those words without receiving the same response. Kung dati ay maya't-maya niyang sinasabi sa akin ang 'I love you, Gab' but I wouldn't bother to answer back—not even a nod— ngayon ay hinahanap-hanap ko na iyon pati na rin ang pag-aalaga niya at pagiging sobrang malambing at maasikaso sa akin.

I kissed her forehead. Napapikit siya. Pinaupo ko siya sa kama. I took my guitar. Magkaharap kami. This song that I'm going to sing is the same song that I had in mind when I finally noticed her as a fine lady during high school.

I was staring at her as I started to strum.

Nakatitig lang siya sa akin. I smiled at her and started to sing.

Please hear me out my 'honey'

I've something to say thats from within

It's a last MEMORY, TRY TO THINK BACK

I'll help you see...

Kumunot ang noo niya dahil pinaltan ko ng 'honey' ang lyrics ng kanta sa umpisa. I just smiled at her and continued.

All of those nights we shared

All of those days you were there

I just wanna love you forevermore

And i wanna hold you just like before

And maybe someday, we might just find a way

And we can love FOREVERMORE...

IF I COULD TURN BACK TIME

I would have never let you go

And you would still be mine

But here I am crying all alone...

All of the LOVE we shared

All of the TIME you were here

******

I just wanna love you forevermore

And I wanna hold you just like before

I was watching Gabriel while he's singing on the stage and playing his acoustic guitar. Ang gwapo niyang pagmasdan at ang ganda ng boses niya. He was wearing a tux. Tonight is our senior's night. Naka-ball gown kaming mga babae habang naka-suit or tux naman ang mga lalaki.

And maybe someday, we might just find a way

And we can love forevermore...

He was smiling widely while singing, at halos mangisay ang mga babae sa kilig. Ang gwapo niya naman kasing ngumiti. Dagdag pa ang boses niyang nakaka-in love talaga.

Yes, nakaka-in love. At isa na ako doon sa mga babaeng iyon and he knows about it. Sinabi ko sa kanya ang feelings ko. He was shocked noong inamin ko sa kanya iyon. Tapos pinagtawanan lang niya ako. Sino ba'ng hindi mai-in love sa taong walang ginawa kundi halikan ka nang halikan at parati mong nakakasama.

We even became friends. Friends with benefits pa nga eh. Pero hindi kami lumagpas sa paghahalikan. Pagkatapos ng nangyari noong nagkrus ang landas namin nila Carmela, Gab, at ako. That time while we were on the rooftop ay sinabi niya sa akin ang lahat tungkol sa kanila ni Carmela. He was so in love with her kaya pinagselos niya si Carmela through me. I already expected that during that time pero sobrang sakit pa rin pala lalo na kapag inamin na niya. But still nakinig pa rin ako sa kanya. He told me na kaya niyang magbago bumalik lang ulit si Carmela sa kanya.

Pero sa halos araw-araw na magkasama kami ay naging malapit na ang loob ko sa kanya hanggang sa tuluyan na akong nahulog sa kanya up to the point where I didn't know kung makakaahon pa ba ako sa sobrang pagkahulog ko sa kanya.

Inaamin ko, I had a small crush on Gab when we were still young kahit na inis na inis ako sa kanya dahil nga ang bata pa namin pero playboy na siya. Gomer knows about it kaya tinutukso niya ako tuwing pumupunta si Gab sa bahay namin noon. Pero wala akong idea kung alam ni Gab iyon. Until that stolen kiss during sixth grade happened na naging simula ng lahat ng feelings ko for him.

And because of that confession, Gab distanced himself from me. Ni hindi na niya ako nilalapitan o di kaya ay ninanakawan ng halik tulad ng dati. Lumalapit ako sa kanya pero umiwas siya.

Oh I'm lost without you

Oh tell me what should I do,

Now that you're gone...

I can't go on alone

I'm a lonely man,

I need you again...

Nakatingin lang ako sa kanya. Kumindat siya sa gawi ng mga babae at halos himatayin ang mga ito sa kilig. He mouthed I love you and winked nang tumingin siya sa gawi ni Carmela. Kinilig naman ang mga nasa paligid namin. Magkatabi lang kasi ang mga mesa namin. May kung anong sakit akong naramdaman sa dibdib ko.

They were having a relationship but Gab and I were still kissing. Pero wala lang ang relasyon naming iyon. Friends lang kami. Pero dahil sa confession ko na iyon, mukhang kahit friendship lang ay wala nang pag-asa sa aming dalawa.

Nang tumingin na siya sa gawi ko ay biglang nawala ang ngiti niya. Sa mga titig niya ay parang may ibig siyang sabihin. Napalunok ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero hindi ko binitiwan ang titig niya. Maging siya ay ganoon din.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang nakataas ang kilay na si Carmela. Biglang kumunot ang noo nito at tumalim ang tingin sa akin na parang nakakita siya ng isang kaaway.

Galit ba siya dahil ako ang nanalong Prom Queen kanina kaya hindi siya ang naging partner ni Gab as this year's Prom King? Hindi naman niya ako dapat kaiinggitan dahil hindi nga ako isinayaw ni Gab. Nakakainis dahil napahiya lang ako sa stage kanina dahil iniwan niya na lang ako basta doon after ng announcement na kami ang nanalo.

Napakurap ako nang biglang may nagsalita at kumalabit sa likod ko. I rolled my eyes when I found out who it was. It was Yugene Michael Altamonte, ang mahangin na MVP at team captain ng varsity basketball team.

"Hi, beautiful Prom Queen, Abby! Wanna spend a night with me?" nakalolokong tanong niya.

"What?!" I hissed. Bastos talaga ang bunganga ng lalaking ito.

"Just kidding, babe! Nakatulala ka kasi kay Gabriel eh! Mas gwapo naman ako doon. Let's dance?" Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. I looked at his hand. Nagdadalawang isip pa ako.

"Huwag kang mag-alala, may condom ako, este nag-sanitizer ako!" biro nito. I rolled my eyes again. Balahura ang bibig ng malanding lalaki na ito.

Kinuha ko ang kamay niya para makipagsayaw dahil siya naman talaga ang partner ko. Si Monique kasi ay si Marcus Hontiveros na beki ang nabunot na name. At sa kasawiang-palad ay itong malanding lalaking ito ang nabunot ko. I took a glance at the stage pero wala na si Gab doon. Di ko napansin na tapos na pala siyang kumanta. Iginala ko ang mga mata ko para makita siya until I saw him on their table with Carmela. Mataman siyang nakatingin sa amin ni Landi.

"Gago."

Napalingon ako sa kanya. "Ano?!"

"I mean, si Gabriel, gago siya. Nasa kanya na ang privilege para isayaw ang pinakamagandang babae dito sa prom tonight pero nagtitiis siya doon sa babaeng 'yon na pinagsawaan ko na." Bigla siyang tumawa.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Binobola mo ba ako o ipinagyayabang mo lang ang sarili mo?"

"Hey, just telling the truth, okay? Swerte ko na lang dahil ako talaga ang nabunot mong partner for tonight."

We danced. Sweet iyong music. Nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Yugene. I tried to push him away pero mas lalo niya pa akong isiniksik sa kanya. May naramdaman akong tumutusok sa tiyan ko. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya but he just smirked at me.

"Bitiwan mo nga ako, Yugene!" gigil na singhal ko sa kanya.

He smirked at me. "Alam mo bang nakaka-excite ka, Abigail?"

I tried to push him again pero mas lalo pa niyang idinikit ang sarili niya sa akin. Medyo dim kasi iyong ilaw kaya hindi kami masyadong napapasin ng mga tao. I gathered all my strength to push him away from me. Nagulat na lang ako nang biglang nawala si Yugene sa harap ko. Nakita ko na lang siyang nasa sahig na at dinadaluhan ng mga kaibigan niya.

Then somebody just grabbed my wrist tightly and dragged me away from there. I know who it was. We went to the parking lot at padabog niyang binitiwan ang kamay ko. He looked so frustrated. Napasuklay pa siya sa buhok niya.

"Gab..." iyon lang ang nasambit ko. Kinabahan ako sa ikinikilos niya.

"What?!" he hissed.

"Aaaahm..." I closed my fists. Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko.

"What, Abby?! Nabasted lang kita, makikipaghipuan ka na sa iba?! At doon pa talaga sa asśhóle na Yugene Altamonte na iyon? Maghanap ka nga ng matino at wag iyong gago na iyon!" he yelled at me angrily and yet he sounded so frustrated.

Napatitig ako sa kanya. "Are you jealous?" I asked out of nowhere at hindi ko alam kung bakit iyon ang naitanong ko.

I saw him sighed na para bang pinapakalma niya ang sarili niya. "Tssss! Why should I? I'm just a friend here and you're my concern."

My heart skipped. I wanted to confront him. My eyes moistened. "Bakit, Gab, may friends bang naghahalikan?" lakas loob na tanong ko but I know it was wrong. Parang mali na itanong ko iyon but I wanted to know why he did those things to me, and now that I already fell in love with him ay saka niya ako iiwasan.

"Tsk! Do I really need to repeat what I have said before? Because I want to. At gusto mo rin naman iyong hinahalikan kita, di ba? At hindi ko na problema kung nahulog ka because I won't be able to catch you, Abby, and you know why!" At tinalikuran niya na ako.

"Gab, mahal kita!" I shouted desperately. May kung anong bumara sa lalamunan ko.

He stopped and sighed. Humarap siya sa akin.

"Drop that dàmn feeling, Abby, cause I couldn't love you back! Forget about what happened between us! That's just a game and an experience for you!"

My tears streamed down my face. Sobrang nasasaktan na ako sa mga sinasabi niya. Wala na ba talaga siyang pakialam sa akin? Laruan lang ba talaga ang tingin niya sa akin mula noon pa? "Gab..." I sobbed while my chest is constricting.

Nag-iwas siya ng tingin mula sa akin. "Stop crying, Abby. Ihahatid na kita sa inyo," he just said and left me to get his car.

◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆

Song : FOREVERMORE

By: Jed Madela

◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆

Continue Reading

You'll Also Like

178K 3K 23
From "I love you" to "Sino ka?" real quick. Posible nga ba ang magkagusto ka sa taong hindi mo pa naman lubos na kilala?
161K 3.9K 54
What will you do if you end up in someone else body?
7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
510K 15.5K 32
R-18|Mature Content Read at your own risk Train Salvatore is a well known playboy. He never had a serious relationship. He flirt with girls and dump...