So I Married The Mafia Boss

By MarvelousLu

1.2M 23K 552

[Completed] Hunter Louis Sylverio, famous entrepreneur, a man with status and more money than most. He got pe... More

Copyright
Characters
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 22

20.1K 379 17
By MarvelousLu

  "They were two lovely choices. One of them meant giving up every chance of a decent life forever...and the other one scared me out of my mind."
― Frederik Pohl, Gateway   

****

Kabanata 22 ― The Billiard Game

Hunter's POV

"ABOVE was our backup Departments work from the previous season. End of report.", ani Levi nang matapos nitong i-summarize ang reports ng bawat departamento ng kumpanya.

"Now, I want to hear the General Manager explain about Sylverio Industries plans in regards to our commercial development at Japan.", ani Lennox na tumatayong bise presidente.

"Sa susunod na anim na buwan, magkakaroon ng substantial expansion ang Sylverio Industries para sa isang operation scale. At sa loob ng dalawang buwan ay nag-increase by 20% ang sale performance ng company. Plus, good news is na-obtain natin ang malaking halaga ng investment ni Director Takashima ng Japan. Nagbigay din ng suporta ang Teshirou Electronics sa atin.", aniya ni Xander.

"And Boss, kailangan na daw ni Mr. Yamamoto ang layout na inaprubahan niyo."

"Boss, yung event para sa opening ng new building, kailangan ko po ang opinyon niyo regardless sa plans. Kailangan niyo ring makipag-meeting sa event organizer."

"Boss, na-isubmit na ba ni Miss Rodriguez ang payroll? Kailangan mo na iyong pirmahan."

Wala akong maunawaan isa man sa sinasabi ng mga tao sa board meeting. Ang isang kamay ko ay abala sa paglalaro sa hawak kong sign pen. Pinaiikot ko iyon habang ang isa naman ay abala sa paghaplos sa aking labi. Napapangiti ako sa tuwing bumabalik sa aking gunita ang pinagsaluhan naming halik ni Hailey. Hindi ko magawang burahin sa aking alaala ang paghalik nito sa akin.

Tumatawa ako sa alaalang iyon. Hindi maikubli sa aking labi ang pag-ngiti.

"Boss?"

Ang tinig nila ang bumasag sa aking magandang alaala. Ganoon na lamang ang pangungunot ng mga noo nila ng mapuna ang malakas kong pagtawa. Baka nga natitimang na ako.

Breath in. Breath out. Saka ako tumikhim kasabay ng pagseryoso ng mukha. Kahit walang pumasok sa utak ko mas pinili ko na lamang na tapusin ang meeting. "Ahm, meeting adjourned. Being the chairman, I support you. And about naman dun sa mga papeles na pipirmahan ko, si Miss Rodriguez na ang bahala maghatid ng mga files na iyon sa opisina ko."

Nagsitanguan sila at isa-isang lumabas sa conference room. Napabuga ako ng malalim na buntung-hininga nang makaalis ang mga board members na siya ring tumatayong members ng Beehive.

Karaniwan, ang routine ko lang palayo ang bahay, kumpanya, ngayon, hindi ko na makuha pang mag- overtime sa kumpanya dahil exited akong umuwi.

*****

WEEKEND. Kaharap namin ang billiard table. Naroon kami sa entertainment room ng bahay. Si Hailey hindi makapaniwala na nagdala ng babae si Lennox. Nakaawang yung bibig nito habang pinagmamasdan yung babae sa harapan niya. 

Nakakagulat namang talaga kasi, maging ako ay nagulat rin dahil ngayon lang nagdala ng babae si Lennox. Marahil ay nakilala nito ang babae sa isang exclusive bar o isang party.

Niyaya ko na silang kumain nang mailagay na nila Nami at nung mga maids yung mga pagkain sa mesa. Hinila ko ang upuan at pinaupo roon si Hailey sa tabi ko.

Umupo naman si Lennox sa harapan namin. Si Trisha kaugali rin ng asawa ko. Matakaw din ito dahil pagkaupong-pagkaupo nito ay linatakan agad yung pagkain kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit naging magkaibigan ang dalawa. Marami silang bagay na napgkakasunduan.

Kung bakit nasama si Trisha? Nagkataong nagbakasyon yung amo nila at nagpasyang wala muna silang pasok sa loob ng tatlong araw. Nang malaman nila iyon, isinara ni Hailey ang kaibigan nito para may kasama naman daw itong babae roon.

Si Ynah naman katabi si Lennox. Sina Xander at Levi pinagitnaan si Trisha.

"Ikaw nagluto nito, Knoxx? Talented ka pala.", aniya ni Ynah na hinahangaan ang kaldereta.

Ngumiti lang si Lennox at hindi na sinagot pa ang babae.

"I bet magaling din ang Kuya mo.", sabay sulyap sa akin ni Ynah. Kakaiba yung tingin nito. Malagkit.

"Of course, he does. Kahit ano kaya niyang lutuin.", biglang singit ni Hailey sa usapan habang ngumunguya pa.

Napangiwi naman si Ynah dahil puno ang bunganga ng asawa ko habang magsalita ito. Grabe, patay-gutom ata ang babaeng ito. Basta pagkain, nagiging baboy siya. One feature of Hailey that intimidated me, yun ang pagiging matakaw niya at walang table manners.

"My husband is pretty good at cooking. Baka gusto mo, isa-isahin ko pa ang mga expertise ng asawa ko if interested ka.", muling hirit ni Hailey habang diniinan ang salitang 'husband'. Ang mga mata nito ay matalim na tumitingin sa babae.

Makahulugang ngumisi ako kay Hailey. Is she jealous?

"No need to hear that. So, Lennox isasama mo rin ba ako sa camping trip niyo?", baling nito sa nananahimik na si Lennox.

"Okay.", yun lang ang sagot nito kay Ynah.

Sumimangot si Ynah. Na-dissapoint ata sa cold gesture ng kapatid ko. Saka ito bumaling sa akin. "How about you Hunter, is your wife a good cook?"

Dumako ang paningin ni Hailey sa akin. Ganoon din ang ginawa ng iba. Waring interesado sa kung ano mang bibigkasin ng bibig ko. Nagpunas muna ako ng table napkin sa aking bibig bago ako sumagot sa katanungan nito. "She has a bad cooking skills. Masama ang lasa ng mga luto niya kaya laging sumasakit ang tiyan ko. Isa lang ang perfect na kaya niyang iluto. It was omelette."

Hilaw ang ngisi ni Hailey nang titigan ako. Ang tindi ng talim ng inihahagis na pukol sa akin. Bigla nitong ibinaba ang kubyertos sa pinggan na naglikha ng maingay na tunog. Habang ang mga nguya niya ay malalaki. Randam ko ang tensyon sa katawan niya.

"Is that all you can cook?", tanong ni Lennox sa asawa ko. "You're much worst that I expected."

Tumaas ang itaas na labi ni Hailey sa pagkairita sa pagmamaliit ng kapatid ko. "At least kapag nagluto ako may puso."

"Knoxx, if you ever try to taste her cooking paniguradong diretso ka ng banyo.", sabi ko.

"Damn, Hunter huwag mo nga akong ipahiya."

Tumawa ako. Ang sarap talaga niyang asarin. Tuwang-tuwa ako kapag namumula siya sa tuwing nakakaramdam ng pagkayamot. Pati kasi yung tainga niya namumula rin. One thing that I like about her. "Really? Gusto ko matikman ang luto mo, Hailey.", aniya nang nginitian nito si Hailey.

"Basta ba ipangako mo na hindi mo iyan lalaitin gaya ng matapobre mong kapatid?

Biglang nagprotesta ang sistema ko. Bigla ang pag-angal non sa narinig ko. Parang may tinik na sumibol sa ikabaturan ng loob ko. At higit sa lahat, nakadama ako ng paaninibugho. Oo. Nakakahiya mang sabihin pero nagseselos ako. "What do you mean by that, Knoxx?", mapait kong tanong.

Ngumisi pang lalo si Lennox. "I want to taste her omelette. Easy, gusto ko lang tikman yung luto niya. Are you jealous?"

Nakadama ako ng pag-init sa pisngi ko. Lalo na nang sulyapan ako ni Hailey.

"S-Stop talking nonsense, Knoxx!"

"Huwag kang mag-aalala Hunter, head over hills yang asawa mo sayo, I swear.", biglang singit ni Trisha habang hawak ang hita ng manok sa isa nitong kamay.

Ngumiti ako sa sinabi niya lalo na nang mamulang kamatis si Hailey.

"Want a match with me? Let's play pool.", hamon ni Lennox ilang sandali ang lumipas.

Napatingin ako sa kanya. May kung ano sa tingin nito nang pumukol sa akin.

"Kayo na muna ni Xander. I want to spend my quality time with my wife."

Hilaw ang naging tawa nito sa akin. "Takot ka ba na matalo sa akin? You never say NO to any games. To any challenges. Your motto is never surrender. Ganoon din ang ginawa mo noon kay Zyle and Julia di ba? Pinaglaruan mo sila. You hurt their feelings. And worst, na-in-love ka kay Julia but she ended with your bestfriend in the end. One thing I hate about you is your dirty games."

Nilingon ako agad ni Hailey. Dama ko ang tensyon sa hapag dahil napigilan silang lahat sa pagsubo. Nagtatanong ang mga mata nila. Gusto nilang magtanong subalit mas pinili na lamang nilang manahimik. Kumuyom ang mga palad ko sa ipinaalala ni Lennox.

Yes, I am that kind of jerk of my college days. Gusto kong paglaruan ang damdamin ni Zyle kaya ko pilit na inaagaw si Julia sa kanya. Nangako akong paiibigin si Julia and dump her pag nagkagusto ito sa akin pero sa huli nahulog ako sa sarili kong bitag. I fall in love with her. But in the end, sila parin ni Zyle ang nagkatuluyan. And she left with me with a broken heart. It took years for me to move on. 

That was karma. Maybe because I am playful kaya ngayon ang babaeng gusto ko, ang hirap kong makuha.

"Let this game begin.", mariing sabi ko.

Lennox smirk when he stood at the dining. Kalmado itong tinungo ang billiards table saka kumuha ng tako. Nagsisunuran naman ang mga kasmahan ko sa hapag hanggang si Hailey nalang ang naiwan.

"H-Hailey..."

"Game? You love to play games? Kaya mo ba ako hinamon sa falling game mo? Am I also a part of your games? Isa rin bang game ang pagpapakasal mo sa akin?"

Para akong nabagsakan ng mabigat na bagay sa balikat ko. Parang may bumara sa lalamunan kong pumigil sa aking magsalita. Nanginginig ang kamay kong inabot ang palad niya subalit bago ko pa iyon mahawakan ay tumayo na ito at sumunod narin kina Trisha.

*****

Hailey's POV

Game? Ganoon ba talaga si Hunter? At ano ang ibig sabihin ni Lennox na pinaglaruan nito ang damdamin nina Zyle at Julia? Ganoon ba ito noon?

Whatever he's past I don't care. I know the Hunter na nakasama ko. He's a good person. Pero paano kung isa ring game ang pagpapakasal niya sa akin? No, hindi iyon totoo.

Nilingon ko si Hunter sa gilid habang kumukuha ng tako habang si Lennox naman ay inayos na ang mga bola sa billiard table. Nakita ko tumingin si Hunter sa akin. May pagsusumamo ang mga mata niya.

Kumurap ako sa reaksyon nito. Parang piniga ang puso ko. Gusto ko siyang puntahan upang bigyan ng comfort. Nagsisi ako nang iwan siya kanina. Datapwa't napailing ako sa ideyang iyon. Hindi dapat ako nagkakaganito. Ang isinisigaw ng utak ko ay huwag itong pansinin. Ngunit naging kontrabida ang katawan ko. Para bang hindi ko na kontrolado ang sarili kong katawan. Umiling-iling ako upang iwaksi ang gumugulo sa isipan ko.

Si Xander busy sa pagpapaliwanag kay Trisha kung paano maglaro ng billiard. Si Levi naman kinakausap si Ynah na nakaupo sa isang billiard table pero ang babae abala sa panonood sa magkapatid kaya hindi sumasagot sa mga tinatanong ng binata.

Nang magsimula na ang laban, Unang tumira si Hunter at naipasok niya ang tatlong bola. Nang sumunod ay namintis siya kaya si Lennox na ang pumalit. Pero bago pa nito tamaan ang puting bola ng kanyang tako ay tumingin muna ito sa akin. Kumunot ang noo kong gumanti ng titig sa kanya. Pagkuwa'y pumosisyon ito upang tamaan na ang bola. Tatlo agad ang pumasok. Sunud-sunod ang ang pagtira nito hanggang sa pinakahuling bola na lamang ang natira.

Ngumising bumaling si Lennox sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ang weird talaga ng cyborg na ito.

"You lose, Boss. Game over. Congratulations Knoxx.", anunsyo ni Levi na pumapalakpak pa.

"Wow. This is the very first time na natalo ka, Boss.", ani Xander.

"Congratulations Knoxx, ang galing mo talaga babe.", malanding kumapit si Ynah sa braso ni Lennox pagkatapos.

Hindi na ako naghatid pa ng papuri kay Lennox dahil marami nang ginawa non. Sa halip ay dumiretso ako sa kinatatayuan ni Hunter. Kinalabit ko ang braso nito. Lumingon ito sa akin habang abala sa pagtutuko ng tako na hawak nito.

"Magaling ka rin, hubby. Minsan kailangan mo ring matalo para maunawaan mo na hindi lahat ng pagkakataon nasa panig mo ang tagumpay. Tiwala lang. Fighting!", sabi ko na nag-ala AJA pa.

Ginulo ni Hunter ang buhok ko nang marinig ang sinabi ko. Ngumiti naman ako saka nag-thumbs up sa kanya. Nag-thumbs up rin ito.

Medyo may galit sa tono ng noses ni Lennox nang magsalita ito at bumaling kay Ynah. "No, I lost.. I am always a loser..."

"Paano kang loser eh ikaw nga ang nanalo, baby?", clueless na tanong ni Ynah. Hindi na muli pang sumagot si Lennox.

"Oo nga naman, Knoxx.", pag-sang-ayon ko sa sinabi nito. May punto naman kasi ang babaeng ito.

"Dummy." sarkastikong sinabi ng magkapatid sa akin habang nagkatinginan silang muli. "Let's have a round two." chorus pa nila.

Sa pangalawang laban, naging mainit at palaban na sila. Mas pinag-iisipan na ang taktikang ginagamit at lalo silang naging seryoso. Ngayon mas mabagal na ang laro nila kumpara kanina. Sa huli, si Hunter ang nanalo.

Sa tuwa namin, nag-appear kami ni Hunter habang tumatalon.

"Whaah, Hunter ang galing mo pala! Congrats!", tumatawang sambit ni Trisha.

Humalukipkip na tumatawa rin si Xander. "Mukhang nagkaroon ng motivation si Boss."

"Congrats, you won.", cold na sabi ni Lennox kay Hunter. Nakipag-shake hands pa ito na tinanggap naman ng kapatid nito. "Nice game."

Sumulyap si Hunter sa akin bago bumaling sa kapatid. "We're both frustrated and distracted. Don't play dumb, brother. I know how you feel. We're both men, hindi ako bulag Knoxx. Whatever you have in mind please stop it already. I know I'm being selfish."

"Alam ko. You don't have to warn me, brother. Alam ko kung hanggang saan lamang ako.", mapakla ang ngiti nito kay Hunter. "Bata pa lang tayo, I am always the second best. I hate it..."

"Chill lang mga Boss, hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan niyo pero kaya tayo nandito para mag- enjoy.", puna ni Levi.

"Bilang premyo, I'll teach my wife to play this."

His eyes ate into my soul. My heart begun to drum nervously nang hilahin ako nito sa billiard table. Nasa likod ko na siya bigla. Grabe, may lahi ba itong vampire, ang bilis kumilos! Hawak nito ang tako nang hulihin ang palad ko. Pinaliwanag niya ang ang paraan ng paglaro non. Kung paano ang tamang pag-asinta.

Napalunok ako nang yumuko ako habang sinuasubukang asintahin yung puting bola. Nararamdaman ko ang dibdib ni Hunter sa likuran ko nang yumuko rin ito upang alalayan ang mga kamay ko. Pinangilabutan ako sa itsura namin.

Nanginginig yung mga kamay kong hawak niya.

"Relax. Mag- focus ka.", sabi nito. Ang hininga niya ay kumikiliti sa likod ng leeg ko.

Nang tamaan ang puting bola ay nagkalat ang mga iyon sa billiard table habang ang isang bola ay pumasok.

"Good job for a beginner.", bulong niya sa tainga ko.

Sobrang kabado na ako dahil sa closeness niya sa akin. Nakagat ko ang labi ko.

Gusto ko siyang itulak pero nanginginig ako. Nanghihina. Bakit ba kasi kailangang i-bend ang katawan? Sobrang dikit ng katawan niya sa likod ko. "Dummy, that's not the right stance. Let me teach you again."

Mas lalo akong nawala sa aking sarili. Pakiramdam ko tuloy sa katawan ko ay humiwalay ang kaluluwa ko nang hawakang muli nito ang palad ko habang natatabunan ng dibdib nito ang likuran ko. Iginiya nito ang palad ko habang inaasinta ang puting bola.

Sinentro ng dulo ng tako ang puting bola saka iyon tinamaan hanggang sa pumasok yung isang pulang bola. Matapos yon, agad akong tumayo ng diretso saka bahagyang itinulak palayo si Hunter sa likuran ko.

Nang lingunin ko si Lennox nag-igting ang mga panga nito. Nag-iwas ng tingin nang mahuli nito ang mga mata ko.

I tried to come back to my senses. I cannot be weak, no matter how defeated I've felt. I was breathing shallowly. For a second I froze, unsure whether to look any or approach him.

"Ang dali mo talagang basahin. You are like an open book."

Napaigtad ako sa sinabi nito. Bakit ba kasi napaka-straightforward at optimistic nitong si Hunter? Ang hirap tuloy i-conceal yung feelings ko.

"At bakit mo naman nasabi yan?", matapang kong tanong.

"The blush forming across your whole face.", sa statement niyang iyon nabitawan ko yung hawak kong tako.

Pinulot iyon ni Trisha na mataman pala kaming pinanonood. "Tama na nga yan, masyado na kayong matamis sa isa't-isa."

Hunter Louis Sylverio. The only man capable of making her feel irritated. I feel like I am a clueless girl tends to fall for a troublemaker.

____________

Continue Reading

You'll Also Like

124K 3.8K 27
COMPLETED (01-06-21)✓
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
277K 6.1K 29
(NOT EDITED KAYA MARAMING TYPO) She's a good person He is only a good person to her She's beautiful He's handsome She's cute He's hot She is always h...
416K 7.4K 90
"I, Nathan Jace.." "....declared that you'll be Alyanna Layne Castro-Montez after five years."