Moon Academy: Special School...

By HountoniDaisuke

334K 11.2K 454

#29 highest rank achieved in Fantasy genre (07/01/17) Moon Academy, dito umiikot ang mundo ng mahika, ito ay... More

Prologue
Chapter 1: Meet Her
Chapter 2: Xander University
Chapter 3: Part time Job
Chapter 4: Exam
Chapter 5: Result
Chapter 6: Black Wizard
Chapter 7: Ice
Chapter 8: Telekinesis
Chapter 9: Saan Daw?
Chapter 10: Pink Market
Chapter 11: Milkey Chikey
Chapter 12: Fairies
Chapter 13: Allen
Chapter 14: Bye
Chapter 15: Moon Academy
Chapter 16: Again
Chapter 17: Dorm mates
Chapter 18: Trespassing
Chapter 19: Cyrokinesis
Chapter 20: Moon Ten
Chapter 21: Illusion
Chapter 22: Worried
Chapter 23: Awaken
Chapter 24: Red Guy
Chapter 25: Ability Gone
Chapter 26: Eclipse Siblings
Chapter 27: Frank and Rence
Chapter 28: Tito Clive
Chapter 29: Talk
Chapter 30: Mission
Chapter 31: Ability Back
Chapter 32: Ground
Chapter 33: Undrello
Chapter 34: Kasintahan
Chapter 35: Soul Eaters
Chapter 36: Patrick
Chapter 37: Trace
Chapter 38: Brothers
Chapter 40: Pag-atake
Chapter 41: Cross
Chapter 42: Gandang Nilalang
Chapter 43: Tiya Minerva
Chapter 44: Maze
Chapter 45: Cancel Mission
Chapter 46: Them
Chapter 47: Gadget
Chapter 48: Allowance
Chapter 49: Shopping
Chapter 50: Craftsman
Chapter 51: Ligaya Bar and Resto
Chapter 52: Partner
Chapter 53: Past
Chapter 54: Remembered
Chapter 55: Revelations
Chapter 56: Impact without Her
THIS IS NOT AN UPDATE
Chapter 57: I'm Back!
Chapter 58: Weird Actions
Chapter 59: Embrace
Chapter 60: Deal
Chapter 61: Princess of Darkness
Chapter 62: Missing
Chapter 63: Iniisip
Chapter 64: Giants and Teresa
Chapter 65: Competition
Chapter 66: Her Limit
Chapter 67: Andrew
Chapter 68: Nightmare
Chapter 69: Competition 2
Chapter 70: Her Demon
Chapter 71: Alay
Chapter 72: Why
Chapter 73: Twin Sister
Chapter 74: Time Travel
Chapter 75: Follow
Chapter 76: Frank Kiddo
Chapter 77: Three is enough
Chapter 78: Oracle
Chapter 79: A Little Secret
Chapter 80: They Left Me
Chapter 81: Full of Lies
Chapter 82: Good and Bad News
Chapter 83: Fear
Chapter 84: Lunar's Side
Chapter 85: Yaoi
Chapter 86: Calamares
Chapter 87: Return
Chapter 88: Traitor
Chapter 89: Confused
Chapter 90: Her Son
Chapter 91: Mortal Resto
Chapter 92: Time
Chapter 93: Her Husband
Chapter 94: Jennifer

Chapter 39: Feelings

3.7K 118 0
By HountoniDaisuke








~~




(Third Person POV)

Tahimik na nakaupo lamang sila Cashmere sa isa sa mga lamesa dito sa may silid, malayo sa mga nagkakasiyahang mahikero, at malayo sa magkakapatid.

Tila hindi pa rin sila makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Magkapatid ang tatlong inakala nilang magkakaibigan lamang.

Sabay sabay silang napabuntong hininga at napatingin muli sa mag-iina na masayang nagkwekwentuhan sa may gitna, sa gitna kung saan naroroon ang ibang mga mahikerong may matataas na rango dito sa Undrello.

"Hindi pa rin talaga magsink-in sa utak ko ang mga nangyare. Biruin nyo mga pare, magkapatid pala si Carl at Captain Rence! Ang layo ng rango at lakas nila sa isa't isa!" Nakangangang sambit ni Andrei.

"Shut up Andrei! Kala mo naman meron kang utak ("-___-) makapagsabi to." Poker face na sabi ni Rosby sa kanya at taimtim ring nakatingin sa gawi nila Carl.

"Meron naman ah! Gusto mo pakita ko pa huh?!" Nanghahamong sagot naman ni Andrei sa kanya.

Bago pa magsunggaban ang dalawa, pumunta na sa gawi nila si Carl na abot tenga ang mga ngiti.

Hindi naman sila makapaniwala sa nakikita. Si Carl, nakangiti ng malawak!

"Hindi ba kayo makikisalo?" Tanong sa kanila ni Carl.

Napatingin naman sila Cashmere sa isa't isa. Hindi talaga sila makapaniwala sa mga nangyayare na ito.

"Carl, alam kong matagal na tayong magkasama sa dorm, matagal na rin tayong magkaibiga----"

Hindi pa natatapos ni Andrei ang kanyang sinasabi ng putulin na agad ito ni Carl.

"-----pero wala pa akong nabanggit sayo tungkol sa aking pamilya lalo na kay Kuya Rence tama ba?"

Hindi pa rin mabura sa mga labi ni Carl ang mga ngiti kaya napalunok at napatango na lamang sa kanya si Andrei.

"Hindi ka naman kase nagtanong." Natatawa nyang saad. "Tawag pala kayo ni Ina, Moon Ten, kasama ka Cashmere."

Pagkatapos nyang sabihin iyon, bumalik na ulit sya sa kanyang mga kapatid at Ina na masaya naman ngayong nakikipag-usap sa isang may katandaan nang babae.

"Mag-o-OP kaya tayo doon?" Tanong ni Cashmere sa mga kasama.

"Anong OP na iyong pinagsasabi?" Takang tanong sa kanya ni Patrick.

Napabuntong hininga na lamang si Cashmere sa sarili.

'Bakit ko ba kase ginagamit ang salitang pang-mortal dito? Nabubuang na ako.'

"Ah wala, wala. Tara na nga. Baka kailangan na talaga tayo ni Tita Simera roon." Pag-iiba na lamang nya ng topic marahil ay hindi rin nya alam kung paano ipapaliwanag ang salitang OP rito.

"Tara na." Malamig na tugon naman ni Jayden habang nakahawak sa kaliwang kamay ni Vanessa.

"Sila na ba?" Pag-uusisa naman ni Mich habang nakatingin sa naglalakad sa unahan na si Vanessa at Jayden.

Nagkibit balikat lamang ang kanyang mga kasama at napanguso na lamang si Mich.

Naglakad na sila patungo sa mag-iina at inaya naman sila nitong umupo sa kanilang lamesa.

Pinuno Simera
Carl       ||  Rence
Dennis  ||  Jayden
Cash      ||  Vanessa
Andrei  ||  Mich
Carlos   ||  Frank
Ferresa ||  Patrick
Rosby    || ---------------

Tumabi si Cashmere sa tabi ni Dennis sa lamesa, katapat nya si Vanessa na ubod ng pula ang mukha na nakatitig sa kamay nila ni Jayden na magkahawak.

Napatawa naman ng mahina si Cashmere dahil roon, mukhang may bagong love team na mabubuo sa isip isip ni Cashmere.

Napansin naman ni Dennis ang paghagikhik ng dalagang katabi kaya napakunot-noo ito at hindi maiwasang magtanong kung anong kabaliwan ang ikinakatawa nito, umiling lamang ang dalaga at napangiti bago ipinagdikit ang dalawang hintuturo, hindi nya marahil maiwasan na hindi kiligin para sa kaibigan.

Nagkwentuhan lamang sila sa mesa habang kumakain ng mga pagkaing nakahanda nang ipinatawag ang Ina nila Carl.

"May pupuntahan lamang ako. Dyan muna kayo mga bata. Mabilis lamang ito." Pamamalaalam ni Pinuno Simera sa mga kasalo sa mesa.

Tumango na lamang sila Cashmere at ngumiti kay Pinuno Simera.

"Napakaganda ng inyong Ina." Manghang sambit ni Andrei.

Agad syang binatukan ng katabing si Carlos. "Wag mo syang isama sa mga babae mo."

Paalala nito sa kaibigan. Natawa naman ang iba dahil rito, malamang babaero ang kaibigan nilang ito.

"Mamamatay ka muna bago dumapo ang iyong mga daliri sa aming Ina." Malamig na sabi ni Rence.

Alam nilang biro ang sinabi ng kanilang Captain, ngunit dahil sa tono ng pananalita nito, nagmukha itong seryoso kaya bahagya silang natahimik.

"Nagbibiro lamang sya." Natatawang pambasag ni Dennis sa katahimikan. "Nga pala, paano kayo napadpad rito Lawrence?" Patukoy ni Dennis sa kanyang kapatid na walang emosyon sa mukha.

Hindi ito sumagot, bagkus, sinenyasan nya si Vanessa na magsalita tungkol rito.

Ikinuwento ni Vanessa ang buong pangyayare, mula sa Academy, sa pagdukot sa kanila ng mga kawal sa palasyo, sa dungeon kung saan sila pinahirapan, sa paano sila nakatakas, sa pagkikita nila Patrick at kung paano nila nalaman kung nasaan si Cashmere.

"Woah! Ang lalim!" Gulat na gulat na sambit ni Dennis matapos nitong mapakinggan ang mga nangyare.

"Mahirap kaya! Tapos alam mo bang muntikan pang mawakwak ang dibdib ni Frank! *turo sa lumalamon na Frank* tapos yung ulo naman ni Carlos muntikan pang mahiwalay sa kanyang katawan?! *turo sa umiinom na Carlos*" Tatango tangong sambit ni Andrei.

Sinamaan lamang sya ng tingin nila Vanessa at Mich, samantalang si Rosby naman tumayo at piningot ang tenga nito.

"Sinasabi lang eh! Wala man lang kaseng kalatoy latoy ang pagkukwento ni Vanessa." Nakangusong sambit ni Andrei.

Natawa na lamang si Patrick, Dennis at Cashmere, marahil ay hindi nila napagdaanan ang mga iyon.

Nagkwentuhan na lamang sila ng iba pa pampalipas oras hanggang dumating muli si Pinuno Simera na nakisali rin sa kanilang usapan.

Bilang pagpapatuloy sa kanila, dito na rin sila pinatulog nang malaman ang kanilang misyon.

Nakisama na rin si Cashmere sa misyon, tutal simula't sapul, kailangan sya rito.














~*~




















Naroon lamang si Dennis sa may tabi ng veranda. Nakatitig sa babaeng nakatadhana para sa kanya, at sa lalaking kasama nito na kung makaangkin sa babae na nakatadhana para sa kanya ay wagas.


Hindi nya maiwasang mapakunot ng noo. Bakit ba sya napapasok sa mga ganitong mga bagay? Ayaw naman nyang makasira ng relasyon. Ngunit alam nya rin na pagmamay-ari nya ang babaeng yun dahil nakatadhana sila para sa isa't isa.

Napabuntong hininga na lamang sya at nagsimula nang humakbang paalis roon.

Pumunta sya sa likod ng mansyon, doon sa hardin na kanilang Lola.

Eto na lamang ang namumukod tanging hindi naapektuhan ng sumpa. Eto na lamang ang natitira.

Pagod na umupo sa isa sa mga bato roon si Dennis at pinagmasdan ang lugar.

Naalala pa nya noong panahong kasama pa nila ang kanilang Lola, ang mga panahong iyon ang isa sa pinakamasasayang alaala sa kanya.

Ngunit nawala rin ang masayang alaala na iyon ng maalala ni Dennis ang delubyo. Delubyo noong nakalipas na labing anim na taon.


Ipinilig ni Dennis ang kanyang ulo. Matagal nang nangyare iyon. Wala na syang magagawa pa roon. Pero alam nya, alam nyang galit sya sa nangyare.

"Wala na si Lola ngunit ganito pa rin ang hardin. Napakasayang isipin na may iniwan sya sa atin na hindi kailanman maidadamay sa sumpa." Nakangiting sambit ni Carl bago tumabi sa kapatid na si Dennis.

"Hindi mo ba iiwan ang Akademya kuya?" Seryosonb tanong sa kanya ni Dennis at marahan syang tinignan sa mga mata.

Iling lamang ang sinagot ng binata sa kapatid kaya napabuntong hininga na lamang si Dennis dahil roon.


"Kung sa gayon, paano ang Undrello? Hindi ko kayang pangalagaan ito, lalo na napakabata ko pa para dito." Malungkot na saad ni Dennis sa kapatid.

Natawa naman ng bahagya si Carl. "Kapatid, may sarili kang mga desisyon. Kung ayaw mo ng nakatadhana para sa iyo, pwede kang lumihis ng landas. Tignan mo kaming dalawa ng kuya mo, lalo na pala si Kuya Rence, sya dapat ang papalit sa pwesto hindi ba? Pero anong ginawa, tinakasan. Ako? Ako dapat ang hahalili kay kuya ngunit tinakasan ko rin. Hindi magagalit si Ina maniwala ka. Basta, patunayan mo lamang na karapat dapat kang lumihis. Ipaglaban mo ang gusto mo."

Nagdalawang ibig sabihin naman iyon para kay Dennis. Ayaw nya sa nakatadhana para sa kanya kahit na may parte sa kanya na gusto rito, pero alam rin nyang may mas nangingibabaw sa kanya, may mahal nang iba ang nakatadhana sa kanya, at may mahal rin syang iba. Siguro ito na ng hudyat para mapasakanya si Cashmere, dahil eto naman ang nais ng puso nya para sa kanya.














**














(Author's POV)





Hohohohoho ^O^
What now DenDen? Anong plano mong hinayupak ka?

Okay lang ba ang loveteam sa inyo? Si Vanessa at Jayden. Ahihihihih ^-^ Go Team #Janessa .. Ang korni ng Janessa, mas prefer ko ang Jessa. Pero by the way, may isang loveteam pa na mabubuo. Abangan!

Advance Merry Christmas na lang. Next week next update ko. Ieenjoy ko ang bakasyon. Hahaha XD



Also Read: "Unwanted DECISION"
Random (^_____~)v





ApriljoyceMarcos

Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 473K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
611K 1.4K 42
IG: @krstnjmlbzn
259K 19.7K 31
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
9.8M 492K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...