One of the Boys

By railleice

250K 6.2K 123

Bata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when sh... More

One Of The Boys
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Special Chapter
ANNOUNCEMENT - NOT AN UPDATE

Chapter 1

10.4K 232 6
By railleice

Chapter 1: Aiza is back

“Aiz! Tara nga dito!”, napadilat ako ng sumigaw si Drew. Sumimangot ako kaagad at ibinalik ang mata ko mula sa pagkakapikit.

“Aiz!”

“Andrew! Manahimik ka pwede ba!”, bulyaw ko sa kanya. Ah! Ang aga-aga ang ingay ng isang ‘to!

“Aray!”, nagulat ako ng bigla niya akong pinitik sa noo. Agad akong napahawak doon, agad ko siyang hinarap at itinaas ang kanang kamay ko para suntukin siya.

“The hell, Aiz?”, natatawang sabi niya at umalis sa harap ko. “Lumayas ka na dito, tulog ka ng tulog.”, dagdag niya.

“Ako pa papalayasin mo?! Baka nakakalimutan mo na-“

“Na, ikaw ang naglalagay ng supply ko ng pagkain dito. Na ikaw ang nagbabayad ng kuryente ko. Hindi ko nakakalimutan, Couz.”, humalakhak siya. Nang-aasar talaga e!

“Peste ka, Andrew del Castillo!”, inis na sigaw ko sa kanya at dinampot ang bagpack ko na nakapatong lang sa may lamesita sa tabi ko.

“Yan ganyan, papasok ka kasi! Sayang binabayad ni Tito na tuition fee!”, nang-aasar na sabi niya.

“Fuck you, Andrew!”, galit na sigaw ko sa kanya at lumakad na papunta sa may pinto “Wag mo lock pinto mamaya, uuwi ako kaagad. I-lock mo yan at pagdating mo dito, sira na ‘to.” Turo ko sa pinto tapos ay lumabas na.

***

“Yo, Aiz! Long time no see!”, napatingin ako sa nagsalita mula sa likod ko.

“Vincent!”, bati ko sa kanya at nag-apir kami.

“Ano ‘yun? Siya lang?”, napansin ko ang mga kasunod ni Vincent. Kasama niya ang buong barkada.

Ngumiti ako. “Yo, guys. Musta na? Long time no see, ah?”, saad ko at sinalubong ang mga high-five nila.

Bigla naman umakbay sa’kin si Kevin, ang isa sa mga pinaka-kaclose ko sa barkada. “Eh ikaw lang, eh. ‘Di mo sinabi nagbakasyon ka pala sa US, ‘de sana sumunod ako.”, natatawang sabi niya.

“Yuck, Kevin! “, daing ng mga kasama namin. “Bitawan mo nga si Aiz, di kayo talo niyan ano!”, bigla ay hinila ako ni Chuck at siya naman ang umakbay sa’kin tapos ay hinila niya ako papunta sa kung saan.

“Kain tayo, gutom na ako e. Libre mo kami, Aiz.”, saad ni Chuck

“Oo nga, pambawi. Wala ka pasalubong sa’min eh.”, pagsang-ayon nina Kevin at ng iba pa namin na kaibigan na nakasunod lang sa’min.

Nang makapasok kami sa canteen ay agad natuon sa’min ang atensyon ng mga kumakain doon. Medyo madaming tao dahil nga sa first day ngayon. Karamihan ay babae.

“OMG! Aiza is back. Grabe, gumanda pa siya ngayon!”

 

“Bakit naka-akbay sa kanya si Chuck?”

 

“Hindi sila talo ni Chuck, ‘di mo ba alam? Tomboy daw ‘tong si Aiza.”

Sa lahat ng bulungan na narinig ko ay nagkibit-balikat na lang ako at dumiretso na kami sa favorite table namin. Walang nauupo doon dahil alam nila na kami ang pumu-pwesto palagi doon.

“Ano’ng order, boss?”, pina-upo ako ni Chuck sa may upuan tapos ay hinawakan ako sa magkabilang balikat habang nasa likod ko siya.

“Aiz! Aiza!”, napatingin kami sa kakapasok lang. Oh, Klarisse and Monica.

Patakbo silang nagpunta sa table namin. “Aiza! Oh my gosh! Tama nga ang narinig ko, gumanda ka nga lalo.”, hinawakan ako ni Klarisse patayo tapos ay inikot ako. “I mean look at you,nagmatured ang face mo at ang ganda ganda mo pa lalo! Tapos sumexy ka pa! Tell me, ano’ng pinag-gagawa noong bakasyon ha?”, puri niya.

Pabiro ko’ng inagaw ang kamay ko sa kanya.”Sexy? Hello? Papaano mo nalaman?”, tinuro ko ang soot kong maluwag na t-shirt. Yes, maluwag na shirt ang soot ko. Ayoko kasi nagsusuot ng mga hapit na damit sa katawan, para uncomfortable lang.

 

Natatawa ‘yun mga lalaki na kasama namin sa table. “Boss, gusto lang magpalibre ng dalawa na ‘yan. Ano? Libre mo ba?”, tumatawang sabi ni Kevin.

“Ano pa nga ba? Maupo na nga kayo!”, saad ko kay Monica at Klarisse. “At ikaw, Chuck. Bumili ka na ng pagkain. Gusto mo pa yata ako bumili eh, hiyang-hiya naman ako sa’yo.”, natatawang sabi ko. Sumimangot si Chuck tapos ay umalis na din para bumili.

“Oh, mag-kwento ka naman. Kamusta US?”, paguusisa ni Monica.

“Hm. Ganun pa rin, wala naman pinagbago compare nung last time na pumunta ako doon.”, simpleng sagot ko.

“Ibang klase talaga pag taon-taon nakakapunta doon ano?”, tila naiingit na sabi nila sa’kin.

“Hayaan n’yo next time out of the country tayo.” Natatawang suhestyon ko.

“Bakit? Sagot mo?”, sagot ng lahat sa’kin including the boys.

“Hindi. May mga pera naman kayo eh.”, natatawang saad ko.

“Sus! Kala pa man naming sagot mo! Sustentado ka naman ng erpat mo eh.”, saad ni Vincent habang nilalaro yung tissue na nakapatong sa table.

“Sustentado ka din naman, pare!”, saad naming sa kanya. Tawanan at kwentuhan lang ang ginawa naming sa canteen, maya-maya ay dumating na si Chuck na may dala ng pagkain namin.

“Gago kayo, kunin n’yo pa yung tray doon!”, saad niya at iminuwestra yung mga tray na naiwan doon sa may counter.

Tumayo si Kevin kasunod si Vincent tapos ay kinuha nila ang mga natitira pa na pagkain. Pagkakuha ay kumain na kami habang nagkukwentuhan pa rin.

Matapos kumain ay sabay-sabay na kami na umakyat papunta sa mga klase namin.

“Oh my gosh! Aiz, classmates tayo!”, masayang sabi ni Klarisse at bumaling kay Monica. “Monica! Gosh! Classmate natin si Aiza!”, masayang bati nito.

Inagaw ni Monica ang schedule ko na hawak ni Klarisse. “Ilang subject kayo classmates? Ako apat!”, nakangiti niyang sabi.

“Akala mo ha! Classmates ko sya sa lahat ng subject!”, saad ni Klarisse sabay belat kay Monica.

“Aiz, mukang mas lalo dadami suitors mo, ah?”, bigla ako inakbayan ni Kevin.

“Asa!”, inis na sigaw ko sa kanya. Tumawa lang sila nina Chuck. Ayaw ko talaga na inaasar ako sa mga suitors-suitors na ‘yan. Nag-iinit ang ulo ko.

Nakarating na kami sa room namin, at itong mga kaibigan ko, kasama ko pala sa block. Si Monica lang itong nahiwalay at naging kaklase lang naming ng apat na subjects.

“Hi Aiza!”

“Aiza! Hi!”

“Yo, Aiza!”

Sa lahat ng bati na natanggap ko ng makarating kami sa room ay ngiti at high-five lang ang isinagot ko. Ewan ko, hindi ko naman din kasi sila kilala. Hindi ko nga alam papaano nila ako nakilala eh.

“Tabi kami ni Aiza! Doon ka maupo, Vincent.”, rinig ko na sabi ni Chuck mula sa upuan sa likod ko. “Doon! Doon sa tabi ni Kevin!”

“Gago ka pare, dada-moves ka na naman!”, sagot ni Kevin.

“Wala ka pake.”, tumatawang sagot ni Chuck. “Aiz! Dito ka oh!”, bigla niya ako hinila at iniupo sa upuan sa tabi niya.

No choice ako kung hindi umupo doon. Wala na din naman kasi bakante na upuan eh. Nasa unahan ko si Klarisse na katabi si Monica at dito sa may likod, katabi ko si Chuck. Katabi ni Chuck si Kevin tapos ay si Vincent.

Tahimik ako na naupo sa upuan ko at isinaksak ang earphone ko sa tenga ko saka nag-soundtrip. Siguro ay wala naman prof. Ganoon naman palagi kapag first day eh.

Ilang sandali ang nakalipas ay naramdaman ko na kinalabit ako ni Chuck. Tinanggal ko ang earphone ko mula sa tenga.

“Bakit?”, tanong ko.

“Labas lang kami. Wala prof. Tambay lang. Sama ka?”, aya nito sa’kin.

Umiling ako dahil wala ako sa mood na tumambay ngayon. “Kayo na lang. Dito muna ako. Sunod ako maya-maya.”, sagot ko sa kanya.

“Dati pa rin ah. Sunod ka nalang.”, saad ni Chuck bago tuluyang naglakad palabas ng room. Ibinalik ko na ang earphone ko mula sa tenga tapos ay tumingin sa labas ng bintana.

Still the same Chuck. Chuck Jimenez. One of my bestfriends. My former suitor, na binasted ko dahil hindi talaga ako nag-bbf. Playboy and at the same time loverboy. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 119 23
I accidentally got into the future, where the world is different from where I am. I tried many things to learn back on the time I came from. But I go...
46.5K 4.1K 36
Limampung taon na mula nang mawala ang hinirang ng Ikauna bilang bantay ng kanyang huling testamento. Limampung taon na rin mula nang isilang ang iti...
13.3K 506 48
TOXIC LOVE SECOND GENERATION ------ She sees him as a pest of her life. She hates him to the core. She doesn't want him to exist. Can he turn that h...
214K 7.4K 59
Dahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na ngayon? ---- Is this really the end? or M...