Pretending I'm Yours #Wattys2...

By MissWinterQueen

12.1K 417 66

MAHIRAP MAGPANGGAP. Magpanggap na masaya ka. Magpanggap na wala kang pakialam. Magpanggap na hindi ka nasasak... More

AUTHOR'S NOTE
Prologue
~Chapter 1~
~Chapter 2~
~Chapter 3~
~Chapter 4~
~Chapter 5~
~Chapter 6~
~Chapter 7~
~Chapter 8~
~Chapter 10~
❄❄❄❄❄
🎉HappyNewYear🎉
~Chapter 11~
~Chapter 12~
~Chapter 13~
~Chapter 14~
~Chapter 15~
~Chapter 16~
~Chapter 17~
~Chapter 18~
:)

~Chapter 9~

365 18 3
By MissWinterQueen

CHAPTER 9 : IN BETWEEN

Nandito kami ngayon sa unit ni Cleo. I'm very thankful talaga na pinatuloy niya ako dito pansamantala. Yup, pansamantala lang ako manunuluyan dito. Ayoko namang sinasamantala ang pagkakaibigan namin para lang magkaroon ng matutuluyan.

"Thank you Clee ha. Kung wala ka, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin." Natawa naman siya sa sinabi kong iyon.

"Ikaw pa! Love kaya kita!" Sabay yakap sa akin.

"Pero, hindi rin ako magtatagal dito. Ayoko maging pabiga-"

"Psh. Don't say that. Hindi ka naman naging pabigat kahit kailan eh. Never."This time, ako naman ang napatawa sa kanya.

"I'm serious Clee. Wala akong balak magtagal dito. Maghahanap lang ako ng matutuluyan then, aalis na ako." Pagpapaliwanag ko.

"Tss. Kung gusto mo dito ka na tumira ehh. It's fine with me."

"No Clee. No need. Makakahanap din naman ako ng matutuluyan. Don't worry, kapag nakahanap na ako, i'll treat you." Lumigaya naman ang buong mukha niya sa sinabi kong iyon.

"Promise ha?!" Para talaga itong isip bata. Naaalala ko nanaman tuloy si Keilyn.

"Promise." Matipid kong sabi. Gabi na din kaya napagpa-syahan namin na kumain muna sa labas. Kumain kami sa McDo total, malapit lang naman iyon doon sa unit ni Cleo. Pagkatapos kumain, nakatanggap ako ng maraming messages from Rain, Yara, Chase and Braey. Aba, ewan! Kaano ano ko ba yang Braey na yan at kung maka-text parang nanay ko.

Why don't you go to school?

May nangyari ba? Tell me.

Fianna?

Hay ewan! Na-iistress na ako. Gusto ko na magpahinga. Bukas ko na lang sasagutin yung mga tanong nila. Kailangan ko bang sagutin?

"See you tomorrow Fia!" Pagpapaalam ni Cleo. Sa kanila kasi siya umuuwi nahiya nga ako nung mag-offer siya ng matutuluyan ko ehh. No choice. 

"See you Clee! Thanks again!"Pinaandar niya na ang kotse at tuluyan ng umalis.

Ano ba yan! Walang magawa. Pumunta ako sa park malapit sa condominium. Gusto kong pagurin ang sarili ko para kapag matutulog na ako, bagsak. Pero parang nahihilo ako. Hayss naman oh! Kumikirot-kirot yung ulo ko. Ok lang yan, gusto ko muna ilibang yung sarili ko kahit sa pasyal pasyal lang.

BRAEY'S P.O.V

Hindi pa rin kami nagkaka-ayos ni JM dahil nga doon sa nangyari dati.  Hindi niya pa rin ako napapatawad. Mas kinampihan ko kasi dati si Chase. At mas pinaniwalaan ko siya noon. Sana magka-ayos na kami. JM ang tawag ko kay Jaxon, ayon kasi yung gusto niyang tinatawag ko sa kanya nung bata pa kami kaya, nasanay na ako hanggang ngayon.

Papunta kami ni JM sa condo para kunin yung mga alahas ni mommy . Meron kasi kaming gaganapin na Family Reunion bukas kaya ayon, napag-utusan. Kahit may mga katulong kami sa bahay, kami ang inutusan ni mommy para daw ayusin na namin ang gulo namin sa isa't-isa.

Nauuna siya sa akin maglakad. Malapit lang kasi yung condominium dito sa park kaya nilalakad nalang namin. Alam ko kahit hindi siya nagsasalita, may sama na loob pa rin siya sa akin.

Habang naglalakad kami, nakita ko si Fianna na naglalakad. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi siya pumasok kanina?

"Fianna!"

"Campus Queen!"

What?! Nagsabay pa talaga kami ni JM tumawag sa kanya. Alam ko naman na si Fianna ang tinutukoy niya dahil Campus Queen si Fianna sa school namin. Wrong timing. Nagkatinginan kami ni JM at nakakita ako ng walang emosyon sa kanyang mukha. Ang hirap talaga hulaan kung anong nararamdaman ng lalaking ito. Pero sa mga tingin niya, alam kong galit pa rin siya sa akin.

Agad napalingon sa amin si Fianna.

Lumapit ako kay Fianna para mangamusta.

Fianna's P.O.V

"Bakit hindi ka pumasok kanina? Mamaya kung ano na pala nangyari sa'yo."

"Tss. Don't mind me. Kaya ko ang sarili ko." Napatingin naman ako kay Jaxon na ngayon ay papalapit sa amin.

"You know each other?" Galit ba siya? Or ganiyan lang talaga siya? Tss. Whatever.

Tumango lang ako sa sinabi niya at saka binaling ang paningin kay Braey. Napatingin siya kay Braey. Sa mga tingin niya, alam kong may galit siya. Pero ano at bakit kaya?

Nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Jaxon sa wrist at hinila palayo kay Braey.

"Ano ba?! Baliw ka na ba talaga?!" Pero hindi niya ako pinansin. Naramdaman ko naman sa kabila kong wrist ang kamay ni Braey. Ano ito? Tug of war? Napahinto si Jaxon ng makita niyang hawak ni Braey ang wrist ko. Inunahan ko na sila at baka maipit pa ako sa gulo nila kung meron man.

Tinanggal ko ang kamay nilang dalawa sa wrist ko. Nagulat sila ng gawin ko iyon kaya napatingin sila sa akin.

"Ano bang balak niyo ha? Ayoko maglaro ng tug of war, kung gusto niyo, kayo nalang." Hinawakan ko ang kamay ni Jaxon at ganon di kay Braey. Pinagdikit ko iyon at agad naman nilang tinaggal. Nakakatawa lang!

"Oh? Anong inaarte arte niyo diyan?! Maglaro na kayo!" Sinamaan agad nila ako ng tingin. Paki ko? Hindi ako natatakot sa mga tingin nila.

"I need to talk to you." Sambit ni Jaxon.

"For what?" Nakataas kilay kong sabi sa kanya.

"It's private." Sabay tingin niya kay Braey. Ewan ko ba sa dalawang ito. Papayag ba akong makipag-usap sa kanya? Sige na nga, mamaya, hingiin niya na yung kapalit doon sa ginawa niya. Ayoko na kasi magkaroon ng utang na loob hangga't maaari. Tumango lang ako sa kanya at tumingin kay Braey. Hindi naman ako ganon ka-bastos kahit papaano noh? Tumango lang sa akin si Braey bilang pagsang-ayon.

Naglakad si Jaxon palayo at sumunod lang ako. Huminto siya dito sa mapunong lugar pero hindi ganoon kalayo kung saan kami nanggaling.

Hinarap niya ako ng walang emosyon sa mukha. Ang hirap pala basahin kung ano ang iniisip ng lalaking ito.

"What is it?" Panimula ko.

"Don't you ever talk to him again." Huh?! Ano daw? Ouch ang sakit ng ulo ko.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin.

"Yeah, I'm fine."

"By the way, who's that person?" Pagtataka ko.

"Braey." Siya?! Seriously?! Ano nanaman kaya ang nakain ng lalaking ito.?

"You have no rights to order me." Sino ba siya para utusan ako? 

"Yes I know. I just want to protect you from my traitor previous brother." Tingin niya palang alam kong seryoso siya at alam kong may galit sa mga mata niya.

"Ano bang problema ha? Sabihin mo na lang kung ano hindi iyong pinapatagal mo pa." Sambit ko sa kanya. Napa-smirk naman siya ng sabihin ko iyon. Creepy. Lalo tuloy sumasakit ulo ko.

"Soon you will know. Not this time." Magsasalita pa sana ako ng idikit niya ang hintuturo niya sa mga labi ko. Shems! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko! Hindi ko pa ito nararanasan kahit kailan.

"Don't you ever try to speak. Or else, I'm going to kiss you." Wahhhh! Ang lakas na talaga! Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw parang kusang nag-stop yung mga nerves ko. Nararamdaman ko na yung mga pisnge ko na unti-unting namumula. SO EMBARRASSING!

Tinanggal niya na ang hintuturo niya sa labi ko at lumapit sa mukha ko. Konti nalang at magdidikit na ang aming mga labi. Bakit ganon?! Nagmukha na akong robot dito na hirap makagalaw. I'm scared to move because one wrong move, tuluyang magdidikit ang aming mga labi.

"I'm warning you, Miss Fianna Imperial." Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak pabalik doon na parang walang nangyari.

BRAEY'S P.O.V

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa pakikipag-usap ni Fianna kay JM. Siguro napapayag ako kanina para na din mabawasan yung sama ng loob niya sa akin. As if namang mababawasan.

Napatayo ako dito sa bench nang makitang papalapit na sila. Wait? Bakit magkahawak ang mga kamay nila? Agad binitawan ni Fianna ang kamay ni Jaxon ng makitang nakatingin ako doon. Hindi ko maintindihan parang ayokong makitang magkasama silang dalawa.

"Hey. You finished?" Tanong ko na agad namang tinanguan ni Fianna. 

"By the way, ano pa ang ginagawa mo dito gayong gabi na?" Tanong ko sa kanya na ikinakunot naman ng noo ni Jaxon. Hindi ko siya maintindihan.

"Napadaan lang. Uuwi na din naman ako. Magandang gabi sa inyo." Ngumiti siya at nagsimula nang maglakad. Ni hindi ko man lang nasagot yung tanong ko sa kanya.

Nagsimula na kaming maglakad ni JM papunta sa apartment na parang walang nangyari.

JAXON'S P.O.V

Habang naglalakad kami papunta sa condominium, doon ko pa lang napansin na parang doon din ang punta ni Fianna na nasa unahan namin. Napalingon siya sa amin na nakakunot ang noo.

"Are you two following me?!" Ang taray talaga ng babaeng ito.

"Of course not. Kami susundan ka?! Seriously?" Sagot ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin at napa-iwas naman ako kaagad. Damn. Hindi ko kanyang titigan ng matagal ang mga mata niya. Napaka-misteryoso talaga ng babaeng ito.

Tumalikod siya sa amin at magsimula na ulit maglakad. Doon ko pa lang na-realize na sa condominium din ang tungo ni Fianna. Pumasok siya sa elevator at nang papasara na ito, bigla itong pinigilan ni Braey at pumasok siya sa loob. Tinignan niya ako ng 'what are you waiting for?' look kaya sumunod na din ako sa loob. Nasa kanang banda si Braey at nasa kaliwang banda naman ako. Fianna is in the middle. Pinindot ni Fianna ang 9th floor. Nakita ko sa peripheral vision ko na tinignan ni Braey si Fianna.

"You're living here na?" Tanong ni Braey na akala mo naman alam niya ang bahay ni Fianna at kung makipag-usap, feeling close. Amp.

"No, I mean yes, for temporary." Tugon ni Fianna. Matagal na ba silang magkakilala? Kasi kapag ako ang nagtanong kay Fianna, sasabihan niya lang ako ng 'nevermind' o kaya naman, 'you don't need to know'. Nakaka-insulto kaya. Sa gwapo kong ito, dinedeadma niya lang ako?

"Why? May nangyari nanaman ba?" Tanong ulit ni Braey. The hell?! I hate that conversation of them!

Bago pa magsalita si Fianna, inunahan ko na siya.

"Can you please, shut your mouth?! You're making noise!" Tumingin sa akin si Fianna at napatingin na rin ako.

"It's not noise and we're just talking." Nakataas kilay niyang sabi sa akin.

"If the two of you are talking, it's noise for me. Do you know what's the meaning of noise? Simple, it's unpleasant to hear."Natahimik siya sa sinabi ko at humarap na ulit.

Nag bell yung elevator at matapos nun ay agad na siyang lumabas. Nakita kong sinundan ni Braey si Fianna ng tingin. Siguro, may binabalak itong masama? Sinasabi ko na nga ba. Kailangan ko siyang bantayan sa traydor kong kapatid.

Pinindot niya yung 13th floor. Tahimik lang kaming dalawa dito hanggang sa makarating kami sa unit ni mommy. Kinuha namin lahat ng mga pinapakuha sa amin at tuluyan na kaming umalis. Habang nasa elevator, tinignan ko ang phone ko na tumunog. Binuksan ko ito at nakita ko ang message galing sa unknown number.

"Jaxonn helllpp."

Sa pagkakataong ito, hindi na ako nagdalawang isip kung sino ito. Agad kong ibinigay ang bag na hawak ko kay Braey.

Pinindot ko ang elevator sa 9th floor. Nang magbukas ito, lumabas ako at lumingon sa kanya.

"You can go. Tell mom that I'm not going home tonight."



VOTE~COMMENT~SHARE

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 91.5K 59
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
298K 5.6K 40
Sophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her u...
18K 590 26
"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Her...
2M 80.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...