Magical Tale: Pure De Luxe (o...

By simplegorgss

17K 429 45

She's no one to someone, she's no where to be found and she's out of love by all. A girl wants to find hersel... More

Author's Note (Read)
Prologue
Introduction of the 5 castle
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 5.1
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 7.1
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12 Real
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 4

830 23 0
By simplegorgss

Hi guys. Sa mobile lang ako maguupdate ngayon. Tinatamad ako sa laptop e. Haha. Pero yung mga ide-dedicate ko. Ilalagay o aayusin ko mamaya sa laptop. Thanks for reading. Sana suportahan nyo. Pls vote / comment. :*

-----

Chapter 4

"Lalalalalala" Kinakanta namin iyan ni Baby Liyah habang naglilinis sa garden. Habang ako nag wawalis, siya naman sinasayaw ang pinutol niyang sanga habang nasa ere. Ang cute niya talaga. Sumusunod naman sakanya ang mga kumikislap na nasa ere din.

Patuloy lang kami sa pag kanta ng ganon, kahit walang words basta lalalala okay na, my tono naman kahit papaano. Ang ganda nga ng tono e. Sakto pang magaling ako kumanta.

"Ang ingay!" rinig kong sabi ng lalaki. Lumingon ako at nakita ko si Zoren. Nakatingin lang sakin habang nakakunot ang noo niya. Si Hada naman nakahiga sa Balikat niya.

"Lalalalala-laaaaaa" pasigaw ni Baby Liyah habang feel na feel na sinasayaw ang sanga habang naKapikit. Napalingon naman kami lahat kay Baby Liyah, at si Hada mukhang nainis sa tinis ng boses ni Baby Liyah ko.

Nang humarap si Liyah, at binuksan ang mata. Nakita niya kaming nakatingin sakanya, mukha namang nahiya siya dahil namula ang mga pisngi niya sabay lumipad patungo sa likod ko.

"Sorry. Hehe" ngumiti ako ng fake at nag peace sign sakanilang dalawa. Dahan dahan naman akong umalis sa garden.

"San kayo pupunta?" tanong ni Zoren sakin, di ko din alam kung san kami pupunta basta nakalabas na kami sa garden.

"Maglilibot lang dito sa Madrinadia. Nakakatamad kasi sa loob ng bahay e, wala akong magawa. Kaya maglilibot nalang kami ni Liyah." sabi ko sakanya at nagsimula ng maglakad. Nakapatong naman sa ulo ko Liyah habang hawak hawak ang buhok ko. Wow ginawa akong kabayo.

"Di ka pwede umalis, delikado." sabi pa ni Zoren. Medyo malayo na rin kami sa kanya. Bahala siya. Basta aalis ako. Ayoko din makasama siya sa bahay. Aasarin lang nila kami ni Baby Liyah. Kawawa naman kami ni Liyah. Mas mabuti ng lumayo layo muna kami sakanila Db.

Mangha mangha naman ako sa mga kakaibang halaman na nakikita ko. Isa isa ko sila hinawakan, napaka ganda. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganito. Gusto kong iuwi sa bahay nila Lolo pero mamaya na ako pipitas pag pauwi na ako. 

Masayang masaya ako naglalakad habang pinagmamasdan ang paligid. Mukha namang mapayapa sa lugar na ito. Anong delikado pinagsasabi ni Zoren. Ayaw niya lang talaga ako paalisin para may maasar siya. Napakasama niya talaga.

"Aray!" napasigaw ako ng di naman kalakasan dahil hinila ni Liyah ang buhok ko. Bigla siyang lumipad sa harap ng mukha ko kaya naduling ako! Naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at tinuturo ang isang direksyon, pagkalingon ko nakita ko ang isang napaka gandang Falls! 

Agad naman kaming pumunta ni Liyah. Dahil sa excited kong pumunta dun, tumakbo na ako habang si Liyah naman nasa balikat ko hawak hawak ang buhok ko para di siya mahulog. Ang sakit uh -_-

Nang makarating kami sa falls, tinabi ko ang tsinelas na gamit ko at inilublob ang paa sa tubig. Ang sarap, ang lamig ng tubig. Gusto kong maligo dito. Aakmang huhubarin ko na damit ko ng biglang may marinig akong mga kaluskos sa bandang dulo ng mga halaman.

Agad ako tumago sa malaking bato at Liyah din, pinapakiramdaman kung may tao na nakapaligid sakin.

Maya't maya may mga naririnig akong ignay na di ko maintindihan, parang baboy ang ingay. Ewan ko ba di ko maintindihan e. Sumilip ako sa mga nilalang na yun at sa pagkagulat ko muntik na akong mahulog sa tubig buti nalang nakakapit ako sa may bato. 

Gusto kong sumigaw dahil ang itsura nila parang itsura ni Zoren nung una ko siyang makita gamit ang Feo Capo na yun. Sobrang pangit. Ang halimao. Si Baby liyah naman natatawa sakin, kaya sinimangutan ko siya. Siguro sanay na siyang makakita ng ganyan dahil taga dito siya.

Ano ng gagawin ko paano ako makakaalis dito. Gusto ko ng tumakas dahil feeling ko mapapahamak ako! Lumingon lingon ako sa paligid at nakahanap ako ng malulusutan. Dahan-dahan akong naglalakad na kahit yapak ko e di nila maririnig.

"Ahh" agad akong napatakip ng bibig ko dahil may naapakan akong isang matulis na bato, hindi ko na naisip kunin pa ang tsinelas ko dahil ang layo sakin nun. Tinignan ko naman sila kung narinig ako at isang nilalang napalingon sa pwesto ko. Patay.

Agad naman silang napalingon lahat sakin, omg deads na ako!! Si Baby Liyah naman takot na takot na nakikita niya.

"Wag kayo lalapit sakin!" sabi ko sakanila habang tinuturo sila.Naiintindihan ba nila ako? Kahit naman ang baboy di ba may utak, un nga lang napaka slow.

Palapit sila ng palapit sakin. May mga hawak pa naman silang mga sandata. Baka patayin nila ako. Tama nga si Zoren na delikado mag isang umalis! Hay. Dapat pala sumunod na ako sakanya. E bakit ba, di ko naman alam e.

"Enemigo" isang boses na maliit ang nagsalita, si baby Liyah. ENEMIGO?! WAAAA! Ang mga nakakatakot na nilalang na walang awa pumapatay ng mga Madrina! Deads na talaga ako nito. Wala na akong pag asang mabuhay. 

Sinubukan ko naman tumakbo at biglang may isang enemigo ang humarang sakin. Tumakbo ako sa kabila ganun din ang nangyari. 

"Wag nyo ko sasaktan mga halimao kayo! Mga pangit!" pagkasabi ko na halimao, bigla silang nag ingayan. Mga pangit talaga! Mga walang puso! 

Hinawakan ako ng isang enemigo, biglang lumukso ang puso ko para akong aatakahin sa puso. Feeling ko mamamatay na ako!

"Anong gagawin mo sakin! Wag mo kong hawakan. Pangit ka! Pangit!" nagsisimula namang bumuo ang mga luha sa mata ko. Ayaw ko pang mamatay, pero anong magagawa ko. Wala naman akong kapangyarihan gaya nila Lolo at Zoren. Naramdaman kong basa na ang mga pisngi, umiiyak na ako sa takot kong patayin nila.

"Sabi ko naman sayo, delikado dito. Ang tigas talaga ng ulo mo." Isang familiar na boses ang narinig ko, hinanap ko kung nasan siya. Ayun, nasa may puno nakatayong nakasandal habang pinaglalaruan ang kuko niya. Di ba niya ako tutulungan?

"E kung tulungan mo kaya ako?" pagkasabi ko nun, biglang siyang nawala sa puno at nakita ko nalang nasa likod siya ng isang halimao at sinaksak niya ito. Ang bilis niyang kumilos ah. Ganun din ang ginawa niya sa ibang mga halimao na yun. Buti nga sakanila.

"Ayaw mong maniwala sakin ah. Sige maglibot ka pa!" sabi sakin ni Zoren sabay naglakad na paalis. Aba at iiwan niya ako dito. Ang sama talaga niya! Teka, ayaw ko ng magpaiwan dito.

"Zoren teka!" medyo malayo na siya sakin kaya tumakbo ako.

"HUY TEKA LANG!" 

*Bahay

Atlast nakauwi na kami sa bahay. Di pa rin ako pinapansin ni Zoren simula kaninang tinulungan niya ako. Di pa ako nakakapag pasalamat sakanya. Di niya ako pinapansin e! Baka isnabin niya ako kapag kinausap ko siya. Hmp.

Nang makapasok kami sa bahay, di pa rin niya ako pinapansin. Ang pangit na nga niya, ang pangit pa ng ugali niya, ang sungit pa! Malas nalang ng babaeng magkakagusto sakanya.

"Zoren." tawag ko sakanya, tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako. Walang emotion ang mukha niya, poker face kamo. Hm sinong may ganang makipag kaibigan sakanya. Wala ata siyang kaibigan e.

"Salamat nga pala kanina dahil tinulungan mo ako." sabi ko sakanya na nakangiti. 

"Ang tigas kasi ng ulo mo! My kapalit yun wag kang magpasalamat!" at umalis na siya, ang bastos pa! Di ko man lang natanong kung anong kapalit nun baka biglang may masama siyang binabalak sakin di man lang ako nakapag ready mamatay.

Mamamatay ata ako ng maaga sa lugar na ito.

"Iha, kamusta ang araw mo?" napalingon ako sa likod at nakita ko si Lolo may mga dalang prutas. May ganito rin pala sa lugar nila. Ang sarap namiss kong kumain ng saging, mansanas kamote, atbp. 

"Mukhang ang sarap naman ng dala nyo lolo. Ay okay lang po ako." at nagmano ako Lolo, sasabihin ko ba ang nangyari kanina na may nakakita sakin mga enemigo? Wag na. Baka magalit pa sakin si Lolo gaya ni Zoren. Hm!

"Mabuti naman kung ganun!" sabi ni Lolo sakin. Nagulat ako dahil dinaanan lang kami ni Zoren, ni di man lang siya nagbigay galang sa Lolo niya. Ang sama talaga. Tinignan nman niya ako ng masama bago kay Lolo na nakapoker face na ulit, tuluyan na siyang lumabas sa bahay.

"Sa susunod Aliyah, di ka pwedeng lumabas ng bahay na mag isa ka lang. Di kita pinagbabawalang lumabas, dahil ayoko naman ikulong ka sa pamamahay ko. Naiintindihan mo ba?" sabi sakin ni Lolo. Paano niya nalaman na lumabas ako? Patay! Binalita agad ni Zoren? E di naman sila nagkausap ah! Ang gulo talaga sa lugar na ito.

"Mabuti nalang at hindi ka nasaktan ng mga Enemigo dahil di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayo Aliyah." sabi sakin ni Lolo kaya napatahimik ako, di ko alam sasabihin ko. Ayoko magpabigat kay Lolo dito, nakikitira na nga lang ako, magpapasaway pa ako! Hm, sa susunod lalabas na ako kasama si Zoren kahit ayaw niya pa. Bwahaha.

"Patawad po Lolo, Di na mauulit Pangako po." sabi ko habang nakayuko.

"Okay lang iha. Osige, magpapahinga na muna ako. Ikaw din magpahinga na." at umalis na si Lolo, sinusundan ko naman siya ng tingin habang paakyat sa hagdan.

San naman kaya ako pupunta? Maglilibot nalang ulit ako pero hindi sa labas, dito sa malamansyon na bahay ni Lolo. Naglakad lakad ako hanggang sa napadpad ako sa isang napakalaking pintuan. Ano kayang meron dito. 

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at pinasok ang silid na iyon. 

"Wooww" ayan nalang ang nabigkas kok dahil punong puno ng libro ang silid na ito. Sobrang laki naman ng library na ito, mas malaki pa sa bahay namin ni Mama sa kabilang mundo. Si Liyah naman lumilipad lipad, mukha di din makapaniwala sa nakikita niya. Parehas kami.

Inumpisahan ko naman maglakad sa buong silid, tinitignan ko ang mga libro na nakukuha ang atensyon ko. Binabasa ko rin sila pero yung iba di ko maintindihan masyadong malalim ang sinasabi. 

Naglakad ako sa dulo ng library at kaagaw agaw ng atensyon ang libro na nakita ko. Napakalaki at napakaganda ng desinyo sa labas, kulay gold pa ito. Di na ako nagsayang ng oras para basahin ang aklat na yun. 

Pure De Luxe: Desaparecido Lujo Princess

"Missing Luxe Princess?" 

Mukhang maganda ang kwentong ito mabasa nga! Bubuksan ko ng ang unang pahina ng may biglang bumukas sa pintuan at nakita ko si Zoren. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin.

"Malamang nagbabasa! Ano pa ba gagawin sa silid na puno ng libro? Ha? Pwede ba, kung iinisin mo ko wag ngayon! Nagbabasa ako." pagsusungit ko sakanya, si Liyah naman dinilaan siya na parang nang aaway. Sumimangot naman si Zoren at Hada.

"May iuutos ako sayo, tumayo ka dyan. My utang ka pa sakin, tandaan mo!" sasabat pa sana ako pero naisip ko, oo nga pala my utang pa ako at kailangan ko bayaran kung ano man ang papagawa niya sakin. Hay gusto ko pa naman basahin ang libro.

Bago ako umalis, binuksan ko muna ang unang pahina. "King Ramesses XI and Queen Victoria once had a child..." parang familiar sakin ang mga pangalan na iyon.

"ALIYAH!" Sigaw pa ni Zoren sakin kaya sinara ko na ang libro na yun. Babasahin din kita! Napakasama talaga ng lalaking yun.

Pagkalabas ko sa silid, wala na siya. Hinanap ko naman siya at ayun nakaupo lang sa may sofa. Mukhang kinakabahan ako sa papagawa sakin nito. 

"Ano ba ang iuutos mo? Para mabayaran ko na ang utang ko sayo!" sabi ko pa sakanya habang naka cross arms.

"Wala pa naman akong iuutos. Gusto ko lang sabihin na magiging alipin kita kahit kailan ko gusto at ayun mababayaran mo na ang pagtulong ko sayo." mayabang na sabi niya sakin, nanlaki naman mata ko sa sinabi niya. Ako magiging katulong niya hanggang kailan niya gusto? Aba siniswerte siya? Tss. Sige na nga, mukha wala naman akong choice para bayaran ang apgtulong niya sakin.

"May magagawa pa ba ako." pagsusungit ko at inirapan ko siya.

"Bukas magsisimula ka na ng trabaho mo sakin." sabi niya at tumayo, tawa pa siya ng tawa sakin, ay hindi lang pala siya kundi si Hada din tawa ng tawa. Mag amo nga silang dalawa! Ugh nakakainis talaga! Naiwan kaming nakasimangot ni Liyah sa sala, dumiretso na rin kami agad sa kwarto para magpahinga. Mukhang mapapagod kami bukas sa papagawa ni Zoren Halimao samin.

--

A/N: Hi guys! Sorry sa matagal na hindi pag update. Ito na po ang update! Thank you sa mga nagbabasa at sa pag vovote. Please vote, comment and read po. Comment sa pag papadedicate.

- Sexyyy

VOTE-COMMENT-FAN 

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...