The Maid Meets The Hunks (Boo...

Oleh AriadneWP

45.6K 2.9K 34

Life after marriage. šŸ“Œ MAIN CHARACTERS: Louise De Guzman-Williams Billy Williams SUPPORTING CHARACTERS: Fred... Lebih Banyak

DISCLAIMER
#TMMTH2Prolouge
(1) #TMMTH2TheWedding
(2) #TMMTH2Honeymoon
(3) #TMMTH2BreakfastForHisWife
(4) #TMMTH2TogetherWithHisEx
(5) #TMMTH2FoodBattle
(6) #TMMTH2PunasPawisBattle
(7) #TMMTH2EvilPlan
(8) #TMMTH2Misunderstanding
(9) #TMMTH2GoodbyeForNow
(10) #TMMTH2Plan
(11) #TMMTH2Drunk
(12) #TMMTH2Bed
(13) #TMMTH2News
(15) #TMMTH2WelcomeBack
(16) #TMMTH2Jameshin
(17) #TMMTH2Video
(18) #TMMTH2Gayuma
(19) #TMMTH2MallWithJameshin
(20) #TMMTH2Ball
(21) #TMMTH2Kiss
(22) #TMMTH2Scandal
(23) #TMMTH2JinMarco
(24) #TMMTH2BabyGender
(25) #TMMTH2BoardingHouse
(26) #TMMTH2Fighting
(27) #TMMTH2Father
(28) #TMMTH2Kidnap
(29) #TMMTH2PastVsPresent
(30) #TMMTH2Parents
(31) #TMMTHOnlyThreeOfUs
(32) #TMMTH2Libing
(33) #TMMTH2Visit
(34) #TMMTH2Cafe
(35) #TMMTH2TheFinalChapter
#TMMTH2Epilouge
AUTHOR'S NOTE

(14) #TMMTH2Dream

1K 74 1
Oleh AriadneWP

SAMANTHA'S POV

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi.


Akala ko may mangyayari na sa aming dalawa.


Pero bigla na lang niya ako tinulugan. Kainis! Plan A failed. Pero mayroon naman akong Plan B.


Ang alam ni Billy ay may nangyari sa amin kaya magpapanggap akong buntis at siya ang ama. Pero kailangan ko pang maghintay ng three weeks para sabihin iyon sa kanya. Hindi naman pwedeng sabihin ko agad ngayon na buntis ako at siya ang ama. Dahil alam kong hindi siya maniniwala lalo na't kahapon lang nangyari ang plano ko.


By the way, pauwi na kami ngayon sa Pinas. Excited na akong ikuwento kay Ate Nikki ang mga nangyari sa'kin dito sa Thailand.


"Hi Billy. Excited ka na bang makita ang pinakamamahal mong asawa?" tanong ko sabay yakap sa braso niya.


"Tsk! Bitawan mo nga ako." naiinis niyang sabi sabay tanggal sa braso niya sa pagkakayakap ko. Muntik na nga akong matumba kaya nainis ako.


"Ano kaya ang magiging reaksyon ni Louise kapag nalaman niyang may nangyari sa'tin. I'm sure hihiwalayan ka niya." pananakot ko kay Billy.


Tinignan niya ako nang masama. "It won't happened. Sa tingin mo ba hahayaan kong magtagumpay ka sa mga plano mo? Kung magtagumpay ka man, sa tingin mo ba makikipagbalikan pa ako sa'yo? Hindi na ikaw ang Samanthang nakilala ko noon. Akala ko pa naman mabait ka pero may baho ka palang tinatago."


Napalunok naman ako sa sinabi niya. Sa totoo lang ay nasaktan ako sa sinabi niya. Pero hindi naman ako nagpatinag.


"Kung hindi ka man makipagbalikan sa'kin. Sisiguraduhin kong magiging miserable ang soon to be ex-wife mo. Kaya kong sirain ang buhay niya. Kaya ko siyang bigyan ng maraming bashers lalo na't tayo ang hottest loveteam this year. Isn't it exciting?" I said while grinning.


Nakita ko naman sa mga mata niya ang pag-aalala sa asawa niya.


"Wag mong galawin ang asawa ko kung ayaw mong makatikim sa'kin." sabi niya.


"Oh I like your idea. Ano kaya ang ipapatikim mo sa akin. Is it something lust?" I teased him.


"Shut up." sabi niya.


I just laughed. I think I'm gonna win this. Nasa akin pa rin ang huling halakhak. *evil laugh*


LOUISE'S POV

Waaaaa! Sobrang saya ko ngayon.


Alam niyo ba kung bakit?


Hindi ko sasabihin. Charot!


Hindi, masaya ako ngayon dahil sa pag-uwi ni Billy dito sa boarding house bukas ay may goodnews ako sa kanya.


Pero syempre ay siya muna ang unang makakaalam kaya zip ko muna ang mouth ko.


Nag-aabang ako ngayon ng taxi. Galing kasi ako sa hospital para magpa-check up. Akala ko nga ay may malubha akong sakit pero buti na lang wala at good news pa ang natanggap ko mula sa doctor.


Habang nag-aabang ako ng taxi ay may narinig akong nag-uusap.


"Kawawa naman si Pamela. Nasasaktan siya ngayon sa sitwasyon niya."


"Oo nga at naiinis ako sa asawa niya. Akala ko loyal pero isa pa lang dakilang fuckboy. Buti nga at nakabuntis siya. Kung hindi siya nakabuntis. Malamang hindi natin malalaman na niloloko lang pala niya si Pamela."


"Truth. Sana ma-annulled na silang dalawa para hindi na masaktan pa si Pamela. At para makapag-move on na rin siya sa manloloko niyang asawa."


Hindi naman sa nakiki-chismis ako pero ang saklap ng sitwasyon ng Pamela na yun. Fuckboy pala ang asawa niya. Kawawa naman siya.


Naisip ko bigla ang asawa ko. Napaka-swerte ko talaga na napakaloyal ni Billy sa'kin. Kung ako lang ang nasa sitwasyon ng Pamela na yun ay masasaktan talaga ako.


Hay buti na lang at hindi gano'n ang asawa ko.


BILLY'S POV

"Daddy!" narinig kong tawag sa'kin ng anak ko.


"Anak."


Agad ko siyang nilapitan saka binuhat ko siya.


"Look Daddy, I got a star from my teacher." sabi ng anak ko sabay pakita sa'kin ang kamay niyang may star.


"Very good anak ko. Manang-mana ka talaga sa Mommy Louise mo." masayang tugon ko sa kanya.


"Huh? Mommy Louise? Sinong Mommy Louise?"


Napakunot naman ako sa sinabi ng anak ko.


"Anong ibig mong sabihin anak? Naguguluhan si Daddy." tanong ko.


"Hindi naman Mommy Louise ang pangalan ng mommy ko kundi Mommy Samantha."


Natigilan ako bigla sa sinabi ng anak ko.


"Mommy!"


May lumapit sa amin ng anak ko.


Hindi si Louise kundi si Samantha.


"My little princess. I'm so proud of you. Sinabi sa'kin ng Yaya Louise mo na nakakuha ka raw ng star sa class." - Samantha


Yaya Louise?


Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Louise. Nakita ko siyang naka-unipormeng kasambahay habang umiiyak na nakatingin sa'kin.


Teka, anong nangyayari? Bakit ganito?


📌

"Billy gising!"


Nagising ako bigla nang may yumugyog sa'kin. Si Direk ang gumising sa'kin.


Napahawak naman ako bigla sa may dibdib ko.


"Ayos ka lang ba?" tanong sa'kin ni Direk.


Nananaginip lang pala ako. Akala ko totoo.


"Ayos lang ako." sagot ko kay Direk.


"Nandito na tayo sa NAIA kaya bumangon ka na diyan." sabi ni Direk at tumayo na siya.


Hindi ko naman sinasadyang mapatingin kay Samantha at nakita kong nakangisi siya sa'kin.


Ba't pakiramdam kong may binabalak siyang masama?


Kailangan kong paghandaan 'to. Hindi ako pwedeng maisahan ulit ni Samantha kagaya ng nangyari sa'min sa Thailand.

**********

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

201K 4.7K 60
Ika-nga nila "The More You Hate, The More You Love" Pero maiisip at mararamdaman ba nila na nagkita na sila noon?Na Naging parte sila ng Noon ng isa'...
55.4K 3.5K 42
Love is sweeter the second time around. šŸ“’ MAIN CHARACTERS: - Lauren 'Dave' Manzano - Tim Ramirez šŸ“’ SUPPORING CHARACTERS: - Barbie Lo - Jameson Dy...
46.9K 3.1K 40
MAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren šŸ“Œ SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena B...
349K 4.6K 18
Si Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate crush na si Leigh Hudson. Grade 3 pa lan...