TVFN 6 : Between The Sheets

By BonitaBabyy

2.5M 29.7K 1.7K

She will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Betwee... More

Between The Sheets
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 -- New Beginning
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Finale

Chapter 14

75.1K 814 28
By BonitaBabyy

Chapter 14

"Morning." masiglang bati sa akin ni Ivan na kalalabas lamang ng banyo samantalang ako ay namimilipit sa hiya. Gosh! Nag uhm ba talaga kami?! At the age of 18?! I just lost my virginity! Jusme! Kailangan ba talaga ipangalandakan sa akin ni Ivan ang hubad niyang katawan? Alam ko may nangyari na sa amin pero hindi ko naman ata kinakaya na makita siya ng harap harapan. Huhu. Ayos pa kagabi wala akong hiya-hiya kasi madilim pero ngayon?!! Maliwanang pa sa sikat ng araw!! Itinaas ko pa yung kumot hanggang sa mukha ko at narinig ko na lamang ang malakas na pagtawa ni Ivan.

"Mag-shower ka na at may pasok ka pa mamaya. Haha." napasimangot na lamang ako ng tatawa-tawa niyang isinusuot ang pantalon niya. Akala mo ako bata inuutusan niya na gumayak na at mahuhuli na sa klase.

"Tinatamad akong pumasok. Dito nalang tayo?" paglalambing ko sa kanya kasabay ng pamumungay ng aking mga mata. Haha. Imbes na kumagat siya ay hinila lang niya ako patayo at pilit na itinutulak sa banyo.

"Hindi pwede Cha. Tss. Alam kong masakit ang katawan mo pero kailangan mong pumasok. Susunduin nalang kita mamaya." inirapan ko na lamang siya at pumasok na sa loob ng banyo.

Iyong mga nangyari kagabi parang panaginip lang ang lahat! Kung hindi lang nakakahiya ay magtitili ako ngayon sa kilig. Effective naman diba? Ang sweet ni Ivan! Haha. Feeling ko tuloy napaka blooming ko ngayong araw. Mataman kong tinignan ang sarili ko sa harap ng salamin at napangiwi ako ng makita ang iilang kissmarks! OMG! Patay! Paano ko ba 'to matatago?!! Nagpapanic na ko! Pulang pula plus ang dami sa leeg! Medyo mahapdi siya noong hinawakan ko. Goodness! Anong gagawin ko dito?!!

Hindi ako makapag concentrate sa paliligo dahil sa kakaisip kung paano ko maitatago itong kissmarks na inilagay ni Ivan. Gusto kong mainis pero ayoko dahil ayokong mawala yung moment namin. Isa lang ang hinihiniling ko, ang hindi ito mahalata ni mommy kapag umuwi ako mamaya sa mansion! Siguradong masasaktan na naman ako nun. Hay. Hindi pa man din ako nagpaalam kagabi na dito ako sa bar matutulog. Patay talaga!

Paglabas ko ng banyo ay nanonood lang si Ivan ng basketball sa t.v. Habang ako naman ay tumutulo pa sa katawan ko ang patak ng tubig. Naupo ako sa tabi niya kahit nakatapis lang ako ng tuwalya habang nagpapanic na kinakalkal ang loob ng bag ko. Nasaan na ba iyong concealer ko?!! Kahit na nilalamig ako sa aircon at bigla akong nakaramdam ng kakaibang kuryente ng hawakan ni Ivana ang leeg ko.

"Uy ano ba!" sita ko sa kanya habang siya naman ay curious na nakatingin sa kissmarks ko. Kainis talaga ang lalaking 'to.

"Hay nako kasalanan mo yan! Lagot ako pag nakita 'to ni mommy." inis kong sabi. Natawa lamang siya at kinuha sa akin ang kakahanap ko lamang na concealer. Tss. Expert talaga!

"Sorry na po ikaw naman kasi grabeng mag-seduce hindi tuloy ako nakapagpigil." bahagya akong namula sa sinabi niya. Kailangan talaga ipaalala pa niya? Hindi pa nga ako masyadong komportableng pag-usapan iyon. Binigyan na lamang ako ni Ivan ng nakalolokong ngiti at tinakpan na niya ng concealer ang iilan kong kissmarks.

"Hindi na siguro iyan mahahalata. Sorry na. Haha." sasagot pa sana ako ng bigyan niya ako ng isang mabilis na halik.

"Hala pulang pula ang mga labi mo." mas lalo akong napasimangot. Hay.

"Bakit kasi kailangan ko pang pumasok? Hindi ka ba naaawa sa akin? Hello! Anong oras na ba tayong natulog ha? Tignan mo naman 'tong hitsura ko? Hay. Wag na kasi akong pumasok!" pangungulit ko sa kanya habang siya naman ay tawa ng tawa.

"Ang kulit talaga ni Champagne. Nakakagigil ka alam mo ba yun!" sabay kaming napatawa ng inihiga niya ako sa kama gigil na gigil na hinalikan ako sa leeg.

"Dadagdagan mo na naman yan!" halos mapatili ako dahil sa kakaibang kiliti kapag nadadantay ang mga kabi ni Ivan sa sensitibong bahagi ng aking leeg.

"San mo ba gustong pumunta?" tanong sa akin ni Ivan habang ako naman ay nag-iisip. Wala naman akong gustong puntahan ang gusto ko lang naman makasama si Ivan. Manatili sa mga bisig niya at matulog maghapon. Haha.

"Dito lang! Basta kasama kita." saglit naman siyang nag-isip at umiling.

"Sa pad ko gusto mo kaso baka makita ka ni daddy. Sa condo ko?" Hmm. San nga ba magandang pumunta. Nakakahiya nga naman if makikita ako ni Tito Lyndon sa hotel nila tapos kasama ko pa si Ivan. Nakakahiya talaga yun! Ilang beses ko bang pinangarap na dumating itong moment na'to? Bakit ngayong nandito na saka wala akong maisip na sweet na lugar para sa aming dalawa.

"Gusto ko dalhin mo ako sa isang lugar na ako palang ang dadalhin mo roon. What do you think?"

***

"Seaside?" Tanong ko sa kanya habang magkahawak kamay kaming naglalakad dito sa seaside. Ngayong hapon lang kami nagpunta dito dahil late na kasi kaming nagising ulit after ng ahmmm. Ahh! Di ko pa rin masabi talaga.

"Oo! Hindi naman kasi ako magaling sa mga ganito hindi tulad ng Nathaniel na yun. Tss. Basta romantic daw kapag sabay pinanood ang paglubog ng araw. Ayos ba Cha?" siniko na lamang siya ng kinindatan niya ako ng nakakaloko. Nakakatuwa naman. Mukhang nagseselos siya kay Nathaniel. Ay! Naalala ko si Nate! Well, ayon sa pagkakaintindi ko sa last na pag-uusap namin ay tumigil na siya sa panliligaw pero alam ko na kailangan ko pa rin ipaalam sa kanya na kami na ni Ivan.

Nakasandal ako sa matipunong balikat ni Ivan habang pinapanood namin ang unti-unting paglubog ng araw. Pakiramdam ko para kaming nasa isang romantic movie. Hay. Ilang taon ko din 'tong pinangarap. Ngayon masasabi ko ng hindi na bata ang turing sa akin ni Ivan. Hindi na niya ako itinuturing na kapatid. We made love!

Tama lang yung naging desisyon ko na ibigay ang lahat para sa kanya. Mahal ko siya noon palang at habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa kanya, natatakot nga ako kung minsan na baka hindi ko kayanin sakaling iwan niya ako. Hindi naman siguro diba? Mahal na ako ni Ivan. Seryoso siya sa akin at hind niya ako lolokohin.

Bata pa nga ako para magmahal ng ganito, naalala ko yung bilin sa akin ni mommy ingatan ko daw ang sarili ko at huwag maging mapusok sa pag-ibig. Anong magagawa ko? Simula't-simula palang kay Ivan na umiikot ang buhay ko. Hindi ko kayang mawala yung oppurtunity na ito. Sorry mommy kung sinuway ko yung bilin niyo. I really love him.

"I love you." I said sleepily. Ipinikit ko ang aking mga mata upang damhin pa ang moment namin pero nangunot ang noo ko ng hindi man lang tumugon si Ivan. Baka hindi narinig?

"I love you Ivan." naramdaman ko ang paglalim ng paghinga niya at tinapik ako.

"I love you Champagne." dahil sa sinabi niya ay napanatag ako ng husto. Ang sarap namang marinig iyon mula kay Ivan. Nakakakilig! Ewan ko ba kung bakit mahal na mahal ko siya. Minsan jerk siya at talaga namang babaero, hindi ko alam kung seryoso siya sa akin at kung ako lang ba talaga pero kahit ganoon mahal na mahal ko pa din siya. Ilang taon ko din inalagaan ang pagmamahal ko para kay Ivan. Malabo na atang mawala iyon.

***

"At bakit ngayon ka lang umuwi bata ka? Kagabi nga di ka umuwi tapos ngayon gagabihin ka pa?" mataray na tanong ni mommy sa akin ng makapasok na ako sa loob ng bahay namin. Ano nga bang ipalulusot ko?!

"Hay nako Jackie hayaan mo na si Janine at malaki na yan. Siguro'y napuyat kagabi sa pag-aasikaso sa kanyang negosyo." nakapakagat naman ako sa labi ko. Patay kapag nalaman nila na sarado kagabi ang bar. Huhu. At mas lalo akong patay pag nalaman nila na iba ang pinagpuyatan ko.

"Spoiled talaga yan sayo darling." inis na sabi ni mommy.

"Hayaan mo na para namang hindi ka rin sa akin spoiled darling. Tara na sa taas darling. Ja, kumain ka na ng dinner tapos magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas." forever kakampi ko talaga si daddy!

Ilang oras din akong naghintay na tumawag si Ivan pero ni isang tawag wala man lang akong natanggap. Ano naman kaya ang ginagawa niy? Busy sa work? Hay. Masaya pa naman ako sa buong araw na magkasama kami. Nasa kalagitnaan na ako ng pagddrama ng biglang mag ring ang cellphone ko at napahinga ako ng maluwag ng makita ang number ni Ivan.

“Hi beautiful.” Kailangan kong makisabay sa pagiging mature at sopistikado ni Ivan pero hindi ko pa rin mapigilan ang kiligin kapag sinasabihan niya ako ng mga matatamis na salita. Well, kahit ano sigurong gawin kong pakikipagsabayan hindi ko pa rin maitatanggi na isa lang rin akong teenager.

“Bakit gising ka pa? May pasok ka pa bukas?” nag-aalalang tanong niya sa akin habang ako naman ay nagpagulong gulong sa kama. Ako na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo dahil sa wakas nasa akin na ang pinakamamahal kong lalaki!

“Hinintay ko pa po kasi ang tawag mo. Haha. Bakit ang tagal mo bago tumawag? Nambabae ka na naman?” ayokong isipin niya na nagseselos lang ako actually parang pabiro naman ang pagkakasabi ko.

“Hindi no. Hahaha. Matulog ka na Champagne Janine at alam kong pagod ka.” Ahh!! Agad naman akong namula sa sinabi niya. Kainis! Inayos ko nalang ang sarili ko sa pagkakahiga at nag stretch kasi medyo masakit ang katawan ko.

“T-teka ano y-yang ginagawa mo?” nangunot lamang ang noo ko sa tanong ni Ivan. Anong ginagawa ko?

“Edi nag stretch medyo masakit ang leeg ko. Bakit?” nag stretch pa ulit ako. Hay ang sarap sa pakiramdam!

“Akala ko kung ano nagmomoan ka kasi. Argh! Wag ka na mag stretch at kung anu-ano lang ang naiisip ko Cha.” Sa una ay hindi ko pa magets ang sinasabi niya hanggang sa mapahagalpak na lamang ako ng tawa.

“Tss. Inaakit mo na naman ata ako! Pasalamat ka magkalayo tayo kundi lagot ka sakin. Matulog ka na at may pasok ka pa.” Kung makapag-utos naman si Ivan akala mo tatay ko siya. Anyway natatawa pa din ako sa sinabi niya at ibig sabihin niyon malakas talaga ang epekto ko sa kanya. Haha.

“Okay. Goodnight.” Inaantok kong saad.

“Goodnight Champagne, dream of me. I love you.”

“I love you too.” Mahina kong sagot dahil unti-unti na akong hinihila ng antok.

***

“Janine! Where have you been? First day of College intramurals kahapon tapos absent ka.” Bungad sa akin ni Nathalia ng makita niya ako sa booth ng HRM Department na mini coffee shop.

“Tinamad lang akong pumasok Nathalia. Uhm si Nate?” nag-aalangan kong tanong sa kanya. Ilang araw na din kasing hindi nagtetext ang mokong na yun. No hard feelings diba? Hindi naman pwede na mauwi sa ganito ang friendship namin.

“Sakin mo pa tinanong alam mo namang mortal enemy ko yun. Hmm alam ko may laban siya sa basketball ngayon.” Tinignan ko lang si Nathalia ng may pagtataka.

“Mortal enemy mo pero alam mo kung nasaan siya ngayon? Wow Nathalia.” Hindi naman sa naiinis ako pero ewan ko ba. Matutuwa ako if magkakatuluyan sila ni Nate kaso di ko ma-explain kung bakit ganito ako makapagsalita.

“Ahmm. Basta! Nabalitaan ko lang. Saka nga pala kung sino ang mag champion sa basketball game ay makakalaban ang alumin ng university.

“You mean yung varsity players na graduate na?!” manghang mangha kong tanong kay Nathalia. Si Ivan?!! I know busy si Ivan sa work niya pero may chance kaya na kasama si Ivan sa maglalaro?

“Yup! Mukhang malakas ang laban ng college namin thanks to Nathaniel. Pursigido nga siyang manalo eh.” Hindi ko na pinansin pa ang closeness ngayon ni Nate at Nathalia. Though nakakaselos kasi ako yung bestfriend niya. Hmp. So pursigidong makaharap ni Nate si Ivan?

"Never rush into falling inlove, because love never runs out; let love be the one to knock at your door. Besides TRUE LOVE is worth waiting for."

To be continued...

Busy na po ako starting next week so asahan ang mabagal na update. Sana may mag comment pa din naman. Hehe.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 2K 58
He always told you that he loves you but he keep on hurting you. The whole world despise you. Wala ka ng matanggap kundi puro nalang sakit. Will you...
774K 37.8K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
69.7K 1.1K 53
Si Siera ay isang simpleng babae na sa paningin ng lahat ay isang perpektong tao. Pero nagbago din ang lahat ng ito mula noong nagbago siya dahil sa...
1.1M 24.1K 37
**TEASER ONLY*TEASER ONLY*TEASER ONLY** Iniwan si Natalie ng Boyfriend nya at sumama sa ibang babae, not just any other girl but a supermodel, aminad...