HER REASONS

By catchingfyre

7.3K 336 54

(Completed) More

HER REASONS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 30
Epilogue

CHAPTER 10

251 12 0
By catchingfyre

Andrew's POV

Habang pinagmamasdan ko ang paglipas ng oras parang mas lalo pa ata tong bumabagal. Ilang oras ang lumipas pero wala pa rin kaming ginagawa. Tahimik lang kaming nakaupo sa loob ng kotse. Habang pinagmamasdan ko ang mga sasakyang lumalagpas sa kinaroroonan namin. Walang ibang ingay na maririnig tanging yung kanta lang na pinapatugtog ni Tyler sa cellphone nya. Pero halos lahat hindi nag iimikan.

Inaantay namin si Dad. Hindi pa kase ito tapos makipagusap sa mga pulis. Rinig mo ang ilang palitan ng paguusap nila. Pero alin man doon ay wala akong pakialam. Hindi na namin pinaalam yung totoong plano. Si Jin na raw ang bahala doon. He's good at planning things up. kaya sakanya na namin pinaubaya yun. Sumandal ako sa upuan at pumikit. Alam kong delikado ang sitwasyon pero wala na kaming ibang pagpipilian kundi ang sumugal.

Matapos makipag alegro ni Dad tahimik lang syang pumasok sa sasakyan. Ang bilugan at singkit nitong mata ay namumula kagagaling lang nya sa pag iyak ng malaman nya na nakidnap si Sky. Tumingin sya sa kinaroroonan ko at tinapik ako sa balikat. bitin na ngiti ang tanging kumurba sa mga labi nito. "Everything will be ok son" nginitian ko sya paninigurado ko na matatapos rin ang lahat ng ito.

Isang kanto nalang ang layo namin papunta sa abandonadong building kung saan nya kami pinapapunta. isa tong lumang eskwelahan na nagsarang bigla. Pero hindi naman sya ganun ka abandonado dahil under reconstruction area to. Walang katao tao sa daan kaya malamang walang makakapansin na may tutungo sa lugar na iyon ng ganitong oras. Huminto kami sa luma at sira sirang gusali. nauna na akong bumaba pinag masdan ko ito. medyo may kalakihan. meron tong limang palapag. halata na napabayaan narin. ilang ilaw lamang sa mga kalapit na poste ang mapapansin mo. at ang liwanag mula sa bilog na buwan'. halos alas onse na pala ng gabi. ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko...

"Andrew. Ikaw at si Tito ang haharap kay Van." pagbasag ni Jin sa katahimikan. hindi malakas pero tama lang para marining naming lahat. kita sa postura nya na handa na sya sa ano mang mangyayari. hawak nya sa kaliwang kamay ang isang baril. seryoso syang nakatingin sakin. "Kami na ang bahala para hanapin ang kapatid mo. Maghihiwalay - hiwalay kami sa loob dahil masyadong malawak yung gusali hindi namin pa alam kung nasaang parte sya nakatago." tinignan nya isa isa sila Tyler hudyat para ipaalam yung mga gagawin namin. tumango lang ang mga ito bilang pagsang-ayon.

"Mag iingat kayo. I don't want to see you hurt. Got that?" pagpapa alala samin ni Dad. yinakap ko ito at tinugon naman nya agad. "Oo naman Tito para san pa at tinawag akong Jin Chrysler for nothing" nakangising pagmamayabang ni Jin. nailing iling nalang kami ni Tyler. hindi na nagbago pero ganun pa man alam kong kaya nya ang sarili nya. binaling ko ang atensyon ko kay Tyler at Kathryn na magkahawak kamay pa. "mag iingat kayo. tuso si Van. Kath wag kang hihiwalay kay Tyler" wala akong mabasang reaksyon sa mukha nya. tumango lang si Tyler. "Oo naman he should be the one to be scared of me..." pag mamataray nitong sagot pero hindi ko na narining yung huling salitang sinabi nya. tatanungin ko pa sana to "Tara na kailangan na natin pumasok sa loob." nauna ng lumakad si Kid.  medyo hindi pa magaling yung mga sugat nya. pero gusto nya daw makatulong para iligtas ang kapatid ko. I think he really love my sister after all...




medyo madilim ang paligid at mga sira sirang pader ang makikita mo sa loob. mga sako ng semento at ilan ilang basura. Kung gaano sya nakakatakot tignan sa labas na baka magiba agad ito ay mas nakakatakot sa loob. napakatahimik rin ng paligid tanging ingay lang namin ang maririnig mo roon. Binuksan ni Tyler ang cellphone nya para mag silbing ilaw. Kinuha ko rin ang akin kahit papano nakikita ko ang dinadaanan ko.

Nilingon ko si Dad sumenyas sya na sa kanan na bahagi kami pumunta. habang sila Jin naman ay maghihiwalay hiwalay.

Tahimik lang kami ni Dad habang naglalakad. Hawak hawak nya ng mahigpit ang baril. Hinablot ko rin ang baril na nasa bulsa ko. Nagpalinga linga ako pero wala pa ding presensya nya. Aakyat sana kami ni Dad sa hagdan papunta sa ikalawang palapag.

napalingon ako bigla ng may marinig akong kaluskos. daga lang pala. nagpatuloy akong muli mabagal ang bawat paghinga ko. tila bilang lamang. limitado at maaring tumigil ano mang oras.

*BANG!

Napahinto kami ni Dad sa putok ng baril na narinig namin. Halata sa mata nya ang pagkabigla. humigpit pa lalo ang pagkakahawak ko sa baril.

Patakbo na sana ako baka may nangyari nang masama sakanila pero pigilan ako ni Dad. Hinablot nya agad ang braso ko. napatingin naman ako agad saknya. "Andrew we can't go there. If Van is there maybe your sister is on the other way... We must look for her first"

"But Dad pano sila--" "--they will be fine son. Trust them" biglang putol ni Dad. Sa sobrang frustrations ko napabuntong hininga na lamang ako.

Hindi ko na kakayanin pa kung may iba pang mawawala sakin. Tama na yung isang mahalagang tao ang nawala. Ayoko nang madagdagan pa. Hindi ko pa man alam ang rason nya kung bakit nya to ginagawa sakin o sa amin ay wala na akong pake ang mahalaga lang ay maligtas ko ang kapatid ko. I don't want to see those eyes... eyes that are full of pain ever again ...

"Ugh!" nabaling ang atensyon ko kay Dad dahil sa pag daing nya. nabigla ako sa pagkahandusay nya at tila nawalan ito ng malay. "Dad!" agad ko itong nilapitan. inalog alog ko sya pero wala akong narinig mula sakanya. Shit! nandito ba si Van? naging mas alerto ako. muli kong nilingon ang paligid pero dahil sa madilim ay wala akong makitang ano man na kahina hinala. bubuhatin ko muna si Dad para ilagay sya sa mas ligtas na lugar...

"Ahhhh!" napasubsob ako bigla sa semento. may biglang humataw sa ulo ko. napangiwi ako sa sakit na naramdaman ko. ramdam kong may basang tumutulo sa gilid ng noo ko. hinawakan ko ito. dugo... malakas ang pagkakapalo sa ulo ko. iniling iling ko ang ulo ko. alam kong mas lalo lang akong mahihilo pero nagdodoble na ang paningin ko. dahan dahan kong inangat ang ulo ko para tignan ang taong nasa likuran ko...

pumikit pikit ako para mabalik sa ayos ang paningin ko medyo nanlalabo kase ito. hanggang sa nakita ko ang isang pigura ng lalaki nakaputi syang t-shirt kaya mabilis ko lang maaninag ang pigura nya. umupo at lumebel sya sa kinaroroonan ko. Marahas nyang hinablot ang damit ko. malinaw kong nakita ang itsura nya dahil halos magkalapit na ang mukha namin. ang mga matang puno ng galit, sakit, at pangungulila? hindi ko sigurado pero iyon ang nararamdaman ko sa mga mata nya. at ang tusong ngiti mula sakanya. Ibang iba sya kumpara sa Van na nakilala ko.

"Masaya akong makita ka Andrew..." giit nya. kakaiba ang tono ng boses nya. *boogsh! "ugh!" isang malakas na suntok ang tumama sa panga ko. *boogsh! sinundan pa nya nito ng isa pa sa sikmura. hindi ako makalaban dahil naliliyo nako isa pa hindi ko inaasahan ito. puno ng pwersa ang mga suntok na binitawan nya sakin. nagdidilim at umiikot na ang paningin ko. bago pa man ako tuluyang lamunin ng dilim isa lang ang sigurado ako... mukhang ito na ang katapusan ko.




Van's POV

Isa, dalawa, tatlo, apat, at lima... inihagis ko ang walang malay na katawan ni Andrew. kasama ng mga mahal nya sa buhay. medyo tagaktak narin yung pawis ko. pinahid ko agad ito gamit ang kaliwa kong kamay. medyo mainit sa parteng ito dahil nasa basement kami ng lumang gusali. napatigil ako at pinagmasdan ko ang namumula kong kamao dahil siguro sa pagsuntok ko kay Andrew. mukhang nagkamali ako ng kalkula sa mga plano ko. binaling kong muli ang atensyon ko sa mga walang malay nilang katawan.

mahigpit kong hinawakan ang lubid sa kamay ko. itatali ko muna sila. may dalawa pa akong huhulihin. kahit kailan pinapabilib ako ni Jin sa talino nya. napangisi ako ng di oras. sa kanya pa ata ako mahihirapan. madali ko lang naman mahuhuli si kath. isa lang syang babae. wala naman syang magagawa kundi ang magtago at tumakbo sakin.

tumayo ako at lumakad muli sa kalapit na lamesa. kinuha ko ang baril na hawak hawak ni Andrew kanina. pinagmasdan ko ito. "eto ba ang gagamitin mo para patayin ako? isa kang hangal. bago mo ako mapatay sisiguraduhin kong may kasama ako sa impyernong babagsakan ko" nagtatagis ang bagang ko at nanlilisik kong pinag masdan ang taong iyon. itinutok ko ang baril sakanya. sa taong kinasusuklaman ko. at kakasuklaman ko habang buhay kahit hanggang kamatayan. iyan ang pinangako ko sa sarili ko...

"Hhhmmmmppp! hhhmmpp hhmmmpp" naputol ang pagiisip ko ng marinig ko ang pagingay nya. gising na pala sya. unti unti ko naman syang nilapitan. lumuhod ako kaunti para lumebel sa kinaroroonan nya. nakatitig lang sya sa mga mata ko. at walang emosyon kong tinugon ang mga titig nya. pagmamakaawa, takot at sakit ang tatlong emosyong napansin ko sa lumuluhang mga mata nya. hindi na ako magsisinungaling, napakaganda ng mga mata nya. habang tinitignan ko ito hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib ko. nailing iling ako sandali. hindi ako pwede makaramdam ng awa. pinahid ko ang ilang luha sa pisngi nya. "masakit makita na sa ilang sandali maaaring mawala sayo ang pinakamahal mo sa buhay. I told you before... If you tell the truth you don't have to worry anything... didn't I?" habang sinasabi ko sakanya ang bagay na yan ay nilingon ko ang kinaroroonan ni Andrew, Kid, Tyler at ni Aidan. "pero ang mas masakit ay yung kalimutan ka ng taong gusto mong maging parte ng buhay mo" muli kong binaling ang paningin ko kay Sky,  dahan dahan kong tinanggal ang tape sa bibig nito. humihikbi pa rin sya. tumayo na ako at kinuha ang bakal na ginamit ko kanina.

"V-van... *sob* p-parang awa mo na *sob* p-pa p-pakawalan mo kami..." napahinto ako ng marinig ko ang boses nya. AWA? simula ng araw na yun ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko sya kakaawaan kahit ikamatay pa nya.

"Aaarrggg ang sakit ng ulo ko. s-sky! ayos ka lang b--" "-Tyler!" *blag!

"Aaahhh!!! Van stop it! mapapatay mo si Tyler. Please tama na!" mabilis kong hinataw sa ulo ni Tyler ng bakal na hawak ko. Tsk! panggulo lang sya. matibay din ang isang ito... "w-wag k-kang mag alala ayos lang... a-ako" giit ni Tyler. dahan dahan nyang inangat ang ulo nya. nagtama ang mata namin. napangisi ako na kina irita naman nya. dumura pa sya sa harapan ko. halos patayin nya ako sa pagtitig nya. mukhang kaya na nya akong labanan. napangiti naman ako kahit papano dahil mukhang malilibang ako. lumapit ako sakanya at tinagtag ang tali nito...

"A-anong ginagawa mo? Itigil mo na to Van!" pagsigaw nya sakin habang unti unti kong tinatagtag ang tali. nagpupumiglas sya. pero konti nalang matatanggal ko na...

"manahimik ka! maglalaro lang naman tayo."

pagka kalag ko ng tali sakanya ay tumayo nako at umatras ng kaunti. dahan dahan syang gumapang patayo . ng makatayo na ito ay agad nya akong sinugod. ilang suntok ang binibitawan nya pero kahit isa walang tumatama sakin. kita ko ang pang gigigil nya. marahil sa hindi pagtama ng mga suntok nito sakin. kumurba ng kaunti ang mga labi ko dahil sa tuwang ramdaman ko. lalo na ang makita syang desperadong sumusugod sakin. binigyan ko sya ng isang suntok nailagan nya ito. at sinundan ko pa ng isa. natamaan ko sya sa kaliwang pisngi di na ako nag aksaya ng oras at tinadyakan ko pa ito. sigaw lang ng sigaw si Sky,. mukhang nagising narin sila. habang namimilipit pa sa sakit ang isang ito ay agad kong kinuha yung bakal na hawak ko kanina. tulad ng ginawa ko sakanya kanina ay hinataw ko lang muli ito sa ulo na naging dahilan ng pagbagsak nya sa lupa.

"TYLER!"

sabay - sabay nilang pag sigaw. mas lalong lumawak ang ngiti sa aking mga labi. ngayon pa lang mag sisimula ang lahat.

"Van! walang hiya ka! pakawalan mo kami dito!" malakas na sigaw ni Kid sakin. biruin mo nga naman nakaligtas pa sya sa pagkakabundol ko. isa nga syang masamang damo. mahirap patayin. pilit nyang tinatanggal ang lubid sa mga kamay nya pero walang nangyayari dahil sobrang higpit ng pagkakatali ko doon. puno ng galit ang mga matang sumalubong sakin. "Nagkita tayong muli Kid Rivas... ang tibay mo rin ano. nabuhay ka pa pagkatapos mong mabunggo ng kotse ko" pang aasar ko rito. habang tinapik tapik ko ang pisngi nito. matalim nya akong tinignan at nagtatagis din ang bagang nito sa galit. hindi nga sya galit. kundi galit na galit lang naman. knowing him for a long time ... madalas nyang sinusuway ang bawat utos at plano ko... masaya syang pag masdan lalo na ang makitang walang laban sya sakin.

Lumapit pa ako ng kaunti sakanya at bumulong.... "Ano kayang magiging reaksyon ng babaeng pinaka iingatan mo kung malaman nyang isa ka sa dahilan ng pagluha nya..." pagkatapos kong sabihin sakanya yun ay tinignan ko ang magiging reaksyon nya. takot ... sino nga bang hindi makakaramdam non kung ang dahilan mo para mabuhay ay maaaring mawala sayo ano mang oras. pero wag syang mag alala dahil di naman ako ganun kasama para idamay pa sya.. " *sob* K-kid - - "

"Tigilan mo na ito Van! Ano bang ginawa namin para maghigante ka ng ganito?!" Revenge? I'm just being fair enough... I guess.

nabaling ang atensyon namin sakanya. tumayo ako sa pagkakaluhod ko at nilapitan ang kinaroroonan nya. "Andrew... hindi ako naghihiganti. Sa katunayan nga nyan pinaparamdam ko lang kung anong nararamdaman ko... hindi ba mapagbigay ako?" nakatayo lang ako sa harap nya. halos patayin ako ng mga titig nya. ilang tao ba dito ang gusto na akong patayin ng mga titig nila? hindi ko na alam. hindi ko sya masisisi dahil sa oras na to alam kong alam na rin nya ang ilang katotohanan.

"Anong ibig mong sabihin?! At isa pa bakit mo pinahanap si Dad? Anong motibo mo?!" sunod sunod nyang tanong. iniwas ko lang ang tingin ko sakanya. muli kong kinuha ang baril na hawak hawak ko kanina at nilingon ang direksyon ng taong yon. napupuno pa rin ng galit ang puso ko. galit na nabuo simula pa noon...

"Van, iho ano bang nagawa ko sayo o sa pamilya nyo. Sa pagkaka alam ko wala kaming naging alitan ng Tito mo. Malinis ang trabaho sa pagitan - -" kalmado lang nya akong kinausap. walang bahid ng ano mang galit ang mga mata nyang nakatitig sakin. naiinis ako pag nakikita ko ang mga matang yan. katulad na katulad pa rin ng dati... mata ng taong isa sa pinaka mamahal ko sa buong buhay ko... ang bawat detalye sa mukhang nyang iyan at kabisang kabisa ko. nagbago man ito ng kaunti pero hindi pa rin mawawala sa isip ko lalo na sa puso ko ang katulad nya... bago pa man nya matapos ang sasabihin nya ay pinutol ko na ito.

"- - Ang pamilya ng mga Allens? sakanila wala kang ginawa. dahil kahit kailan hindi naman sila naging konektado sa tunay kong buhay...." pumunta ako sa likuran ni Sky at tinanggal ang pagkakatali nito. Nagtataka siguro sya kung bakit ko ginawa iyon... hindi sya umiimik at lalong hindi sya nanlaban. iniwan ko lang muna syang nakaupo. sunod naman ay tinanggal ko ang pagkakatali ng Ama nya... si Aidan. agad na nilapitan nito ang Ama nya. napakagandang imahe para pagmasdan... agad na niyakap nito ang isat isa.

"hindi naman talaga ako kabilang sa pamilyang iyon... dahil inampon lamang ako ng mga Allens na pinagpapasalamat ko ng lubos. Hindi mo na ba ako natatandaan Aidan?" bakas ang pagkabigla sa mga mukha nila. pano pa kung malaman nila ang buong katotohanan. Tahimik lang silang nakikinig sakin. hindi ko na masyado matuunan ng pansin ang iba dahil sakanya lang nakatuon ang buong atensyon ko... walang iba kundi kay Aidan.

"A-anong ibig mong sabihin Van?!" giit ni Andrew.

"Iho hindi ko alam na ampon ka ng pamilya Allens. ganun pa man wala akong nakikitang dahilan para kasuklaman mo ako at humantong tayo sa ganitong sitwasyon..." dahilan? nagpantig ang tenga ko ng marinig ko yun. mahigpit kong hinawakan ang baril sa kamay ko. kung dahilan lang pala ang basehan ay napakadami kong mabibigay sakanya! mabilis kong hinatak si Sky sakanya. at hinawakan ko ito ng mahigpit. ang isang kamay ko ay halos nakayakap na sa leeg nya. at ang isa naman ay hawak hawak ang isang baril. "Dad! V-van p-please tama na--" "--manahimik ka!" mabilis kong naitutok sa ulo nya yung baril na hawak ko. tila naningas ito sa pwesto nya habang patuloy pa rin sa pagiyak.

"Huwag mo syang sasaktan!" halos sabay na sigaw ni Andrew at Kid.

Ganon na lang ba ako kawalang halaga para makalimutan. Mas lalong umaapaw sa poot ang puso ko. Noon pa man isa lang ang tangi kong hiling. pero bakit ganon tila ayaw ibigay sakin ang pagkakataong iyon.

"Kung hindi mo matandaan. Sige ipapa alala ko sayo....


***Flashback

*blag!

*crash!

nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ng mapabalikwas ako dahil sa ilang ingay na narinig ko. mula siguro sa labas ng kwarto. kinusot kusot ko ang mata ko dahil sobra pa akong inaantok. nabaling ang paningin ko sa kalapit na lamesa ng kama ko. binuksan ko ang ilaw sa lampshade. alas dos na pala ng madaling araw.

*blag!

muli akong nakarinig ng galabog. wala naman kaming ibang kasama dito sa bahay. bumaba ako sa kama at sinuot ko ang paborito kong tsinelas. bigay kase ito ni papa. suot suot ko rin pala ang panjama kong binili nya sakin noong isang linggo. sabi nya bagay daw sakin ang kulay asul dahil mas lumilitaw daw ang magandang kulay ko. parehong pareho rin daw kami noong kabataan nya...

dahan dahan kong binuksan ang pinto at lumabas iniwan ko lang nakabukas ang pinto ko. madilim ang paligid dahil nakapatay ang mga ilaw. may mga boses akong naririnig ang iba ay may kalakasan ang iba naman ay napakahina. sa sala siguro iyon galing.

bumaba ako ng hagdan. hindi pa man ako nakakababa ng tuluyan ay tanaw ko na sa kinaroroonan ko ang pigura ng dalawang taong nagtatalo. si mama at si papa. Dito kaya magtutulog si papa?

Pinagmasdan ko lang sila. medyo sanay na rin ako sa pagtatalo nilang dalawa. gusto ko man awatin sila ay hindi maaari. dahil sabi sakin ni mama "huwag kang makikisali sa usapan ng matatanda"

"Anong gusto mong gawin namin! ang magtago at mag antay na lang? sabihin mo!" rinig ko ang pagsigaw ni mama sakanya. pinagsusuntok nya si papa sa dibdib. pero walang ginagawa si papa. nakatayo lang sya. humahagulgol na rin si mama. halata na sa boses nya ang panginginig nito. at napaka sakit makitang ganyan ulit sya...

"Hindi ko alam ang gagawin Cristina... mabuti pang --" "-- ano?! patayin mo nalang kami ng anak mo!" kalmado pa rin si papa. niyakap nya si mama. sa narinig kong huling sinabi nya... parang sinaksak ang puso ko. iiwan nanaman ba nya kami? alam ko naman ang sitwasyon namin.. alam na alam ko kahit nasa murang edad pa lang ako. dahil kahit kailan hindi ko sinara ang utak ko sa mga bagay na naririnig ko...

"Patawarin mo ako Cristina... sana maintindihan nyo ito ni Chris. mahal na mahal ko kayo"

ang huling salitang narinig ko sakanya... Mahal? tanging imahe na lang nya ang huling nasilayan ko. iniwan na nya kami. at sa tingin ko hindi na mabubuo pang muli ang pamilyang pinapangarap ko.

***end of flashback




... PAPA" muling bumalik sa alala ko ang gabing iyon. walong taong gulang pa lang ako noon. isang napaka samang ala ala.

nakatingin lang ako sa kinaroroonan nya. buong tapang kong sinabi ang katagang iyan. ilang taon na rin ang lumipas ng banggitin ko muli ang salitang yan.

"C-chris..." pumatak ang ilang luha sakanyang mga mata. tama ba ako ng pagkaka kita? umiiyak sya? ang sarap marining muli ang pangalang sya mismo ang nagbigay pero huli na... dahil matagal ko nang pinatay ang pangalang yan.

"...i-ikaw na ba yan anak?" dahan dahan syang humakbang palapit sa pwesto ko. tinawag nya akong anak? kailan pa sya naging ama sakin?

"Dad? sya si Chri--" "--Huwag mo akong matawag tawag sa pangalang yan! At ano Anak? kailan ka naging Ama sakin! sabihin mo! S-si s-simula nung araw na iniwan mo kami... ako... ay iniwan narin ako ni mama. alam mo ba gano kasakit sakin yun ha! sobrang sakit! walong taong gulang pa lang ako pero naulila na ako. nagpakamatay si mama nung araw na yun. hindi nya daw kayang mawala ka. nagmaka awa ako na kahit para sakin nalang mabuhay sya. pero wala. wala! sino nga bang pipili sakin na naging bunga lang ng pagkakamali. isang gabing pagtataksil hindi ba tama ako? iniwan nyo akong pareho. isa lang naman ang hiling ko. ang maging buo tayo at magmahalan. mahirap bang pagbigyan yon ha?! mahirap ba!" ang tagal kong gustong sabihin sakanya yang mga yan. ngayon nasabi ko narin sa wakas. hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. napakasakit ang magisa. sa lumipas na mga taon natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. napunta ako sa ampunan at inampon naman ng isang mayamang pamilya. pinakaen, binihisan, binigyan ng pagkakataong mabuhay ng normal at mahalin.

"A-anak.... p-patawarin mo ako. b-binalikan ko kayo ng mama mo. pero huli na ng makabalik ako. wala na kayo.. wala ka na"

"Sinungaling ka! anong gusto mo maniwala ako sayo!" tinutok ko ang baril sakanya. hinanap? walang gustong magmahal sakin. kung hinanap nya ako bakit hanggang ngayon hindi pa din nya nalalaman na ako ang anak nya.

*boogsh!

"Andrew! tama na!" isang suntok ang tumama sa pisngi ko. hindi ko napansin nakalag na pala yung tali sa mga kamay nya. mabilis nyang hinablot sakin si Sky. agad naman nilang kinalagan ng tali si Kid.  mukhang nagkamali nga ako ng kalkula... pinahid ko ang dugo sa labi ko. binaling kong muli ang atensyon ko sakanila.

"Hindi totoo yang sinasabi mo. Noon pa man nagsisisi si Dad sa pagiwan nya sayo. Oo alam ko na may isa pa kaming kapatid. Sinabi at pinaliwanag sakin yun ni Dad. naiintindihan ko naman. hinanap ka namin Chris.. hinanap ka namin..." sabay hagis ni Andrew sa baril na naagaw nya sakin. hinanap nila ako? mas lalo akong naiyak ng mapukaw ng atensyon ko ang mga mata nya. ganyan na ganyan ang mga mata ni mama at papa. napaka kalmado.

pakiramdam ko unti unti ng nasira ang nakabalot na harang sa puso ko. ang tagal tagal kong binusog sa galit ang puso ko pero hindi ko inisip na may ibang posibilidad na hinanap nga rin nila ako. napaluhod ako at nahilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha. masyado ba akong naging bulag sa galit na nararamdaman ko.

ngayon lang bumalik sa alala ko noong minsang nagkausap kami ni Andrew ng masinsinan. pareho kaming lasing noon kaya hindi ko na masyado matandaan. ang alam ko lang nabanggit nya na may isa pang tao ang kulang sa pamilya nila. isang taong napakatagal na nilang hinahanap. at inaantay para masabing buo na ang pamilya nila...

"Chris... anak sana bigyan mo ulit ako ng pagkakataong maging Ama sayo. at bumuo ng isang masayang pamilya."

hindi ko na napigilan. eto naman yung matagal ko nang gusto hindi ba? nagkamali ako at handa akong pagbayaran yun. kahit ngayon lang gusto kong maramdaman muli ang maging kumpleto. ang pakiramdam ng may nagmamahal. ang pakiramdam ng pagmamahal ng isang Ama.

"P-papa..."






*BANG!

"Dad!" "Aaaahhhhh!!!!" "Tito!" "Papa!" isang putok ng baril ang pumangibabaw sa loob ng kwartong iyon. nilingon ko kung sino ang nagpaputok nito. nagtama ang mga mata namin. pero mas na alerto ako kung kanino nakatutok ang baril na hawak nya. hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko...

"Hindi!!! Andrew!!!"


*BANG!






Sky's POV

Natulala ako sa dugong nasa mga kamay ko. at sa nakahandusay na katawan ni Dad sa harapan ko. hindi ako makagalaw sa pwesto ko. nanginginig ang buong katawan ko sa takot. sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. nahihirapan akong huminga dahil ba ito sa sobrang tarantang nararamdaman ko? sa dalawang magkasunod na putok ng baril na narinig ko napuno ng takot ang puso ko.

"D-dad....   D-dad....   p-please wake up. N-nahanap na natin si Chriswag mo naman kaming iwan ..." mabilis ang pagdaloy ng dugo sa dibdib nya. mahina na rin ang pulso nito. hindi pwede. hindi pwede mamatay si Dad. tinakpan ko ng kamay ko ang sugat nito para mapigilan ang walang humpay na pag agos ng dugo.

"Van! dadalhin namin kayo sa ospital hindi ka pwede mamatay!" napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Andrew. salo salo nya si Chri- si Van. sinalo nya ang balang tatama kay Andrew. mas lalong hindi ko nanapigilan ang mga luha sa mga mata ko. pinikit ko ng mariin ang mga mata ko ayoko na ng mga nakikita ko.


*clap *clap *clap

"What a perfect drama."

ang pamilyar na boses na narinig ko. nabaling ang atensyon ko sakanya. sya? bakit nya binaril si Dad at si Van.

"Kath? anong ibig sabihin nito. bakit ka nagpaputok ng baril!" pasigaw at puno ng galit ang pagkaka sabi nya. lalapitan na sana ito ni Kid pero naitutok agad ni Kath ang baril nya. napahinto si Kid sa pag galaw. "Akala ko kase tutuluyan na kayo ni Van. mas hangal pala sya kesa sa inakala ko. Tama nga ang hula ko kakainin din nya ang mga sinabi nya"

"A-anong ibig mong sabihin Kath?" giit ko dahil naguguluhan na ako sa mga nangyayari. hindi sya lumingon sakin. ni hindi nya inalis ang tingin nya sa harap nya.

"Simple lang... alam ko ang lahat ng nangyayari... hindi mo ba natanggap yung huling sulat ko sayo Van?" wala akong mabasang emosyon sa mga mata nya. nakatutok pa rin ang baril na hawak nya. pero ganun pa man natatakot ako sa pwedeng mangyari. sobrang lakas ng tibok ng puso ko. muli kong nilingon si Dad at hinalikan ito sa noo.. "Hang on Dad... dadalhin kita sa ospital... J-just don't give up..."

"I-ikaw? i-ikaw ang nagpapadala ng sulat sakin?" nanghihinang sagot ni Van. hindi na sya makagalaw ng maayos. binaling nya lang ng kaunti ang ulo nya para makita ang kinaroroonan ni Kath. nanlalaki ang mata nito sa gulat o sa mga sinabi ni Kath sakanya? Anong sulat ang tinutukoy nya? alam kong hindi na rin maganda ang lagay nya dahil may dugong lumalabas na sa bibig nito.

"Ako nga. sabi ko naman sayo hindi ba... huwag mong katakutan kung sino ang taong akala mo ay kaaway. mas katakutan mo ang isang kaibigan na nasa harap mo..."

*boogsh "Kid!" pinukpok nya ang baril na hawak nito kay Kid dahilan para mapasubsob ito. kasabay nito ang pag lapit nya sakin. hindi na ako nakatakbo at marahas nyang hinatak ang buhok ko. "Ouch! Kath! bitawan mo ako!" nagpupumiglas ako pero mas malakas sya sakin. napatigil ako ng maramdaman ko ang baril na nakatutok sakin.

"Kath! itigil mo na yan. pati ba naman tayo magkakagulo pa. please this is not a good time for your stupid idea"

"Stupid idea? talaga Andrew? noon pa man plano ko nang gumanti sa inyo. sa barkada. hanggang isang araw malaman ko na may isa pa palang tao bukod sakin ang gustong maghiganti." mas lalong humigpit ang pagkakasabunot nya sakin. puno ng galit ang boses nya. mas natatakot ako na baka bigla nyang iputok yung baril na nakatutok sakin.

"Walang patutunguhan yang paghihiganti mo Kathryn ..."

"Jin!"

dahan dahanng naglakad si Jin papunta kila Andrew. Itinayo nya muna si Kid. A-anong nangyari sakanya? may dugo sa bandang balikat nya at pati narin sa ulo nito. si Kath ba ang may gawa sakanya nyan? halata na rin kay Jin na wala na sa kondisyon ang katawan nya. muli kong nilingon si Dad. binabantayan ito ni Tyler na nagkamalay narin pala.

"Manahimik ka! isa ka pa. akala nyo ba nakalimutan ko na? k-kung pano namatay ang nagiisang taong nagmahal sakin ng lubos?!" hinatak akong muli ni Kath ngayon isa lang ang alam ko patungo kami sa pinto. hindi ko pwedeng iwan si Dad. Pero wala akong ibang maisip para maka alis sa pwestong ito. kundi ang umayon na lamang sa nangyayari. natigilan ako ng marinig ko ang sinabi nya. m-mahal? halata rin ang pagkagulat nila Jin ...

"Kath! matagal nang nangyari yun. Matagal nang patay si --" "-- na pinatay nyo!" halos umiiyak na rin sya. na aalala na ba nya ang lahat? mas lalong hindi pwede nya maalala ang nakaraan. dahil baka maulit lang din ang nangyari noon.

"K-kath natatandaan mo na ang lahat?" natatakot kong tanong sakanya. alam kong wala ako sa lugar para itanong yan. pero gusto ko pa rin makasiguro.

"Bakit may dapat pa ba akong malaman ha! ilan taon nyo saking tinago ang bagay na ito. pero kahit sino sa inyo walang nagsabi!"

"Nagkakamali ka Kath! Para sa kapakanan mo iyon.. para sayo lang... hindi namin pinatay si Vinz. ika--" "--Drew! huwag mong sabihin!" pinutol bigla ni Jin yung sasabihin ni Andrew. muling sinubok ni Jin na lumapit samin. nilahad nya ang kamay nya para bawiin ako pero --

"kath aksidente ang nangyari dati please pagusapan natin to. ibigay mo sakin ang baril" inaantay nyang ilapag ni Kath sakanya yung baril pero mukhang hindi ibibigay ni Kath iyon kahit anong mangyari.


*BANG!

muli syang nagpaputok ng baril pero hindi ko na nakita kung saan at kanino iyon tumama dahil mabilis nya akong hinatak. hindi na gaano kadilim ang paligid dahil sa liwanag ng buwan na nagsisilbing ilaw sa ilang bahagi ng building.

nakalabas na kami at tinungo ang isang kotse. huminto kami doon at binuksan nya. "sakay!" tulad noon tila bumalik sya sa nakakatakot na Kath na nakilala ko. bumalik ba ulit sya sa dati? naaalala na ba nya yung nakaraan...

hindi na ako umimik at sumakay narin. mabilis naman syang tumungo sa driver's seat at pinaandar ang kotse palayo sa abandonadong building... palayo sa mga mahal ko sa buhay...






*****


"Andrew! kaya mo bang dalhin si Van sa kotse. Tyler!  Kid!  kayo naman ang bumuhat kay Tito kaylangan na natin sila madala sa ospital!" natatarantang sabi ni Jin. halata sa mukha nya ang pangamba sa bawat pangyayari. ganun din naman ang iba. balisa sila at hindi alam kung anong susunod na gagawin. sa sitwasyong ganito si Jin lang ang maaasahan dahil siguradong sakanya lang makikinig ang lahat. dahil kung hindi paniguradong may isa o dalawang pwedeng mawala sakanila ng tuluyan... mabilis kumilos ang mga ito at nakalabas naman agad sila ng building.

nang maipasok na nila sa loob ng kotse si Van at ang Daddy ni Andrew ay humarap muli sakanila si Jin. "Ikaw Jin kaylangan mo din madala sa ospital" nag aalalang sabi ni Tyler sakanya.

umiling iling ito. "Ako na ang hahabol kila Kath. Mukhang hindi pa nya natatandaan ang lahat lahat. Tatawagan ko kayo. isa pa natawagan ko na si Gibson para sundan din sila. mauna na kayo sa ospital." kahit nanghihina na ay nagawa pa din nyang piliin na iligtas ang iba.

"Jin salamat please bring back my sister..." malungkot na tugon ni Andrew sakanya. isang tapik sa balikat lang ang naitugon nito. nang maka alis na sila ay mabilis namang pinaharurot ni jin ang isang sasakyan para sundan sila Kath...


******

Kath's POV

"Bitawan mo yang manubela Sky!" pilit nyang pinapahinto sakin yung sasakyan. ayoko! hindi pwede. kung mapupunta lang din ako sa impeyrno mas maganda nang may kasama ako. lahat sila nagsinungaling sakin!

"Itigil mo na kath! mababangga tayo!" nilingon ko agad sya. siniko ko sya ng malakas para tantanan nya ako. napabitaw naman agad sya. inayos ko ang pagmamaneho ko.

hanggang ngayon ba ayaw pa din nila sakin ipa alala ang nakaraan ko? hanggang kelan sila maglilihim sakin? hanggang kailan? matagal na akong nagtiis at matagal ko ng gustong maalala yung nakaraan ko pero walang nakapag sabi sakin kung ano ba ang nangyari...

" *cough* K-kath walang kasalanan sila Andrew sa nangyari kay Vinz .. " walang kasalanan? p-pero iyon ang natatandaan ko! na sila mismo ang pumatay kay Vinz.. sa lalaking minahal ko.. pero bukod dun wala na akong maalala.

"Aaarrrrgggg!!!! manahimik ka! iyon lang ang natatandaan ko!!!" napahawak ako sa ulo ko pumipintig ito sa sakit. malakas kong hinampas ang ibabaw ng manubela. gusto ko ng maalala ang lahat. kada may pagtatanungan ako ng nakaraan ko wala ni isa ang gustong magpaliwanag sakin. umaasa lang ako kung kelan ko ba ma aalala ang lahat.

mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng kotse. wala akong pake sa ano mang mangyayari. sobrang sakit padin ng ulo ko. medyo nag dodoble ang paningin ko. parang dalawang daanan ang nakikita ko. hindi ko maaninag kung saan ako liliko o didiretso lang ba ako.

nilingon kong muli ang kinaroroonan nya. halos mataranta na sya sa kinauupuan nya pero wala akong pake!

"Kath! bagalan mo ang pagpapatakbo. itigil mo na yan! Kath -- "

*beeeep!

nasilaw ang mga mata ko sa liwanag na nakita ko sa harapan ng daan. pati narin ang malakas na pagbusina nito. mabilis kong niliko ang manubela . at hindi ko na alam kung saan iyon papunta. kasabay nito ang biglaang memoryang sumagi sa isip ko. h-hindi hindi pwedeng mangyari iyon ... ang kasagutang matagal ko nang hinahanap ... nagkamali nga lang ba ako sa pagkakataong ito? ...


"AAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!"


*******

Kanina pa sa loob ng operating room sila Dad at Van. Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Puro dugo pa din ang damit ko. natuyo na nga lang ito pati na rin sa mga kamay ko. Hindi na ako nag abala pang magpalit o maghugas man lang. Tumayo akong muli at tinignan ang cellphone ko. napabuntong hininga ako. hindi pa rin tumatawag si Jin.

Kasalukuyang ginagamot ang sugat nila Tyler at Kid. hindi naman daw ganon kalala ang lagay nila. ganon din naman ang sa akin pero mas minabuti kong mag antay na muna sa labas ng Operating Room. ngayon mas kailangan ako ni Dad at Van. ayokong mawala sila sakin. lalo na nahanap na namin si Chris. matagal ko na pala syang nakakasama pero hindi sumagi sa isip ko na baka malapit lang pala ang taong hinahanap ko...

Hindi ko sya masisisi kung napuno ng poot ang puso nya. naghangad lang sya na mahalin. pagmamahal ng isang Ama at lalong lalo na ang pagmamahal ng isang buong pamilya. mali man ang paraan nya pero mas minabuti kong kalimutan muna iyon. Muli kong nilingon ang paligid ko. bukod sakin na parang tangang hindi mapakali sa kinapwepwestuhan ko madami ring tahimik na nag aantay sa upuang malapit sa pinto ng ilang kwarto. marahil nasa loob nun ang taong mahalaga sakanila. na tulad kong nag aantay.

Naglakad muna ako para puntahan sila Tyler at Kid. titignan ko muna kung ayos na ang lagay nila. Pagkababa ko ng hagdan napahinto ako sa isang parte ng ospital. pinagmasdan ko itong mabuti. hindi naman siguro masama kung lalapit ako sakanya.

Dahan dahan akong lumapit sa isang upuan at taimtim na umupo roon. May ilan ilan ding tahimik na naroon. Lumuhod ako, pinaglapat ko ang aking mga palad at pumikit...

Alam kong nakikinig ka. Ang sabi nila ikaw lang daw ang nakakaalam ng lahat ng posibleng pwedeng mangyari. Hindi man ako ganon kalapit sayo pero narito ako sa iyong harap at humihingi ng tulong...

May ilang buhay ng mga taong mahalaga sakin ang nasa bingit ng kamatayan. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sakanila. Tumatakbo ang oras pero wala akong lakas para habulin at pigilan ito.

Nagmamakaawa ako, iligtas mo sila... Gusto ko pa masilayan ang mga ngiti nila sa labi. Ang masayang mga mata nila. Ang masarap na pakiramdam sa mga bisig nila. Ang walang katapusang saya kasama nila. Ang pagmamahal na pwede ko pang ibahagi sakanila.

Maraming taon ko pa sila nais makasama. Sa mga panahong nasayang sa amin noon... gusto kong pawiin iyon ng walang katapusang masasayang memorya at pagmamahal na tanging sa buong pamilya lang mararamdaman.

Gusto kong tuparin rin ang pangarap nyang mabuo ang pamilyang nais nya.

At gusto ko pang matupad ang huling sinabi nya "A happy family..."

minulat ko ang mga mata ko. pinahid ko rin ang ilang luhang galing sa mga mata ko. tahimik kong nilisan ang lugar na iyon. kahit papano napanatag ang kalooban ko.

nakita ko si Tyler na nakaupo sa labas puro benda sya. lalo na sa ulo nya. pinagpahinga pa sya ng doktor dahil medyo nahihilo pa ito. lumabas naman si Kid na nagamot narin ang mga sugat nito. napalingon sila sakin. kita ko ang pag aalala sa mga mata nila.

"Drew... may balita na ba?'' malumanay na tanong ni Kid sakin. nagpapasalamat ako sakanya dahil alam kong sa kabila ng lahat gumawa pa rin sya ng paraan para mapatunayan nya na mahal nya ang kapatid ko. tinapik ko ng mahina ang balikat nya saka umiling. napabuntong hininga na lang sya at yumuko. nag iwas naman ng tingin si Tyler . Alam kong nasasaktan sya sa mga nangyayari lalo na damay si kath. mahal na mahal nya si Kath lalo na sa kabila ng lahat ng nangyari.. sa nakaraan ni Kath...

***ring

***calling Jin

kinabahan akong bigla ng makita ko kung sino ang tumatawag sakin. alam kong kanina ko pa ito inaantay pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang mapindot ang telepono ko. bumilis ang pagtibok ng puso ko at bawat pagtibok nito ay ramdam na ramdam ko. may halong kaba at takot ding nakatingin sakin ang dalawa. nanginginig ko itong sinagot at tinapat sa tenga ko ....

"Andrew ...."

ilang sandali akong natigilan. binaba na nya ang tawag. tahimik lang ako at hindi ko alam tila nawala ako sa sarili ko. rinig kong kinakausap ako ni Kid pati na rin si Tyler pero wala akong masabi. walang salitang gustong lumabas sa mga bibig ko.

totoo ba ito o panaginip. sana kung panaginip nga ito ay magising na ako. nahuli ba ako ng paglapit sakanya?

tinignan ko sila. umiiyak sila sa harap ko. pansin kong marami silang sinasabi sakin pero ni isa doon ay wala akong naririnig. parang naging bingi ako pansamantala. hawak hawak ni Kid ako sa magkabilang balikat at ina alog alog. nakaramdam ako ng pagdampi ng malamig na likido sa pisngi ko. hinawakan ko ito... mga luha... mga luha galing sa mata ko. hindi ko na napigilan at humagulgol na ako.

hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. napaluhod ako at pinagsusuntok ang sahig. sigaw ako ng sigaw pero wala akong pake sa mga makakarinig sakin. gusto kong magwala gusto kong manisi gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip nga lang ito.




sa bawat pag patak ng mga luha sa mga mata ko ay kasabay non ang unti unting pag durog ng puso ko...



























Continue Reading

You'll Also Like

719K 15.6K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
155K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
309K 21.5K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...