She's Scary ( completed )

By pinkanimekawaii

348K 6.6K 285

Paano kung dahil sa kamalasan mo, you end up sa c.r ng boys ? At sa kamalas-malasan mo, nandoon pa yung isa s... More

She's Scary
Prologue
Sa mga magbabasa ng story.
SS 1 : The Girl
SS 2: Girl in the Bathroom
SS 3 : Nightmare
SS 4: Identity Revealed
SS 5 : Confession
SS 6 : Deal
SS 7: Girlfriend
SS 8: Rejection
SS 9 : Hide and Seek
SS 10 : Restricted Room
SS 11 : Misunderstood
SS12 : Guy in the Infirmary
SS 13 : Public Announcement
SS14:MISSION: CONVINCE THE SAINTS
SS15: Horror House
SS 16 : Help
SS 17 : Practice Gone Wrong
SS 18 : Laughingstock
SS 19 : Bedscene Act
SS 20: Who is she ?
SS 21 : Angel and Potchi
SS22 : Bathump
SS 23: Family Dinner
SS24: Embarassed
SS25 : Thanks for Last Night ?!
SS26: Questions
SS27: Furious Nate
SS28: What Really Happened
SS29: Joke
SS30 : The Evil Plan
SS31: Part Time Job
SS32: Maui's Revenge
SS33 : The Sleeping Whitelady
SS34 : Forehead Kiss
SS35: Who is it ?
SS 35 : Annoying Nate
SS 36 : Names
SS 37: With them
SS39: Date
SS 40: Talk
SS41
SS42
SS43
SS44
SS45
SS46
SS47
SS48
SS49
SS50
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter: That Night

SS38: Slave for the day

4.6K 98 5
By pinkanimekawaii

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII

SS38: Slave for the day

[ Krizzia's POV ]

Gravity! Halos hindi ko na makita yung dadaanan ko dahil ang dami kong bitbit na box ng sapatos na pinamili ni Nate at John. Ginawa nilang alalay ang beauty ko! And well, four hours na kaming namimili pero hindi pa rin sila tapos.

Masyado na akong nahihiya sa kanila. Kababae kong tao, pero pinagbubuhat nila ako nung pinamili nila. Ibinaba ko yung mga box na hawak ko. Isinabit naman nila sa magkabilaan kong kamay yung mga paperbag. Tapos binuhat ko ulit yung mga box at sumunod sa paglalakad nila.

Nakahinto halos lahat ng tao at nakatingin lang sa amin. Yung iba, nakanganga, yung iba naglalaway. Pero si Nate wala lang pakialam. Si John naman, kinikindatan at nginingitian niya bawat babaeng madaanan niya. Ang sarap lang sipain eh. Nakikipalandian pero ayaw nila akong tulungan.

Pumasok sila sa ilan pang mamahaling botique. Pagkalabas nila, itinambak nila sa kamay ko yung pinamili nila. Mga walang puso! Pagkatapos nilang maitambak yung pinamili nila sa kamay ko, binigay sa akin ni John yung susi ng kotse niya. Tapos naglakad sila papalayo sa akin.

'' Hoy anong gagawin ko dito ?! " tanong ko sa kanila.

" Ilagay mo sa kotse yang mga pinamili namin. " sabi ni Nate na hindi man lang lumilingon.

" Saan kayo pupunta ?! " tanong ko sa kanila.

" Secret. " sabi nila.

Yung mga tao naman sa mall, titig na titig sa akin. Anong problema nila ? Masyado ba akong maganda para titigan nila ako ? Alam ko nagmamaganda na naman ako.

" Ang swerte niya naman. Alalay siya ng dalawang gwapong lalake. " sabi nung isang girl. Tuloy pa rin ako sa paglakad.

" Naku sis! Kung ganon lang ka gwapo pagsisilbihan ko, makikipag trade place ako sa kanya. " sabi pa nung babaeng kasama nung unang nagsalita.

Parang gusto kong ibato sa kanila lahat nung dala kong paperbag tsaka box ng sapatos. Ipabuhat ko sa kanila lahat ito, tignan natin kung gusto pa rin nilang maging alalay nung dalawang pangit na yun. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa parking lot. Hinanap ko pa kung saan naka park yung kotse ni tartar. Siyempre ung pinaka maganda yung kotse niya.

Nung makita ko, binuksan ko na yung compartment at inilagay doon lahat nung pinamili nila. Pinagsisipa ko yung gulong ng kotse sa sobrang inis ko. Saan kaya sila pumunta ? Tapos nag vibrate yung cellphone ko. Halos maglaway ako dahil ang sarap nung pagkain sa may picture. Tapos nung tinignan ko yung nag send, si Nate gunggong. Nakakainis talaga siya! Ugh!

[ 3rd persons POV ]

Habang nilalagay ni Krizzia yung pinamili nila John at Nate sa kotse ay may nakatingin sa kanyang lalake. Enjoy na enjoy nitong tignan si Krizzia habang halos ibalibag na niya lahat ng ipinamili nila Nate at John. Pinagsisipa ni Krizzia yung gulong ng kotse. Tawa naman nang tawa yung lalakeng nanonood kay Krizzia.

Inilabas ni Krizzia yung cellphone niya. Gusto nang maglupasay nung lalake sa kakatawa dahil halos maglaway na si Krizzia sa cellphone niya. Paano ba naman kasi, isang masarap na pagkain yung nasa screen nung cellphone niya.

Napagpasyahan ng lalake na lumapit sa kinaroroonan ni Krizzia. Habang si Krizzia naman, buysit na buysit sa nag send sa kanya ng picture ng pagkain. Nung makalapit na yung lalake kay Krizzia, nayakap naman ni Krizzia yung sarili niya dahil akala niya rapist yung lalake.

[ Krizzia's POV ]

Habang nagse-senti ako dahil sa sinend sa akin na picture ni Nate ng pagkain, may lumapit sa aking lalake. Dahil madilim, hindi ko makita yung mukha niya. Niyakap ko yung sarili ko. Baka rape-in niya ako.

" Hello. " narinig kong sabi nung lalake.

" Mister! Hindi ako pick up girl. Pumunta ka na lang ng bar kung gusto mo. Makakakita ka pa doon ng maganda. Poste lang katawan ko hindi mo ako ma e enjoy. " paatras ako nang paatras.

" Hahaha! Nakakatawa ka talaga. Hindi ka pa rin nagbabago. " kilala niya ako ?

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Tapos inilawan ko yung guy. Oh my ghad! Ang pogi ni koya. Nganga lang ako doon while drooling. Ang hot niya kasi. Makalaglag panty. Makapa nga kung nakasuot pa. Baka nalaglag na. Kinapa ko, nakasuot pa naman.

" Sino ka ? Hindi kita kilala. '' tanong ko kay kuyang pogi. Gravity! Dapat pala sinama ko si Potchi para ma rape niya itong gwapong otoko.

" Hindi mo na talaga ako maalala ? Ako si Chasten Vander Lee. " oh me gas!

Binabawi ko na na ipapa rape ko siya kay Potchi. Dahil ako ang re-rape sa kanya. Chos! Siya yung sinasabi ko dati pa na crush ko na binasted ako. Sumpain! Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita. Mas lalo siyang gumwapo. Leche ka Krizzia! Sinaktan ka niya dati kaya wag kang magpa apekto sa kagwapuhan niya. Wag kang magpatukso.

[ A/N: Ang basa po sa Chasten ay Cheysen. Yun lang po. ]

" Oh, hi. Kumusta na. " awkward na bati ko sa kanya.

Hindi ako makapagmaganda. May tinatago pa rin akong pagka bitter hanggang ngayon eh. Tapos pilit akong ngumiti sa kanya.

" Okay lang naman ako. Nakabangga kita nung nakaraan pero hindi mo ako pinansin. So, nag-aaral ka pala sa academy malapit sa academy namin. " lumapit siya sa akin.

[ A/N: Yun yung time na in-announce ni Nate na girlfriend niya si Krizzia. ]

" Alam mo kasi, nag-iba na yung itsura mo. Mas lalo kang gumwapo--Uh I mean nagmukha kang mas mature ngayon. Hehehe! " napakamot ako sa ulo ko. Katangahan ko talaga!

Niyaya niya akong pumunta sa kotse niya at doon kami nagkwentuhan. Tawa kami ng tawa. Medyo naging awkward naman nung pinag-usapan namin yung nangyari na iwinagayway ng kaklase namin yung binigay na free napkin. Pero nag enjoy naman akong kasama siya. Nakalimutan ko nga na alipin ako ngayon nila Nate dahil kay Chasten.

[ Nate's POV ]

Sigurado akong umuusok na yung ilong nung pangit na whitelady na yun. Nag send ako sa kanya ng picture ng kinakain namin ni John. Papunta na kami ngayon sa parking lot ng mall. Dahil ininggit ko siya, binilhan ko siya ng cake.

Pagdating namin, wala naman siya doon. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext ko siya.

To: Whitelady pangit

Nasaan ka na ba ? Aalis na kami. Kapag hindi ka pa pumunta dito, iiwan ka na namin.

Pumasok na si John sa kotse. Nasa labas naman ako. Hinihintay ko si whitelady. Napatingin naman ako sa dalawang taong naglalakad papunta sa amin. Nung makalapit sila, kumunot yung noo ko. Sino naman itong lalaking kasama niya ?

Tinignan ko yung guy mula ulo hanggang paa. May itsura naman siya. Pero mas gwapo pa rin ako. Teka nga, bakit ko nga ba kinokumpara yung sarili ko sa lalakeng kasama niya ? Ewan ko rin pero naiinis ako dahil may kasama siyang iba.

" Sino siya ? " tanong ko kay Krizzia sabay baling sa lalakeng kasama niya.

" Siya si Chasten. " sabi sa akin ni Krizzia.

'' Sino naman siya Krizzia ? Kaibigan mo ? " tanong nung lalakeng kasama ni Krizzia. Nagsalubong yung kilay ko. May gusto ba siya sa girlfriend ko ? Shit! Ano ba itong iniisip ko ? So, may gusto siya dito kay whitelady?

" Ah, siya si Nate. Boyfriend ko. " ngumiti ng alangan si Krizzia sa akin.

Yung lalake naman na kasama ni Krizzia, parang nagulat sa sinabi ni Krizzia na boyfriend niya ako. Napangiti naman ako. Binigyan ko siya ng tingin na " ano ka ngayon dude ?" tapos nag smirk ako. Bigla namang nag-iba yung facial expression niya. Parang nabuysit siya. Nag-iba rin kaagad yung itsura niya nung tinignan kami ni Krizzia.

" Nice to meet you pare. " inilahad ko yung kamay ko.

" Nice to meet you din. '' tinanggap niya yung pakikipag-kamay ko.

Nagsukatan kami nang tingin. Ang sama nang titig niya sa akin. Ganun din ako sa kanya. Nag smirk ako sa kanya.

[ Krizzia's POV ]

Hindi ko alam kung bakit pero parang nagkakainitan silang dalawa. Ang sama nang tinginan nila. May away ba silang dalawa ? Parang gusto na nilang magsuntukan eh. Kumapit ako sa braso ni Nate.

" Nate halika na. Hinihintay tayo ni John. " hinila ko siya papunta sa kotse.

" See you again sometime Chasten. Bye. " kumaway ako kay Chasten. Ibinaba naman ni Nate yung kamay ko na kumakaway. Nung tumingin ako kay Nate, magkasalubong yung kilay niya at parang galit.

" Magkikita pa kayo niyang lalakeng yan ? '' tinanggal ni Nate yung kamay ko na naka-kapit sa brasok niya. Tapos pumasok sa loob ng kotse.

Ano bang problema niya, daig pa niya yung babaeng may menstruation eh. Nauutot din ba siya? Hindi naman ako magagalit kung magpakawala rin siya eh.

" Nate, gusto mo rin bang umutot ? Okay lang naman sa akin kung umutot ka eh. O baka naman nagagalit ka pa rin sa akin kanina dahil umutot ako ? '' tanong ko sa kanya. Nilapit ko pa yung mukha ko.

" Hahahaha! " napatawa si John.

" That's not it. Okay ? " inis na inis na sabi ni Nate.

" Your so slow ugly girl. Can't you tell what Nate is feeling right now ? " oo na! Sila na biniyayaan ng mukha! Ako na pangit! Psh!

Tsaka ano daw ? Yung feeling ni Nate ? Well, galit siya ngayon. Mananahimik na nga lang ako baka paglakarin pa ako pauwi nitong mga ito eh.

" Oo na. Mananahimik na ako. Sorry talaga Nate. Alam kong galit ka kasi nagpakawala ako ng masamang amoy kanina. " tapos nanahimik ako.

" Stupid. '' narinig kong sabi ni Nate. Maka stupid naman ! Kung hindi lang siya badtrip ngayon, babatukan ko siya ng bongga.

" Just how stupid are you ? Nate is jea--- '' naputol yung sinasabi ni John nung sumingit si Nate.

" Start the car will you ?! " sigaw ni Nate.

Si John naman, nakangiti lang. Parang enjoy na enjoy pa nga siya sa nakikita niya eh. Tapos in-start na ni John yung kotse niya. Gustong-gusto ko talagang dumaldal eh. Kahit isa sa amin walang nagsasalita. Kaya tumingin na lang ako sa labas. Kaka bored kaya.

Napansin kong papasok na kami sa street namin. Tumigil yung sasakyan sa harap ng gate namin. Tinginan naman yung mga tambay sa kotse ni John. Bumaba ako pati si Nate.

" Isang, may nabingwit ka yatang big time ah. " si Mang Timo. Tawag sa akin ng mga kabitbahay namin dito Isang.

" Ang pogi ng boyfriend mo Isang. " sabi ni Mang Morti. Nginitian ko lang sila. Kung alam lang nila na alipin ako nitong demonyo na ito.

" Dude, pag sinaktan mo yang si Isang, babaliin ko yang buto mo. " sabi ni Kuya Carl. Tumango lang si Nate. Mukhang natakot naman si Nate. Puro muscle kasi si kuya Carl eh.

Nauna namang naglakad si Nate at pinagbuksan niya ako ng gate. Nakabukas naman yung pintuan namin kaya tuloy-tuloy kami sa pagpasok sa loob. Nakaupo naman si mama at umiiyak. Anong nangyari ? Magtatanong pa lang sana ako eh. Pero naunahan ako ni Nate.

" Mama, bakit po kayo umiiyak ? " tanong ni Nate kay Mama. Tapos umupo siya sa tabi ni Mama.

" Nakakaiyak kasi yung napanood kong drama. Alam mo ba yung Koizora ? " sabi ni mama habang pinupunasan yung sipon niya.

" Hindi po. Pero susubukan kong panoorin. " infairness ah. Masyado silang close.

Tumingin si Nate sa relo niya. Medyo late na din kasi. Tumayo na si Nate.

" Mama, aalis na po ako, babalik na lang po ako ulit.'' sabi ni Nate.

" O sige son-in-law, pumunta ka lang dito kung kailan mo gusto. " hinatid pa ni mama si Nate sa may pinto. Maka son-in-law wagas.

Umupo ako sa tabi ni Mama. Lumabas na si Nate medyo kanina pa. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Nate. Pero parang ang bait niya ngayon. Well, mas maganda yun kaysa naman sa palagi niya akong sinusungitan.

[ Nate's POV ]

Kanina pa ako lumabas. Pero iniisip ko kung ibibigay ko ba kay whitelady yung cake na binili ko para sa kanya. Nagi-guilty naman ako dahil ininggit ko siya kanina tsaka hindi namin siya pinakain.

" Ibibigay mo ba yan mo hindi ? May mga chicks pang naghihintay sa akin. " sabi ni John na nakangiti nang nakakaloko.

" Oo na. " naglakad na ulit ako papasok sa bahay nila.

" Oh, Nate, namiss mo naman yata kaagad yung anak ko. " sabi ng mama ni whitelady.

" May ibibigay lang po ako. " napakamot ako sa ulo ko.

Bigla namang sumulpot si whitelady. Inabot ko yung cake sa kanya. Napangiti naman siya.

[ Krizzia's POV ]

Ang bait naman ni mongoloid ngayon. Binilhan niya pa ako ng cake. Masyado akong natutuwa! Hinatid ko na siya papalabas ng gate. Sumakay na siya sa kotse.

" Salamat sa cake, Nate. " hindi ko inasahan yung sunod kong ginawa. Lumapit ako sa kanya at mabilis na hinalikan yung pisngi niya.

" Bye John. Salamat sa paghatid sa akin. " sabi ko kay John.

Kumaway ako sa kanila at pinaharurot na ni John yung kotse. Nakatayo lang ako doon hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

[ Nate's POV ]

" Pare, you should see the look on your face. " nakangiti ng nakakaloko si John sa akin.

" What ? '' tanong ko sa kanya.

" You're in love with her. " tumingin saglit sa akin si John at ibinalik yung tingin niya sa kalsada.

" Your crazy. " napailing naman ako sa sinabi niya.

" Yes I am. And I think you are too. I want to laugh when you saw her with that guy. What's that called again ? Jealousy ? I'm sure that you want to kill that guy. " ngumiti pa si John.

" I'm not jealous John. " bagot akong tumingin sa kanya.

" Yeah. Isipin mo na lang na nakumbinsi mo ako Nate. '' sabi ni John.

Tumahimik na lang ako. Am I really inlove with her? But that's impossible. Nainis lang naman ako dahil ayaw kong may kasama siyang iba. Tsaka hindi niya masyadong kilala yung lalakeng yun. Pano na lang kung may gawing masama sa kanya yun ?

" You don't want to accept the fact that you are already in the process of falling inlove with her. Sort your feelings out. Baka bago mo maramdaman na mahal mo talaga siya, pag-aari na siya ng iba. Wag kang masyadong mabagal dude. " napatingin ako sa labas ng bintana.

Nakarating na pala kami sa condo ko. Bumaba na ako ng kotse ni John. There is no way I'm gonna fall inlove with her! There is just no way! Pero paano kung totoo nga ? Shit! This is a headache.

--------------------------------------------------------------

A/N: Mag comment kayo. Libre lait na rin xD. Hindi ko pa alam kung kailan yung next update ko. Just wait na lang po :)))

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.8K 48
WARNING! UNEDITED JEJEMON STORY! Published way back 2016. Jhenica Mae Sandoval a.k.a Jemay Ang babaeng may malaking takot sa lahat ng klase...
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
39.4K 1.3K 58
Isa siyang hari na mabait pero may itanatagong kalokohan. Isa siyang hari na kunwaring wala pero palaging nandyan. Isa siyang hari na pagala-gala per...
71.8K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...