Idol Queen

By CalleighDC

13.4K 326 176

A story of finding love at the wrong time. More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Epilogue

Chapter Seventeen

814 20 9
By CalleighDC

CHAPTER SEVENTEEN

NAPABALIKWAS ng bangon si Ricci nang mag-ring ang cellphone niya. Sinilip niya ang orasan sa side table. Alas sais na pala ng umaga. Pupungas-pungas na dinampot niya ang phone at sinagot ang tawag.

"Cci, good news and bad news," bungad ng nasa kabilang linya na agad niyang nabosesan.

"Sheed, pakiuna na ang good news at sawang-sawa na 'ko sa bad news. That's all I've been hearing since the day she left," walang buhay na sagot niya habang ihinihilamos ang kamay sa mukha niya.

"I found her."

Napaigtad siya sa narinig. Natanggal bigla ang antok niya at dumaloy ang dugo sa sobrang saya.

"Where is she?" hindi niya maitago ang pananabik sa tinig.

"Batangas."

"Give me the exact address.  I'm going there now," sabi niya sabay tayo mula sa kama.  Muntik niya pang maihulog sa sahig ang roommate na si Brent dahil sa biglaang kilos niya. Tiningnan lang siya nito saglit at muling bumalik sa pagtulog.

"Pero bro... kasi ano eh..."  Napakunot-noo siya sa pag-aatubili ng kapatid.

"Ano?"

"Bro... she's not alone.  She was seen with Jerome."

Para siyang sinuntok sa dibdib dahil sa narinig. Agad napuno ng takot ang dibdib niya ngunit pilit niyang pinaglabanan iyon.

"Totoo ba 'yan?  How reliable is your source?"  He swallowed hard, hoping it's not true.

"Cci, si Micah mismo ang nakakita sa kanila," tukoy nito sa girlfriend na nagtatrabaho sa isang hotel sa Batangas.

"Was that the bad news?" tanong niya, pilit pinapakalma ang dibdib.

"No, not just that," sagot ni Rasheed.

"Ano pa?!  Puta, bro, ituloy-tuloy mo na para isang bagsakan na lang ang sakit!" frustrated na sabi niya.

"They were spotted at a jewelry store... buying an engagement ring."

Para siyang nabingi bagama't halos pabulong lang ang pagkakasabi ni Rasheed. Nanghihinang muli siyang napaupo sa kama. Punong-puno ng takot at pangamba ang dibdib niya. Is he going to lose her again?

"I-I gotta see her, Sheed. I need to talk to her. I'm--"

"Cci, she left you for the second time... and for the same man," mahinahong sabi ni Rasheed pero bawat kataga ay bumabaon sa puso niya. "Bro, baka this is destiny's way of telling you na hindi talaga siya ang nakalaan para sa 'yo. Maybe destiny has--"

"No! Fuck destiny!" sigaw niya sa kapatid, dahilan para magising sa gulat ang natutulog na si Brent. Umupo ito sa kama at nakasalubong ang mga kilay na tiningnan siya. Alam niyang nabuwisit ito sa ingay niya pero wala siyang pakialam. "I don't care about what destiny says, Sheed," muling baling niya sa kausap. "I need to see Mika so text me that fucking address now!"

Pinindot niya ang end call button at basta na lang hinagis ang cellphone sa unan. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto habang bitbit ang tuwalya niya.

----------
"DUDE, don't tell me na pupuntahan mo si Mika sa Batangas? Baka nakakalimutan mong may game tayo mamayang hapon?" bungad ni Brent nang muli siyang pumasok ng kwarto pagkatapos niyang maligo. Marahil ay narinig nito ang pag-uusap nila ng Kuya Rasheed niya kanina.

Hindi niya ito pinansin at dumiretso lang sa closet niya para kumuha ng damit.

"Ricci," tawag nito.

Bumaling siya dito pagkatapos magsuot ng pantalon.

"Bro, I need you to tell Coach that I might skip today's game. Pipilitin kong makabalik agad but if not..."

"Nababaliw ka na ba, Ricci?! You understand how important this Game Two is, right? Today could be the last game of our collegiate career, bro, and you're telling me that you're going to throw it just like that??"

"Brent, I can't be sentimental right now," saway niya rito.

"You don't need to be sentimental, Cci... just don't be selfish," napipikon na sabi nito. "Alam mo kung ano'ng klaseng hirap ang tiniis nating lahat para lang makarating sa Finals. It's not just about you, man, it's about the team. The kids worked hard, and they still are, para lang makuha itong championship na 'to. We're almost there, isang game na lang. Tapos ikaw na naturingang Team Captain eh handang itapon ang lahat ng pinaghirapan natin para sa isang babae lang??? And to think na 'yang babaeng 'yan eh binasura ka naman for the second time pagkatapos sumama sa ibang lalake!"

"Tangina, Brent! Wala kang karapatang magsalita tungkol kay Mika nang ganyan," galit na sagot niya. "You don't know her that well. And even if you do, I will never allow you to speak to her like that!" sigaw niya rito.

Nakakuyom ang dalawang kamay niya at nagpipigil lang na masuntok ito. Sa tagal ng pagkakaibigan nila ay ngayon lang siya nagalit sa sinabi nito.

Naiintindihan niya na nag-aalala lang ito para sa team pero hindi siya papayag na bastusin nito si Mika.

"Bro, I'm sorry, okay? Worried lang ako para sa 'yo at para sa team," biglang bawi nito nang tila makapag-isip.

Bahagya naman siyang kumalma. Tahimik siyang kumuha ng t-shirt sa closet at hinagilap ang cellphone niya at susi ng kotse. Nasa may pinto na siya nang muli siyang pigilan ni Brent.

"Cci, kailangan ka ng team. Don't do this to us, man!"

Saglit siyang natigilan at nilingon ito.  He gave him an apologetic look.  "Pasensya na, bro pero kailangan kong gawin 'to. Kaya niyo naman kahit wala ako eh.  The team can live without me but I can't live without her," he said.  "I'm not asking you na suportahan ang desisyon ko, Brent, pero bilang kaibigan just let me do this," pakiusap niya.

Napailing na lang ito bago ngumiti nang marahan.  "Fine.  I'll cover your ass later. Basta ipangako mo lang na hindi ka uuwing luhaan mamaya ha?"

"Gago, kailan ba 'ko umiyak dahil sa babae?" he asked with a smug smile on his face.  Inaasar niya lang ang kaibigan pero ang totoo ay gusto niya nang umiyak dahil sa dinadalang problema. Kahit mabigat ang dibdib niya ay nagpapasalamat siya na may totoong kaibigan siyang tulad ni Brent na palaging handa siyang unawain at suportahan. Brent may not agree with his decisions all the time but he supports him nonetheless.

"Eh 'di wow, ikaw na ang heartthrob," Brent smirked as he looked at him. "Sige na, bro. Sibat na para makabalik ka agad. Good luck, lover boy!" sabi nito bago siya pabirong sinaluduhan.

Isang thankful na ngiti ang iginanti niya rito bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

----------
TINATAMAD na dahan-dahang bumangon si Mika. Gusto niya pa sanang manatili sa kwarto ngunit marami siyang kailangang gawin ngayong araw. Kung hindi lang siya nakapangako kay Jerome ay nuncang mapahiwalay siya sa higaan. All she wants to do for the past days is sleep.

Kinuha niya ang cellphone para i-check kung nagconfirm na ang flower shop na kinausap niya. Natigilan siya nang makita ang sunod-sunod na text messages at missed calls ni Ricci. Naramdaman niya ang pagkislot ng dibdib. Ngali-ngaling pindutin niya ang call button para tawagan ito. Mabuti na lang at sa huling sandali ay napigilan niya ang sarili.

Magmomove on na nga, 'di ba, Mika? Eh ano 'yang inaarte-arte mo diyan? sermon ng isip niya.

Napabuntong-hininga na lang siya. She misses him. Kahit ilang beses niya pang itanggi iyon, iyon pa rin ang totoo. She misses his smile, his voice, his laugh... Pero hindi siya pwedeng magpatalo sa kalungkutang nararamdaman. Kailangan niyang maging matatag. Kailangan niyang pigilan ang sarili.  Nakapagdesisyon na siya para sa sarili at paninindigan niya iyon kahit gaano pa kahirap.

Pinilit niyang magfocus sa mga dapat gawin ngayong araw.  Hinanap niya ang text message ng kausap na flower shop.  Nang makita ang confirmation nito ay nakahinga siya ng maluwag.  Last minute kasi ang ginawa niyang pag-order kaya't kinakabahan siya na baka hindi maaccommodate ang request niya.  Mabuti na lang at sikat si Jerome kaya napapayag ang owner kapalit ng promotion sa mga shows nito.

Muli sana siyang babalik sa kama nang makarinig ng katok sa pinto.  Isang tensiyonadong Jerome ang nakita niyang nakatayo roon.

"Para kang bibitayin," nang-aasar na komento niya rito.

Sumimangot ito bago dumiretso sa kama niya at naupo.

"Ano, atras na ba, besh?  Sabihin mo na habang maaga pa para matawagan ko 'yung flower shop at ipacancel 'yung pinarush natin," sabi niya nang hindi ito sumagot.

"Ano'ng gagawin mo 'pag sinabi kong gusto kong umatras?" tila nananantiyang tanong nito sa kaniya.

Poker-faced na tiningnan niya ito.  "Wala.  Ano naman gagawin ko?  Iiyak dahil sinayang mo ang oras ko?  Eh 'di siyempre babalik sa Manila." Inirapan niya ito.  "Pero sasampalin muna kita bago ako bumalik ng Manila.  Pucha, nananahimik ako sa condo ko tapos yayayain mo 'ko dito," dagdag niya na ikinatawa ni Jerome.  Bahagyang nawala ang tensyon sa mukha nito.

"Ikaw talaga, napakabayolente mong bun--"

"Huyyy!  Ang bibig mo!" pigil niya rito sabay mabilis na isinara ang pinto.  Mahirap na at baka may makarinig rito.  "'Wag na 'wag kang madudulas sa mga tao!  Wala pa akong ibang pinagsasabihan, Jerome.  Even my parents don't know yet.  Ikaw pa lang ang nakakaalam dahil nakita mo ako accidentally."  Pinuntahan siya nito noong isang araw sa condo niya para pag-usapan ang proposal nito.  Unfortunately ay bigla siyang nakaramdam ng morning sickness habang kausap ito kaya't napilitan siyang ipagtapat kay Jerome ang kalagayan niya.

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin?  It's not as if minor ka pa at umaasa sa magulang financially.  Nasa marrying age ka na, for goodness sake!"

"Marrying age?  Hmp! Hindi na 'ko magpapakasal," she snorted.  She couldn't help but feel bitter.  Inalis niya na sa isip ang salitang 'kasal'.  She only dreamed of marrying one man but at this point impossible na 'yun dahil may iba itong mahal.

"O, bakit?  Kapag ba niyaya ka ng kasal ng tatay niyan eh tatanggi ka?" tanong nito habang nakanguso sa tiyan niya.

"Ayokong pag-aksayahan ng panahon na isipin ang mga impossibleng bagay," paiwas na sagot niya.  "Baba ka na nga muna at maliligo ako.  Meet me at the restaurant and let's have a run-through of our action items for today."  Iyon lang at itinulak niya na ito palabas ng kwarto niya.

Marami siyang dapat gawin ngayon at nagpapasalamat siya kay Jerome.  He gave her a much needed distraction.  Napipigilan ng pagiging busy niya ang kagustuhan niyang mag-emote kaya instead na umiyak at magmukmok ay inaabala niya ang sarili sa pag-aasikaso sa gagawing proposal ni Jerome mamaya.

Naglalakad siya papunta sa bathroom nang mapatapat siya sa vanity mirror at nafocus ang tingin sa hindi pa kalakihang tiyan.

Kapit lang, baby, ha?  It's gonna be a busy day today pero para sa future mo naman 'to kaya tiis lang muna, kausap niya habang hinahaplos ang tiyan.

She forced a smile at her reflection before going inside the bathroom.

----------
"'YUN na 'yon??" tanong ni Mika kay Jerome.  Nasa restaurant sila ng hotel at magkatapat na nakaupo.  Kakatapos lang nitong basahin ang script nito para sa gagawing proposal later.

"Oo, ayos ba?" tanong nito.

"Do you want an honest answer or a nice one because you're paying me for this job?"

Inirapan siya nito bago sumagot.  "Honest answer siyempre."

"Okay, you want honesty so here we go..." she paused for the effect habang pinagkikiskis ang dalawang palad. Pinipigilan niya ang mapangiti sa discomfort ng kaharap.  Hindi na siguro mawawala sa sistema niya ang pagiging bully and she relishes this moment she gets to bully a big star like Jerome.  "Ang boring, ang cheesy at nakakaantok!  If I'm Mirabel, hindi ko lang irereject ang proposal mo, ibebreak pa kita.  Artista ka ba talaga?  Bakit napakawalang-buhay mo magdeliver ng lines?"

"Ay grabe siya!  Dinaig pa si Direk kung makaokray sa 'kin ah," reklamo nito.  "Pa'no ba kasing proposal ang gusto niyong mga babae?"

Luminga-linga muna siya.  Nasa open-air ang pwesto nila fronting the pool area at halos walang tao dahil too late for breakfast and too early for lunch na.

"Teka muna, dala mo ba 'yung ring?" tanong niya.

"Yes.  Here," sagot ni Jerome sabay lapag sa mesa ng binili nilang ring kahapon.

"Good. Ganito... lumuhod ka sa harap ko and try to put the ring on my finger habang sinasabi mo 'yung lines mo.  With feelings, pwede? Kunwari ako si Mirabel. Dali na, bago pa magbago ang isip ko."

Kakamot-kamot sa ulong umalis ng upuan nito si Jerome at pumuwesto sa tapat niya bago dahan-dahang lumuhod. Ginagap nito ang kaliwang kamay niya at tinitigan siya sa mga mata.

"Babe, I know that it's only been a while since we got back together. Pero hindi naman dependent sa haba or igsi ng pagsasama ang success ng isang relationship. All I know is that ever since I met you, I already knew you were the one I want to spend the rest of my life with. Will you give me the honor of being the happiest man in the world? Will you marry me?" seryosong tanong nito habang inilalabas mula sa kahita ang diamond-studded engagement ring.

In fairness naman kay Jerome, madali itong turuan. Ayun nga't hindi niya naiwasang kiligin dito. Sigurado siyang magiging successful ang gagawin nitong marriage proposal mamaya para sa non-showbiz girlfriend nito. Todo effort talaga ang kaibigan dahil lahat ng isuggest niya gaano man kamahal o kahirap ay inaapprove nito. She could only wish na may lalake ring mag-eeffort ng todo para sa kaniya.

"Ano, Mika? Pangit pa rin ba?" untag sa kaniya ni Jerome.

Sasagot na sana siya at sasabihing pasado ito sa rehearsal nila nang bigla na lang may sumugod kay Jerome at undayan ito ng suntok. sa mukha. Napatili siya sa sobrang gulat.

"That's for stealing my almost-girlfriend for the second time, asshole!"

She knew that voice!  Nanlalaki ang mga matang nilingon niya ang nagsalita at hindi nga siya nagkamali.

"Ricci??? What are you doing here?" gulat na tanong niya. 'Shocked' is even an understatement.  Hindi niya ineexpect na makikita si Ricci dito.  Ni hindi niya nga inaasahan na hahanapin siya nito.  Bakit pa eh nagkabalikan na nga sila ni Michelle?

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. What are you doing here with him? Bakit mo 'ko iniwan... na naman?" Hindi niya alam kung tama ang basa niya sa mga mata nito but she saw pain, fear and hurt in his eyes.

Naguluhan siya sa mga nabasa rito. Bakit ganoon ang nasa mga mata nito? He's supposed to be in love with another woman. Ano naman dito kung umalis siya eh wala naman silang relasyon?

"Cci, hindi kita maintindihan--"

"Hindi mo 'ko maintindihan dahil ayaw mo 'kong kausapin! Basta ka na lang umalis tapos ilang araw mo 'kong pinagtaguan," galit na sabi nito. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa kaliwang braso. "Let's go back to Manila and talk."

"No, I can't," sagot niya habang pumipiglas sa pagkakahawak nito. Hindi niya pwedeng iwan si Jerome na mag-isa para gawin ang proposal nito. She agreed to do the job and she will not walk away from it until it's done.

Speaking of Jerome, he looked dazed while holding his jaw. Nakasalampak ito sa bermuda grass habang pinanonood ang komprontasyon nila ni Ricci. Nagtaas ito ng thumb nang magkatinginan sila, as if saying na okay lang ito at 'wag siyang intindihin.

"What do you mean you can't?" salubong ang mga kilay na tanong ni Ricci. Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya kaya't mabilis niyang hinila iyon, dahilan naman para mahulog ang engagement ring na isinuot sa kaniya ni Jerome nu'ng nagrerehearse ito.

"Shit!" usal niya sabay yuko sa damuhan upang hanapin ang singsing. Ilang daang libo ang halaga nu'n.  Patay siya kay Jerome kapag nawala iyon.

Ilang saglit lang at nakita niya iyon sa paanan ni Ricci. Dadamputin na sana niya iyon ngunit naunahan siya nito.

"So totoo nga? E-Engaged ka na?" hindi makapaniwalang tanong nito. He had that panic expression in his eyes. Palipat-lipat ang tingin nito mula sa singsing na hawak nito at sa mukha niya.

"Ricci..."

"'Wag mo nang sagutin.  Hindi ko pala kayang marinig mula sa 'yo," he smiled bitterly as he took her hand and placed the ring in her palm.  "Actually alam ko naman na ang sagot eh.  Sinabi na ni Rasheed.  Pinipigilan niya na nga akong pumunta rito kasi alam niyang masasaktan lang ako.  Pero kilala mo 'ko... makulit talaga 'ko.  Kaya 'ayun nagpilit akong pumunta ngayon kahit may game kami mamaya.  Yeah, I ditched my last collegiate game just to be here.  Nag-away nga kami ni Brent kasi pinipigilan niya ako.  Kailangan daw ako ng team.  Sabi ko, the team can live without me pero ako, hindi ako mabubuhay nang w-wala ka," his voice cracked at the last two words.  Nakita niyang pinangiliran ng luha ang mga mata nito.

It felt like a gentle hand touched her soul.  Naluluha na rin siya dahil sa mga sinasabi nito pero pinigilan niya ang sarili.  Ramdam niyang marami pa itong gustong sabihin sa kaniya at umaasa siyang marinig mula rito ang matagal niya nang gustong marinig.

"Mahal kita, Mika.  Mahal na mahal."  Napapikit siya nang sa wakas ay marinig nga iyon.  Hindi niya na napigilan ang pagtulo ng mga luha.  It suddenly felt like the world is a perfect place to live in and destiny finally stopped playing with her life.

Pero may isang bagay siyang naalala kaya napigilan ang kilig niya.

"Talaga ba?  Eh pa'no si Michelle?" tanong niya rito na hindi naitago ang inis.

"Michelle?" confused na tanong nito.

"Oo, si Michelle... 'yung girlfriend mong maganda. Sabi mo pa nga sa kaniya, 'you know I love you, right?'" asar na sabi niya habang ginagaya ang pagkakasabi nito noon.

Tumaas ang isang sulok ng bibig nito kasabay ng pag-iling. "You mean Michelle, my EX girlfriend?"

"Ex?" ulit niya.

"Yeah, ex. We formally broke up a few days ago though we've been apart for months. I loved her and I still do because she's a very good friend. And that's what she will always be to me... a dear friend. She's very much committed now with Josh and she knows that I'm planning to court you."

Napasinghap siya nang marinig na balak siyang ligawan nito. Unfortunately, he mistook her gasp as something negative.

"'Wag kang mag-alala, hindi ko na itutuloy ang plano ko," sabi nito, apologetic pa ang boses sa labis na inis niya. "Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa 'yo, Idol Queen.  As much as I love you, tama nga si Rasheed... hindi ako ang destiny mo. Masakit lang sa ngayon pero I know later on matatanggap ko rin na si Jerome talaga. Sorry kung nasapak ko ang fiance mo. Hindi ko lang napigilan ang selos. Lagyan mo na lang ng ice, gagaling din 'yan. Sige, Mika, alis na 'ko," sabi nito sabay talikod sa kaniya.

Naiwan siyang nakanganga dahil sa mga sinabi nito.

Mahal siya nito... mahal na mahal. Paulit-ulit lang na tumatakbo iyon sa isip niya. Para siyang nasa cloud nine dahil sa mga narinig.

Hala, sige, Mika, matulala ka diyan. 'Ayun na ang forever mo, naglalakad na paalis, paalala ng isip niya.

Sukat sa naisip ay napatingin siya sa pigura nitong unti-unti nang lumiliit sa paningin niya. Bigla siyang nagpanic.

"Ricci!" tawag niya. Napatigil ito sa paglalakad ngunit hindi lumingon sa kaniya.

"Ricci!" ulit niya na medyo malakas kaya't napaharap ito. Natawag na rin ang atensiyon ng mangilan-ngilang kumakain. Naroon na kasi ito malapit sa pinto ng restaurant.

"Mika, I have to get away from you really fast dahil 'yung isip ko eh nagpaplano na na kidnapin ka at ilayo kay Jerome. So bago pa 'ko makagawa ng bagay na hindi mo magugustuhan eh sabihin mo na ang gusto mong sabihin," warning nito sa kaniya. Pinanatili nito ang distansya nila at tila takot na lumapit sa kaniya.

How can you not fall for this gorgeous, funny and amazing man? Ito lang ang taong kilala niya na nagpapaalam bago gumawa ng masama, kung masama nga bang maituturing ang balak nito sa kaniya.

Hindi niya napigilang mapangiti kasabay ng malakas na kabog ng dibdib. Tinakbo niya ang pagitan nila at walang salitang naglambitin sa leeg nito. Muntik pa itong mabuwal sa sobrang gulat ngunit mabilis naman nitong naipulupot ang mga braso sa baywang niya para hawakan siyang mabuti. She wrapped her legs on his waist and stared into his eyes.

Nagtatanong ang mga mata nito na nakatitig rin sa kaniya habang karga siya nito.

"Just making sure na matutuloy ang plano ng isip mo," she grinned happily.

"What??" Nabura ang ngiti sa mukha niya nang hindi nito ma-gets ang sinabi niya kaya't binatukan niya ito.

"Ang slow nito, kainis!" reklamo niya. Inalis niya ang mga kamay sa leeg nito at nilipat sa mukha. She cupped his face and tenderly looked into his eyes. She saw a glimmer of hope shining in his eyes as he stared back at her. He wet his lips in an attempt to speak and she thought that it was the sexiest thing ever.

Hindi niya na napigilan ang sarili. She closed the distance and claimed his lips for a passionate kiss. A surprised gasp was trapped in his mouth and slowly became moans of pleasure as he kissed her back with the same intensity.

Wala pang isang linggo mula nang magkahiwalay sila ngunit daig pa nila ang sampung taon na hindi nagkita sa level ng pagkamiss nila sa isa't isa. She would have continued kissing him kung hindi lang ito ang kusang tumapos ng halikan nila.

"Hindi tama 'to," agad na sabi nito. Napilitan siyang bumitaw rito at lumayo ng bahagya. "You're engaged and--"

"Sino'ng may sabi na engaged ako?" putol niya.

"Ikaw, 'di ba?" kunot-noong tanong nito, tila gulong-gulo sa mga pangyayari.

"Huh? Kailan ko sinabi? Eh hindi mo nga ako pinagsalita kanina. Tulad rin ng maraming beses na pinigilan mo 'kong ipagtapat sa 'yo ang nararamdaman ko."

Nagtatanong ang tingin nito sa kaniya.

"Oo, mahal kita, Cci. Matagal na. Noon pa lang isa kang makulit na rookie na palaging nagpapapansin sa 'kin eh minahal na kita. Kahit ayoko dahil takot ako sa sasabihin ng mga tao. I've been bashed all throughout my college life kaya apprehensive ako to go out with you. I don't want to give them a reason to bash me further by dating a younger guy. But I fell for you, much harder than I thought. Unfortunately, the school came between us. I had to leave you, not because of Jerome or any other guy, but because I love you. I love you so much that all I was thinking of was what's going to make your career better. You thought I broke your heart, Cci. Hindi mo lang alam na I broke mine, too. You have no idea how much it hurts me seeing you happy with Mich. Every time you smile at her, every time you kiss her... I always wish it was me. Nu'ng magkatampuhan kayo, I really did pray na maghiwalay na kayo ng tuluyan. I offered to help you get her back but at the back of my mind I was hoping that our proximity will make you realize na ako pa rin ang nasa puso mo. I waited for you to tell me you love me. Akala ko, sasabihin mo na 'yun when something happened between us. Kaso ilang beses na may nangyari pero wala pa rin," she made a face at him as she paused and took a short breath. Nanatili lang itong nakatulala sa mga sinasabi niya. His jaw dropped with her every revelation.

"Narinig ko 'yung usapan niyo ni Mich," amin niya rito.

"Oh, so that's why you left?" tanong nito na sinagot niya ng tango. He's finally starting to realize what happened. "And then you got engaged with Jerome?"

"Hindi nga ako engaged! Ang kulit nito!"

"Eh ano 'yung suot mong engagement ring?"

"Nahulog nga sa kamay ko, 'di ba? Kasi maluwag, ibig sabihin hindi kasya sa 'kin kasi hindi naman para sa 'kin," she rolled her eyes impatiently.

"Eh bakit ka nandito sa Batangas kasama niya?" muling tanong nito. Tila ang daming bagay na gustong linawin sa kaniya.

"Jerome hired me to organize his marriage proposal. Mabilisan lang dahil he wanted to keep it as private as possible.  He doesn't want a media frenzy over his marriage proposal," paliwanag niya.  Unti-unting nagliwanag ang mukha nito, his lips breaking into a wide grin. "So ano, may tanong ka pa? I-kiss mo na 'ko ulit kung wala na. Bilisan mo at dumarami na ang mga taong nakatingin. Baka magviral na 'tong eksena natin at--"

Hindi niya na naituloy ang sinasabi dahil hinila na siya nito para sa isang makapugtong hiningang halik. He kissed her like there's no tomorrow and she responded with all the passion she could muster.

Marami siyang dapat gawin ngayong araw. At kung kanina ay nagpapasalamat siya kay Jerome dahil sa distraction na hatid ng ipinagagawa nito, higit siyang nagpapasalamat sa pagdating ni Ricci... hindi lang sa pagdating nito roon ngayon kundi sa pagdating nito sa buhay niya.

He was everything she never wanted but turned out to be everything she ever needed in her life.

----------
AN:  Happy New Year!  Thanks to everyone who read, voted and commented.  Labyu mwah mwah tsup tsup! 😘😊

Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
162K 3.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.