BY THE WAY, HIS NAME IS JACK...

By mimhytot

15.7M 473K 126K

Odd name it is and one thing is for sure: Next to his name is nuisance. This story is now available in leadin... More

By the Way, His Name is Jack Frost
[1] Summer
[2] First Day of Class, Day of My First..
[3] The Gangster
[4] Unending Fights
[5] Storm
[6] Tan Siu International Academy
[7] Jasmine
[8] By the Way
[9] His Name
[10] Eggs
[11] Egg Party
[12] Don't Let Him Know
[14] The Popular Jasmine
[15] A Good Friend
[16] Bad News
[17] The Jack Frost Equation
[18] True Color of a Flower
[19] Avellino High
[20] Thunder
[21] In The Midst Of a Rainy Night
[22] This Must Be Something
[23] Jasmine The Second
[24] Okay
[25] Words That Were Not Left Unsaid
[26] Promise
[27] First Times
[28] Type AB
[29] Snow White
[30] Three Years Ago
[31] Betrayal
[32] The Risk
[33] The Tresspassers
[34] Judgment Day
[35] Hear His Heart
[36] Friendship
[37] The Rejection
[38] The Transformation of Jack Frost
[39] Break You A Little
[40] Wanted: Jack Frost
[41] Tangled
[42] Two Broken Hearts
[43] Suicide Mission
[44] The Superior
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 1)
[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 2)
[46] Stupid Bravery
[47] All About Revenge
[48] Change of Heart?
[49] Like a Knife
FINALE
EPILOGUE
BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST BOOK

[13] The Lost Gangster

316K 9.7K 2K
By mimhytot

Nagtally ako kung sinu-sino ang gustong umalis si Summer at eto ang result:

Yes - 3

No - 9

Pero masusunod kaya ang nasa tally? Read to find out! :) Enjoy! :*

***

I felt like I was dreaming while I was staring back at him. I couldn't manage to react. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan niya habang siya naman ay nakaupo at nakataas ang mga paa sa lamesa. Hawak-hawak niya ang isang envelope na may nakasulat na pangalan ko.

"So... what can I do for you?" tanong niya.

Hindi ko magawang isara ang bibig ko na napanganga nang makita ko siya. What is he doing here in the faculty room? At heto pa siya't nakaupo sa pwesto ng adviser ko. Seryoso ba 'to? Nasaan ang adviser ko?

"Your birthday is on December. I wonder why your name is Summer."

Humugot ako ng malalim na buntong hininga. "Gangsters are not supposed to be here." saad ko.

"Then tell me, where should I be? Because to tell you honestly, I think I'm lost. I'm f*ckin' lost," sagot niya.

Napakunot ang noo ko. "Ano bang problema mo?"

Napatingin na sa amin ang mga tao sa faculty pero nakakapagtaka dahil parang wala man lang silang balak umawat o magsalita man lang. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinablot niya ang braso ko at kinaladkad palabas.

"A-Ano ba?!" sigaw ko.

Huminto siya at hinarap ako sa kanya. "You dare to run away?" inis na tanong niya. Halatang naiinsulto siya dahil hindi niya ako mapasunod.

"Ano bang problema mo? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang lumipat ako ng school dahil sukang-suka ka na sa pagmumukha ko?"

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Since when did you learn to comply with what I tell you, Summer? You're stubborn. You never obey me!"

Pilit akong natawa. "Bakit? Sino ka ba para sundin ko, ha?" inis na tanong ko sa kanya.

"Then do what you used to do! Don't obey me! Don't transfer! Don't run away! Don't leave me here!"

Natulala ako sa mukha niya.

Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak niya sa braso ko. "I'm lost," saad niya habang nakatitig sa mga mata ko. "And stay while I'm still tryin' to figure out where I'm supposed to go."

"Well, sorry pero hindi ko na kaya pang sikmurain ang paaralang ito." sagot ko.

Binitiwan niya ako at may kinuha siyang papel sa bulsa niya at iniabot sa akin.

"You might wanna change your mind," saad niya habang iniaabot sa akin ang papel. Kinakabahan ko iyong kinuha at binasa kung ano ang nakasulat doon.

"I paid one hundred thousand pesos because of your stupidity for bringing me to the hospital two weeks ago. If you're going to leave, I will ask my lawyer to sue you and your family for all my hospital expenses. I bet you don't want that to happen, do you?"

Napanganga ako sa aking narinig. "Wow. You're really great at scaring people." pagpuri ko. And what the hell? Bakit napakalaki ng hospital bill niya?! Sa pagkakaalam ko, nahiga lang siya sa hospital na 'yon!

"If you still don't know who I am and what I'm capable of, let me tell you this. I always get what I want. So deal with that, Summer."

Yes, he's still the arrogant Jack Frost. Akala ko'y nawawala na siya kanina at ibang tao na ang kaharap ko but I was wrong. Damn!

"Fine." Pagsuko ko.

Nagpakawala siya ng nakakalokong ngiti. Nakuha na naman niya ang gusto niya. Nanalo na naman siya.

"You're going to be late for your second class." saad pa niya.

Inirapan ko siya at aalis na sana pero natigilan ako nang hablutin niya ulit ang braso ko.

"And can you f*ckin' call me? I've been waiting for your call the whole night." saad niya at saka naunang umalis habang naiwan akong nakanganga dahil sa sinabi niya. What?!

Pagdating ko sa classroom namin ay dumiretso kaagad ako sa upuan ko. Nakakapagtakang nakarating ako sa pwesto ko nang walang pumapatid sa akin o walang nangyayari sa aking kakaiba. Pagkaupo ko, nakita ko si Storm na kakapasok lang din sa classroom namin. Hinihingal siyang lumapit sa akin at naupo kaagad siya sa tabi ko.

"Totoo bang ikaw 'yan?" tanong niya.

Inirapan ko siya. "Obviously."

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "Akala ko'y aalis ka na talaga. Thank you." saad niya.

"Teka, Storm," pigil ko at dahan-dahan siyang inilayo sa akin. "Sinabi mo ba sa gangster na iyon na lilipat na ako?"

Kumunot ang noo niya. "What do you mean? Of course not."

"Pero paano niya nalaman ang tungkol doon?" nagtatakang tanong ko.

"W-What? Are you saying na... pinigilan ka niya?"

"Tinakot." mabilis na sagot ko.

Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang teacher namin. Mag-uumpisa na sana itong magturo nang bigla na lang bumukas ang pinto. Gulat akong napatingin sa taong nakatayo sa pintuan. What is this cursing machine doing here?!

"Teka? Papasok na talaga siya?" tanong ni Storm.

Huwag mong sabihing classmate ko rin ang cursing machine na 'to?! That can't be! This isn't happening! No!

Nagtama ang paningin namin ni cursing machine. Nang maglakad siya papasok ng classroom ay tiningnan ko siya nang masama. At talagang wala siyang respeto dahil hindi man lang niya binati ang teacher namin na nasa harapan. This censored thing! Ugh!

Halos mabaluktot na ang leeg ng mga kaklase ko habang sinusundan siya ng tingin papunta sa likuran. Naupo siya sa may tabi ng bintana kung saan sinabi noon ng teacher ko na may nakaupo na roon. Siya pala ang nakaupo doon. Gosh! This is definitely not a good day!

Tila isang malaking bagay ang pagpasok ng gangster na iyon sa lahat dahil naging usap-usapan iyon sa buong campus. Nakakapagtaka lang dahil wala nang nambubully sa akin ngayon. Akala ko ay masisira na ang araw ko nang makita ko si cursing machine sa classroom namin kanina, pero hindi. Napakapayapa ng araw na ito dahil walang pumapansin sa akin.

Matatapos na ang buong araw ko sa school at isang subject na lang ang kailangan kong pasukan. The gangster was sleeping the whole day. Hindi siya nagpaparticipate sa class at hindi siya nakikinig sa teacher namin. Ako pa ang naiinis. Bakit pumasok pa siya kung matutulog lang naman pala siya?

Dumiretso ako sa locker room upang magbihis ng uniform para sa huling subject namin, ang P.E class. Naalala ko tuloy ang alibi ng gangster na iyon sa mga magulang ko. Ugh! Bakit ba panay siya ang nasa isip ko?! It's annoying!

Nang makapagbihis na ako ay dumiretso kaagad ako sa covered court pero natigilan ako sa may entrance pa lang nang maalala ko ang mga nangyari sa akin nitong nakaraan. Unti-unting nadudurog ang puso ko. I can't do this. Not yet. Hindi ko pa kayang balikan ang lugar na ito.

Saktong pagtalikod ko ay siya namang pagharap ko sa hindi ko inaasahang tao na nakatayo pala sa likuran ko. Binigyan niya ako ng seryosong tingin at nagulat ako nang bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at hinigit ako papasok.

"T-Teka." pigil ko sa kanya kahit na alam kong hindi siya titigil.

Pagpasok namin sa loob ay wala ni isang estudyanteng nagtangkang tumingin sa aming dalawa. It seems like we're invisible to them. Napatingin ako sa kanya nang bitiwan niya ako at umalis na siya sa tabi ko. Tila hinila lang niya ako papasok upang ipakita sa akin na wala nang taong mananakit sa akin. But I still don't understand him and his intentions.

Lumapit ako sa teacher naming nag-eexplain na sa klase kung anong gagawin namin ngayon. Inihiwalay ulit niya ang mga lalaki sa mga babae dahil basketball ang activity namin ngayon.

Pakiramdam ko ay kanina pa may nagmamasid sa akin kaya inilibot ko ang tingin ko sa paligid upang makita kung sino iyon. Hindi ko inaasahan na makakasalubong ng tingin ko ang malamig na titig ni cursing machine. Tila binabantayan niya ako at pinapanuod mula sa kabilang court dahil doon ang pwesto ng boys while ang girls naman ay sa kabilang parte ng court.

Nakaupo lang ako sa bench at nanunuod sa mga kaklase kong naglalaro. Nagulat na lang ako nang biglang maisipan ni sir na ipasok din ako sa laro. Wala akong kaalam-alam sa basketball pero susubukan ko pa rin magparticipate. Akala ko'y mahihirapan ako sa paglalaro pero tila nagmumukha lang akong tanga dahil tila hindi ako nakikita ng mga teammates ko. Parang wala ako sa laro kung ituring nila.

Sinubukan kong iparamdam sa kanila na nag-eexsist din ako sa laro namin. May isa sa classmates ko ang masamang tumingin sa akin at saka makahulugang tumingin sa isa pa naming kaklase. Nagtanguan naman sila. Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Or maybe I'm just being paranoid?

Dahil gusto ko ring magkaroon ng grade sa P.E. class namin kahit papaano ay sinubukan kong harangin ang isa sa may mga hawak ng bola but I was shocked nang itulak niya ako dahilan upang matumba ako. Malakas ang pagkakatulak niya sa akin at masakit ang naging pagbagsak ko sa sahig. I don't know if it was just an accident pero sa tingin ko ay sinadya niya iyon. Binigyan pa niya ako ng nakakalokong ngiti at ni hindi niya ako tinulungang tumayo.

Nagsimula ulit ang laro at nasa team namin ang bola. Dahil nadala na ako sa nangyari sa akin ay minabuti ko na lang na huwag masyadong magparticipate sa laro. Akala ko'y hindi na ako masasaktan pa pero nagulat ako nang biglang ipinasa sa akin ang bola. Sa sobrang lakas ng pagkakapasa noon ay natumba ako.

Mabilis akong tumayo at huli na nang makita kong may lumilipad nanamang bola papalapit sa akin. Hindi ko na nagawang magreact pa. Inihanda ko na lang ang sarili ko para sa bolang nagbabadyang tumama sakin pero mabuti na lang at may isa pang bola ang tumama sa bola na patama na sana sa akin dahilan para maiba ang direksyon nito.

Natahimik ang lahat at gulat na napatingin sa may kabilang bahagi ng court. Sinundan ko ang tingin nila at agad kong nakita ang galit at nakakatakot na itsura ni cursing machine. Lumapit siya sa amin at huminto sa harapan ko upang pulutin ang bola na sumanggi sa bolang tatama sana sa akin kanina. Teka, huwag mong sabihing siya ang nagbato noon upang hindi ako tamaan ng bola?

Pagkapulot niya ng bola ay dahan-dahan siyang lumapit sa isa sa mga babaeng kaklase namin at nagulat ako nang hablutin niya ito sa may kwelyo.

"I think you didn't hear me right when I said that whoever touches her will die." saad niya sa babae.

Wait, what?

"H-Hindi ko naman iyon sinasadya." sagot ng babae.

"You think I'm stupid? And you really had the guts to lie in my face?" tila inis na tanong niya.

Mabilis akong lumapit sa kanila. "Ano bang ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?" pigil ko sa kanya. "Bitiwan mo siya. Nawawala ka na ba sa sarili mo ha?! Babae pa rin siya!" sigaw ko. 

Gigil niyang ibinaling ang tingin sa akin pero nanatili pa rin siyang nakahawak sa kwelyo nung babae. "Oo, nawawala na ako sa sarili ko. Sinabi ko na sa'yo, 'di ba? I said I'm f*ckin' lost!" sigaw niya.

Napalunok ako at hinablot ang kamay niyang nakahawak sa kwelyo ng babae. "Bitiwan mo siya." matigas na utos ko.

Masama niya muna akong tiningnan bago dahan-dahang binitiwan ang kwelyo ng babae. Akala ko'y aalis na siya at babalik sa kabilang court pero nagulat ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. Madiin at masakit ang pagkakahawak niya habang masama ang tingin na ipinupukol niya sa akin.

"Just because you're strong enough to handle any kind of pain doesn't mean you deserve it. You deserve a life better than this, Summer." saad niya at saka ako binitiwan at iniwan.

Naiwan akong tulala habang papalabas siya ng covered court. Napahawak ako ulo ko at napapikit. Gosh! Bakit ba paulit-ulit niyang naipapamukha sa akin na tanga ako?

Continue Reading

You'll Also Like

144K 7.9K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.5M 3.7K 3
I'm Patricia Angelica Briones, and this is my story WHEN I WAS THIRTEEN
1.8M 23.4K 50
Abangan ang magiging papel ng isang "sketch" sa buhay nina Xylan at Denise...
353K 16.2K 68
"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na an...