Cali's Queen (Completed) EDIT...

By Veldet_Ayesha

1.7M 41.5K 3.5K

WARNING R:18 In a famous Belief, every person in this world has their own lifetime partners or the so-called... More

Cali, The Human Peste
CQ-2
CQ 3
CQ-4
CQ-5
CQ-6
CQ-7
CQ-8
CQ-10
CQ-11
CQ-12
CQ-13
CQ-14
CQ-15
CQ-16
CQ-17
CQ-18
CQ-19
CQ-20
CQ-21
CQ-22
CQ-23
CQ-24
CQ- 25
CQ-26
CQ-27
CQ- 28
CQ-29
CQ-30
CQ-31
CQ-32
CQ-33
CQ-34
CQ-35
CQ-36
CQ-37
CQ-38
CQ-39
CQ-40
CQ-41
CQ-42
CQ-43
CQ-44
CQ-45
CQ-46
CQ-47
CQ-48
CQ-49
CQ-50
CQ-51
CQ-52
CQ-53
CQ-54
CQ-55
CQ-56
CQ-57
CQ-58
CQ-59
CQ-60
CQ-61
Final Chapter
EPILOGUE

CQ-9

26.6K 765 23
By Veldet_Ayesha

HIS QUEEN NINE



"Why did you stop? Sinabi ko bang tumigil na kayo sa pagtakbo?" Hinabol ng dalawa ang hininga nila bago nagsalita.

"Pres. Hindi na namin kaya."

Kanina ng magpatawag ako ng Assembly, hinanap ko ang bukod tanging bobo na hindi naman P.E at naka pencil skirt, pero naka rubber shoes. At hindi siya iisa, dalawa silang tanga. Mantakin mo, they pour that dirty liquid on my head. Dahil lang sa iisang dahilan.

Crush nila si Hidalgo. Punyetang Hidalgo.

Imagine they will go this far para lang kay Cali. Kahit sa isang SC President pa na tulad ko, nagawa nilang i-bully? Mabuti na nga lang at hindi na sila nagmatigas ng paaminin ko sila, kundi baka nakaladkad ko silang dalawa sa mga locker room nila. Para masiguro kong isa sa kanila ang may-ari ng pares ng sapatos na nakuha ko. Nag-ala Cinderella pa ang gaga.

''Takbo." Nakataas kilay na sabi ko. ''Hindi kayo titigil hanggat di ko sinasabi."

"Pero nakakailang ikot na kami!" Napaiyak na yung isa at humikbi. Gagawa-gawa ng kalokohan hindi naman pala kayang panindigan ang parusa.

"And so? Anong pakialam ko? Kahit ilang ikot pa iyan. You two won't stop running, not unless sinabi ko."

"This is against the rule! This is abusing your power! Isusumbong ka namin kay Dean."

Ngumisi ako at itinaas ang aking palad. Mariin agad siyang napapikit sa akalang sasampalin ko siya. But I just caressed her straight brown hair. Ngumiti ako ng matamis habang ginagawa iyon. Haltakin ko kaya ang buhok niya? Hindi bale na lang pala, baka may magamit pa sila laban sa akin. "Wag mo akong takutin. Gaga."

"This is power tripping! Just because you're the SC President pwede mo na kaming i-bully!''

I gritted my teeth, though my face remained blank. Just because I'm the SC President talaga ba? I-bully sila? Hindi ko napigil ang mabilis na pagsulak ng galit sa aking ulo. Hinaltak ko ang braso ng bruha at nilapit sa akin. Agad ko namang naramdamang tumabi sa akin si Keiki. Maybe because he knows that I reached my patience limit. "Pres. calm down."

Of course kalmado ako, because you don't want to see me when I reach my patience limitation.

''Nakikita mo ito?" Namutla ang babae sa akin. ''Nakikita mo itong buhok ko? Putol na diba? Pinutol ko dahil nag apoy. Nag apoy dahil sa binuhos niyongkung ano sa ulo ko, na hindi ko alam kung ano." Umalon ang aking dibdib sa galit. Umigting ang aking panga ng maalala ko ang insidenteng iyon, lalo na ang senaryong una kong nasaksihan bago ako dapuan ng kamalasan sa buhay. Bullshit! Just because of that manwhore! Ginawa nila ito sa akin! Sa akin pa mismo! ''Now you two won't stop running this whole field! Not unless, maputol din iyang takong ng sapatos niyo! Nakuha niyo?! Or ako mismo ang kakalbo sa mga buhok niyo!'' Patulak kong binitawan ang braso nito.

''Opo! Opo!'' Umiiyak na ani nilang dalawa.

Nanghihinang umupo ako sa bleachers at sinapo ang mukha. Gulo lang ang dinala sa akin ni Cali. Literal na nagulo ang mundo ko. Kung noon ang ibig sabihin ng mga tingin ng mga estudyante sa akin, ay puno ng pangingilag at respeto. Ngayon, mababakas mo na pangungutya. Na isa din ako sa mga babaeng animo magpapakamatay makuha lang ang atensiyon niya.

Putang inang atensiyon yan! Yayaman ba ako dyan?! Madadagan ba ang kaalaman ko dyan?! Di pa nila isaksak sa mga malalanding baga nila.

"Pres. Kumain ka kaya muna? Kaninang umaga ka pa walang kain eh."

"I'm fine Kei." Tumitig ako sa sapatos ko matapos pasadahan ng kamay ang maiksi kong buhok. Hindi ko na naman tuloy mapigilang mapapalatak sa inis. Now, paano ko sasabihin kay Mama. Na ang Anak na tinatawag niyang parang bato sa tigas ay nabully?

"Quinn, you should eat." lumitaw bigla ang sandwich sa harap ko. Ng tingnan ko kung sino ang may gawa ay nakaupo na si Zayn sa tabi ko.

"I'm fine, Sir thank you pero hindi ako nagugutom."

"And so?" ginaya niya ang aking tono tuwing sinasabi ko iyon. Inalis niya ang tissue na nakabalot sa tinapay. Piningasan niya iyon at isinubo sa akin. "Hindi ganyan ang Azula na kilala ko."

Sumimangot ako inirapan siya. "Pag may nakakita na naman sa atin dito." Inagaw ko sa kanya ang sandwich at kumagat ulit doon.

"And so?" Ulit na naman niya saka mahinang tumawa.

"Gusto mo bang isalaksak ko sa bibig mo itong balot tinapay, Sir?" Sinamaan ko siya ng tingin habang ngumunguya.Buisit to ah.

"There you are Quinn Azula!" sabay sapo sa kanyang dibdib na akala mo gulat na gulat sa aking sinabi. "But kidding aside. Buti pumayag si Dean na ikaw ang magdecide ng punishment sa kanila? Knowing that they may file a complaint?"

"Pasalamat pa nga dapat sila, hindi ko sila kinalbo. Mga Punyeta sila." Of course papaya si Dean, or else ako ang magpafile ng reklamo against them dahil wala silang balak aksiyunan an gang pambubully ng dalawang bruha na ito. Hindi lang pala ako ang napagtripan nila before. Sa kamalasan nga lang nila, akala nila gagayahin ko iyong ibang biktima nila na deadma lang, because they're afraid na kaawaan sila at pagtawanan. Pwes nagkamali sila ng napiling bully-hin.

"You and your foul mouth." Kinuha ko ang inabot niyang plastic bottled na softdrink at ininom iyon. "Pero bagay sa'yo itong new hairdoo mo ha." Ngumiwi si Tanda. "Mabaho nga lang."

"Edi wag kang huminga, para di mo maamoy." Mahina kong hinagis iyong walang laman na bottled softdrinks pabalik kay Zayn. Saka binalingan ang kausap ni Keki. "Lester bantayan mo yang dalawa." Sigaw ko sa dito.

"H—Ha?! Bakit ako Pres!?"

"Ikaw ang gusto ko, magagawa mo?" tumayo na ako at pinagpag ang uniporme. "You can do whatever you want to do tomorrow, excused ka sa Council."

"Yes!"

"Sa iyo ako sasabay ngayon Tanda." kinalabit ko sa braso si Zayn. Napabusangot naman siya.

"So, pag LQ kayo ni Hidalgo, sa akin ka tatakbo ganon?"

"Pwede ba, hindi kami LQ. Dahil wala namang kami." Ibinato ko naman sa kanya iyong balat ng sandwich.

"Aba't! Napakabayolente talaga nito! Pasalamat ka, hindi kita pwedeng patulan dahil wala pa sa akin ang certification ko from University. Antayin mong matapos ang days ko dito as your Sub. Professor. Lagot ka talaga sa akin." Pinandilatan niya ako

Nginisihan ko ito. Still the childish, Zayn Anderson. Ng bigla siyang seryosong ngumiti. "Yan ganyan, smile. Kagaya ng palagi mong ginagawa kapag nabubuisit ka na. Kahit naiirita ka na dahil inaaway ka, nakangisi ka pa din.''

"Whatever, Tanda." I rolled my eyes at naglakad na palayo.

*******************

Pasado ala-singko ng hapon ng mapagpasyahan kong magligpit na ng mga gamit at inayos ang mga kalat sa loob ng Student Councik room. Kanina pa ang dismissal, ngunit dahil may mga tinapos pa ako about School Newspaper, ay ngayon lang ako natapos. Isinuot ko ang cap na binigay sa akin ni Zayn kanina ng mapadaan siya dito, matapos talian ang aking buhok. Umasim pa ang aking mukha ng maamoy ang nakakabuisit na amoy ng sarili kong buhok. Nakakaimbyerna naman talaga. Buti na lang at natatalian ko pa kahit maiksi na.

Eksaktong paglabas ko ng silid ay siya namang dating nina Keiki. Bitbit niya sa magkabilang kamay ang mga sapatos na may baling takong. Napangisi ako.

"Nasaan sila? Buhay pa ba?"

"Unfortunately, humihinga Pres." humagikgik si Danna. "They have been cursing you eversince you left the field, Pres."

Tumaas ang aking kilay. "Pakialam ko naman sa kanila. They deserved it." Inayos ko ang bag at mga libro. "Kapag nagreklamo sila laban sa akin, sabihin niyo agad sa akin. I'll deal with them. Uuwi na ako."

"Aye! Aye! Pres!" Sumaludo pa silang dalawa sa akin. "Ingat kayo pauwi."

"Yah, Yah. Whatever."

Tumalikod na ako at naglakad patungo sa hagdan. Habang bumababa ako ay dinukot ko at cellphone at tinext na si Tanda. Sigurado kasing na sa faculty pa iyon. Nagpifeeling masipag na naman. Mabilis ko ding binulsa agad iyon ng ma-isend k ang text. Ng makaliko ako sa hallway ay sumalubong na naman sa akin ang isang X-Rated na eksena. And the same familiar hatred, crawl on my system.

Hindi pa nakuntento sa open field. Heto at sa hallway naman, at iba na naman? Now tell me, maniniwala ka bang seryoso ito sa sinasabing gusto ka niya?

"How dare you, Bitch!"

Mula sa likod ko ay may sumugod sa kanila ang nagwawalang si Morgianna. Hinaltak niya sa buhok ang babae, palayo kay Hidalgo.

"Malandi ka! Malandi! How dare you kissed my boyfriend?!" Inihiga niya ito sa sahig at inibabawan habang sinasabunutan.

I rolled my eyes. Pareho naman silang malandi, nag-away pa. Humakbang ako palapit sa kanila, Cali on the other hand looks so shocked. Ang kati-kati kasi. Nilampasan ko silang tatlo, literal na hinakbangan ko sa paa iyong babaeng iniibabawan ni Addecer. When that baritone vice called my name. I turned around and look at him. My face is devoid of any emotions.

"What? Tapos na ang School Hours. So, I don't care kung anong kalaswaan pa ang gawin niyo dito sa corridor."

Hindi ko na siya hinintay magsalita at naglakad na patungo sa parking lot. Natanaw ko si Zayn na halos papunta palang din doon.

"Hoy, Tanda!"

Agad na umasim ang mukha niya at pinandilatan ako. "Matanda ako sa iyo, Azula! Igalang mo nga ako! Baka hindi kita matantya, pakasalan kita!"

"Asa.Ka, Tanda." Inaasar ko siyang nginisihan. Hustong maisara ko ang pinto ng kotse, namataan ko si Hidalgo na animo papatay sa pagkakatitig sa amin.

"Seatbelt Azula! Para kang bata!" Lihim akong napangisi ng may ideyang kumislap sa aking isip. Anong akala mo ikaw lang ang marunong lumandi?

"Isuot mo sa akin, tinatamad ako, Sir."

Sinamaan ako ng tingin ni Zayn. Pinandilatan niya pa ako bago siya dumukwang at nagdadabog na ikinabit ang aking seatbelt. "Oh. Ayan na! Katamaran ah!''

"Thank you, Sir." Matamis akong ngumiti kay Zayn, na walang kamalay-malay sa pinaggagagawa kong kalokohan. Kaya ko naming mag seatbelt, gusto ko lang mang-asar, para fair naman. Sa sulok ng aking mata ay namataan ko ang pagsipa ni Hidalgo sa trash Can.

"Naks. Dapat pala, lagi ako ang magsiseatbelt sa iyo. Gumagalang ka eh."

Bumalik si Zayn sa manibela at nagmaniobra na paalis. Akala niya, siya lang ang marunong mambuisit at manira ng araw. Hintayin mo bukas, Hidalgo. May part two pa ako.

Continue Reading

You'll Also Like

148K 3.7K 44
Jask Vasil Ivanovich is the Zchneider Mafia's mess cleaner. Wala itong trabahong hindi tinatapos at wala taong nakakatakas sa pagpaparusa mula sa uto...
2.1M 47.2K 43
LOVE ANTIDOTE SERIES 1: Arthur Alarcon, the Feirce Neurosurgeon. Si Esmeralda ay anak ng isa sa pinakamayamang pamilya at haciendero sa kanilang luga...
15.9K 670 35
COMPLETED "ANG GUSTO KO BOYFRIEND KAYA BAKIT NIYO AKO BIBIGYAN NG LALAKING AYAW SA TAO" - Oceana Maritez Woodfare (Best Girlfriend ng taon)
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...