Once upon a STRANGER (lesbian...

Hazelnot által

548K 6.2K 1.3K

Ito ay storya tungkol sa dalawang taong nagkakilala ng dahil wattpad, si Clarice at si Andrea. It is a bisexu... Több

Nothing but something...
Prologue
Ang Simula... (First Chapter)
Messages... Chapter 2
Smiles... Chapter 3
Happy Birthday... Chapter 4
I'm interested in you... Chapter 5
Attraction?... Chapter 6
Surprise! Chapter 7
We miss you! Chapter 8
What did you do to me? Chapter 9
AN :)
Picture! Chapter 10
Getting to know! Chapter 11
Sino ka? Chapter 12
Welcome back JILL! Chapter 13
Coffee Shop... Chapter 14
Andrea Catrine... Chapter 15
Phone Call.... Chapter 16
Saan kaya siya pupunta? Chapter 17
Adventure! :) Chapter 18
I know you! :) Chapter 19
I'm so careless! Chapter 20
Facebook Friends... Chapter 21
Sorry... Chapter 22
Guilty? Chapter 23
Magkita tayo! Chapter 24...
Disappointed! Chapter 25
AN
Can we talk? Chapter 26
Bistro Night... Chapter 27
Market Day... Chapter 28
I don't know why... Chapter 29
Wondering why... Chapter 30
Shayne's POV... Chapter 31
Hindi ko na alam... Chapter 32
This is WHY... Chapter 33
She still makes me smile! Chapter 34
Wattpad User... Chapter 35
Breakeven... Chapter 36
What do I feel? Chapter 37
Pupunta ba ako o hindi? Chapter 39
Part 1... Chapter 40
Part 2... Expect the Unexpected... Chapter 41
Love is a choice... Chapter 42
Text Conversation...Chapter 43
Talking about... Chapter 44
Date? Chapter 45...
Lego House... Chapter 46
Gusto kita... Chapter 47
Kiss sa cheeks... Chapter 48
Ian? Chapter 49
Shayne... Chapter 50
Letter... Chapter 51
Ian's POV... Chapter 52
Jill...ian... Chapter 53
Unlimited Pain... Chapter 54
You like her... Chapter 55
Love and Pain... Chapter 56
Nikka... Chapter 57
To: Miss Author... Chapter 58
What's her reaction... Chapter 59
Once Upon A Stranger... Chapter 60
Sino Si Andrea? :)
AN
I miss this!

I have something to say... Chapter 38

6.3K 66 6
Hazelnot által

HAPPY NEW YEAR!!! :)  Kahapon ko pa sana ipopost itong update na to, kaso naisip ko, mas okay kung ngayon na lang para bagong taon...Alam ko walang connection! Hahaha.

"Hindi naman kelangan magbago dahil bagong taon, minsan ang mahalaga lang ay masaya ka, at wala kang hatred na tinatago. Masarap magpatawad, magaan sa pakiramdam, so spread peace and love! Maligaya sana ang buong taon niyo guys!"

Thank YOU (reader) for reading my story, you made me happy last year! Cheers! :)

-Hazelnot

Chapter 38

 

Clarice POV

 

Ang sakit ng ulo ko!

Hindi ko maidilat yung mata ko!

Nahihilo pa ako!

-_____-

Yan ang lahat ng nararamdaman ko pagkagising ko. Hindi ko alam kung anong oras na. Kaya naman kinapa ko yung fone ko, usually kasi nasa tabi lang yun ng kama ko, ng marealize ko, ang sakit ng likod ko.

Dahan dahan kong iminulat yung mga mata ko, kaya naman agad akong nasilaw sa sinag ng araw.

Napabangon agad ako.

Dito kami nakatulog ni Nikka sa rooftop! Langya! Kaya naman pala ang sakit ng likod ko, dahil sahig na yung hinigaan namin.

“Dude gumising ka na, 9am na!” Inalog alog ko siya at sinigawan ko na din para magising na siya dahil may trabaho pa ako! -___-

“G*go ka, bumangon ka na diyan! Anong nangyari sa inuman natin? Bakit dito tayo sa rooftop nakatulog? HOY!!!”

Kahit nakikita kong hirap na hirap din si Nikka dahil sa kalasingan, napabangon siya ng marealize niyang wala kami sa kwarto niya.

Kung kahapon ay ang pangit ng gising niya, ngayon naman, nakatinginan lang kami, bigla na lang kaming nagtawanan. Dahil ngayon lang ata kami nablockout na dalawa lang kaming naginom.

Parehas na kaming bumangon at nagligpit! Akalain niyong nakadalawang bote kami ng empe lights? Ni hindi ko nga maalalang bumili pa ulit kami! -___- Ang alak talaga!

“Bumili pa ba tayo ng isa pang empe kagabi?” Tanong niya sa kin. So hindi na din niya maalala?Hahaha. Ang galing!

“Hahaha. G*go itatanong ko pa lang sana sayo yan, kasi ang alam ko talaga iisa lang binili natin! Hahaha”

 

“Grabe di ko na din maalala! Tara na magligpit na tayo, baka maabutan pa tayo ni mama dito! Haha”

 

Nung matapos naming linisin yung pinaginuman naming, bumaba na kami, kumaen at eto aalis na ko.

“Tita alis na po ako! Thank you po!”

 

“Okay ka na ba? Nalasing ata kayo kagabi eh.”

 

“Hindi naman po tita, okay na po ako.” Saka ko nginitian ulit si tita, kahit ang totoo hindi pa naman talaga ako okay.

“Sige magiingat ka iha.”

 

Lumabas na kami ni Nikka sa may parking at hinatid na niya ko. Inopen ko na yung sasakyan ko. Pero lumingon ako kay Nikka at niyakap ko siya.

“Hoy Nikka, salamat ha!”

 

“Umalis ka na at may trabaho ka pa! Haha. Okay lang yun! Sige na at matutulog na ko! Ingat ka! :)” Ang sweet talaga ng kaibigan ko na to forever! Haha.

 

Sumakay na ko ng sasakyan, at umalis na.

Paguwi ko naligo agad ako dahil late n late na ko sa trabaho ko. -__-

Lutang na lutan ako dito sa office at sobrang sakit ng ulo ko, kaya hindi ko magawa yung mga dapat kong gagawin. Nagheadset lang ako at nagsounds, habang nagkakape.

Hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi sa kin ni Nikka kagabi. Ayoko na din namang maguluhan ako. Siguro kelangan ko ng harapin yung nararamdaman ko.

Kelangan ko ng baguhin yung standards ko sa pagibig at kelangan ko na atang aminin sa sarili kong, mahal ko si Andrea. Pero kelangan ko din tanggapin na, dapat ko ng tigilan tong nararamdaman ko. -____-

 

Sa totoo lang nahihirapan ako. Kasi sabi ko sa sarili ko dati napakaimpossibleng mag mahal ka ng isang taong hindi mo pa nakikita sa personal. Pero bakit ngayon nararamdaman ko na to? -___-

“Anak nagawa mo na ba yung pinapagawa ko sayo?” Nagulat ako nung biglang sumulpot si Mami sa harapan ko.

“Ha? Ano po yun ma?” Hindi ko kasi narinig yung sinabi niya.

“Tinatanong ko kung nagawa mo na yung pinapagawa ko, yung pinapatype ko sayo.”

 

“Ah opo Ma. Nandyan na sa table niyo.”

 

“Okay. Nga pala luluwas ka next next week. May ipapaasikaso ako sayo.”

 

“Okay po Ma.” Hindi na ko nagtanong pa, kasi gusto ko din naman lumuwas, yun na kasi ang parang off ko. Dun lang ako nakakagala, at pag nandun, hawak ko yung oras ko.

Natapos na din yung araw ko sa wakas. Kahit hirap na hirap akong labanan yung antok ko, nakasurvive pa din naman ako! Hahaha. Nakahiga na ako ngayon, at ang sakit pa din ng ulo ko. Hindi na dahil sa alak, kung hindi dahil sa kakaisip ko kay Andrea!

 

Bigla akong napangiti, dahil umilaw yung bulb sa utak ko ng makaisip ako ng isang bright idea! Hahaha. Gusto ko na talaga siyang makita!

Lumipas ang ilang linggo, pero mas dumalang pa kaming magusap. Kasi sobrang busy niya sa school. Dahil halos lahat ata ng organization sinalihan niya! Siya na ang active na estudyante! Tsk. Kaya un lagi siya pagod.

Madalas pa, yung mga message ko sa kanya sa viber, aun, SEEN ZONED. Ang bigat lang sa pakiramdam eh. Hahaha.

Lagi ko na lang nililibang ang sarili ko kapag naiisip ko siya. Kasi kahit na gusto kong mangulit sa kanya, pas pinipilit ko na lang na hindi siya guluhin.

Kaya nga eto na lang ang ginagawa ko parati. Kapag namimiss ko siya madalas nagaupdate na lang ako, tulad ngayon. :/

 

Ilang araw ng hindi nagtetext si Andrea, well gets ko naman kasi exam week nila, ang bilis ng panahon, kaya eto Prelims na pala nila. Kaso naman, para kong tanga na nagaabang ng reply niya. Ayoko naman siyang itext dahil ayoko siyang istorbohin, kaso 24/7 ba siyang busy? Ganun ba talaga siya magaral? Or maybe talagang wala lang sa kanya kung magparamdam ako or what. Pero sa totoo lang, wala naman akong galit sa kanya, hindi naman niya obligation na itext ako. Siguro nga namimiss ko lang talaga siya.

Dahil as usual, wala akong magawa, nakaopen lahat ng apps na meron ako. Lagi kong chinecheck kung may bago sa account niya sa wattpad, kahit na alam kong wala naman akong makikitang bago dun. Kasi sa totoo kang hindi siya masyadong active sa wattpad. Kasi sabagay sa pagrereply pa lang ng comments sa story niya, at sa mga taong nagppm sa kanya, malamang dun pa lang ubos na ubos na yung oras niya.

Lagi ko chinecheck yung viber ko, at titignan kung online ba siya, kung nakita ba niya yung message ko na nag goodluck ako sa exams niya, and as usual, seen-zoned na naman ako. Ewan ko ba bakit ba kasi nauso pa yang seen-zoned na yan. Alam ko maraming nakakarelate sa bagay na to. Kasi dahil diyan, mas marami ang nasasaktan, dahil mas nararamdaman mong balewala ka sa isang tao.

At pag check ko ng facebook, ONLINE SIYA!

To: Andrea

May sasabihin ako.

 

Pag ka send ko nun, after ilang minutes naglog-out na din ako, kasi habang nakikita ko siyang online, mas nagaantay lang ako ng reply niya. At ayokong maghintay sa wala, kasi masakit. Well hindi naman siguro masakit talaga, para may kurot lang sa puso, ganun yung nararamdaman ko ngayon! And I guess hindi ko dapat nararamdaman.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganitong klaseng pakiramdam ang pinipili ko lagging maramdaman. Naniniwala naman ako na minsan, may choice tayo sa mga bagay na nararamdaman natin. Yung tipong, alam mong masasaktan ka lang sa taong yun, pero mas pinili mo pa din na piliin yung sakit, kasi alam mong yun din ang nagpapasaya sayo.

 

Maybe that’s the irony of life. Yung gusto mo, ayaw sayo, yung may gusto sayo, ayaw mo. Yung wala sayo, hinahanap mo, yung nandyan sayo, binabalewala mo.

 

Naiinis ako sa sarili ko, pinilit kong kalimutan yung nangyari sa amin ni Shayne. Nakaalis siya ng hindi man lang kami naguusap. Pero nagmessage naman ako sa Facebook niya. Sabi ko sa kanya, okay na yun, at kalimutan na namin yung nangyari. Ayoko din naman talaga ng may sama ako ng loob. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap, pinilit kong intindihin siya, dahil tao lang ako, nagpapatawad din.

Lumipas ang 24hours na wala pa din siyang text, sabagay, ang hirap kaya mag-aral, lalo na kung finals na, usually ang mga estudyante laging naghahabol. Gusto kasi lahat ng papers at projects, rush! Hay ugaling estudyante nga naman! Bigla ko tuloy namiss yung pagrush ko ng mga requirements. Malamang maiinitindihan ko talaga siya, Syempre naging estudyante din ako.

Pero nagulat na lang ako ng biglang may nagpop na message sa Facebook ko.

From: Andrea

-Hey, ano yung sasabihin mo? :)

 

Hindi ko pinansin yung message niya, hindi ko pa nga inopen para hindi niya makitang “seen” na yung message niya.

Kung ano yung sasabihin ko sa kanya? Sasabihin ko lang naman na magkita kami sa Saturday, na pupunta ako sa meeting place namin, kahit na hindi siya sumipot.

After ilang minutes accidentally kong naopen yung message niya. So ang ginawa ko naglog-out agad ako.

Kinabukasan nagulat ako nung magising ako dahil may text si Andrea.

From: Andrea

-Seen zoned! -___- Text mo na lang ako kung ano man yung sasabihin mo, hindi kasi ako laging online saka exam week ko kaya hindi kita narereplyan.

 

Andrea’s POV

 

Nakakapago talaga tong sem na to, kasi apat na organization ang sinalihan ko. At sa apat na yun, active ako. Pero kahit na pagod ako lagi nageenjoy naman ako. Ang saya kaya! :)

Ang hirap nga lang minsan pagsabayin sa academics ko, pero syempre yun pa din naman ang priorities ko. Talagang masipag lang ako. Hahaha.

Tulad ngayon, hindi ko namamalayan Prelims na pala namin, kaya kelangan kong mag-aral, kasi hindi naman ako ganun katalino tulad ng mga classmates kong iba, na kahit hindi na magaral, nakakapasa pa din. Ako yung tipo ng estudyante na kelangan pa din mageffort magbasa at magreview.

Kaya pag ganitong exam week, hindi talaga ko masyado nagoopen ng Facebook, Viber, or kahit Messages ng phone ko. Well tinitignan ko pero hindi talaga ako nagrereply, kaya nga madalas delayed yung pag-update ko ng story ko dahil sa sobrang busy ko.

Pero hindi ko napigilang magreply nung nakita ko yung message ni Clarice sa Facebook, kasi naman lagi siyang ganyan. Laging pabitin, hindi na lang niya sabihin yung sasabihin niya. Ngayon imbes na makapagreview ako ng maayos, nagugulo pa yung utak ko dahil sa message niya!

Ang mas nakakainis pa, nakita kong seen zoned ako! Tsk.

Tinext ko siya kagabi pero hanggang ngayon, hindi pa din siya nagrereply! Hapon na! Nakapagexam at nakauwi na ko, ni wala siyang message sa viber o Facebook man lang! Nakakainis na talaga! -____-

Olvasás folytatása

You'll Also Like

621K 9.7K 55
Bakit ang estorya lage nalang may nagkakabanggaan tapos slow motion magkakatitigan ang mga bida at magagandahan or mapopogian sa isat-isa. O kaya nam...
593K 11.9K 131
Eto ay love story nina Samantha Reyes"Sam" at ni Miguella Conjuanco "Miggy" Maraming bagay o aspeto sa buhay na magkaiba sila gaya ng personalidad sa...
2M 80.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
50.3K 977 61
basahin nyo nlng intersex sya ahahaha kaya kung alam nyo to edi wow chor basta maganda sya. COMPLETED ✅✅ po