Collateral Marriage COMPLETE

By SapphiresPage

229K 3.3K 63

More

Collateral Marriage {complete} {tagalog}
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 7

12.6K 190 10
By SapphiresPage

Nalilito si Ciara kung tatanggapin ang offer ni Kelvin o hindi. Pero wala na siyang malalapitan. Puwede niyang tawagan ang mga kaibigan pero ayaw niyang madungisan ang pagkakaibigan nila dahil lang sa utang. Paano kung hindi niya makayanang bayaran ang mga ito? What about Josh?

'Ay ang kapal eh hindi mo pa nga asawa yung tao.' wika ng isipan niya.

Binilinan niya si Jun-jun na mag-ingat bago umalis ng bahay. Nag-iwan rin siya ng contact numbers just incase may emergency pati na rin pang budget nito sa bahay at baon ni Mi-mi. Hindi niya sinabi lahat-lahat dito para hindi ito mag-alala. Sinabi lang niyang may makakasama ang mga ito bukas para magbantay.

Madilim na sa labas ng marating nila ang Villa Herrera. Halos tulog na ang lahat ng mga tao sa Villa ng marating nila ito. Tanging ilang guwardiya at katulong nalang ang sumalubong sa kanila. Ang lola naman ni Kelvin ay maagang nagpapahinga kaya't bukas na niya ito makikilala. Napahanga siya sa laki ng bahay at mga antigong kagamitan. Halatang alaga sa maintenance ang hacienda dahil updated ang buong bahay kahit na luma.

Hinatid muna siya nito sa magiging kuwarto niya.

"Salamat sa lahat ng tulong mo today."

"Your welcome. Glad i could help"

"I'll accept your offer."

"You what? I... i thought.." nauutal ito

"Hushhhhh" tinakpan niya ang bibig nito ng hintuturo niya.

"You left me with no choice and i don't want to delay my parents misery in that jail."

'Ayaw ko ring makasal sa Tristan na yun.' nais niya itong isatinig pero pinili niyang tumahimik nalang.

"I guess we'll discuss the wedding asap?" tanong nito sa kanya.

"I guess so.." kiming sagot niya.

She can't sleep that night dahil na rin sa mga problemang iniisip. Napukaw ang pag-iisip niya ng tumunog ang cellphone niya. There's no number registered on the screen pero sinagot pa rin niya dahil baka ang mga kaibigan niya ang tumawag.

"Hello"

"Ciara si Roda 'to, kumusta kana?"

"Oh hi sorry ha hindi ako naka tawag agad. I've been here for two days at wala pa akong pahinga."

"Ganun ba kawawa ka naman" malungkot ang boses nito.

"So anyways ba't napatawag ka?" she divert the conversation with a happy tone.

"Oh we might come over soon for a vacation kaya nga excited na akong ibalita to sa iyo."

"Oh that's good. Outing tayo pag dating ninyo."

"Oh how's that resort?"

"I doubt na mabibili ko pa yon."

"Bakit?" Sinabi niya ang lahat-lahat rito except ang marriage proposal ni Kelvin.

"Aw I'm sorry to hear that."

"That's alright, para naman ito sa mga magulang ko. You know my parents have been through a lot kaya it's my turn to help them. Just like what they say, ang anak ay hindi kelan makakabayad sa mga magulang or something like that."

"Yes i know what you mean. Oh friend if your here you'll have three hugs from us."

Tumulo na ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan.

"Thank you friend."

"I don't want you to cry so please friend stop na." sumusinghot na rin ito.

"Well, just call me kung kelan kayo dadating. I love you friend and thank you sa lahat-lahat."

Napa-upo siya sa harap ng bedroom Vanity. Kinuha niya ang hair brush at nagsimulang magsuklay ng buhok. She took her travelling make-up bag at kinuha ron ang kaniyang moisturizer at nagsimulang magpahid habang ang kaniyang mga mata ay nakatitig pa rin sa imaheng nasa harapan niya. Matapos gawin ang ritual niya ay napahinga siya ng malalim dahil naalala na naman niya kung bakit nandito siya't nakikitulog sa ibang bahay. Masaya na sana ang buhay niya siya sa America. She loved her freedom lalong-lalo na ang trabaho niya. Makukumpleto na ang plano niyang kalayaan kung magkakabahay na siya sa New York. Masyadong mahal ang renta sa City tapos wala ring backyard at puro ingay galing road works at polusyon lang ang aabutin niya. Naisipan rin niyang bumili ng bahay sa New Jersey dahil mas mura at malapit lang naman kung tutuusin. Pero sa nangyari ngayon lahat ay puro plano na lamang dahil alam niyang malabo ng mangyari ang lahat. Nagbabantang tumulo ang kaniyang luha kaya niligpit na niya ang lahat at naghanda na sa pagtulog. Wala siyang oras gugulin ang sarili sa pag-iisip ng mga problema niya sa buhay. Kailangan niyang magpakatatag para sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya na rin.

Bago matulog ay tinawagan muna ni Kelvin ang ama at pina-alam na hindi siya makaka-uwi ngayong gabi. Kahit na may sarili ng bahay na naipundar ay sa mga magulang pa rin siya nakikitulog minsan. Close sila ng mga ate at kuya niya sa parents nila. Kaya't kung anu-ano man ang kanilang problema ay dito sila humihingi ng payo.

"Sigurado ka na ba sa pinaplano mo?" tanong ng Dad niya matapos niyang sabihin dito ang nangyaring pakikipagkita nila kay Mr. Choi kanina at ang proposal niya kay Ciara.

"Napag-isipan ko na itong mabuti Dad alam mo namang matagal na akong naghihintay na dumating ang araw na ito."

"Eh kelan ba ang kasal?"

"Sa lalong madaling panahon."

"Eh hindi kaya mabibigla si Ciara niyan hijo? eh hindi mo pa nga nililigawan ang pobreng bata eh pinuwersa mo ng magpakasal sayo."

Naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha.

"Dad, you know i don't court women dahil sila ang nanliligaw sa akin."

"O hindi ka marunong manligaw." sabad ng ama sabay tawa.

Napabuntunghininga nalang siya.

"You know i don't have to."

"I'm just teasing, Son. Give her a time to think."

"I'll try Dad"

"You know sabi ng mga magulang ko 'Anything that is worth pursuing takes effort'. Good night son and keep that in mind." pagkatapos sabihin yun ay ini-off na ni Kelvin ang kaniyang cellphone. Nasa may swimming pool siya sa labas at nag-iisip.

Mainit na ang sikat ng araw ng magising si Ciara. Nagmamadali siyang naligo at nagbihis dahil baka akalain ng lola ni Kelvin na palagi siyang ganito. She believes that first impression last. Matapos mag suklay at mag lipgloss ay bumaba na xa. Wala siyang nakitang tao sa livingroom kaya sumilip siya sa kusina at nakita niya ang dalawang katulong na nagluluto.

"Maayong Buntag Ma'am Ciara." bati ng mga ito ng Magandang Umaga.

"Maayong Buntag pud." ganti niya sa mga ito bago binigyan ng matamis na ngiti.

"Ano pong pangalan ninyo?"

"Ako po si Patty at ito naman si Tarsing. Napasarap po ba ang tulog ninyo?"

"Oo nga eh nakakahiya nga sa inyo dahil bisita lang aq dito. Malamig pala dito kapag gabi hindi na kailangan ng aircondition kaya siguro napahimbing ako."

"Ay Oo Ma'am maaliwalas ang hangin dito. Walang Polusyon puro presko hindi gaya ng sa siyudad. Huwag na kayong mahiya dahil ganyan rin kami nung una nakakalimutan namin na andito kami para mag trabaho at hindi matulog." humagikhik naman ang isa pang katulong. Magaan ang loob niya sa mga ito.

"Ahm nasaan po ba si Kelvin?" tanong niya sa mga ito.

"Ay nasa pool po at kanina pa kayo hinihintay ng mag lola."

"Ganun po ba? San po ba ang daan patungong pool?" sa laki ng mansion ay mahirap niyang mahanap kaagad ang pool ng mga ito.

"Paglabas po ninyo dito bumalik po kayo sa may hagdan tapos sa kabila makikita ninyo ang elevator tapos liko kayo sa kanan. Diretso lang po kayo hanggang makita ninyo ang sliding door palabas. Ihahatid na po namin ang mga pagkain Ma'am maya-maya malapit na po kaming matapos dito."

"Ciara na lang." naiilang talaga siyang tawaging Ma'am.

"Hindi po puwede Ma'am dahil baka pagalitan kami ni Senyora niyan."

"Sige kayong bahala." ng makapagpaalam ay dumiretso na siya sa may pool. Hindi naman siya nahirapan hanapin ang pintuan palabas.

Ng makalabas ng bahay ay nakita niya agad ang malaking pool kung saan lumalangoy si Kelvin. May nakita rin siyang matandang babae na nasa wheelchair at may suot na malaking sombrero na nagbabasa ng newspaper. Ngayon lang niya nalaman na magaling palang lumangoy si Kelvin. Nakita niyang nag Butterfly Stroke ito. Napahanga siya nito dahil hindi madaling mag perform ng naturang stroke sabi nila ito ang mas mahirap sa lahat ng Swimming Stroke. Nag Back Stroke naman ito pagkatapos ay Power Stroke kung saan bumabaling-baling ang mukha nito sa tubig habang kumakaway at sumisipa. Hindi na niya namalayan na huminto na pala ito at umahon na sa pool. Nanlaki ang mga mata niya dahil isang maliit na black swimming trunks lang ang suot nito. Nag blush tuloy siya dahil sa nakitang kakisigan nito na may siksik na six pack.

'Marami namang ganyang tanawain sa Amerika ah. Bakit kay Kelvin naapektuhan ka?' wika ng isang tinig sa kaniyang isipan. Ang iba pa nga kahit na walang itsura o kayay may edad na ay nagsusuot pa rin ng Speedo.

Naisip niya si Girlie dahil kung andito lang yun at nakita ang halos hubad na katawan ni Kelvin ay siguradong nilantakan na nito ang pobreng lalaki.

"Good Morning" bati nito sa kaniya ng makalapit na ito. There were pearls of water dripping from his hair down to his face. He's also wearing the sweetest smile that will make all ladies go crazy.

She checked on herself if she's one of 'those' ladies.

'No i'm not' she rejected the thought.

"Good Morning. Sorry if i over slept." nagsimula na silang maglakad papunta sa outdoor table kung nasaan nagbabasa ang lola ni Kelvin. Kelvin picked up the towel and started drying himself.

"GrandMa, meet Ciara. Ciara meet my GrandMa Esmeralda." pakilala sa kanila ni Kelvin.

"How are you hija?" the old lady held out both hands to hold hers. A gentle approach that made her feel mushy inside with this stranger.

"I'm Alright po. Kayo po?" magalang na sagot niya rito.

"Oh I'm Fantastic. Look at me I'm on my wheelchair... could be worst." dumating na ang kanilang pagkain at masaya silang nagsalo-salo. Masarap ka kuwentuhan ang lola ni Kelvin palagi siya nitong pinatatawa. She love older people dahil marami siyang natutunan sa mga ito. Nung nagtatrabaho pa siya sa Hospital ay may mga pasyente silang naging close na rin niya. Minsan dahil sa sobrang attachment niya sa mga ito ay hindi niya maiwasang masaktan tuwing may pumanaw na kakilala niya na parang isa sa pamilya niya ang namatay.

Pagkalipas ng ilang oras ay napagpasiyahan nilang maglaro ng scrabble sa labas ng kuwarto ng Donya. Malakas ang tawanan nila ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ng Donya at may pumasok na maliit na babae. Sa tantiya niya ay five flat lang 'ata ito. Humahangos pa ito ng makapasok at hindi agad makapagsalita.

"Oh Camila ano bang nangyayari sa iyo at napasugod ka ng ganyan?" nagtatakang tanong ng lola ni Kelvin sa babaeng dumating. Hindi ito sumagot bagkus tumingin ito kay Kelvin.

"Totoo ba ang sinasabi ng Daddy mo?" tanong ng nagngangalang Camila kay Kelvin.

"What Mom?" ngayon alam na niya kung bakit maypagka hawig si Kelvin rito.

"Sagutin mo ang nanay mo iho. Eh ano nga ba ang sinabi ng asawa mo sa Papa mo Kelvin iho?" lahat sila ay nakatingin kay Kelvin. Namumula ang mukha nito dahil na corner ng tatlong pares na mga mata.

"Na ikakasal na siya!" sigaw nito sa anak.

"What! Anong ibig sabihin nito eh hindi ko man lang narinig iyan sa iyo Kelvin. Kanina pa tayo dito at nag-uusap ay wala ka man lang nababanggit sa akin?" nahimigan niya ang hinanakit sa apo nito.

"Mom, calm down it's really not official yet." tumayo ito para aluin ang ina nito.

"Siya ba ang magiging asawa mo?" ng ituro siya nito ay bigla siyang kinabahan dahil ayaw niyang masangkot sa gulo. Umupo ang ginang sa tabi niya at uminom ng tubig.

"Pasensya ka na iha at ganitong eksena pa ang naabutan mo. Nabigla lang ako sa sinabi ng esposo ko kanina kaya't napasugod agad ako dito. Our runt is getting married mama!" nagpasalamat siya at nag loosen up na ang Ginang hindi kagaya kanina na napaka tense nito.

"Hello the runt is just here listening." kumakaway pa si Kelvin para ipaalam sa mga ito ang presensya nito.

"I'm sorry iha i don't know where's my manners. I'm Camila Herrera-Romualdo ang mama ni Kelvin and you are?"

"Kumusta po kayo? I'm Ciara Rose Villar." yinakap siya nito ng mahigpit pagkatapos ay binalingan nito ang ina.

"Ciara. Mama... she's Ciara." may makahulugang tingin ito sa ina na hindi na niya nasundan dahil nalilito na siya sa takbo ng pangyayari.

"Uhuh yes i know. I already met her earlier." tumatango-tango naman ang babae.

"Anong oras ang baba mo iho?" baling nito sa anak na nakatayo pa rin at nagmamasid lang.

"After dinner po Mama. Marami pa akong aasikasuhin bukas sa opisina."

"Ok dahil marami kang dapat ipaliwanag sa akin mamaya. Not that I have problem with Ciara pero ang paglihim mo sa akin ay meron."

Alas singko na ng hapon ng napagpasyihan nilang maglakad-lakad sa malawak na hardin. Naamoy niya ang sari-saring bulak-lak. Pagpasok kagabi sa Mansyon ay may nakita siyang malalaking puno ng Pine Trees na humahalimuyak sa bango. Oh how she love Christmas in US ang snow, snowflakes, toasted nuts na mabibili sa street ng New York, ang fresh cut Christmas trees, caroling, bright christmas lights, busy street, anything that smells cinnamon or nutmeg and most of all the Spirit of Christmas.

Napangiti siya ng inaamoy ni Ciara ang amoy ng Pine Trees.

"May mga tauhan na akong nagbabantay sa bahay ninyo at sinabihan ko rin silang magbantay na rin sa labas. Ayos ka lang ba dito ng ilang araw?"

"Salamat sa lahat ng tulong mo. I will be fine."

"Ok good. Just call me if you need anything. Tinawagan ko na ang dalawa kong Ate para tumulong sa kasal. May isa akong Ate na isang OB/GYN sa Davao Doctors Hospital. Napaka organize at masinop magplano pati na nga ang mangyayari five years from now ay siguradong naka plano na rin. Sa kaniya na ako hihingi ng tulong para sa kasal natin. Ang isa ko pang Ate ang siyang magaasikaso sa lahat ng tatawagan at sulatan."

"May maitutulong ba ako? Nakakahiya naman niyan."

"Huwag ka ng mahiya dahil sila naman ang nag volunteer eh. Pati ang manugang kong babae ay makikisali rin daw para mapadali na ang kasal.

"Sige ikaw ang bahala." mas pinili niyang makasal kay Kelvin kesa kay Tristan.

'Ano nga ba ang ikina-iba ni Kelvin kay Tristan?' tanong ng isipan niya. Nag-isip siya ng mga katangian na magkakasundo sila kahit na hindi marami siguro ay ayos na iyon. Gaya ng parehong sa St. Agnes sila nag graduate nung College at magkakilala rin ang mga kai-kaibigan nila. Wala na siyang maisip na iba pa dahil ilang araw lang naman sila nagkakakilala.

Lumipas ang dalawang araw ay walang Kelvin na tumawag o nagpakita sa kaniya. Ginugol niya ang oras sa pag-aalaga sa lola nito para hindi siya mabagot. Tinutulungan rin niya ang nurse nito kagaya ngayon nasa lawn sila at nagpapa-araw habang minamasahe niya ang binti nito. Minsan naman ay naglilibot sila sa buong hacienda at binibisita ang mga halaman ng Donya. Kinahapunan ay pinatulog na ito ng Stay-in Nurse nito kaya lumabas na siya ng kwarto at pumunta sa sariling silid.

Napagpasyihan niyang magbabad sa bath tub para makapag shave na rin ng kaniyang binti. Naglagay siya ng bubble bath habang pinupuno ang tub ng maligamgam na tubig. Dahan-dahan siyang lumusong sa maligam-gam na tubig. Itinaas rin niya ang kaniyang buhok para hindi ito sagabal. Inaamoy niya ang halimuyak ng Lavander oil na nilagay niya kanina kasama ng bubble bath. Kumuha siya ng sponge bath at nagsimulang magkuskos ng kaniyang katawan at ng matapos ay itinaas niya ang kaniyang isang binti at sinabon ito ng maigi. Kinuha niya ang isang disposable razor at dahan-dahang nag-ahit ng kaniyang binti ganun rin ang ginawa niya sa kabilang binti. Ng matapos ay nag shower muna siya bago umalis ng shower stall.

Kamuntikan na siyang madulas sa tub kaya dahan-dahan niyang inapak ang isang paa sa tiled floor. Matapos magpahid ng lotion sa buong katawan ay nagsuot na siya ng robe para mag blow dry ng kaniyang buhok. Palabas na siya ng banyo ng may narinig siyang sumisigaw sa labas ng pintuan ng kuwarto niya. Nagmamadali siyang lapitan ang pinto at buksan ang mukha ni Kelvin ang nabungaran niya na para bang kagagaling lang nito sa magdamagang meeting dahil medyo gusot na ang long sleeve nito.

Napakasaya ni Kelvin at nakabalik na siya dito sa bahay ng lola niya. Kung alam lang ng babaeng kaharap niya ngayon kung gaano siya nasasabik bumalik ng hacienda. Tinatapos muna niya ang lahat ng reports at kabi-kabilang meetings para mabigyan niya ng oras si Ciara. Ng buksan ng babae ang pinto ay naamoy kaagad niya ang lavander scent. Halatang katatapos lang nitong maligo dahil naka-roba lang ito.

"Hi." nakangiting bati niya rito.

"Kelan ka pa dumating?" tanong nito sa kaniya bago siya pinapasok ng kuwarto nito.

"Hhhmm ngayon lang. Sabi ni Tarsing andito ka raw sa kuwarto kaya kinatok kaagad kita. May ibabalita kasi ako sa iyo eh Good news and Bad news at alam kong magugustuhan mo itong Good News ko. Tumawag si Tristan sa akin kanina at sinabi niyang ayaw raw niyang magpakasal sa iyo dahil may iba na siyang napupusuan. Bad news, hindi alam ng papa niya at ayaw naman niyang sabihin dahil baka raw madaliin ang pagpapakasal sa inyo." mahabang pahayag niya. Tumayo siya sa harap nito at hinawakan ang magkabilang kamay.

"Mabuti naman at maypagka rebelde pala yang si Tristan ano?" napatawa siya sa sinabi nito.

"Oo nga. Sinabi ko'ng pumayag ka ng magpakasal sa akin pero maabutan pa ng ilang linggo bago mangyari yun. Kaya't ang suggestion niya ay ang magpakasal sa huwes muna para matigil na raw ang kabaliwan ng kaniyang ama."

"Nagyon na?" gulat na tanong nito. Tumango lang siya rito.

"Sige. Pero pupunta pa ba tayo ng City Hall para kumuha ng Marriage License?" agad na tanong nito sa kaniya.

"Handa na ang lahat dala ko na rin ang Judge." sagot niya rito. Tutoong suggest iyon ni Tristan na agad naman niya pinaboran. 'Now, sino ang hindi wais sa ating dalawa ngayon Mr. Choi?' wika ni Kelvin sa isipan niya. Alam niya puputok ang butse ng gahaman na instik dahil sa wakas naisahan na niya ito.

Lumabas muna siya ng kuwarto para tawagin ang Judge na kilala niya. Sumunod ang lola, mga magulang niya, ang tatlo niyang kapatid at ang manugang na babae. Nanlaki ang mga mata ni Ciara.

"Nakakahiya hindi pa po ako nakapagbihis." nag blush na naman ito.

"Ay naku iha sa banyo kana magbihis eto at binilhan ka namin ng damit sa Abreeza Mall kanina." ang tinutukoy nito ay ang bagong bukas na Mall sa Davao.

Mabilis na pumasok siya ng banyo at nagbihis. Isang puting summer dress na hanggang tuhod ang binili nito para sa kaniya. Nagpahid siya ng konting pulbo at konting make-up na rin para naman magkakulay ang mukha niya. Isang coral color lipstick ang pinahid niya sa mga labi dahil iyon ang nababagay na kulay sa ayos niya. Nagwisik rin siya ng paboritong pabango na binili pa niya sa Victoria Secret. Dahan-dahan niyang binuksan ang kuwarto palabas napa 'wow' ang karamihan sa mga bisita niya. Kumuha siya ng isang high heeled close shoes na kulay puti rin. Mabuti nalang at matangkad rin si Kelvin kundi baka matapon lang niya lahat ng mga sapatos niya.

Nilapitan niya si Ciara at lumabas sila ng kuwarto para sa veranda nalang gawin ang simpleng kasal. Masaya siya at ikakasal na siya sa babaeng matagal na niya iniibig. Naalala pa niya nung nasa College pa sila at inaapoy ng lagnat si Ciara. Tinawagan agad siya ni Samantha para ibalita ang situwasyon ng dalaga. Naalala niyang umattend siya sa Birthday Party ni Zack nuon.

"Pare i have to leave nag text si Sam sa akin at humihingi ng tulong dahil may lagnat si Ciara. Bibili pa ako ng gamot sa botika." paalam niya rito.

"No problem pare salamat sa pagpunta mo kita nalang tayo sa lunes sa school." tinapik nito ang balikat niya. "Go take care of your Princess." pahabol pa nito sa kaniya.

Alam ng lahat ng taga AOC na "Princess" ang tawag niya kay Ciara dahil ito lang ang Princessa ng buhay niya. Simula ng makita niya ito ay gusto niyang palaging nasa tabi lang siya rito. Pero sa Stella Maris Academy of Davao pumapasok si Ciara habang siya ay sa St. Agnes sa Manila. Mabuti nalang at na kumbensi niya ang ama na himukin ang papa ni Ciara na ilipat ito ng school. Hindi agad pumayag ang ama nito pero kalaunan ay pumayag na rin kaya't Third year High School na nakalipat si Ciara.

"I will now pronouce you Husband and Wife." yan na ang pinakamasarap pakinggan sa buong buhay niya. Nagpalakpakan ang lahat at nag sisigaw ng "Kiss".

Masyadong mabilis ang pangyayari dahil ngayon kahit na sa huwes lang ay kasal na sila ni Kelvin. Nag magsisigaw ang mga kapamilya nito ng "Kiss" ay pinamulahan na naman ng mukha si Ciara. Naramdaman niyang dahan-dahang lumapit ang mukha ni Kelvin sa kaniyang mukha. Hanggang sa malanghap na niya ang mabango nitong hininga kaya't napapikit siya. Ng sa wakas ay naramdaman na niya ang mainit nitong labi sa kaniyang labi ay parang may boltaheng kuryenteng kumalat sa buong katawan niya. Hindi niya alam kung ilang minuto o kaya'y oras na nasa ganoong ayos sila. Wala siyang ibang naririning kundi huni ng ibon at ang medyo kalakasang hangin sa labas. Parang biglang tumahimik ang buong lugar kaya dumilat na siya at sa pagdilat niya ang maitim na mata ni Kelvin ang una niyang nakita. Taimtim itong nakatitig sa kaniya na parang siya lang ang nakikita nito at wala ng iba. Hindi niya mabasa ang mukha sa likod ng maskara ni Kelvin dahil wala siyang nakitang expression rito. Baka namalikmata lang siya kanina ng halikan siya nito ang akala niya ay may kalakip na pagmamahal iyon. Nabigla siya ng bigla nalang siyang kabigin nito at halikan uli't pero ngayon naging mapusok at malalim na. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay para ilagay sa likod ng batok nito. Hindi niya ito binigo dahil ginagantihan rin niya ang kapugukan nito. Kalaunan ay ito na rin ang tumigil dahil kinakapos na ito ng hininga.

"Camila let's leave those kids alone." tawag ni Mr. Romualdo sa asawa na nakasilip pa rin sa bintana at minamasdan ang anak at bagong asawa nito na naghahalikan sa labas.

"Do you think they're really in-love?" baling niya sa asawa.

"I think they are but let's give them a space to figure that out. Mahirap ng makiki-alam tayo except kung sila ang hihingi ng tulong sa atin." lumapit siya sa asawa at hinalikan ito sa labi bago lumabas ang dalawa. Nauna ng lumabas ang iba pa kanina.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Sommers ng kaniyang Black Corvette na regalo pa ng kaniyang Step Dad galing America. Napakabait ng naturang amain dahil tinuturing siyang tunay nitong anak at kahit minsan hindi ito naging favoritism sa kanilang dalawa ng Step Brother niya na si Cole na ngayon ay nasa 6th grade na. Malapit na siyang ma-late sa Dental Appointment niya kay Dr. Lim at kung hindi pa siya tinawagan ng receptionist nito para i infrom na nasa out of town pa rin ang Dentist niya at ang kasamahan nito na si Dr. Santillian nalang ang titingin sa kaniya ay hindi pa siya magigising. Malakas ang ingay ng gulong niya pagka-park ng kaniyang sasakiyan. Mabilis siyang bumaba at lakad takbo ang ginawa niya para mabilis marating ang opisina nito.

"Miss Sommers Good Morning po." bati sa kaniya ni Brenda ang receptionist ng naturang opisina.

"Good Morning rin. I'm so sorry i'm late ginabi na kasi ako ng uwi galing meeting eh." isa siyang interior designer at co-owner ng naturang kumpaniya. Sa tulong ng kaniyang mga magulang ay binigyan siya ng mga ito ng puhunan.

"Okay lang po Ma'am halina po kayo sa Room 2 po kayo." dinala siya nito sa isang kuwarto kung saan may malaking Dental chair sa gitna umupo na siya roon para maghintay.

"Papasok na po yung Hygienist namin pagkatapos po ay i che-check po kayo ni Dr. Santillan." ngumiti muna ito bago lumabas ng kuwarto.

Ilang minuto lang ang hinitay niya bago pumasok ang kaniyang hygienist. Bata pa lang siya ay tinuturuan na niya ng mommy niya na alagaan ang kaniyang ngipin. Kaya regular siyang nagpapa cleaning hindi pa nga sapat sa kaniya ang twice a year dahil bumibili siya ng mga produkto gaya ng whitening strips, floss at iba pa. Sabi ni Piper Obsessed raw siya sa pagpapaganda at kung bakit raw hindi siya sumali ng Miss Universe at para naman daw magamit ng Pilipinas ang beauty niya. Parehong Pinoy ang mga magulang niya ang tunay niyang ama ay nabibilang sa isa sa kilalang tao sa buong Asia. Pero naghiwalay ang mga ito nung anim na taon pa lamang sila ng kakambal niya kaya't ang kaniyang last name ay Tinsley dahil inadopt na siya ng Step Dad niya.

"O ayan Miss Sommers tapos na po ipagpatuloy po ninyo ang pag-aalaga sa mga ngipin nyo po ha. Sige po lalabas na po ako at papasok na mayamaya si Doc." ng makalabas ito ay kumuha siya ng magazine at nagsimulang magbasa pero agad rin niya itong binaba ng may pumasok ng kuwarto. Napatulala siya dahil napaka guwapo pala ni Doctor Santillin.

"How are you Miss Tinsley?" tanong nito habang inilahad ang isang kamay.

Napatulala siya dahil pati boses nito ay napakaseksi. Tinaggap niya ang pakikipagkamay nito. Bigla siyang kinilig dahil napaka masculine nito pati ang paghawak nito sa kamay niya. Ayaw pa niyang bitawan ang kamay nito kung hindi pa siya nito sinabihan.

"Miss Tinsley you can let go of my hand now."

"Just call me Sommers." nagpapacute na siya rito.

"Ok Sommers. I'm Doctor Clark Santillan it's so nice to meet you." Umupo ito paharap sa kaniya habang siya ay nakaupo pa rin sa Dental Chair.

"Do you have any questions regarding your cleaning?"

"No i don't." then may naisip siyang kapilyahan. "Oh wait meron pala.."

"Sige go ahead and ask."

"Are you in a relationship right now?" biglang tanong niya rito.

"What?" nabigla ang kaniyang guwapong Doctor.

"Do you have a Girlfriend or maybe a wife or some sort serious relationship with other woman?" ang pagiging pranka ang isa sa mga negative attitude niya ika nga ni Piper. Pero wala siyang paki-alam dahil kung hindi siya magiging pranka ay feeling niya parang hindi matatahimik ang kalooban niya hangga't masabi niya ang iniisip.

"And what if i will say i don't have any serious relationship right now or any fling for that matter can we continue or discussion about your teeth?"

"Sure Doc but one more thing." pahabol niya rito.

"Go ahead."

"Can i be your Girlfriend?"

"You say What!" napalakas ang sigaw nito.

Author's Note:

Sommers and Clark's story will be in "City Girl" novel.

Ms Sapphire :D

Continue Reading

You'll Also Like

817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
18K 754 48
Hindi ako naniniwala na may forever dahil kung meron hindi sana ako iniwan ng mga taong mahal , kaya nga hindi na ko mag mamahal ulit dahil ayuko ng...
88.9K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
30.7K 871 19
Isang writer si Fel at mahal niya ang kanyang trabaho.Kaya kahit palagi siyang puyat at maliit ang kanyang sahod ay ginusto parin niya ito."I love wr...