Chapter 1

23.6K 255 0
                                    

Chapter 1

Kakarating lang ni Ciara sa inuupahang apartment sa Manhattan, New York. Hindi na siya lumabas kasama ng mga kaibigan at room mates dahil nag titipid siya ng pera panggastos niya pauwing pinas. Naghihintay nalang siyang ma approve ang vacation leave niya.

She turned on her laptop, it's been awhile since na check niya ang mga emails niya. Palaging 4 days straight na 12 hour shift ang nakatoka sa kanya.

Napakunot noo siya ng makita ang sangkatutak na emails galing sa mga kapatid niya.

Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Nasa middle class ang pamumuhay ng pamilya niya, may kalakihan ang bahay nila at may mga sasakyan rin sila. Bago siya umalis ng bansa 5 years ago ay nakapundar ang mga magulang niya ng sasakyang pampasahero at apat na taxi.

Hindi agad siya umuwi dahil nagbabakasaling maka kuha ng US citizenship. May pa raffle ang employer nila taga taon para tulungan ang mga gaya nila na dumedepende sa Employment Visa.

Kahit na hindi siya ang nakakuha ay nagpapasalamat pa rin siya dahil may trabaho siya.

Wala pa siyang masyadong naipon dahil hindi siya magaling humawak ng pera. Sanay siyang tinutustusan ng mga magulang niya ang kaniyang mga luho nuon. Never siyang nagtrabaho habang nag-aaral nung college.

After deleting her junk mails she started reading her siblings emails. Napakunot noo siya habang binabasa lahat ng mga emails nito.

Minsan lang din siyang tumawag dahil puro problema ang naririnig niya galing sa nanay niya. Keso mamumuhunan raw ang tatay niya ng ibang negosyo o kaya'y natututo na raw itong mag sugal.

Her Father worked in Saudi for 15 years kaya't hindi sila masyadong close nito. Mabuti nalang at marunong humawak ng pera ang nanay niya.

She picked up the phone and called her families number back home. Matagal bago may sumagot.

"Hello!?" sigaw sa kabilang linya.

"Hello. Manang, si Ciara po ito."

"Ay naku Ciara kumusta kana? Ang tagal mong 'di tumawag dito."

"Kumusta na Manang?" napapangiti siya, Good grief! she forgot how she missed her family. Binubuhos kasi niya ang sarili sa trabaho, ayaw rin niyang ma homesick kapag tumatawag siya palagi.

"Naku Ciara mabuti lang ako pero tong magulang mo eh hindi...." prang may kausap ito sa kabilang linya

"...teka sandali 'andito na ang kapatid mo kayo nalang ang mag-uusap at maghahanda pa ako ng tanghalian. Mag iingat ka, sana umuwi kana dito. Sige bye"

"Bye Manang"

"Hello? Hello Ate?"

Collateral Marriage COMPLETEWhere stories live. Discover now