Chapter 11

9.3K 166 0
                                    

                Pangalawang araw na niya dito sa Cebu. Ang Daddy na sana niya ang pupunta dito pero nasa Manila ito at ang Mommy niya para sa Medical check up ng lola niya sa isang Heart specialist. Lately parang nagiging masakitin na ang matanda. Kaya sinisiguro nilang binibigyan nila ng atensyon ang kalusugan nito. Nami-miss na niya ang asawa. For just few days parang hindi na siya sanay matulog ng mag-isa at walang kayakap. Hindi niya alam kung ganun din ito. Kinuha niya ang kaniyang cell phone and dialed his wife’s number. Alas siyete pa lang ng umaga.

‘Siguro gising na iyon.’

                  Saka palang sinagot ni Ciara ang cellphone ng makitang si Kelvin ang tumawag. Nasa swimming pool siya at nagpapa-init sa araw matapos lumangoy.

“Good Morning.” Agad na bati ni Kelvin. Hindi pa nga siya nakapag “Hello”.

“Good Morning din.” Sagot niya rito.

“So how’s your morning?” tanong ng asawa niya sa kaniyan. ‘Lonely’ iyan sana ang isasagot ni Ciara ng maisipan niyang isarili nalang muna.

“Good. Mainit ang araw kaya naligo ako sa pool. Right now I’m just resting at maya-maya I’ll have my breakfast.” Sagot ni Ciara sa kabilang linya. He was hoping na naging miserable rin ang gabi nito gaya niya. Hindi iyon ang inaasahan niyang sagot. Napabuntonghininga siya. ‘I guess we’re taking things so slow here.’ Nasa-isip niya.

“Tinawag ko na pala sina Roda at ang iba pa na pumunta dito mamayang hapon. I want to make dinner for them kaya dinner time ko na sila papupuntahin dito at baka matagalan ako sa preparations. Pupunta rin pala ako ng grocery store kasama si Letty mamaya.” Napakagat labi si Ciara. “Kung okay lang sa iyo?” Binilinan siya ng credit card ni Kelvin bago ito umalis pero nais pa rin niyang magpa-alam tuwing gagamitin niya ito.

“By all means sweetie. You can use the card all you want. Kaya nga binilin ko yan sa iyo para may magamit ka.” ‘sweetie? Now where did that came from?’ tanong ni Kelvin sa sarili.

“Ahm okay.” Parang kiniliti ang puso ni Ciara ng tawagin siyang “Sweetie” ni Kelvin. “May contact number ka ba sa hospital ni Janelle? Kasi magpapa-appointment ako para sa Annual pap smear check up ko.” Nakakahiyang magtanong ng personal na mga bagay lalong-lalo na kung lalaki ang kausap mo. Pero maiintindihan naman siguro siya ni Kelvin dahil may dalawang Ate naman ito.

“Sure. Meron ako.” Sinabi ni ang contact number ng kapatid. “Baka hingan ka nun ng records mo from your previous Doctor. Madali bang ma contact yung Doctor mo sa New York?” parang concern ang naririnig niyang tono ng boses nito. Napangiti si Ciara. Babae lang siya. May karapatan siyang kiligin kung may isang guwapong lalaki na nagpapakita ng concern sa kaniya.

‘Parang nahuhulog na ‘ata ang loob ko sa kaniya ah’. She thought.

Hindi naman mahirap pakisamahan si Kelvin eh. ‘Eh ang mahalin kaya?’ tanong ng kaniyang isipan. She never thought that there’s already love between them. Sa ngayon they’re taking baby steps one day at a time. ‘Diba ganyan naman talaga ang isang relationship? You always get to know each other kahit na ilang taon na kayong mag on o kasal?’ Napabuntonghininga siya.

Collateral Marriage COMPLETEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora