Chapter 8

10.7K 172 0
                                    

Napangiti si Sommers sa reaction ni Dr. Santillan dahil alam niyang hindi siya mahihirapan rito. Gusto niya yung nagpapakipot pa kahit na alam niyang bibigay rin kaagad. Napakataas talaga ng self confidence niya dahil alam niyang may maibubuga siya. Tumayo na siya at kinuha ang kaniyang purse. Napatayo bigla si Dr. Santillan paharap sa kaniya. Hanggang baba lang siya nito at dahil matangkad rin siya ay hindi siya mahihirapan tingnan ito sa mata. Tinapik niya ang pisngi nito at sinabing.

"I'll leave for now sweetie." bago binirahan ng alis palabas ng silid.

Napatulala si Clark pagka-alis ng bagong pasyente. Ang alam lang niya ay laking America ito kaya siguro napakataas ang bilib sa sarili dahil hindi takot ma reject kahit nino. Lumabas na siya ng silid at inasikaso ang iba pa niyang pasyenteng dadating. Siguro naman ay mawawala rin ang kahibangan ng Sommers na iyon paglabas ng opisina nila.

"Ang mga babae nga naman ngayong henerasyon ay siya pang manliligaw sa mga lalaki." simula niya ng makarating ng reception desk para kunin ang next chart ng susunod na pasyente.

"Bakit Doc niligawan ba kayo ni Ms. Tinsley? Naku huwag na kayong mabibigla dahil ganun lang talaga yang si Ms. Sommers prangka masyado. Nung unang meeting nga nila ni Dr. Lim ay sinabihan ba namang magpakalbo nalang o kaya'y magsuot ng wig." humalakhak ito sa tawa. Si Dr. Lim ay medyo wala ng buhok sa gitna pero tinatabunan pa rin ng natitirang buhok ang panot nito. Kaya pala nung muli silang nagkita ay nagpakalbo na ang naturang Doctor.

"Hay Doc ang suwerte 'nyo at kayo pa ang niligawan at si Ms. Sommers pa. Maghanda-handa na kayo sa susunod na araw at hindi na kayo tatan-tanan niyan." binigyan siya nito ng makahulugang ngiti.

"Well tingnan lang natin kung gaano kahaba ang pasensya niya. Strict 'ata ang parents ko." kinindatan niya si Brenda sabay alis. Nagtawanan ang mga kasamahan niya na nakarinig sa pag-uusap nila ni Brenda.

"Sinabi mo 'yon?" gulat na tanong ni Piper kay Sommers ng maglunch sila sa labas.

"Yes i did. Kung nakita mo lang yung mukha ng pobreng Doctor." sabay tawa ng maalala ang reaksiyon ng Doctor. "Piper, I think I'm in love and this time i know it's for real. Iba talaga ang vibes ko sa Clark na yan eh para mag MTB kami." (Meant To Be) ang ibig sabihin nito.

"Naku! matigil kana riyan bruha ka at iyan rin ang sinasabi mo sa past relationships mo ano. Tapos anong mangyayari sa iyo in the end? Iyang virginity mo lang ang habol nila sa iyo kaya ayun iiyak ka na naman dahil 'He's not the one pala eh.' yan palagi ang sinasabi mo." ginagaya pa niya ang maarteng iyak nito tuwing binabastos ng naging nobyo nito. Kilalang-kilala niya si Sommers kahit na liberal ito sa salita at kilos ay may prinsipyo ito sa buhay. Naniniwala ito sa 'Fairytales' and 'Happy Ever After' pero ang problema ito ang naghahanap ng Prince Charming instead ang Prinsipe ang naghahanap dito.

"You really know me that much ha." naiiritang sabi nito.

"I already ask for Vacation leave para sa Wedding nina Ciara at Kelvin." pag-iiba ng topic ni Piper.

"I know me too. I already talk to Geoff about that. Can you imagine nagkatuluyan rin pala ang dalawa. Ciara's so blind dahil sabi niya she never met Kelvin before." Sommers rolled her eyes. "If she only knew maraming beses na nasa harapan lang niya si Kelvin ay hindi pa rin niya ito napapansin." hindi nila alam kung bulag o nagbulag-bulagan lang ang kaibigan nilang yun. Pero masaya sila dahil alam nilang mahal na mahal ni Kelvin si Ciara.

Collateral Marriage COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon