Chapter 13

8.9K 150 1
                                    

                  Nasa gitna na siya ng hagdanan ng maisipan niyang tumalikod at bumalik ng Library. Pabalik-balik siya sa harap ng office desk habang ang mga kamay ay nakasabunot sa kaniyang buhok. Hindi niya alam ang gagawin. Naguguluhan na siya. Ayaw naman niyang saktan si Ciara dahil mahal na mahal niya ito. Sa inis niya ay tinabig niya lahat ng nakapatong sa mesa habang sumisigaw.

“Uuurrrrgghhh!!!” napahingal siya dahil sa nararamdamang galit sa kaniyang dibdib. Parang lumabas lahat ng enerhiya niya sa katawan.

Galit siya sa sarili dahil hindi siya makuhang mahalin ng babaeng pinakaiibig. ‘Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para matutunan mo akong mahalin, Ciara?’ tanong ng kaniyang isipan. Tinukod niya ang mga palad sa ibabaw ng mesa habang nakayuko ng bumukas ang pintuan at pumasok ang asawa. Nakaligo na pala ito at nakapantulog na. Yumakap agad ito sa kaniyang likod.

“Hindi pa ba tayo matutulog?” tanong nito sa kaniya. Naramdaman niya na pagdampi ng tenga nito sa likuran niya. Ang mga kamay ay mahigpit na nakayakap sa bewang niya. Kung normal siguro ang sitwasyon nila ngayon ay iisipin niyang mahal siya nito. Pero paano nalang kung ginamit lang siya ng babae para perahan siya? Pera? Diba yan ang dahilan kaya napilit niya ang babaeng magpakasal sa kaniya? Nais niyang magsisi dahil hindi niya sinunod ang payo ng ama. Pinitas na niya ang bunga kahit hindi pa ito hinog. Kaya ngayon ay siya ang nahihirapan sa sitwasyon nila.

Kinalas niya ang pagkakayakap nito at humarap. “Mauna ka nang matulog. Hindi pa ako inaantok.” Pagdadahilan niya habang hindi tumitingin sa mga mata nito.

               Napakunot ang noo ni Ciara sa inaakto ng asawa. “May problema ba dun sa tawag mo?” usisa niya dito. Hindi siya nakiki-alam sa ibang tao pero hindi na ibang tao si Kelvin sa kaniya.

“Wala naman. Si Zack lang ang tumawag.” Lumapit si Kelvin sa swivel chair at umupo. Inilabas nito ang mga papeles at nagsimula ng magtipa sa computer nito.

“Gusto mo ba ng maiinom? Gatas nalang siguro para makatulog ka kaagad. Sandali ikukuha kita..” tatalikod na sana siya ng bigla siyang tawagin nito. Ang mga tingin ay nasa screen pa rin ng computer.

“Huwag na baka gabihin ako dito. Matulog kana at alam ko’ng pagod ka.” Hindi na talaga mababago ang desisyon nito.

“S-sige.” Tumalikod na siya at binuksan ang pinto. Bago siya lumabas ay nilingon muna niya ito. Hindi niya alam ang pinagmamarakulyo ng lalaki gayong masaya naman silang dalawa kanina. Sinirado na niya ang pinto at nagmamadaling umakiyat sa kuwarto nila.

Hindi agad siya nakatulog dahil nagbabakasali siyang hindi ito magtatagal sa ginagawa. Hindi na niya napigilan ang luha na kanina pa gustong lumabas. Alas dos na ng madaling araw ng huli niyang tingnan ang orasan. Pinilit nalang niyang ipikit ang mga mata at baka bukas nasa tabi na niya si Kelvin.

Samal Island….

              Bago ang openning ng “Kerra Resort” na kinuha sa pangalan nilang dalawa ay inimbitahan muna nila ang kani-kanilag pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Dumalo sina Samantha, Justin, Sommers kasama ang ‘not official’ boyfriend nito na si Clark. Lahat ng barkada ay nakahabol pa gaya nina Ethan at Nikki, Alex at Val, Zack, Tyler at Vanessa. Ofcourse hindi mawawala ang mga naging kaibigan niya sa New York na sina Myrna, Roda, Girlie, Josh at Donald. Napakasaya ng party nila may barbecue at iba’t-ibang pagkain. Pati na mga trabahante nila at ang mga pamilya ng mga ito ay imbitado din kasama ang mga magulang niya.

Collateral Marriage COMPLETEWhere stories live. Discover now