When Gangsters Meet the Sadis...

By arkiSTEPH

931K 22.3K 6.8K

[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you. More

PROLOGUE
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18.1
chapter 18.2
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
Love Letter
Chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45

chapter 23

11.5K 296 54
By arkiSTEPH

"Only 2 inches above the knee." pag uulit na paalala ni Uriah habang nakatalikod samin ni Alexis. Kaso kung iisipin mo sobrang haba pa niyon kesa sa mga suot ng babae kanina. Umiling iling si Alexis habang tinitignan ang palda ko. Hanggang sa tinupi pa niya ng ilang ulit ang suot ko dahilan para lalo makita ang hita ko.

"Okay lang ba ganito kaikli sayo?" tanong ni Alexis habang nakatingin sakin. Hindi ako nagsalita pero tumango tango ako. Feeling ko e dalawang tupi nalang makikita na ang underwear ko.

Hanggang sa nabaling ang atensyon ko nung marinig ko si Uriah na napabuntong hininga at hinilamos ang palad sa mukha.

"Uriah, could you please stop staring at the rear view mirror." saway ni Alexis at parang ate na sinasaway ang nakakabatang kapatid." Pilyo."

Napatingin tuloy ng masama sa rearview mirror pero nakita kong nakatingin lang si Uriah sa labas. Di ko alam kung tamang description ang sasabihin ko pero ang gwapo ng mata niya. Kainis.

Pero ang cute nila ni Alexis, bukod ata sakin si Alexis lang ang nakakasaway kay Uriah. Sabagay, bata palang talaga magkaibigan na sila.

"Alexis, need help?" tanong ni Dominic habang pinipilit na tumingin lang sa labas. Mga lalaking 'to. Ayon si Uriah, kulang nalang ay music background para magmukha na siyang nasa music video. Ang layo ng tingin sa labas at parang natulala na.

"Okay lang." sagot ni Alexis habang pinipilit na pinuputol ang maong na pantalon. Hinubad niya kasi ang pantalon niya pero may tabon ang binti niya ng jacket ni Dominic. Grabe, ang fearless din pala ni Alexis 'no, parang sila Chin lang din. Buti nalang andito siya, parang lalo tuloy ako napursige tumulong at kumalma kahit papaano.

Ang relax niya lang kasi, siguro kinakabahan din siya pero di siya tulad ko na mabilis magpanic. Focus kung focus din siya sa ginagawa niya.

Parehas na kaming nagpuputol ni Alexis ng pantalon niya. Mahirap lang dahil wala kaming gunting kundi 'yong maliit na patalim lang niya ang gamit niya. Buti nalang at pinahiram ako ni Doms nung katulad kay Alexis. Parehas silang meron nito.

"Kaw nagbigay nito Doms kay Alexis?" tanong ko habang pursige sa pagputol.

"Alin 'yang patalim? Hindi, bigay sakin ni Alexis 'yan."

Napatingin ako kay Alexis na ang seryoso padin sa ginagawa. Hindi ko alam na may ganitong side si Alexis, ang tapang niya. Lalo na't binigyan niya ng ganito si Doms, sino bang babae ang basta basta magbibigay ng ganoon sa lalaki. Naisip ko, na kahit hindi talaga showy si Alexis pero maalalahanin siya at considerate.

Naisip niya na delikado lagi kaya binigyan niya ng ganto si Dominic. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at napangiti na may tuwa at pait. Hindi ko tuloy maiwasan ang lalo bumaba ang tingin ko sa sarili ko.

Laging nasa delikadong sitwasyon din sila Uriah, pero ni minsan wala man lang akong ginawa. Pakiramdam ko ay napaka inconsiderate ko. Na kahit simple gestures ay wala ko magawa para sa kanila, para sa kaligtasan nila.

Kaya naman dapat talagang magawa ko ngayon ng maayos ang misyon ko para matulungan sila. Kumpara sa gagawin kong 'to, wala pa 'to kumpara sa mga nagawa nila.

Inayusan din ako ni Alexis maging ang kanyang sarili dahil hindi namin alam baka kilala kami ni Cholo, ang galing niya magmake-up.

Ngayon ko lang nakita ang sarili ko na ganito ang ayos.

"Grabe, ang fierce tignan. Very good." bati samin ni Chin habang tinitignan ang mukha namin ni Alexis sa video call.

Habang si Uriah at Dominic ay di magawang tumingin samin ng diretso. Titingin man sa mukha namin ay saglit lang at halatang nahihiya. Nahihiya tuloy din ako! Pero hindi, kailangan ko maging professional.

Patuloy kami sa pakikinig kay Chin lalo na't sa mga dapat gawin namin dalawa ni Alexis.

"Ethan, napag-aralan mo na 'yong mga pwede naming daanan kung sakaling magkahabulan?" seryosong tanong ni Uriah.

"Okay na, napasok ko nadin system ng mga traffic management within the area." sagot ni Ethan. "Hoy ate." aniya kaya napalingon ako sa cellphone. Hindi agad siya umimik at tinignan lang ako. Halata sa mukha niya ang inis at pag-aalala. "Mag-ingat kayong dalawa, pagkakalat ko picture mong panget pag kahit galos nagkaron kayo. Ge."

sabay abot niya ulit ng cellphone kay Chin, napangiti nalang ako dahil natawa ko sa itsura niya, sobrang seryoso kasi tapos nambanta pa. Hay! Gusto ko siya yakapin at kurutin. Napatingin ako kay Alexis na nakangiti din.

Ang relax niya lang talaga ano, para siyang pinaghalong Chin at Demi. Para siyang si Demi kasi tahimik lang din pero focus lagi sa mga ginagawa at para din siyang si Chin kasi masungit at palaban. Bale ang kabuuan para din siyang girl version ni Uriah.

Matapos ang paghahanda at pagpapaliwanag ay inilagay ko na ulit ang wig ko. Grabe! Ang kamay ko nanlalamig.

"So okay na tayo lahat? Relax lang kayong dalawa okay? Pag alam niyong masyado ng delikado labas agad. Wag niyo na intindihin ang misyon. Ingat." huling paalala samin ni Chin.

"Una na ko." paalam ni Alexis. Hindi kasi kami magsasabay para hindi malaman na magkakilala kami.

"Ingat ka." aniya ni Uriah sa kanya. Tumango tango lang si Alexis at tumingin sakin. "Kita nalang tayo sa loob. "

"Okay. Ingat ka." sagot ko at hinawakan ang kamay niya. Gaya ng akin, malamig din ang kanya. Tumango lang siya at ngumiti ng kaunti sakin. As in unti lang para lang maiparamdam niya na kaya namin 'to tsaka ko naramdaman na pinisil niya din ang kamay ko.

"Hatid ko lang siya. Balik din ako agad." paalam ni Doms.

"Make sure na di ka mahahalata Doms." paalala ni Uriah.

Lumabas na silang dalawa kaya naman napapikit ako at napadasal sa sobrang kaba. Ang lamig ng buo kong katawan. Dala na ng kaba at dahil din siguro sa suot ko kahit na hininaan naman na ang aircon ng sasakyan.

Pagdilat ko bumungad sakin ang seryosong mukha ni Uriah, nakatitig siya sa mga mata ko at parang sa loob-loob niya ay gusto niya akong pigilan pero pinipigilan niya ang sarili na sabihin 'yon. Dahil alam niyang di na ko aatras pa.

Tinitigan ko lang din siya at nginitian, 'yong ngiti na nagsasabi na wag siyang masyado mag-alala, na ayos lang ako at gusto ko talaga gawin ang bagay na 'to.

Iniabot niya ang kamay niya na ipinagtaka ko. "Is it cold?" malumanay niyang tanong habang nakatitig ako sa kamay niya. Muli akong napangiti nung malaman ang gusto niya.
Ipinatong ko ang kamay ko sa palad niya at tsaka niya hinawakan 'yon mahigpit.

Ang lamig din ng kamay niya, pero 'yong pakiramdam na hawak niya ang kamay ko at halos ayaw na niya bitiwan ay nagbibigay ng kaginhawaan at pakiramdam ko ay safe ako. Nakakakalma, nakakaadik.

'Gusto kong putulin ang kamay niya at bitbitin lagi para kalmado lang ako bawat oras.'

Ay ano ba 'yan! Kung anu-ano na naman naiisip ko.

---

Relax! Relax Agatha. Andito na ko sa loob at mula dito ay rinig ko na ang ingay mula sa baba.

Maigi akong tinitigan ng mga bantay nung maiabot ko sa kanila ang bayad ko. Inalala ko ang sinabi sakin ni Alexis, kung paano tumitig ng hindi halatang kinakabahan.
Ang sabi niya isipin ko lang na ang mga tinitignan ko ay... aso.

Seryoso, hindi sa pagiging rude pero ganun na ang tingin ko sa mga kaharap kong mga bouncer. Alam kasi ni Alexis na narerelax ako pag nakakakita ng aso at ganun din daw siya.

Nasubukan na daw niya 'yon dati kaya naman sinunod ko siya at mukhang effective naman.

Ang cute ng mga bulldog! Kaya naman napangiti ako habang tinitignan sila. Poker face lang din sila. Gusto ko sila kurutin.

"Oh." nagulat nalang ako bigla nung may lumapit saking babae at kinapkapan ako. Nakiliti pa ako dahil sa tindi ng pagkakakapa niya. Buong katawan ko ang nahawakan niya!

Buti nalang at babae siya kundi baka nagkaloko loko na, baka makalimot ako at makasampal ako bigla.

"Clear." aniya nung babae at umalis na sa harap ko.

"Pwede na kayo pumasok." sabi ng isa sa mga bantay.
Ngumiti lang ako at tumango. Habang bumababa ako ng hagdan lalong lumalakas ang ingay ng tugtugan, lalong nag-iiba ang ambiance, madilim at puro party lights ang nakikita ko. Pagkababa ko doon tumambad sakin ang napakaraming tao.

Mga nagsasayawan at nag-iinuman na para bang walang bukas. Nagulat nalang ako nung biglang may dumaan sa harap ko na naghahalikan pababa ng basement 2 at halos kainin na nila ang mukha ng isat isa. Grabe!

Napatitig ako ulit sa kanila habang nagkakanda hirap sa pagbaba. Dahil tuloy padin sila sa kanilang ginagawa nakakatakot dahil baka mahulog sila.

"Oh my!" ayan nalaglag na nga. Ang sakit nun, pero agad din naman silang tumayo. Makaalis na nga.

Grabe, para akong napagod agad. Nakakapagod pag ang daming tao sa paligid mo lalo na't pakiramdam mo e matatamaan ka nila at mababangga.

"Excuse me. Excuse me." paalam ko sa mga nadadaanan ko. Grabe, ang daming magaganda at sexy.

Gaya ng napag usapan ay pumunta ako sa may counter. Doon ay nakita ko si Alexis na tahimik na nakaupo at nagkukunwaring umiinom.

Pero hindi, iniinom niya talaga ang laman. Nakita na niya ako at nagtitigan lang kami ng ilang segundo. Doon ako pumwesto sa kabilang counter. Para kahit saang counter pumunta si Cholo ay makikita namin agad.

Umupo na ko sa stool at natulala, ano nga ba 'yong oorderin ko dapat? May sinabi sakin si Uriah, nakalimutan ko. Ladies drink para di ako mahilo. At wag na wag daw ako tatanggap ng drinks galing sa iba dahil baka lagyan daw ng drugs.

Pasimple akong lumingon kay Alexis, nakita kong may mga lalaking lumapit sa kanya at halatang nakikipagkilala. Cool lang ang expression ng mukha niya, at cool padin siya habang nirereject ang mga lalaki. Grabe sobrang cool.

Di ko pa makita si Cholo, sobrang dilim.

Dali, anong oorderin ko! Mamaya mahalata kong wala talaga kong alam dito. Baka biglang dumating si Cholo, ang awkward naman kung makita niyang di ako umiinom gayong nasa club ako. Makikipag bessy pa naman ako sa kanya.

May sinabi si Uriah e, ano nga ba 'yon! Nakalimutan ko. Natataranta na tuloy ako. Napalingon ako sa kaliwa ko at doon ko nakitang lumalakad si Cholo papunta dito kasama ang mga kaibigan.

Sa sobrang taranta ko ay di ko na nagawang itext si Uriah, tinignan ko 'yong bartender na may inabot na alak sa babae.

"Excuse me, bigyan mo din akong ganun." sabi ko sa kanya at parang nag-isip pa siya.

Magsasalita pa sana siya nung ngumiti nalang ako ng pilit , masyadong obvious na baguhan! "Ahmm. Pakibilis nalang. Thank you!"

Sabay lingon ko ulit sa direksyon nila Cholo. Malapit na sila. Ayan na! Mukhang dito din siya pupunta talaga. Agad akong napaiwas ng tingin nung nakita kong napatingin siya sakin.

'Para na kong aatakihin.'

Napapatapik na ko dito sa counter sa sobrang kaba at pati ang buo kong katawan ay nanlalamig.

Napalingon ako ulit kay Alexis. Pasimple niyang inipod ang buhok sa kanyang tenga. Ibig sabihin n'yon, huminga ako ng malalim at tatlong beses. Napansin niya sigurong natataranta na ako.

Agad ko 'yon ginawa, at kahit papaano ay kumalma ako. Nakakalimutan ko kasi ang mga ganung bagay kaya mabuti nalang at naisip ni Uriah na gumawa kami ng sign ni Alexis.

'Relax. Relax.'

Ngayon ko lang namalayan na andito na pala sa harap ko ang inorder ko. Habang sila Cholo ay tumigil muna doon at nakikipag usap sa ibang tao dito.

Relax, hinga ng malalim ulit, umayos ng upo. Okay! Kaya ko 'to.

Kinuha ko ang baso ko at tinitigan 'yon. Ladies drink naman 'to kaya for sure hindi matapang hindi ba? Napatingin ako dun sa nag order na babae, mukhang chill padin siya at nakukuha pa ngang makipagsayaw sa mga kasama niya.

Hindi naman 'to nakakapalpitate siguro. Uminom ako ng kaunti at talagang napapikit ako dahil sa lasa. Di ko maexplain ang lasa, basta mas nangingibabaw ang pait.

"Excuse me Miss, Are you alone? wanna join us?" tanong nung lalaking umupo sa katabi kong stool. Tinignan ko din ang kasama niya, hindi 'to mga kasamahan ni Cholo.

"No thanks, may hinahantay kasi ako." maayos kong sagot at ngumiti.

Tumango tango lang siya nang nakangisi tsaka tinignan ako ng malagkit simula paa hanggang ulo.

Agad na tumaas ang kilay ko pero pinilit ko padin ang ngumiti. Relax Agatha.

"You sure?" ulit niyang tanong, habang ang isa niyang kaibigan ay nakatingin sa hita ko.

Tumango tango lang ako ulit na may ngiti padin sa labi.

"Sayang naman, mukhang mahilig ka pa naman sa hard." sabi niya habang nakangiti at nakatitig sa kamay ko

Parang nagpantig ang tenga ko at pabagsak kong nilapag ang baso ko, anong ibig sabihin nun? Loko 'to ah!

Pagkaalis na pagkaalis nila ay napahinga ako ng malalim. Ang sarap dukutin ng mata, may mga lalaki talagang ganun ano. Bulgar kung makamanyak. Kahit na alam nilang nakikita mo ang ginagawa nila. Nainitan tuloy ako bigla dahil sa pagkainis.

Sa sobrang inis ko ay napainom ako sa baso ko. Muntikan pa ko maubo dahil sa sunud sunod kong lagok. Ang sarap niya kasi malamig pero kapag nalunok mo na ay parang may gumuguhit sa lalamunan ko pababa hanggang dibdib at tyan.

Ang tindi! Ganito ba talaga mga inumin dito. Partida ladies drink palang 'to.
Unti-unti kong nararamdaman ang pag-init ng katawan ko. Hindi na ko ganoon nilalamig.

'Kaya pala mga babae dito kahit maikli suot di na nilalamig.'

Humingi ako ulit ng isang baso pang ganun, kailangan ay may alak na nakalagay sa harap ko dahil may mga lalaki kaninang pinipilit ako na bigyan ng drinks dahil wala na daw akong iniinom. Nakakaloka, ganun sila ka-concern.

Sobrang dami kong nakita na lumalapit kay Alexis, sobrang ganda niya kasi. Ako nga babae na e namamangha pa sa kanya paano pa ang mga lalaki na andito. Kachat ko lang siya pati sina Uriah para mag-update.

Kinakabahan padin ako, lalo na't pag may mga lalaking bigla bigla nalang na susulpot sa tabi ko. Buti nalang at wala pa naman talagang bumabastos sakin. Kundi baka pag ganun ay di ako makapagpigil at masira ko ang misyon.

Ano ba 'to, parang medyo nahihilo ako at lalo akong naiinitan. Nakakadagdag pa ng hilo ko ay ang mga party lights at ang ingay ng tugtog.

'Hindi pa lumalapit dito si Cholo.Pero nilapitan ako ng mga isa sa friend niya. He asked for my number.' -Alexis

'Pinasa mo sa phone ng friend niya?' -Chin

'Yes.' -Alexis

Wow! Cool.

'Okay na, effective na yung tracking device sa kaibigan niya.' Ethan

'Okay pero mas better kung kay Cholo mismo.' Chin

'After 5 minutes at wala padin lumabas na kayong dalawa.' -Uriah

Pero mas okay padin diba kapag si Cholo ang nalagyan? Para mas mapadali ang trabaho nila. Matatapos nalang 'tong ginagawa namin wala man lang akong naitulong.

'Oo, madali nalang 'yan atleast may nalagyan natin 'yong kaibigan niya.' -Doms

'Oo nga pala! Tama alis na kayo after 5 minutes. Kasi malapit na mag 8 pm. Pag ganyan e papatayin ang lahat ng ilaw tapos kahit sino pwede mong higitin. Pag nahigit ka hindi ka pwede tumanggi sa kung ano pwede gawin sayo within 2 minutes. Kung hindi kaya makalabas agad magtago kayo sa banyo. Sorry ngayon ko lang naalala.' -Chin.

'You mean 2 minutes pleasure?' -Dominic

'Oo.' -Chin.

Bigla kong narinig sa isip ko ang pagmumura nila Uriah.

Nanunuyo ang lalamunan ko at lalo akong kinabahan sa sinabi ni pinsan. Seryoso? Kahit anong pwede gawin sayo? Napainom ako ulit dahil sa uhaw at kaba. 10 minutes nalang! Magpakita kana ulit Cholo.

Gusto kong makatulong, gusto kong may magawa kaya kailangan ko na makita si Cholo.

'Hoy sadist puro ka seen! Ano may nambastos ba sayo dyan? Umalis agad dyan ah, sumunod ka!'- Uriah

Ano kasing iuupdate ko e wala pa kong nagagawa dito.

'Okay nman,wala naman, di padin lumalapit sakin si Cholo. Tsaka sinusunot ko naman mga bilin niyo.' sagot ko.

'Anong sinusunot!? Mali mali spelling mo! Lasing ka naba?' -Uriah.

'Hindi a, arte nitoi spelling contest ba 'to. Ladies drink lang 'to diba sabi niyo okay lang 'to. pshhh!'

Pero seryoso, nahihirapan ako magtype ng maayos.
Hanggang sa napatingala ako at minulat mulat ang mga mata ko. Ang bigat ng mata ko. Bakit ganun?

Napatingin ako sa kanan ko nung biglang may umupo na lalaki doon at may kasamang dalawang lalaki sa likuran.

"Jack and coke please." nakangiti niyang sabi habang nakikinig sa kwento ng kaibigan niya.

Feeling ko e matutumba ako, wala bang sandalan ang stool na 'to. Naramdaman ko ang sunud-sunod na pag vibrate ng cellphone ko.

Titignan ko sana 'yon nung lubos kong maintindihan kung sino ang nasa tabi ko. Dahan dahan kong nilingon ang ulo ko sa kanya at doon nakumpirma kong siya nga.

Medyo malabo kasi ang dating ng mukha niya sakin kanina pero nung matamaan ng ilaw ang mukha niya ay namukaan ko na.

"Sige pre sayaw lang kami." paalam ng kaibigan niya.

Nakangiti padin siya at tumango sa mga kasama. Pagkatapos ay napatingin siya sakin at sa baso ko.

Mabilis ako na nag-iwas ng tingin, sa sobrang bilis ay parang lalo akong nahilo.

'Andito na siya, anong gagawin ko...' tanong ko sa sa sarili. Hindi ko na magawang buksan ang cellphone ko sa takot na baka makita niya ang chat dahil malapit lang siya.

May 8 minutes pa bago mag 8:00pm. 3 minutes nalang ang oras na pwede kong ubusin. Kaso paano ko mahihiram ang cellphone niya? Halatang hindi ako ang pakay niya kundi 'yong alak.

Hindi na ko makalingon pa sa kanya at maging kay Alexis dahil pag tinignan ko si Alexis ay maaaninag ko ang mukha ni Cholo. Kinakabahan ako na baka magduda siya at tinitignan ko siya.

Napatungga ako ulit at hindi ko na masyadong nainda ang lasa dahil sa kaba.

Naaaninag ko na gumagamit siya ng cellphone. Gusto ko sana siyang batukan dahil nakukuha pa niya magsaya dito pagkatapos ng ginawa niya kay Mars. Mabuti nalang at wala dito si Chin kundi baka mapatay niya ang lalaking 'to.

Napatingin ako sa baso niya, bakit ganun? Parang parehas nung akin? Ladies drink lang iniinom niya. Tumungga ako ulit kaso naubos ko na pala ang laman ng akin. Nawawala ang lamig ng katawan ko pero kinakabahan padin ako at mas lalong nahilo. Pakiramdam ko e umiikot ako.

"Isa pang jack and coke." aniya nung lalaking lumapit dito sa kaliwa ko. Napatingin ako sa kanya at nung ilang segundo bago ko nagets ang lahat ay halos malaglag ang panga ko.

Siya 'yong babaeng ginaya ko ang order kanina, lalo akong nahihilo dahil hindi pala siya babae kundi isang bading. Napayuko nalang ako sa sobrang pagkawindang.

Binalik ko ang tingin sa baso ko, ibig sabihin hindi ito ladies drink. Kaya pala 'yong order ni Cholo ay ganito. Naku po! Hard pala 'tong nainom ko.

Kaya pala sobrang init ng katawan ko. Ang bigat ng mata ko at ang katawan ko. Parang gusto na pumikit ng mga mata ko. Pakiramdam ko kapag tumayo ako ay matutumba ako. Para kong masusuka na ewan.Parang may nasusunog sa dibdib ko.

"Hehehe." natawa nalang ako bigla sa di ko alam na dahilan. "Hehehehe!"

Ang sarap tumawa. Lalo na kapag nakayuko at nakapikit ka. Hinawakan ko ang cellphone ko ng mahigpit, baka may kumuha mahirap na. Pero wala nga pala akong bulsa. Kaya naman inipit ko nalang siya sa bewang at palda ko.

"Oh diba." Hindi na malalaglag. "Hahaha! Namamanhid katawan ko." bulong ko sa sarili. "Ahahaha!"

Ano nga ba 'yong huli namin pinag usapan nila Chin? Nakalimutan ko na. Ano ba 'yan. Basta ang alam ko para kong masusuka.Gusto kong tanggalin ang suot ko dahil naiinitan ako. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako.

At 'tong si Cholo na siraulong 'to, e kung sampalin ko kaya siya ngayon. Tinignan ko siya kahit parang lalo na nanlalabo ang paningin ko at parang sasara na ang mga mata ko. Abala padin siya sa pag cellphone at mukhang may nabiktima na.

'Hablutin ko nalang kaya cellphone niya. Tapos ipasa ko na 'yong program.'

Para tapos agad. Miss ko na mga kaibigan ko. Miss ko na si Uriah. Miss ko na sila mom at dad pati si chuchi. Para na kong maiiyak.

"Sorry." Aniya nung bumangga sakin dahil halos malaglag ako sa kinauupuan ko. Kunot noo akong napalingon sa likod ko at doon tumambad ang masungit na mukha sakin ni Alexis na may hawak ng baso. "My bad."

"Tissue po ma'am." Aniya nung nagtitimpla ng alak.

Natapunan pala ako ng alak ni Alexis pero di ko naramdaman. Napanguso nalang ako habang nakatitig sa braso kong nabasa at pinunasan niya ng tissue.

"Umayos ka. Tumayo ka na dyan. Kung ayaw mong sumugod dito si Uriah." Bulong niya habang tinutulungan akong magpunas. Kinilabutan ako bigla at parang nagising ang diwa ko nung maisip ko ang galit na mukha ni Uriah.

Oo nga pala! Kailangan ko makalabas agad dito. Pero seryoso, umiikot ang paligid ko.

"Teka.... nasusuka ko." Sabay pikit ko at naghahanap ng mahahawakan.

"Need help ma'am?" Bartender

"No need, samahan ko nalang siya siguro sa banyo. Are you okay miss? Kaya mo ba tumayo?" Aniya ni Alexis at tumonong parang di talaga ako kilala.

"Dalian mo. Kanina pa lagpas 5 minutes. Dun muna tayo sa banyo magtago." iritable at pasimple niyang bulong sakin. "Bakit 'yan kasi ang inorder mo! That's men's drink. Tss." Patuloy niya habang inaalalayan niya akong bumaba sa upuan ko. Di ko na makita ang nasa paligid ko maging siya dahil nakapikit na ako.

Ang bigat bigat na ng katawan ko. Gusto ko na humiga. Ano ba naman 'to. Wala na naman akong tamang nagawa. Wala na kaming choice kundi hayaan na si Cholo at magtago sa banyo. Para na kong maiiyak.

Saktong pagbaba ko ng upuan ay nagulat nalang kami ni Alexis nung biglang...

"Sht! NO! FCK YOU!" sigaw ni Alexis nung maramdaman kong napabitaw siya sakin dahil may humila sa kanya kaya tumama ang katawan ko sa stool at halos matumba ako.

Lalo akong kinabahan sa mga sigawan na naririnig ko, sobrang dilim at nararamdaman ko ang mga nagkakagulong tao sa loob. Nanatili akong nakakapit sa stool upang alalayan ang sarili ko.

Habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa stool ay ginamit ko ang kanang kamay ko upang kapain ang nasa paligid ko.

Wala si Alexis, hindi ko na alam kung nasaan siya. Wala na siya sa paligid ko.

"Miss..." pasigaw at halos paiyak na tawag ko sa kanya. Hindi ko siya matawag dahil kahit anong mangyari ay di namin pwede tawagin ang pangalan namin at ipaalam na magkakilala kami. "Miss!"

May mga ilan akong nakakapa pero agad kong inaalis dahil rinig ko na puro lalaki ang dumadaan. Nanginginig ako sa takot, wala akong magawa dahil sa parang bibigay ang katawan ko at sa sobrang dilim.

Naalala kong nasa bewang ko pala ang cellphone ko, nanginginig kong kinuha at binuksan 'yon upang tawagan si Alexis. Hindi ko mapindot ng maayos ang cellphone ko dahil sa pagkahilo at panlalabo ng mga mata ko.

"Ano ba..." sabi ko sa sarili ko habang lumuluha. Nakita ko na ang number niya at tatawagan ko na sana nung biglang may humigit sakin.

"TEKA!" sigaw ko at halos lumuwa ang lalamunan ko. Ramdam ko ang bigat at lakas ng pagkakahila sakin na lalaki lang ang pwede makagawa. Alam kong hindi si Alexis 'to kaya kahit umiikot ang paligid ko ay naglilikot ako at pumalag. At halos magwala ako nung maramdaman ko ang kamay niyang hinihimas ang binti ko.

Talagang nag init ang ulo ko at lalong nandilim ang paningin ko. Unang pumasok sa isip ko ang tinuro sakin ni Uriah. Pinilit kong bumaba ng unti at tsaka mabilis na siniko ang kanyang pagkalalaki.

Agad niya kong binitawan kaya bumagsak ako sa sahig.

"Aww..." kahit na manhid na ang buong katawan ko ay naramdaman ko ang tindi ng pagkakabagsak ko. Una kong tinignan kung buhay pa ang cellphone ko dahil baka nasira.Pinilit kong tumayo dahil baka makabangon pa siya at maapakan ako ng iba.

Tumayo na ako at lalakad na sana palayo nung may humawak sa paa ko. Pero mas ikinagulat ko nung may marahan na humigit sa kamay ko at parang inapakan ang kamay na nakahawak sa paa ko dahilan para mapamura ang lalaking nanghipo sakin.

"Teka lang! Teka!" Sigaw ko habang hawak niya ang kamay ko, madiin pero hindi masakit at hila hila ako habang naglalakad.

Hindi na ko nagkaroon ng pagkakataon na pumalag at saktan siya nung biglang bumukas ang ilaw at saktong napalingon siya sakin, natigilan ako at nagulat nung makita ko kung sino siya.

Alexis' P.O.V.

Gosh! Pakiramdam ko ay nanginginig na ang tuhod ko sa kaba. Kailangan namin umabot kahit sa banyo lang or else everything will get worse.

"Bakit 'yan kasi ang inorder mo! That's men's drink. Tss." I whispered while helping her to stand. Hindi nga pala siya umiinom kaya ganto kabilis umepekto ang alak sa kanya plus hard pa ang inorder niya.

I simply glanced at Cholo, hindi siya nakatingin samin at busy sa phone niya.

Napangisi nalang ako sa loob ko, maybe you can't please all kind of men. Napansin ko din na hindi siya katulad ng mga kaibigan niya na madalas lumapit sa mga babae.

I've seen him once, pero mukhang kaibigan pa niya 'yong girl na 'yon. It's not like he's gonna hit on her.

While I am busy helping Agatha to stand I was shocked when someone grabbed my arm.

"SHT! NO! FCK YOU!" Napamura nalang ako sa kaba at gulat, naglilikot likot ako at pilit na inaabot si Agatha but he's stronger than me and I couldn't help myself.

Si Agatha, baka mapaano siya!

I keep on cursing. Inapakan ko siya pero parang wala lang sa kanya. Nakapulupot ang braso niya sa bewang ko.Ramdam ko ang katawan niya at mas matangkad siya sakin. Para siyang nakaback hug sakin. Hanggang sa mas diniinan niya ang pagkakapulupot sa bewang ko at iniangat ako para madali niya kong madala.

I swear, it feels like I'm going to throw up because of too much force he used to carry me.

Napatigil ako saglit sa pagpalag to compose myself. Dahil sa sobrang dilim at ang ingay, hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin at wala nadin akong idea kung ano na nangyari kay Agatha. Lasing pa siya! Gosh!

Lalo akong nagworry nung marinig ko ang mga nadadaanan namin. Some of them are moaning, complaining and shouting. Even without lights you can picture what they're doing in this dark and cold place.

I hope she's fine! Or else Uriah will turn into beast . I don't know where this idiot going to bring me but I simply slid my hand on my lap. Kinuha ko ang knife ballpen ko at tsaka tinanggal ang takip.

He stopped and I was about to stab him when the lights and music turn on, napatingala ako para tignan ang mukha niya and that made me stop to do it. Halatang nagulat siya sa patalim na hawak ko na itutusok ko na sa dibdib niya.

"Woah." He said then grinned. Dahan dahan niya kong binitawan. "Okay, look gusto lang naman kita kamustahin. Sakto lang pala 'yong 2 minutes." He said while raising his two hands at humakbang palayo sakin

Ngumiti ulit siya sakin. "Kaya nga kita dito dinala para medyo tahimik."

I roam my eyes until I found out that we're at the corner of this basement, to be exact near at the fire exit. Walang taong iba bukod samin. Napatingin ako sa mga taong nasa gitna and as I expected, mukhang bitin sila sa 2 minutes. I need to look for Agatha.

"What do you need idiot?" I asked while still holding the knife.

"Long time no see. I just want to talk to you. Parang di naman tayo close..."

"You shut up. I don't have time to deal with you. You're digusting. Follow me and I'll kill you."

Sa dami dami ng pwede kong ibang makita siya pa. Iniisip ko palang ang mga ginagawa niya dati kinikilabutan na ko.Still, hindi lang siya stalker, Para din siyang psycho sa paningin ko.

Lumakad na ako paalis dahil hahanapin ko si Agatha nung sumagot pa siya dahilan para mapatigil ako.

"Wow. Look who's talking. Liberated ka na din? Kelan pa? Bakit ka andito? "

"Din?" Then I looked at him

"Oo. Hahahaha! Wow. They really left you behind." Then he laughs like an idiot. "Alexis, until now wala ka pading alam? Ilang taon na nakakalipas."

Lalong humigpit ang hawak ko sa patalim.

"Sabagay, saksi na ko noon pa kung paano ka nila palihim na balewalain."

I felt like my blood is boiling inside my body. My hands start shaking because of too much anger. His words made me stop from moving and even from speaking.

"Wanna know more? I can see in your face that you want to know more."

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa idiot na 'ti pero para akong hinihila ng mga salita niya. It feels like he really knows a lot. That could help me to find some answers in my questions. Nagtatalo ang isip ko, but I need to look for Agatha and If I follow this guy, I don't know what might happen.

"Alam mong noon palang na magaling akong stalker.. opps don't get me wrong, hindi na ngayon. Tumigil na ko dati pa dahil masyado ng delikado. " then he crinkled his nose. "But if you want to know something more about them. I'll tell you everything. In one condition."

My breathing has become heavy. The look in his eyes saying that he really know something. He starts grinning again and look at me very seriously.

and then he said, "Come with me... in the VIP ROOM."
















Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...