Project: Black Out (Philippin...

By EMPriel

50K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... More

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)

616 27 8
By EMPriel

"Man is still good. We break things, tear them down, but we can rebuild. We can be better, we have to be."

-Bruce Wayne, Batman V Superman


Dumami ang mga taong nakapaligid sa Senate of the Philippines. Matapos magkagulo sa loob ay naglabasan ang mga taga-media upang kuhanan ng video ang mga sundalong aligaga na humahanap sa nagpaputok ng sniper. Lumabas naman ang ilang mga rescuer habang bitbit ang isang stretcher kung saan nakahiga ang walang malay nang anak ng presidente na si Angela. Humahagulgol naman sa tabi nito ang kanyang ama na si President Nico Rivera. Galit na galit itong nagsisisigaw habang tinututukan siya ng camera. Napuno ng uhog, luha at laway ang kanyang mukha sa labis na paghihinagpis.

"ANO? NASAAN KAYO? LUMABAS KAYO!" sigaw niya pa. Inawat naman siya ng kanyang sekretarya at ng ilang mga bodyguard. Ang mga sundalo naman ay tinakpan ang mga lente ng mga camera na nakatutok sa pangyayari. Naglabas naman ng hand gun ang iba at binaril ang mga drone sa paligid.

"Umalis na kayo dito! Delikado dito!" utos ng isa sa mga sundalo. Nainis naman ang ilang mga taga-media ngunit wala silang magawa kundi ang sundin ang utos ng mga sundalo.

"Angela...ANGELA!" sigaw ng presidente nang ipapasok na sa loob ng isang puting hover ambulance ang katawan ng dalaga.

"Anong ginagawa niyo? Hanapin niyo sila!" sigaw niyang muli habangitinutulak ang mga sundalo na nasa gilid ng van. Agad namang tumango ang mga sundalo at dali-daling ginalugad pa ang lugar.

"Si Dylan? NASAAN SI DYLAN FORD?!" sigaw niyang muli habang hinahanap ng kanyang mga mata ang binata. Wala siyang ibang makita kundi ang ilang mga tao, mga taga-media na nakatutok pa rin sa kanyang aktibidad at ang mga butil ng niyebe habang bumabagsak ito mula sa kalangitan.

"Dylan Ford! Lumabas ka! Alam kong ikaw ang may gawa nito!" sigaw niyang muli.

_______________________

"Well...so much for your entertainment," sambit ni Jonas matapos patayin ang hologram TV gamit lamang ang pagwasiwas ng kanyng kamay sa ere. Napasimangot naman si Dr. Levine Klein at napatingin sa kanya. Nasa loob lamang sila ng tila isang bar room. Umiinom lamang ng scotch ang doktor habang nakasandal naman ang binata sa isang nakalutang na billiard table na gawa sa salamin.

"This country is indeed falling apart..." dagdag pa ni Jonas. Pinindot niya ang boton sa ilalim ng billiard table at automatic namang naglabasan ang mga bola patungo sa gitna at bumuo ng trianggulo. Lumabas naman sa mahabang parte ng mesa ang mahabang stick. Kinuha iyon ni Jonas at nagsimulang maglaro.

"If it's falling apart, it's not our problem. It's the government's," sagot naman ni Dr. Klein.

"And after that? Who to blame?" tanong ni Jonas. Lumiyad siya sa mesa at sinargo ang puting bola patungo sa numerong tres. Pumasok naman iyon sa butas.

"MEMO's? I don't think so."

"You still think that we are safe? Even after I knew whose behind this all?" inis na tanong ni Jonas.

Iinumin na sana ni Dr. Klein ang huing patak ng kanyang scotch ngunit siya'y napatigil. Tumitig siya sa binata na may pagtataka.

"Who?"

"Haha. I can't believe this," sagot ni Jonas. Muli niyang sinargo ang puting bola patungo sa numerong singko. Pumasok naman iyon sa butas.

"You are here...to stop this madness. You are here because you promised to fix this. But you don't really know your true enemy," dagdag ng binata. Kinuha niya ang isang hologram stick at hinagis sa doktor. Agad namang lumabas ang hologram image at ang isang imahe ng lalaking nakangiti.

"Victor Torres. What a nice surprise," sambit ng doktor habang nakangiti.

"Yes...the favorite puppet of Freuch. Such a waste of skill, effort and money...to create that failure," wika ng binata. Ginawa niya namang baston ang mahabang patpat na kanyang ginagamit upang laruin ang bilyar.

"And Dylan?" tanong ng doktor.

"Dylan Ford...is another story, waiting to be told," nakangiting sambit ni Jonas. Ngumiti rin ulit ang doktor at inabot sa kanya ang hinagis na hologram stick.

"There may be a great way to win this with a single shot," wika ng doktor. Kinuha niya ang mahabang stick mula sa kamay ni Jonas at sinargo ang numerong 8 na bola. Agad iyong tumama sa numerong 9 n pareho namang tumungo sa magkabilang butas. Inabot niya na lang ulit ang mahabang stick at naglakad palayo.

"Would you want me to do this...dad?" tanong ng binata habang nakangiti. Napatigil nman si Dr. Klein at sumulyap ng tingin sa kanya. Pilit siyang ngumiti at nagsalita.

"No...we are puppet masters in this business, we will control them. We can't let them know that S.W.I.M. is here. I can't let you risk our secrecy..."

"What about Johan?" tanong ni Jonas. Tumalikod naman ang doktor at agad na napawi ang ngiti.

"Johan...he will do what he must," sambit ng doktor bago muling tumingin sa binata. Hindi naging maganda ang timpla ng kanyang pakiramdam dahil na rin sa pag-aalinlangan.

_________________________

"Napapaligiran na tayo! Wala pa rin tayong komunikasyon sa labas...ano bang nangyayari?" tanong ng isa sa miyembro ng New Order. Nakatutok pa rin ang kanilang mga baril sa madilim na parte ng tunnel. Tila nag-aabang ng inaasahan nilang mga sundalo mula sa pwersa ng gobyerno.

"Charlie respond...over!" wika ni Albert mula sa kanyang communicator. Wala siyang narinig kundi ang ingay ng static at matinis na tunog.

"Putang...buwisit talaga!"

Binato niya na lamang ang communicator na nakakabit sa kanyang tenga at muling itinutok ang baril sa madilim na parte ng tunnel. Patuloy naman sa pagyayakapan ang mga bid na nakadapa lamang sa madumi at basing kongkreto. Tumatangis ang iba at ang iba ay patuloy na nagdarasal.

"Albert! Ligtas sila! Ligtas si Tanya!" Sumulpot ang isang sundalong babae na nakasuot ng panlamig sa likuran ng pinuno. Agad namang tumalikod si Albert upang tunghayan ang paparating mula sa kadiliman. Isang babae na may pasan sa kanyang balikat ang kanyang nakita.

"Tanya!"

Agad siyang lumapit at tinulungan ang sugatan na hawak ng kanyang anak. Dahan-dahan nila iyong isinandal sa pader. Napakagat naman sa sakit ang matandang lalaki na si Inspector Robert Vega.

"Kilala ko ang isang 'to...bakit mo siya kasama?" nakakunot ang noo ni Albert habang nakatingin sa dalaga.

"Tinulungan niya ako. Kung hindi dahil sa kanya siguradong wala na ako ngayon dito. Tumatanaw lang ako ng utang na loob," sagot naman ni Tanya. Umusal naman ng kaunting salita ang inspektor at muli siyang namilipit sa sakit. Lumuhod naman si Albert upang tingin ang naputol na nitong bakal na braso.

"A-augmented arm?"

"Nauubusan na siya ng dugo. Kapag hindi na niya kinaya, siguradong hindi na tayo makakausad pa dito," sambit ni Tanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam niya kung saan nakalagay ang mga signal jammer na nakakalat sa paligid. Hindi tayo makagamit ng komunikasyon dahil sa mga 'yon. Plano ito ng militar para paghiwa-hiwalayin tayo," sambit ng dalaga.

"Buwisit talaga ang mga 'yan. Inuunti-unti nila tayo..."

Tumayo na lamang si Albert at muling itinutok ang kanyang baril sa dulo ng tunnel. Wala silang ibang makita kundi ang kakaunting liwanag at ang pagbagsak ng mga niyebe mula sa itaas.

"Sarado na ang North tunnel, sarado na rin ang sa East wing. Kapag nakulong tayo dito, siguradong ubos tayo..." sambit ng isang sundalo na katabi ng pinuno.

"Ano nang gagawin natin?" kabadong tanong ng isa pa. Huminga na lamang ng malalim si Albert. Ang malalim na paghinga na iyon ay natumbasan ng makapal na usok sa kanyang bibig dahil sa lamig.

"Hindi na rin maganda ang nararamdaman ko dito. Kanina pa tumigil ang mga putok ng baril...may ginagawa sila sa itaas, sigurado ako," wika ni Albert. Napalunok na lamang ng kaunting laway si Tanya. Nag-aalala siya para sa kaligtasan ng lahat. Alam niyang wala na silang kayang gawin simula sa puntong iyon.

_________________________

"Why do birds...suddenly appear...every time, you are neeeeaaaaar!" kumakanta na lamang sa gitna ng malawak na kwarto si Victor Torres habang tila sumasayaw ng mag-isa. Nakasalang sa isang lumang jukebox player ang isang sikat na kanta. Sinasabayan niya iyon ng pag-ikot at pagkumpas ng kamay.

"Just like meeeee...they long to be close to yoouuu!"

Saka lamang pumasok sa malaking kwarto na iyon si Dylan. Suot ang isang itim na trench coat. Aabutin niya na sana ang kanyang maskara sa tabi ng jukebox ngunit hinila siya ni Victor upang isayaw.

"Why do stars...fall out from the sky, every time...you walk by?!"

Napangiwi na lamang si Dylan habang hawak ng kanyang ama ang kanyang kamay at ang kanyang bewang. Naningkit ang kanyang mga mata at tila ba hindi natutuwa sa nangyayari.

"Wala akong oras para dito..." wika ng binata. Agad niyang tinapik ang kamay ng kanyang ama at lumapit sa jukebox.

"Sabihin mo nga sa akin. Naranasan mo na bang makipagsayawan ng ganito sa isang babae?" tanong ni Victor habang nagsasayaw pa rin na akala mo'y may kapareha.

"Hindi...wala akong panahon," sambit ni Dylan.

"Huwag mo akong biruin anak..." wika ni Victor habang nakangiti at nakatingin sa kanya. Akma namang aalis si Dylan nang muling magsalita ang kanyang ama.

"Sino si Christine?" Napatigil naman si Dylan dahil sa tanong na iyon at napangiti. Alam niyang binabasa na naman ng kanyang ama ang kanyang iniisip. Umiling na lamang siya at naglakad palabas.

"Huwag mong kalimutan ang paborito kong kanta ah?" pahabol ni Victor. Muli na lamang siyang sumayaw at sinabayan ang tono ng tugtugin sa jukebox.

_____________________________

Sa isang malawak na hardin ng mansyon naglakad si Dylan. Isang estatwa ng babaeng nakapiring, may hawak na espada ang nasa gitna ng hardin na iyon na nababalutan na ng matataas na damo. Hinila niya ang kanang panimbangan at agad namang gumawa ng tahimik na pag-ugong ang paligid. Umangat ang estatwa na iyon paikot. Pumasok naman si Dylan sa loob ng estatwa. Ibinaba siya ng isang elevating platform.

Agad namang bumukas ang mga ilaw sa tila kuweba kung saan sya tumigil. Dumadaloy ang tubig sa bawat pader at nilulumot na rin ang kanyang nilalakaran. Muli pang umilaw ang gitnang parte ng kuweba at doon ay nakita niya ang isang puting heli ship. Agad siyang tumungo doon, binuksan ang pinto gamit ang control na nasa gilid ng platform.

"Authorization required," wika ng isang boses ng babae mula sa digital audio.

"Dylan Ford..." sambit naman ng binata.

"Voice recognized. Welcome, Dylan Ford," sagot ng digital audio. Agad namang pinindot ni Dylan ang mga control ng heli ship. Umangat agad ang sasakyang himpapawid ng dahan-dahan. Mula naman sa itaas ay tila nagkaroon ng isang bakal na harang sa gilid ng nagyeyelong lawa. Bumukas ang bakal na harang na iyon at doon lumabas ang heli ship. Muli na lamang itong sumara at lumubog nang makalayo na ang heli ship.

___________________________

Isa sa miyembro ng rebeldeng grupo ang tumakbo sa kinaroroonan ni Albert. Naitutok naman ng pinuno ang kanyang baril sa lalaking palapit.

"Nag-aalisan na ang ibang mga sundalo," wika niya. Dahan-dahan namang nanlaki ang mga mata ni Albert habang napapatingin sa iba pa.

Hindi naman maipinta ang emosyon ni Tanya habang nakatingin sa ama at inaakay pa rin ang nanghihinang inspektor sa kanyang mga hita at bisig.

"Hindi kaya naglagay nna sila ng mga pampasabog?" tanong ng isa.

"Hindi...hindi puwede," usal ni Albert. Napatingin siya sa mga kaawa-awang bid. Nakaluhod na ang mga ito at tila nakatingin na lamang sa malawak at malayong kadiliman. Nag-aabang ng mga ilaw sa kabilang dako ng mahabang tunnel. Nanginginig, nauuhaw, nagugutom, at natatakot.

"Ang iba...sumama sa akin," utos ni Albert. Tumango naman ang iba pa lumapit sa kanya.

Nagsimula siyang maglakad, ang lahat ay walang ibang naririnig kundi ang kabog ng kanilang mga dibdib at ang maninipis na yapak ni Albert ng iba pang mga kasamahan sa kanya. Nakatutok pa rin ang kanilang mga baril sa kadiliman habang nakikinig sa paligid. Maya-maya pa ay binuksan ni Albert ang flashlight na nakakabit sa kanyang dibdib upang maaninag ang paligid.

"Buwisit...buwisit...buwisit..." mahina at paulit-ulit niyang usal.

*KAAWK! KAAWK! KAAWK!*

Ipinaling nila ang kanilang mga baril sa direksyon na pinanggalingan ng ingay. Nakita nila ang mga itim na ibong nagliparan palabas ng tunnel. Naiwan pa ang ilang piraso ng balahibo nito. Muling itinutok ni Albert ang kanyang baril sa dulo ng tunnel habang naglalakad. Malayo-layo na rin ang kanilang nararating at tila lalong lumalamig ang kanilang pakiramdam sa bawat hakbang.

"May ilaw doon..." sambit ng isa nang makita ang isang patay sinding ilaw sa malayo.

Mabilis ngunit malumanay ang kanilang pagtakbo upang marating ang liwanag. Sa dulo ay nakita nila ang isang tren. Walang laman ang isang iyon at tila nakatigil lang sa gitna ng kadiliman. Ang mga ilaw sa loob ay patay sindi. Sinubukan ni Albert na buksan ang pintuan sa likod ng bagon na iyon. Hindi naman siya nabigo.

"Tawagin niyo ang iba pa...balikan ang mga bid! Kailangan nating lumipat dito..." utos ni Albert. Lima naman sa kanyang mga kasamahan ang dali-daling naglakad pabalik ng mahabang tunnel na iyon.

__________________________

Lumalakas ang pag-ulan ng niyebe. Isang lalaking may katabaan at kaliitan ang nakatayo lamang sa gilid ng pader ng salamin ng isang mataas na gusali. Inaaninag niya ang mga maliliit na tila bahay sa ibaba. Maging ang mga ilaw sa ibaba ay pinagmamasdan niya habang siya ay nananabako. Nagliliwanag ang kanyang hinihithit sa madilim na kwartong iyon.

"Buwisit ang Black Out na 'yon! Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana ako nawalan ng malaking pera! Buwisit talaga!" wika niya. Naglakad siya ng kaunti upang abutin ang isang maliit na mesa upang pitpitin ang abo sa kanyang tabako.

"Wala akong magawa buwisit! Dylan Ford, kung alam ko lang noon. Sana hindi ka namin binuhay. Sana isinama ka na namin sa hukay kasama ang ina mo!" bulyaw niya na tila kausap ang sarili.

Tinaas niya naman ang kanyang kamao at ibinuka sa ere. Nagliwanag naman ang buong kwarto matapos niya iyong gawin. Nagulat naman siya, napaatras ng kaunti at nabitawan ang kanyang hinihithit nang makita ang hindi niya inaasahan.

"B-bakit na'ndito ka?!" tanong niya habang nangangatal ang kanyang bibig.

"Mauro Gonzales...tama ba?"

Nakatayo ang lalaking nagtanong sa gilid ng isang malaki at mamahaling estatwa na anyong kamatayan. Nakasuot siya ng isang mahaba at itim na trench coat habang suot pa rin ang itsurang gas mask na panakip sa kanyang mukha.

"Black...O-Out?!"

"Huwag mong sabihing hindi mo inaasahan ang pagdating ko..." sambit niya. Inilabas naman ni Mauro Gonzales ang kanyang maliit nab aril at itinutok iyon sa kanya.

"Anong kailangan mo?! Hindi ba't nakuha mo na ang gusto mo? Patay na si Dano? Bakit ka pa pumunta dito?!"

Hindi makatayo ng diretso ang lalaking iyon. Nakatutok pa rin ang kanyang baril. Tila hindi naman nasisindak si Black Out sa kanyang ginagawa. Nagsimula lang siyang maglakad patungo sa kanyang kinaroroonan.

"Kasagutan...kasagutan sa mga tanong na nasa aking isipan," sambit niya.

Tinaas naman niya ang kanyang kanang kamay upang tanggalin ang kanyang maskara. Lalo naman itinutok ng kanyang kausap ang kanyang baril.

"HAHAHA! At totoo nga! Ikaw nga si Black Out...Dylan Ford."

"Ngayong nakikita mo na kung sino talaga ako. Siguro hindi mo na kailangang magsinungaling pa. Alam kong naaalala mo ang gabing 'yon," tugon niya.

Dahan-dahan siyang tumungo sa isang malambot na sofa at doon ay upumo. Nagdekwatro pa ang kanyang kaliwang binti, pinatong ang kanyang mga braso sa sinasandalan at tumitig sa kanyang kausap. Tila bumalik naman sa alaala ni Mauro ang mga nangyari. Ang paghabol nila sa mag-ina na tumatakas. Ang pagbaril ni Dano sa kanyang ina at ang kalansing ng mga barya habang ito ay dumadampi sa malamig na sahig. Napalunok siya ng kaunti at tumitig sa mga mata ng binata.

"Bakit? Mr. Gonzales? Bakit? Bakit mo kailangang patayin ang babaeng 'yon? Ano ang dahilan?" tanong niya.

"Ang babaeng 'yon? Haha! Hindi ba't ang iyong ina ang babaeng 'yon?! Kinuha niya ang importanteng bagay mula sa amin!"

"Oo...siya ang ina ng ilan sa mga alaala ko. Isang katauhan at ang kanyang alaala...na patuloy na gumugulo sa akin. Bakit?" tanong niyang muli.

"KALOKOHAN!"

Ipinutok ni Mauro ang kanyang hawak na baril. Tatama na sana ang bala sa noo ni Dylan ngunit mabilis niyang naiilag ang kanyang ulo sa kaliwa. Umuusok na lamang ang sandalan sa sofa. Tinitigan iyon ni Dylan at ngumiti.

"Isang tanong ulit, Mr. Gonzales. Bakit?"

"Wala kang makukuhang sagot sa akin!"

Isa, dalawa, tatlong putok ulit ng baril. Umiilag lamang si Dylan ngunit agad siyang sumugod at hinawakan ang braso ng lalaki. Pinilipit ang kanyang kamay hanggang sa maiputok niya iyon sa salaming pader at ito ay nagkaroon ng lamat. Gamit naman ang braso ng binata ay sinakal niya ang lalaki at sinandal sa nalalamatang pader. Nabitawan niya ang kanyang baril at napatingin sa malalim na kawalan mula sa labas.

"Mamili ka? Magsasalita ka o hihigupin ko ang lahat ng alaala mo gaya ng ginagawa ko sa iba?"

Kinagat niya ang gwantes na suot sa kanyang kanang kamay. Doon ay nakita ni Mauro ang isang pabilog na berdeng aparato na tila tumitibok dahil sa kulay berdeng ilaw nito. Dahan-dahang itinaas ni Dylan ang kanyang kamay, akmang hahawakan ang memory gene ng lalaki.

"H-huwag...h-huwag maawa ka..."

"Naawa ba kayo noong nagmamakaawa ang batang iyon na pakawalan sila at hayaang mabuhay kasama ng kanyang ina? Naawa ba kayo nang barilin nyo siya? MAGSALITA KA!"

Napapikit si Mauro dahil sa sigaw na iyon. Nanginginig naman ang bisig ni Dylan at patuloy na dinidikdik ang leeg ng lalaki. Gumuguhit naman ang lamat sa salamin na pader kung saan siya nakasandal.

"Hindi ka magsasalita?!"

"Oo na...magsasalita na. 'Wag mo lang akong patayin..." pagmamakaawa ni Mauro.

"Ang mga memory gene na 'yon. Ang bagay na nasa kanya...ang kinuha niya sa amin. A-ay..." Hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin. Tila isang mabangis na hayop ang binata habang siya'y pinandidilatan. Lalong gumuhit ng mahaba ang mga lamat sa salamin habang mariin na itinutulak ni Dylan ang lalaki.

"Ibinigay iyon sa kanya ng isang lalaking nakamaskara ng katulad sa akin. Sino siya?! SINO SIYA AT ANO ANG LAMAN NG MGA MEMORY GENE NA 'YON!"

"IKAW...i-ikaw...ikaw ang bagay na 'yon...ikaw ang memory gene na 'yon..." mangiyak-ngiyak na sambit ni Mauro Gonzales. Napaatras naman si Dylan sa sobrang gulat.

"Hindi...hindi totoo ang sinabi mo," sambit niya. Napaupo naman sa carpet ang lalaki at nagsimulang huminga ng malalim.

"Ang ama ko ay si..."

"Victor Torres...iyon ang pangalan ng iyong ama! Ang mga memory gene na iyon ay ikaw din mismo. Ikaw na ikaw! Ang memory gene ng namatay niyang anak! Ang mga alaala...ang mga kopya...ay ikaw!" paliwanag niya.

"H-hindi lang ako nag-iisa...hindi. Sino ako?!" napahawak siya sa kanyang ulo habang napapayuko.

"Iba't-ibang bid...iisang memorya. Iyon ka, Dylan. Iisang katauhan sa iba't-ibang tao. Wala kaming ibang trabaho kundi sunduin kayong lahat...mula sa iba't-ibang airport. Ipinuslit ka ng iyong ama...kayo."

"H-hindi ko maintindihan..." tugon niya. Nanginginig na ang kanyang mga mata habang nakatingin sa kawalan. Inaalala ang lahat at tila nagiging ilusyon ang kanyang katauhan habang pinapakinggan ang sinasabi ng kanyang kausap.

"Pero nagising ang isa...nag-iisa lamang siya. 'Yon ang ang iniisip niya. Pinatay niya ang iba pa...ang ibang ikaw...pero imbis na sirain niya ang mga memory gene, ibinigay niya iyon sa iyong ina. Masasabi kong ikaw nga ang batang iyon. Hindi lang alaala...ikaw 'yon. Nakaligtas ang batang 'yon at ang isa sa mga kopya mga memory gene, ay napunta sa 'yo," paliwanag pa ni Mauro Gonzales.

"Hindi...hindi!" bulyaw niya. Sinubukan niyang huminahon at tingnan ang kausap. Seryoso ito. Sabihin man niyang nagsisinungaling ang kausap ay alam niyang totoo ang kanyang sinasabi dahil alam niya ang pangalan ng ama na nagmamay-ari ng memory gene na iyon.

"Bakit niya 'yon ginawa? Ang aking ama..."

"D-dahil...dahil gusto niyang mabuhay ka. Dahil gusto niyang mabuhay ka ulit...sa ibang katawan," paliwanag ni Mauro. Naging tahimik ang dalawa. Unti-unti ay naintindihan ni Dylan ang mga pangyayari. Ang pag-tamper o ang pagpalit ng mga memorya sa kanyang isipan. Hindi niya lubos maisip na naging baliw ang kanyang ama, dahil sa pagmamahal. Hindi niya inamin na ang totoo niyang anak ay namatay na.

"Sumusunod lamang kami sa utos...sinusunod ko lang ang iyong ama."

"At wala kayong pakialam kung makapatay kayo ng ina ng iba? Tama? Sumusunod lang kasi kayo sa inuutos ng iba..." sambit ni Dylan. Muli siyang nanggigil at sinugod ang lalaki. Sa pagkakataong iyon ay sinakal niya na ito gamit ang kanyang kanang kamay.

"M-makinig ka Dylan...wala kaming alam sa nangyayari. Sumusunod lang kami sa utos, malaki ang ibinayad sa amin para sa..."

"Sinungaling ka!" gigil na sambit ng binata.

Sa pagkakataong iyon ay binitawan niya ang lalaki ngunit isang tadyak naman ang kanyang pinakawalan. Tuluyang nabasag ang salaming pader at siya'y nahulog.

"AAAAHHHHH!"

Tila naglaro pa sa hangin ang kanyang sigaw. Tumalikod naman si Dylan at kinuha ang kanyang maskara na nakapatong sa sofa. Pinindot niya ang isang boton sa kanyang tenga at nagwika.

"May kailangan ka pang ipaliwanag sa akin."

Agad namang sumagot ang kanyang kausap. Ang boses ni Victor Torres ang nagwika.

"Alam ko, alam ko ang iniisip mo. Ikaw pa rin ang anak ko, kahit na ganoon ang nangyari."

"Hindi mo ako anak...ginamit mo lang ako. Tandaan mo 'yan. Magbabayad ka," tugon ni Dylan. Sasagot pa sana ang kanyng kausap ngunit tinanggal naman ni Dylan ang kanyang maskara. Inapakan niya iyon hanggang sa mabasag bago maglakad palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

606K 34.9K 49
WATTYS 2020 WINNER | "The fantasy is bound to be just as it is. Our reality awaits for you." For the peculiars, the Orphic Dimension is not just a sp...
18.3K 903 47
Isang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old...
96.8K 2.8K 48
Highest rank: #69 on Mystery/Thriller Volume 1: Evil Cupid Chad Mendez, Kate Hernandez, and Arthur Santos are fourth year students who are currently...
Anathema By RYE | ACTIVE

Mystery / Thriller

32.8K 2.4K 85
MONDAY, JUNE 3RD, 2019. The citizens of the Philippines woke up to a horrible news: every resident of the quarantined Eagle Homes subdivision are dea...