My Boyfriend is The Professor...

By iamnyldechan

2.9M 61.4K 2.2K

HR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hop... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Special Chapter: 32
Special Chapter: 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Special Chapter : 55
Special Chapter: 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Special Chapter: 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
AUTHOR's NOTE
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Special Ending Chapter Part 1
Special Ending Chapter Part 2
Epilogue
Author's NOTE:
Extra Chapter

Chapter 1

128K 2K 101
By iamnyldechan




Nakatayo ako sa harap ng isang malaking bulletin board habang hinahanap ang mga pangalan namin nina Jelly at Yanie sa mga nakapasa sa susunod na baitang ng kolehiyo.

"Hey Aly!" sigaw ng isang pamilyar na tinig mula sa likuran ko. Nakita ko ang isang babaeng hindi nalalayo ang tangkad sa akin. Patakbo siya papalapit sa akin habang nakaunat ang mga braso niya na siyang yayakap sa akin. Halos sumakal sa leeg ko ang pagkakayakap niya at pagdiin ng pisngi niya sa mukha ko. Bahagya akong lumayo para makahanap ng hangin.

"Ano na schedule natin?" tanong niya habang sinisimulan akong hilahin paalis sa harapan ng bulletin board. Binabangga na kami ng mga estudyanteng nakakasalubong namin na abala din sa paghahanap ng kaniya kaniyang subjects at majors nila.

"Maluwag na ang mga subjects natin dahil fourth year na tayo." wika ni Jelly habang nakasabit sa braso ko ang kamay niya.

"Sana hindi natin Professor si Sir Vlad. Natatakot ako dun." Nagulat ako sa sinabi niya, bigla ko tuloy naalala ang mga karumal dumal na pangyayari noon Professor ko si Sir Vlad. Nakakatakot siya, literal na nakakatakot at hindi ko na gugustuhin makasama siya sa huli naming taon sa kolehiyo.

"Huwag na talaga sana." Kinakabahan kong sagot.

"Uh huh! Gwapo nga bad naman ng ugali. Kaya wala pang girlfriend eh." Natawa ako. Medyo totoo nga. May edad na si Sir Vlad, pero wala sa itsura niya .. Matipuno at hindi aakalain na wala pa siyang asawa o girlfriend dahil halos lahat ng babae sa school gusto siya. Mapa-estudyante o teacher. Pero ganunpaman, iba din ang pagsisilbi niya sa trabaho at pagtuturo. Dahil lagi siyang focus sa mga ginagawa niya.

Biglang huminto si Jelly. Nasa ground floor kami ng building ng College of Accountancy. May iilan estudyante ang nakatingin sa bulletin board. Sabay kaming lumapit dito at hinanap ang schedule ng Accountancy Fourth Year.

"Check mo nga Jelly! Hindi ko makita!" sigaw ko sa kaibigan ko. Bigla kasing humarang ang isang lalake sa harapan ko dahilan para hindi ko makita ang schedule namin.

"Magpatangkad ka kasi!" pang aasar ni Jelly. Nakaramdam ako ng inis, kung sabihan kasi niya ako na magpatangkad, parang napakaliit ko. Samantalang pasado ang height ko sa average height ng isang babae.

"Aly!" Nagulat ako nang isigaw niya ang pangalan ko. Para kasi siyang nakakita ng multo.

"Bakit?" agad kong tanong sa kaniya.

"Tatlong major subjects natin kay Sir Vlad kasama na yun sa thesis natin!" Para akong masusuka sa narinig. Hindi pa man nagsisimula ang masasayang memories ko, dinedelubyo na kami agad ng presensya ni Sir Vlad. Namutla ako. Anak ng-

"Naku! Delikado tayo nyan!" dugtong pa ni Jelly. Noon palang kasi todo na kami iwas na makasama siya sa loob ng klase. Hindi niya padadaliin ang buhay naming mga estudyante. Kahit anong talino mo, may kalalagyan ka sa kaniya.

"Oo nga! Lagot tayo. Akala ko hayahay na tayo hindi pa pala!" wika ko habang mabilis na ang pintig ng puso ko. Malaki ang trauma ko sa guro na yon.

"Paano na yan! Baka dahil sa kanya hindi pa tayo makagraduate eh!" paggatong ni Jelly. Lalo akong natuliro.

"Sana huwag, nandito na tayo. Ngayon pa ba tayo susuko. Tatlong subjects lang yan." Sinusubukan kong maging positibo kahit na kinakain na ako ng sistemang negatibo.

Sa totoo lang hindi naman si Jelly ang dapat na mas kabahan sa amin dalawa kundi ako. Dahil palaging bumabalik sa alaala ko ang ginawa niya noon first year ako, dahil lang sa isang pagkakamali ko, minaliit niya ako at kinutya mula ulo hanggang paa. Hindi na sana ako papasok pa pero kinausap ako nina Jelly na kung hindi ko itutuloy ito baka mas matuwa si Sir Vlad dahil nabawasan ang mga estudyante niya.

"Hoy!" Nagulat kaming dalawa ni Jelly sa sumigaw. Lumingon ako at nakita ang kaibigan naming si Drake.

"Kanina ko pa kayo hinahanap!" sabi niya sabay na inakbayan niya kaming dalawa ni Jelly. Nakakasakal ang perfume na gamit ni Drake, hindi na siya nagpalit ng pabango niya. Ito pa din yon gamit niya sa pang-aakit sa mga babaeng nililigawan niya.

"Ang aga mo ah!"sabi ko sa kanya habang tinatanggal ko ang braso nya sa leeg ko. Kaya kami napagkakamalan hilaw na magjowa dahil sa pagiging clingy niya sa akin. Wala na din naman akong magawa dahil malapit na kaibigan ko si Drake.

"Excited eh! Si Sir Vlad daw prof natin!" wika niya at sabay kong sinapo ang noo ko sa pagkadismaya. At siya ang may gana na maexcite at Professor namin si Sir Vlad.

"Excited ka pa eh baliw yun!" inis kong sagot sa kaniya.

"Kaya nga eh. Baliw yun si Sir." Pag sang ayon niya at natawa kami ni Jelly. "Bahala na! Saan ba room natin?" pagpatuloy ko.

"Sa 3rd floor tayo!" sigaw sa amin ni Drake at bumitaw sa pagkakaakbay sa akin. Nauna na siya tumakbo paakyat sa hagdan. Pumanik kami paakyat ng ikatlong palapag, ang dinig ko kay Drake nandoon na ang iba naming kaklase from last school year. Nasa dalawampu nalang kami ngayon, hindi tulad noon first year umaabot pa kami ng 50. Ang balita, nag shift ng course ang iba at karamihan hindi na pumasok at lumipat sa takot na maging Professor si Sir Vlad. At ngayon kaming dalawampung estudyante ang hinirang na matatapang.

"Aly!" nagulat kami ni Jelly pagpasok palang ng kwarto. Nakita agad namin si Yanie na nakaupo na at may dalawang bakante ng upuan ang nakareserba para sa amin. Buo na ang barkada. Barkada ng mga matatapang. Binaba ko ang dala kong bagpack sa armchair.

Lumapit sa akin si Yanie saka ako siniko. "Kamusta summer vacation?" tanong niya. Sandali akong nag-isip ng maisasagot, wala naman kasing nangyaring makabuluhan noon bakasyon.

"Ayun okay naman. Pumasok ako ng part time job." Sagot ko sa kaniya. Ipinasok kasi ako ni Mama sa isang Accounting Firm kung saan siya nagtatrabaho noon. Doon ako pansamantalang naging intern buong bakasyon.

"Wow!" she said amazed. Kilala ko ang babaeng to, for sure gumala ito buong bakasyon."Ikaw ba?" pagbalik ko ng tanong sa kaniya.

"Kasama ko si boyfie eh. Sumama ako sa province nila." Sabi ko na nga ba.

"Ikaw na!" sagot ko. "Ikaw naman? Wala pa din boyfriend?" umiling ako. Wala pa naman sa isip ko yon. Kahit papano gusto ko muna makatapos bago magjowa. Saka sa estado ko ngayon, delikado ako dahil kay Sir Vlad.

"Kailan mo balak ha!" pangungulit ni Yanie.

"Gagraduate muna tayo bago yan!" makatotohanan kong sagot. Ngumiti pabalik sa akin si Yanie. Natawa nanaman ako. Gusto talaga niya akong magkajowa. Pakiramdam ko din naman kailangan ko pero hindi ko alam bakit todo tanggi ko at umaayaw.

"Wag kana umasa, itong itsura ko hindi type ng lalake." sagot ko sa kaniya, hindi naman kasi ako tulad ni Yanie na nakapostura lagi. Pakiramdam ko half babae at half lalake ako pero hindi ako tomboy. Mas komportable lang ako sa pagsusuot ng jeans at tshirt kaysa sa dress na naglalantad ng mga binti ko.

"Baliw!" galit niyang sinabi at hinampas ako sa balikat ko.

"Aray!" Natawa kaming dalawa. Biglang nagbulungan ang mga nasa harapan na parang mga palaka. Saka ko narinig na padating na si Sir Vlad. Nagsimula na akong kabahan. End of the world na ba?

Inayos ko ang pagkakaupo ko. Nagcheck ako ng suot kong earrings at kwintas. Madalas kasi ito ang agad napapansin niya. Ang mukha namin. Hinawi ko din ang ilan hibla ng buhok sa mukha ko. Hinawakan ko ang labi ko at hindi masyadong halata ang nilagay kong lip gloss.

Pumasok ang isang lalake na suot ang isang peach long sleeve at isang itim na pantalon. Nakasampay mula sa braso niya ang isang itim na coat at hawak niya sa kaliwang kamay ang ilan libro niya. Medyo magulo ang buhok nmiya pero babagay sa kaniyang maaliwalas na mukha pero huwag na huwag kang tititig sa mga mata niya. Mahuli ka niya, for sure unang una kang hahatulan.

Gwapo siya sa mga mata ng mga hindi nakakakilala, pero dahil kilala namin siya, lalo na ako. Siya ang tipo ng lalakeng huwag mong babanggain, kahit kapwa niya guro ay kalaban niya. Tingin ko nga wala siyang kinikilalang kakampi dito sa school. Ano pa baa ng aasahan namin? Kilala siyang abogado.

At bali balita hindi lang sa school ang mga naipanalo niyang kaso. Laman ng tv at dyaryo ang pangalan niya.

Huminto siya matapos niyang ilapag sa harapan namin ang hawak niyang libro. Lumibot ang mga mata niya sa paligid. Hindi ako makahinga sa pagpipigil na para bang pati ang paghinga ko ay sisitahin niya.

"So kayo nanaman pala ang estudyante ko for the rest of this sem?" he said sa seryosong mukha habang patango tango siya at kinikilala ang bawat mukha ng estudyante. Sinusubukan kong magtago sa mga kaklase ko.

Putcha! Natatakot ako baka maalala nya ako! Ang tagal ko kaya nagtago!

"Hey! You!" nagulat kami sa sigaw niya. Halos mag echo ang tinig niya sa buong classroom.

Yikes! Sino yun!

Umunat ang braso niya at nakaturo ang daliri niya sa iisang direksiyon. Nakita ko si George, isa sa mga kaklase ko mula pa first year.

"Yes sir?" agad niyang tanong. Hindi pa nagsasalitang muli si Sir Vlad pero sumenyas siyang tumayo ang kaklase ko. Tumayo si George.

"Hair?" nagtaka ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa buhok ni George at wala naman akong makitang problema dito.

Ayos naman? Anong problema nya?

"Bakit po Sir? Ayos naman po ang buhok ko." Wika niya habang hinahaplos ang buhok niya.

"Those earrings! Do you want me to rip off you ears or you'll gonna remove that? Now!" sigaw niya at humampas ang mga palad niya sa kaharap niyang mesa.

Nagpanic kami. Tsk! Unang araw palang ganyan na siya!

Nagmamadali si George na tanggalin ang hikaw niya. Ang liit na ng hikaw na suot niya nakita pa din at halos natakpan na ng buhok niya. Paano niya pa nakita! Ang layo layo ni George!

"All of you. Kilala ninyo na ako. Wag ninyo hintayin na ako ang makapansin pa sa inyo. Hindi ninyo magugustuhan ang gagawin ko." wika niya habang salubong ang mga kilay. Nagsimulang bumilis ang pintig ng puso ko. Nanginginig na ako sa kinauupuan ko.

Namutla ako.
Diyos ko po!

Sana nagshift nalang ako ng Fine Arts!

----

Under revising siya ! :)

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.8K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
87.4K 1.8K 8
Sabi nila, ang gabi ay palatandaan ng pagpapahinga dahil sa pagod buong araw, pero nagbago ang lahat ng 'yon nang gising ang mga nilalang na uhaw sa...
343K 18.2K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...