MISANDRIST SERIES 1: In Love...

By CeCeLib

12.5M 266K 31.2K

SYNOPSIS: When God showered bitterness unto the world, Aminah was in the open and caught it all. To Aminah... More

SYNOPSIS
WELCOME TO MISANDRIST CLUB
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24

CHAPTER 23

341K 8.4K 769
By CeCeLib

CHAPTER 23

"CALLING all passengers bound to Korea, flight ZK8890, you may now check in and proceed to your boarding gate. The plane will depart in thirty minutes."

Hindi na mabilang ni Aminah kung ilang beses nang nag-announce ang babae sa speaker pero hindi niya magawang tumayo para mag check in at pumasok sa boarding gate.

Something is stopping her... something is not right about all of this.

Sa hindi niya malamang kadahilanan, kinakabahan siya at hindi niya gusto ang pakiramdam na 'yon. Dapat makaramdam siya ng kaginhawaan dahil magkakaroon na siya ng space pero sa halip ay parang ang bigat-bigat sa dibdib ng gagawin niya.

This is not right.

Napaigtad siya ng marinig na tumunog ang cellphone na hawak niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, kaagad niyang sinagot ng makitang si Psyche 'yon.

"Hey, Psyche. Nasa Airport na ako." Kaagad niyang sabi.

"Good. Because a guy was just outside your condominium building. Nakikiusap siya sa Guard na papasukin para makausap ka."

Kumabog ng mabilis ang puso niya. "Si Magnus?"

"Oo. Sinabihan ko nga na nasa Airport ka na, e." Psyche tsked. "He looks so desperate to talk to you when i saw him."

He still haven't given up? He loves me still even when i ask for space and push him away?

Hindi talaga susuko si Magnus. Nakita niya iyan sa mga mata nito ng huli silang magkausap, at nakita din niya ang sakit na dinulot niya rito. And she wasn't happy about it.

Bakit ba sila nagkakasikatan ng ganito? Dahil lang sa isang babaeng hindi naman dapat mahalaga sa kanila. Why is she running away? Maybe this is a bad solution to her problem. What if Georgina steal Magnus away from her this time while she's away? What if she succeeded in doing so? What if ... ang daming what if sa isip niya na masasagot lang kung mananatili siya rito.

Huminga siya ng malalim. "Sige, salamat sa pagtawag Psyche." Aniya saka pinatay ang tawag at tumayo mula sa kinauupuan at nagmamadaling naglakad patungong exit habang hila-hila ang traveling bag niya.

She shouldn't have run away. She should have face her problem instead of running and hurting the man he loves.

Some say that love is accepting someone's fault. Kaya siguro nasasaktan pa rin siya dahil hindi niya matanggap na sinaktan siya ni Magnus. Pero kailangan niyang pag-aralang tanggapin 'yon kung ayaw niyang mapunta si Magnus sa iba at iyon ang hindi niya kayang mangyari.

Yes, she's in pain but she will be more in pain if Magnus end up with someone else because of her stupidity.

Yes, she's stupid. But that's love, right? A combination of dumbness and stupidity. Pero nasa kaniya na 'yon kung hahayaan niyang maging bobo siya at mawala sa kaniya ang lalaking mahal niya.

Natigilan siya sa paglalakad ng marinig na nag ring ang cellphone niya. Nang makitang unknown number 'yon, nag-alangan siyang sagurin pero sinagot pa rin bago mawala ang nasa kabilang linya.

"Hello? Who's this?" Tanong niya.

"May i speak to Ms. Aminah Pajota?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Speaking." Aniya.

Ilang segundong natahimik ang kabilang linya bago nagsalita. "Ma'am, we just want to inform you that Mr. Magnus McGregor is in the operating room right now. Na-aksidente po siya. Mas makabubuti sana sa pasyente kung narito kayo pagkalabas niya sa OR."

Nasapo niya ang bibig, namimilog ang mga mata niya sa takot. "Siguradong kang si Magnus 'yon?" Nararamdaman niya ang panginginig ng kamay niya sa sobrang takot. "Baka nagkakamali lang kayo, Ma'am." Ayaw niyang maniwala. "Baka hindi siya 'yan."

"Ma'am, hawak ko ngayon ang I.D. niya."

Naguna-unahang nalaglag ang mga luha sa mga mata niya. "Saang Hospital ho yan?"

"Romero's Hospital Main Branch."

"I'm coming..." Pinatay niya ang tawag saka nagmamadaling lumabas ng Airport at pumara ng taxi.

This is all her fault. I'm so sorry, Magnus. Please, be okay.

NANG MAKARATING si Aminah sa Romero's Hospital Main Branch, kaagad siyang lumapit sa Information Desk para magtanong kung nasaan si Magnus. Tinuro naman siya ng Hospital Staff doon sa Operating Room. Pinaghihintay siya sa labas kasi nasa loob pa rin si Magnus.

Hindi siya mapakali habang naghihintay. Hindi niya kayang umupo at maghintay. Pabalik-balik siyang naglalakad sa labas ng OR. Nanlalamig ang kamay niya, kinakain ng kaba at takot ang buong pagkatao niya.
Mariin niyang pinikit ang mga mata saka nagdasal sa panginoon. Halos nagmamakaawa siya sa diyos na pakinggan siya.

'God, please, keep Magnus safe. Alam ko kasalanan ko 'to. Siguro hinahabol niya ako papuntang Airport para hindi ako makaalis. Ako nalang po ang parusahan niyo, huwag siya. Ako nalang ang saktan niyo, huwag siya kasi ako naman ang may kasalanan. But please, dont take away the man that i love. Please don't take away the father of my child. Alam kong wala akong karapatang mag demand sa inyo pero sana iligtas niyo si Magnus. I promise, i won't leave his side this time. Just keep him safe and i will never leave him. Ever. Please... please, keep my love safe.

Tinuyo niya ang luha sa pisngi saka iminulat 'yon at napatitig sa pintuan ng OR.
"Please, be safe Magnus." Bulong niya sa hangin, "hindi na ako aalis. Hindi na kita iiwan kaya huwag mo rin akong iwan."

Nanghihina siyang napaupo sa waiting area sa labas ng OR. Hindi niya alam kung ilang segundo, minuto at oras siyang nandoon, naghihintay at nagdarasal. Basta ang alam lang niya ay yon ang pinakamatagal na paghihintay na ginawa niya sa tanang buhay niya.

Kaya nang bumukas ang pintuan ng OR, kaagad siyang tumayo at sinalubong ang Doctor.

"Doc, i'm Aminah." Pagpapakilala niya, "okay lang ba si Magnus?" Puno ng pag-aalalang tanong niya.

Bago makasagot ang Doctor, lumabas ang stretcher kung saan nakahiga si Magnus, wala itong malay.

"Magnus..." mahina niyang sambit habang nakatingin sa binata.

"Miss Aminah?" Kuha ng Doktor sa atensiyon niya.

Humarap siya sa Doctor. "Doc, kumusta po si Magnus?"

"Wala na ba siyang ibang kamag-anak na narito?" Tanong ng Doctor.

"Wala po." Aniya at nakaramdam ng awa para sa binata. "Ako ang nasa in case of emergency niya sa I.D." Paliwanag niya. "Kumusta ho siya?"

Huminga ng malalim ang Doctor bago nagsalita. "He was beaten up by that car accident, but fortunately and miraculously, hindi masyadong na-damage ang katawan niya maliban nalang sa isang binti niya na nabali ang buto at ang isa ay nadurog dahil siguro sa pagkaipit ng maaksidente siya. Kailangan pa natin siyang obserbahan kapag nagising siya. Hopefully, magising siya in forty eight hours, or else, baka mag slip siya into coma. And it would be very difficult for Mr. McGregor to walk again, but if he will be patient, regular therapy can help him. Pero hindi ko masasabi kong hanggang kailan aabutin ng therapy bago siya makalakad."

Bumagsak ang balikat niya. "Pero okay lang siya diba?"

Tumango ito. "If okay means being alive in a wheelcheer, then yes, he'll be okay."

Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. "S-salamat po, Doc."

"Sige, aalis na ako. May kailangan pa akong puntahang ibang pasyente. Kung gusto mong makita si Mr. McGregor, nasa ICU siya ngayon."

Tumango siya saka mabigat ang dibdib na naglakad patungo sa ICU. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya sa sandaling 'yon. Hindi ito sakit dahil sa sinaktan siya ni Magnus, sakit ito dahil kasalanan niya ang nangyari sa binata.

This time, it's her fault. At hindi niya alam kung paano makakabawi kay Magnus sa ginawa niya rito. Yes, he hurt her but she didnt want this for him. He wants him happy and contented, not broken in a wheelchair.

Pinagsuot muna siya ng kulay green na lab gown bago pinapasok sa ICU. Nang makapasok siya at nakita si Magnus, nag-uunahang nalaglag ang mga luha mula sa mga mata niya.

Parang pinipiga ang puso niya sa sakit. Parang may umaapak sa puso niya habang nakatingin siya sa mukha ni Magnus na may mga pasa.

Binitawan niya ang traveling bag na dala saka naglakad palapit sa kama na kinahihigaan ng binata. Panay ang tuyo niya sa basa niyang pisngi. Nang makalapit siya, hinawakan niya ang kamay nito saka pinisil 'yon.

"I'm sorry." Humihikbi niyang sabi. "I'm so sorry, Magnus. I'm so sorry." Nanghihinang napaluhod siya sa sahig sa tabi ng kama habang hawak pa rin ang kamay nnmi Magnus. "Please, gumising ka na. Alam kong sinabi kong gusto ko ng space pero wala na akong pakialam do'n ngayon. Ang gusto ko lang ay makita kang gising at nakangiti. Please, Magnus, ayos lang kahit magalit ka sakin pagkagising mo, basta magising ka lang." Malakas siyang napahagolhol. "Hindi ko kayang ganito ka. Kung kailangan kong lumuhod para hingin ang tawad mo pagkagising mo, gagawin ko. Just please, please wake up and be okay again. Mahal na mahal kita."

Palakas ng palakas ang hagulhol niya habang hawak pa rin ang kamay ni Magnus.

Natatakot siya. Natatakot siyang kamuhian siya ni Magnus pagkagising nito dahil sa nangyari rito. Natatakot siyang baka hindi na siya nito mahal dahil sa ginawa niya na naging dahilan ng aksidente nito. Natatakot siyang iwan siya ni Magnus. Natatakot siyang talikuran siya nito at hindi panindigan ang pinagbubuntis niya. Ang dami niyang kinakatakutan pero mas natatakot siyang tuluyang mawala sa kaniya si Magnus.

Akala niya kaya niya, pero hindi niya kaya. Kapag nawala ito, baka mawalan din ng patutunguhan ang buhay niya.

Tumayo siya saka tinuyo niya ang basang pisngi at masuyong hinaplos niya ang mukha ng binata.

"Gumising ka na, Magnus." Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang maiyak na naman, "please be okay."

Umupo siya sa gilid ng kama saka tinitigan lang ang mukha ni Magnus. Wala siyang ibang gustong ibang gawin ngayong araw na 'to kundi pagmasdan lang ang binata at hintayin itong magising.

Kailangang nasa tabi siya nito kapag nagising 'to. Hindi na siya aalis. Hindi na niya ito iiwan. Kasi hindi rin naman niya kayang mawala ito, kaya mananatili siya sa tabi nito. Kahit ano man ang mangyari.

PANAY ANG hinga ng malalim ni Aminah habang pasulyap-sulyap siya sa orasan na nakasabit sa dingding ng ICU. Forty-seven hours na ang nakalipas simula ng ipasok si Magnus sa ICU, ilang minuto nalang, mag-forty eight hours nang walang malay si Magnus.

The Doctors only give Magnus forty-right hours to wake up, if not, they will declared him as comatose.

Ipinikit niya ang mga mata at taimtim na nanalangin sa panginoon.

'God, please wake him up. Parang awa niyo na, huwag niyo siyang parusahan ng ganito. Parang awa niyo na, gisingin mo si Magnus. Nagmamakaawa po ako. Huwag niyo po siyang kunin sakin. Kailangan namin siya ng anak niya. Parang awa niyo na.

Iminulat niya ang nanunubig niyang mga mata at tumingin sa orasang nakasabit sa dingding.

Nalaglag ang luha mula sa mga mata niya.

"Time, four-thirteen P.M., exactly forty-eight hours after the patient was sent to ICU." Humarap sa kaniya ang Nurse na katabing nag-aabang ng oras. "I-inform ko si Doc sa kalagayan ng pasyente, pakihintay nalang po siya rito."

Mapakla siyang natawa ng makitang wala man lang emosyon sa mukha ng Nurse. Siguro sanay na ito sa ganitong pangyayari. Pero siya parang sasabog ang dibdib niya sa sa sakit, sa pag-aalala at sa takot.

Bumaling siya kay Magnus na natutulog pa rin. "Gising na, please..." lumapit siya rito at hinawakan ang kamay nito. "Gumising ka na. Gusto na kitang makausap. Gusto na kitang makitang ngumiti. Gusto ko nang makitang bukas ang mga mata mo. Please, Magnus, i need you. Our child needs you."

Tahimik siyang umiiyak ng pumasok ang Doctor sa ICU. Kaagad niyang tinuyo ang basang pisngi at humarap sa Doctor. "Hi po, Doc." Pinilit niyang ngumiti pero hindi niya magawa, "ano na po ang lagay ni Magnus? May magagawa po ba tayo para magising siya?"

Huminga ng malalim ang Doctor, parang iniisip nito ang dapat sabihin sa kaniya bago nagsalita. "Miss Aminah, we have to run some tests to know what we can do for your patient. Rest assured na gagawin namin ang lahat para magising ang pasyente niyo, sa ngayon, ang magagawa muna natin ay maghintay at magdasal na sana ay magising siya."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka huminga ng malalim bago iminulat muli ang mga 'yon. "Maghihintay ako, Doc."

Nginitian siya ng Doctor. "Sige, babalik nalang ako kapag lumabas na ang resulta ng test na pinagawa ko para sa pasyente."

Tumango siya. "Sige po."

Nang makaalis ang Doctor, umupo siya sa gilid ng kama saka hinawakan ang kamay ni Magnus. "Hihintayin kitang magising, Magnus. I will wait for you."

A/N: Si Aminah naman ngayon ang maghihintay at iintidi kay Magnus.

#MayTheSemenBeWithYou - Fuck Wars. --> Nonsense Hashtag alert. Haha. Wala lang akong maisip maliban sa maraming manuscript na kailangan kong paglamayan sa mga susunod na gabi.

Continue Reading

You'll Also Like

24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
25.4M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...