Instant Mommy Ako? (PUBLISHED...

Af skycharm24

23.9M 386K 32.2K

(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo... Mere

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Epilogue
Authors Note
Good news!

Part 52

295K 4.7K 220
Af skycharm24

Magkapatid kami? Hindi lang nagkataon na magkamukha
kami? She was really my twin?! Ang taong naging dahilan
nang pagiging miserable ng buhay ko at ang taong umagaw ng taong mahal ko ay iisa lang?

Kinuha niya na ang lahat sa akin, at panahon na para ibalik ko sa kanya ang lahat ng paghihirap na dinadas ko.

I confronted my parents. “Kailan n’yo balak sabihin sa ’kin
na si Trisha ang kakambal ko?” Padabog kong ibinigay sa kanila ang DNA test result.

“Hindi ba’t hindi ka rin naman natuwa noong sinabi naming
nakita na namin ang kapatid mo? Bakit ngayon ay nagagalit
ka?” sagot ni Dad.

“Sinong matutuwa, Dad? Inagaw niya sa ’kin si Xander pati
na ang anak ko. Mang-aagaw ang babaeng ’yon!”

“Walang inagaw sa ’yo ang kapatid mo. Wala siyang alam.
Ikaw ang nang-iwan sa pamilya mo kaya bakit isisisi mo sa
kapatid mo ang lahat?” sagot ulit ni Dad.

Kahit kailan talaga ay kampi sila kay Maureen.

“Inagaw niya pa rin ang mag-ama ko kahit ano pa ang sabihin n’yo! Mula pagkabata ay inagaw niya na ang lahat sa akin. Pati ba naman sina Xander at Chloe?”

“Anak, tama na. Walang inagaw sa ’yo ang kapatid mo.
Matagal siyang nawalay sa ’tin kaya hayaan mo naman siyang
maging masaya,” sabi naman ni Mommy.

“Hayaan? At ano, siya lang ang maging masaya? Akin ang
mag-ama ko. Akin lang sila!”

“Mahal niya ang anak mo, at mahal din siya ni Chloe. ’Wag
mo nang ipilit ang sarili mo sa kanila. Hindi mo na maibabalik ang nakaraan.”

“No way, Mom! No way! Sana isipin n’yo rin ang kaligayahan
ko kahit ngayon lang. Hindi ’yong puro si Maureen. Sana
namatay na lang siya!”

Sinampal ako ni Mommy. ’Yon ang unang pagkakataong
pinagbuhatan niya ako ng kamay.

“Sumusobra ka na, Choleen!”
umiiyak na sabi ni Mommy.

Hinawakan niya ang dibdib niya na para bang nahihirapan siyang huminga. Nataranta si Dad at mabilis niyang tinawag ang mga katulong. Pinanood ko lang silang nawala sa paningin ko.

Ang dinig ko, dadalhin nila si Mommy sa ospital. Tulala akong napaupo sa sofa. What have I done?



TRISHA

Nasa kwarto kami ng asawa ko, nagpapahinga. Kakapatutulog
ko lang sa kambal, dahil kahit may yaya ang mga anak ko, mas gusto ko pa rin na ako ang nag-aasikaso sa kanila.

“Tired, hon?” tanong ni Xander.

“Hindi naman. Medyo lang.”
Niyakap niya ako.

“Thank you, hon. Masuwerte ako at ang mga anak natin dahil ikaw ang ina nila.” He then kissed me on the cheek. Kinilig naman ako.

“Mahal ko kayo at masaya akong inaalagaan kayo.” Niyakap
ko siya pabalik.

“I love you more, Mrs. Trisha Alexis Rosales. Bagay na bagay
talaga ang apelyido ko sa ’yo,” sabi niya saka niya ako hinalikan sa labi. Agad naman akong tumugon.

“I’ve missed this, hon. I’ve
missed you. Thank God you’re back.” Ibinaon niya sa leeg ko ang mukha niya at mahigpit akong niyakap.

“Alam kong na-miss mo ako, pero hindi ako makahinga,”
nakangiting reklamo ko.

“’Wag mo akong tinutukso, hon,” sabi niya sabay kindat sa akin.

“Hep, hep! Ni hindi pa nga marunong gumapang ang kambal, e.” Alam ko na kasi ang binabalak niya.

“Tsk! Hon, matagal pa kung hihintayin natin silang
gumapang. Please, isa lang.” Mabilis niya akong hinalikan ulit.

“Behave, Daddy!”

Natigil ang pag-uusap namin nang nag-ring ang cell phone
niya. Bumangon naman siya at sinagot ang tawag. Puro “opo”
at “sige po” lang ang naging sagot niya.

Tapos may kinumusta siya. Maya-maya ay ibinaba na niya ang tawag, saka seryosong
humarap sa ’kin.

“Hon, bakit? May nangyari ba?” kabado kong tanong.

“Hon, it’s about your parents. ’Yong tunay mong mga
magulang, nahanap ka na nila.” Ano raw? Kilala niya ang
parents ko?

“Paano? Kilala mo sila?” gulat kong tanong.

“Nasa ospital ang mommy mo ngayon. Hindi pa dapat nila
sasabihin sa ’yo ang totoo, pero may nangyari kasi.” Ospital
agad? Ni hindi pa nga kami nagkikita.

“I want to see them. Gusto ko silang makilala.”

Niyakap ako ni Xander. “You will, hon. Pupuntahan natin
sila agad. Tandaan mo, kahit anong mangyari, nandito lang
ako sa tabi mo. Mahal na mahal kita.” He then kissed me on the
forehead.

Nagbihis kami at ibinilin ang kambal kina Mommy Sandra at
Ate Marga. Gustong sumama ni Chloe pero hindi na namin siya
isinama dahil hindi rin kami sigurado kung ano ang sitwasyon sa ospital.

Mas lalong tumitindi ang kaba ko habang papalapit kami sa
ospital.

Hinawakan ni Xander ang kamay ko. “Mabuti silang tao,
hon. Just relax.” Kung batukan ko kaya siya?! Ba’t hindi niya na lang kasi sabihin kung sino sila?

Pumasok kami sa isang kwarto, at nagulat ako nang nakita ko
sa loob si Tito Mauro, nakatayo sa gilid ng higaan ni Tita Connie.

Mabilis ko silang nilapitan. “Tita, anong nangyari?”

“Inatake ako ng high blood, anak,” sagot ni Tita Connie.
Hindi sana bago sa ’kin ang pagtawag niya ng anak, pero
ngayon lang nag-sink in sa ’kin ang lahat.

Lumingon ako kay Xander at mukhang nakuha niya ang nais kong itanong sa kanya. Tumango naman siya.

“Hija, marahil alam mo na ang totoo. Ikaw si Maureen, ang nawawalang anak namin. Kay tagal ka naming hinanap.
Nakalulungkot lang na hindi mo na kami maalala. Bata ka pa rin kasi noong nawala ka,” paliwanag ni Tito Mauro.

Sila ang mga magulang ko? Ang mga taong kumupkop sa ’kin noong nangailangan ako ng tulong? Kaya pala magaan ang
loob ko sa kanila.

Ibig sabihin may kakambal ako? ’Yong mga bata sa picture ay ako at ang kakambal ko!

“Anak, patawad at hindi namin agad sinabi sa ’yo ang totoo.
Natakot kasi kami sa magiging reaksyon mo. Baka kamuhian
mo kami. Pero anak, hinanap ka namin ng daddy mo. Walang
araw na hindi ka namin inalala. Kay buti ng Panginoon dahil
pinagtagpo Niya tayo,” sabi naman ni Tita Connie.

Nilapitan ko si Tita Connie, este, ang mommy ko. Umiiyak
na kasi siya at baka makasama sa kanya ’yon. “Hindi ko man po alam ang dahilan kung bakit tayo nagkalayo, wala po akong galit sa inyo, lalo na at nalaman kong hinanap n’yo ako.” Mabubuti silang tao.

Napatunayan ko na ’yon at alam kong nangungulila sila sa ’kin. Ganoon din naman ako sa kanila. Niyakap ko ang ina
ko. “Mommy, kayo ang mommy ko.”

Umiiyak na niyakap niya rin ako. “Ako nga, anak. Ako si Mommy. Mahal na mahal kita. Mahal ko kayo ng kakambal mo.” Pinahid ko ang mga luha niya.

“’Wag na po kayong umiyak.
Makasasama sa inyo ’yan. Nandito na naman po ako. Hindi na ako mawawalay sa inyo.”

Niyakap din ako ni Daddy. “Mahal na mahal kita, anak.”

Nagkita na rin kami sa wakas. Panigurado ay matutuwa ang
kinalakihan kong mga magulang sa magandang balitang ito.

Alam kasi nila kung gaano ko kagustong makilala ang tunay
kong mga magulang.

“Minahal ko na po kayo bago ko pa man nalaman na mga
magulang ko kayo.” Ngayon ay masasabi kong kumpleto na ako. Nakilala ko na sila, at makikilala ko na rin ang kakambal ko.

Nagkwentuhan kami nina Mommy at Daddy. Nakapaninibago pero masasanay din akong tawagin sila bilang mga magulang ko.

Nalaman ko rin kung paano ako nawalay sa kanila. Marahil
daw ay napunta ako sa bangka na ’yon. Magkatugma kasi ang
kwento ko kung paano ako napulot nang kinilala kong tiyuhin.

Masaya akong malaman na hindi nila ako inabandona, at na
hinanap nila ako. Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit
napadpad ako sa lugar na ’to. Kay buti ng Panginoon.

“Pupunta po ba dito ang kakambal ko? Gusto ko siyang
makilala,” sabi ko sa kanila.
Nagkatinginan sila, pati na ang asawa ko.

“Hindi ko alam kung matutuwa kang makilala ang kakambal
mo,” pag-amin ni Daddy. Anong ibig niyang sabihin?

“Bakit naman po? Kapatid ko siya at masaya akong
makilala siya.” Muli silang nagkatinginan.

“Darating din tayo d’yan, anak. Hintayin muna nating
bumuti ang lagay ng mommy mo,” dagdag pa ni Dad.

Nagtataka man ako kung bakit tila ayaw pa nilang
magkakilala kami ng kakambal ko, hindi na lang ako umimik.
Sigurado ay may dahilan sila. Pero kahit ano pa man ’yon,
matatanggap ko pa rin naman siya dahil kapatid ko siya,
kakambal, at kadugo.

Masaya kong inalagaan si Mommy, kagaya ng pag-alaga
niya noong nasa kanila ako. Kaya pala mabilis kaming
nagkapalagayan ng loob, dahil mag-ina pala kami. Kahit si
Daddy, sobrang bait sa akin.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

9.5M 298K 72
PUBLISHED "Hey, buddy! Massage mo nga ako! Faster!" Utos ko sa butler ko. Wala lang, gusto ko siyang asarin. "Gawin mo mag-isa mo. Hindi ako utus...
24.3K 857 46
Rona Serene or Rose is a daughter of a famous business tycoon in the country. Despite being the rich girl everyone envies and wants to be, she remain...
5.1M 64.4K 54
[Daddy Series 1]: Book 1 of 2 ng Daddy? Published na po under LIB. Php129.75 Book 2 of 2 is also published already. Please do support. Thank you! [T...
176K 3.7K 16
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...