When Gangsters Meet the Sadis...

Autorstwa arkiSTEPH

932K 22.4K 6.8K

[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you. Więcej

PROLOGUE
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18.1
chapter 18.2
chapter 19
chapter 20
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
Love Letter
Chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45

chapter 21

15.7K 354 40
Autorstwa arkiSTEPH


"Alam ba ng mom mo 'yang sinasabi mo." seryosong tanong sakin ni Dad, lalo akong kinabahan sa boses niya at nung banggitin niya si Mommy.

"Hindi po." tugon ko at napayuko ng unti. Alam kong di ako papayagan ni Mom basta basta kaya permiso muna ni Dad ang hinihingi ko. Pero mukhang nakadepende ang desisyon niya kay Mom. Alam niyang di ako papayagan.

Napainom siya ulit ng kape at binalik ang tingin sa ginagawa.

"Dad, gusto ko pong matutunan na protektahan ang sarili ko...hindi po siguro sa lahat ng oras ay meron magbabantay sakin...gusto ko po makatulong, ayoko nung laging ako nalang ang poprotektahan...at pabigat..." lakas loob kong sabi at halos manginig na ang boses ko sa kaba dahil natatakot ako sa mga isasagot niya, natatakot din ako na baka bigla na naman niyang kainisan sila Uriah dahil alam niyang malaking parte ang mga nangyayari sa kanila ngayon sa desisyon kong 'to.

"Naiintindihan ko kung bakit mo naisip ang bagay na 'yan." sagot niya at nanatiling nakatingin sa kanyang mga papel na hawak. Ramdam ko ang pagbabago ng kanyang mood, mabigat at puno ng pag-aalala. "Pero hindi ka handa."

Napalunok ako at hindi agad nakasagot.

Binitawan niya ang mga papel na hawak at tinignan ako, ngayon ko lang nakita ang ganitong tingin. Seryoso at malalim na para bang hindi ko kayang makipagsabayan ng titigan.

"Nagpapadalos dalos ka sa desisyon mo.Hindi pwedeng ganyan." banaad padin sa boses ni Dad ang pagseseryoso at pagkadismaya maging sa kanyang mukha.

Hindi naman tumataas ang kanyang boses pero ang mood niya ngayon ay nagbibigay sakin ng di maipaliwanag na kaba.

"Pero dad willing po akong..."

"Pumunta ka ba sa doctor mo for consultation? Katibayan na kakayanin mo ang pagod at sakit sa katawan?"

Para akong naumpog sa parteng 'yon. "W-Wala po."

"Kapag mag dedesisyon ka, make sure na prepared ka. Prepared to support your decision and prepared to face the consequences." aniya at titig na titig sakin. Halos manliit ako nung sabihin ni Dad 'yon. Tsaka ko lang naisip na parang sobrang hina ng utak ko at di ko naisip ang mga bagay na 'yon.

"Anak..." malumanay na tawag sakin ni Dad dahilan para mapatingin ako sa kanya. Hindi ko maitago saking mukha ang dissapointment at pagkahiya. "I know how much you care about your friends and family. Pero dapat hindi ka dapat nagdedesisyon bigla dahil alam nating nadadala at napepressure ka lang ng mga nangyayari. I bet na hindi din 'to alam nila Uriah."

Agad na nagtubig ang mga mata ko, tumango tango lang ako bilang tugon. Hindi na ko sumagot pa at nanatiling nakayuko para itago ang mukha ko at mata kong naluluha.

"But the most thing you need to consider, handa ka na bang pumatay?"

Agad na tumindig ang balahibo ko at nawala na sa isip ko ang pagpipigil ng maluha. Gulat akong napatingin kay Dad habang ang istura at dating niya ay ganun padin.

Umawang ang bibig ko at gusto kong sumagot pero walang lumalabas na boses sakin. Iniisip ko palang ang bagay na 'yon ay nawawala na ako sa sarili.

" Gaya nila Chin at Demi, handa ka nadin ba makapatay maprotektahan lang ang mga importante sa buhay mo?" Tumigil siya at uminom panandalian pagkatapos ay tumingin ulit sa akin. "If you want to protect someone you are going to hurt other people, you might kill them or ... you'll get killed."


THIRD PERSON'S P.O.V.

'5:50 pm na pala.' aniya sa isip nung makita ang oras sa kanyang relo. Pumasok siya sa opisina at agad na sinabi ang pakay. "Andito na po sila, sabi ko po lalabas na kayo after 10 minutes. "

"Okay. Patapos naman na 'to." sagot nito sa kanya habang nakatingin sa bintana. "Oo nga pala Palmer. bago ko malimutan."

"Po?"

"Natagpuan na siya."

Agad na nabaling ang atensyon niya tungkol doon sa sinabi sa kanya. Halong inis at pagkadismaya ang kanyang naramdaman.

"Pero bago pa siya makuha ng tauhan natin ay natagpuan siyang patay." paliwanag ng kanyang kausap at tumingin sa kanya.

"Patawad po, kasalanan ko po. Hindi ko siya nagawang hulihin nung gabing 'yon kahit na mag-isa lang po siya." paumanhin niya habang nakayuko.

"It's okay. Aksidente mo lang naman siyang nakita nung oras na 'yon." paliwanag sa kanya pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. "Okay na ba 'yong saksak na natamo mo sa kanya?"

Agad na kumuyom ang kanyang panga nung maalala kung paano siya napuruhan nung gabing 'yon, hindi niya akalain na mapapalaban siya ng oras na 'yon lalo na sa may dala pang armas.

"Pagaling nadin po." sagot niya at binabalot padin ng pagsisisi.

Lumapit sa kanya ang kanyang kausap at tinapik tapik ang kanyang balikat. "Ayos lang 'yan." at tsaka lumakad papuntang pintuan. "May iba pang pagkakataon, malalaman din natin kung sino ang nasa likod nila. Let's go, they're waiting."


JONAS' P.O.V.

'Dude, papasok daw siya ngayon? Wag mong sabihin na tinatanong ko.'

Text message from Chin.

'Oo, paalis na nga siya.' reply ko at tsaka lumapit kay Mars.

We're all fine now. Naipagpahinga na namin ang mga katawan namin pero 'yong mga galos at sugat ay di pa ganun kagaling.

Itong si Dude, kung di ko pa tatanungin ay di magsasabi na may problema sila ni Mars. Nahalata ko kasing iba ang kinikilos niya, kahit 'tong si Mars. Akala niya siguro ay di namin nahahalata lahat pero nananahimik lang kami to give them peace of mind and time. Ako lang naglakas loob na magtanong kay Chin dahil di ko matiis na umaakto siyang weird, kaya ako 'to, trying to help her in any way. Kaya bale taga report ako ng mga ginagawa ni Mars ngayon.

Siguro ay ayaw nila ipaalam samin na may problema sila dahil sa dami ng iniisip namin kaya umaakto silang normal but actually they're both acting weird. Siguro ay matindi ang pinag awayan nila dahil kahit si Dude ay ayaw sabihin sakin ang dahilan. Kaya siguro medyo cold samin si Mars lately.

"Oh aga mo dito ah." Mars habang inaayos 'yong benda niya. Nilapitan ko siya at kinuha ang benda niya. Tinulungan ko siya hanggang sa naramdaman kong parang may mga matang nakatingin sakin.

Mata ni Mars na nakatingin sakin na para akong weirdo at si Demi na walang emosyong nakatingin sakin. Why?

"Bromance." aniya at her usual tone, emotionless.

Gulat kaming napatingin ni Mars kay Demi. Hanggang sa nagtinginan kami ulit ni Mars sa isat isa. Ngayon ko lang napansin na masyado kaming close sa isat isa takte! Mabilis kong binendahan ang braso niya dahilan para mamilipit siya dahil sa higpit at tsaka sabay namin tinabig ang isat isa.

"Na'mo! Ginulo mo pa kasi mas maayos pa ginawa kong pagbenda." reklamo niya habang inaayos ulit ang benda.

Napatingin ulit kami kay Demi dahil nagulat kami sa sinabi niya.

"Saan mo natutunan yan Demi?" Nakangising tanong ni Mars.

Takte, that's what I wanted to ask.

"Kay Nicolo."

Damn you Nicolo! Kung anu-ano talaga ang tinuturo kay Demi.

Umalis na kami ng penthouse nila Uriah, hinatid ko muna si Mars sa school nila since mamaya pa naman ang pasok namin ni Demi.

Since that incident happened mas naging parang paranoid si Demi. Lahat ng tao ay pinagmamasdan niya ng mabuti pati ang paligid and parang anytime huhugot ng baril. Hindi siya papayag na hindi ko siya kasama kahit saan. It bothers me so much because it affects her studies.

At kahit sa bahay,nadagdagan nadin ang guards pero kulang nalang pati sa banyo ay samahan niya ko. Takte!

Sinusubukan ko na ngang dumistansya sa kanya dahil sa nararamdaman ko. Nasasaktan padin ako pag naaalala ko 'yong nakita kong halikan niya si Nicolo. Di ko tanggap.

'Siguro dahil feeling ko natalo ako kay Nicolo, alam ko naman di niya gusto si Demi pero what if one day magbago siya at maging tunay na lalaki. Somehow, it scares me.'

But I am more disappointed to myself. Dahil nakukuha ko pang sumama ang loob ko with that, knowing na ni minsan di ko nasabing gusto ko siya. Puro lang ako bili ng ganto or ganyan na alam kong gusto niya. But I can't say it properly na para 'yon sa kanya dahil gusto ko siya, na gusto ko siya sumaya. Dagdag mo pa na di ko malalaman ang mga gusto niya without the help of my friends. I am such a coward.

'Takot padin ako na masampal ng realidad na pag sinabi kong gusto ko siya tanggihan niya ko.Mag effort ng todo at the end wala din naman mangyayari.'

Kaya siguro hindi consistent ang napapakita ko sa kanya to make her like me. Dense siya, coward ako kaya ayan walang progress. Wala e, magtitiis nalang ako. Lalo na ngayong alam ko ng gusto niya si Nicolo, ayokong ipagpilitan ang sarili ko.

"Young master..."

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya ang alam ko lang ay gusto ko lang titigan ang mukha niya.

'Darating din siguro 'yong araw na pag gising ko, wala na kong nararamdaman para sa sayo.'

"Hoy ashtray... opps sorry. Sige maya nalang." Chelsy, nung makitang kasama ko si Demi. Napatingin siya kay Demi, ngumiti unti at tsaka yumuko. Marunong pala siya ngumiti.

Yumuko lang din si Demi. Umalis na si Chelsy but Demi still looking at her. Don't know what she think, pokerface forever.

Nagkakilala na sila nung na ospital kami.

"Punta ka na sa building niyo. Baka gabihin pa ko may activity daw kami ngayon. Mauna ka nalang siguro umuwi." I said with cold tone. Hindi dahil sa sinasadya ko pero parang ang bigat ng pakiramdam ko simula pag gising ko pa 'to.

Nagulat nalang ako nung hawakan niya ako sa braso bago pa ko tuluyan pumunta sa building ko.

"Hihintayin ko po kayo. Tawagan niyo ko agad pag may nangyari."

What to expect, hindi siya papayag. Sabay lagay niya ng energy drink sa kamay ko at bar ng chocolate.

Bago pa ko makapag react ay tumakbo na siya palayo. Nakatitig lang ako sa binigay niya. Hanggang sa narealize ko, bumibilis ang tibok ng puso ko. Takte! Takte! Napalunok nalang ako. Para saan 'to? Bakit binigyan niya ko nito?

"Hoy pre! Kamusta okay ka na ?" Kelvin na biglang sumulpot sa harap ko.

My heart is still pounding so fast damn it!

Nag apir lang kami pero hindi ako nakasagot. Nahihiwagaan padin ako sa nangyayari.

"You look pale. Mukhang di ka pa okay dapat di ka muna pumasok."

Pale? Really? Until I realized...

"Kaya pala." Sagot ko habang nakatingin padin sa hawak ko.

"Kaya pala ano?"

"She gave these to me. Sugar."

"She? Chelsy?"

"NO!" 'Yong babaeng 'yon. Tss.

"Ah! Ms. Demi." Nakangiti niyang sagot.

Tumango tango ako at nagpatuloy sa paglalakad at sumunod din siya.

"What's wrong, parang bigla kang nadissapoint."

Napangisi nalang ako. Umasa pa naman ako, akala ko binigyan niya ko nito dahil gusto na niya ko. Binigyan niya ko dahil namumutla ako. It's more like about obligation than concern. Hindi siya concern, bakit ba ko umaasa! Obligado lang siyang masigurado na okay ako.

Takte! 'Yon palang ang ginawa niya hopia na ako agad.

"Pero diba sa Japan pag ang babae nagbigay ng chocolate ibig sabihin may gusto sila sa pinagbigyan nila."

Parang sinuntok ako nung sinabi niya. 'Yon din kasi ang una kong naisip.

"Kaso wala pala tayo sa Japan." kaswal na sabi niya at para ulit akong nasuntok sa sikmura.

"Damn you Kelvin." Walang gana kong sabi. Hanggang sa di na niya napigilan at tumawa nang tumawa. Abnormal din ang isang 'to.

-----

Nagiging paranoid nadin ata ako. Kahit iba kong kaklase na malapit lang sakin ng unti ay napaghihinalaan ko. Hanggang ngayon wala padin kaming ideya kung sino ang pasimuno ng lahat ng 'to. Kaya mas mahirap gumalaw at umaksyon, kahit sino pwede maging kalaban.

Mas nababahala ako ngayon, dahil anytime baka may mangyari na naman. But somehow, it made us become more observant and prepared.

Kung nakita ko lang kahit sana figure nung sumugod sa restaurant magkakaroon ako ng clue. Kahit mga pulis walang mahanap na trace and idea sa nagtangka sakin. Thankful nalang ako at walang ibang nadamay.

As of now, 'yong mga staff ko ay ipinasok ko muna sa family friend namin na may ari din ng restaurant. Parang pamilya ko nadin sila kaya hindi ko sila pwede pabayaan nalang basta.

And about sa restaurant ko, mukhang matatagalan pa bago ako ulit makapagpatayo, takte malaking amount din ang nawala sakin tsaka lalo na't bad shot ako kay mom ngayon. She's always calling me and forcing me to go back to our province.

"Wag ka na daw muna sumali sa soccer sabi ni ma'am. Magpahinga ka nalang daw muna." sabi sakin ni Kelvin nung makarating ako sa field. Hindi na ko tumanggi pa at umupo nalang sa bleacher dun sa may lilim.

"Hindi mo padin ba kinakain 'yong binigay ni Ms.Demi? Putla mo padin.Pwede ka naman kumain ng snacks kahit di pa natin breaktime." Tanong niya habang nagiistretch. Ang active sa sport nitong mokong na 'to. Lahat ata ng sport e nilalaro. Ako minsan lang pag kasama sila Uriah, ayoko kasi masyado pag pinagpapawisan ako.

Actually pinag iisipan ko kung kakainin ko ba at iinumin 'yong bigay ni Demi, nahihiya akong aminin sa sarili ko pero takte! Gusto ko itreasure 'yong bigay niya. Ayaw ko siya galawin hanggat nabubuhay ako. Gusto ko nga din siya idisplay sa kwarto ko.

"Wag mo sabihing itatago mo lang 'yan. Hahaha."

Damn you Kelvin! Parang lagi niyang nababasa ang utak ko. Takte!

"Baliw ka ba bakit ko naman gagawin 'yon. Hindi kasi kilalang brand kaya ayokong kainin."

"Hahaha chill."

Nagsimula na sila maglaro, nabobored ako kaya umalis muna ko doon. Hindi ako nagcu-cutting, walang cutting sa college dahil hawak mo ang oras mo.

'Anong sasabihin ko?'

Habang naglalakad ako papunta sa building nila Demi ay di na naman ako mapakali, di ko alam sasabihin kung bakit ako pumunta sa kanya. Takte! She only gave me a chocolate bar and energy drink yet I become crazy again. Pagive-up na ko pero sa simpleng ginawa niya I was moved.

Habang naglalakad napansin ko si Chelsy, agaw pansin kasi siya dahil sa dami ng dalahin niya. Dami niyang dalang filler notebook at halos matakpan na ang mata niya. Bakit di ba siya nagpapatulong sa iba niyang kaklase? Takte.

Lalampasan ko na sana siya at kunwari di nakita dahil baka kung ano na naman ang sabihin niya sakin but at the end, lumapit ako sa kanya at agad na kinuha ang iba sa bitbit niya without saying any words.

"Huh. Ui ashtray... teka..." ayan na nagsisimula na naman ang bibig niya.

"Hindi ko nanakawin 'to." pamumutol ko dahil baka 'yon ang iniisip niya. Tamang hinala pa naman 'to.

"Psh. Sinabi ko ba."

"Sasabihin mo palang. Saan mo ba 'to hahatid?"

"Sa may room 254."

Nice, makakadaan ako kina Demi, room 252 sila e. Atleast may dahilan na ko. Napapangiti ngiti pa ko takte! Ganto ako ka-abnormal, kahit nakikita ko naman siya araw araw pati sa bahay naghahanap pa ko ng dahilan makasilay lang sa kanya dito sa school. Mahusay, makakamove on ako nito.

"Ano... may tanong ako." seryosong tanong ni Chelsy, napatingin ako sa kanya saglit. Anong meron sa kanya. Ang malumanay naman niya. Sabagay, dumadaan kasi kami sa mga tapat ng rooms takot niya lang mag ingay.

"Ano?"

"Ay mamaya nalang."

Tignan mo 'tong babaeng 'to.

Malapit na kami, Sakto kalalabas lang ng prof nila Demi.

"Pre yan na wala na prof bigay mo na."

"Teka wag niyo ko tulak!"

"Ganda niya pre. Wala sa mukha niya ang tumatalon sa building "

"Astig nga pre e. Kaya nga lalo ko siya naging crush."

A group of men chatting near at their door.

Andito na kami sa tapat ng katabing room nila Demi. Tumigil din ako at sisilip sana nung biglang mag-atrasan ang mga lalaking 'to.

"Ayan na siya! Ayan na siya, baka lalabas na siya."

Parang mga highschool takte!

Mamaya na nga lang pagbalik, lumakad na ako at nilagpasan ang pintuan nila. Mukhang nagmamadali pa naman si Chelsy. Naihatid na namin ang mga notebooks, paglabas namin doon ko nakita na pinapalibutan ng mga lalaki kanina at inaabutan ng bulaklak at kung anupamang mga lintek na gamit 'yon.

What's this uneasy feeling?

Napalakad ako nang mabilis papunta sa kanya, while she's refusing to accept the gifts. Hindi ako nagsalita pero bago pa ko tuluyan makarating sa kanya ay napalingon na siya sakin, na para bang naramdaman niya ang presensya ko.

Tumingin siya sakin with her usual facial expression, emotionless. Naalala kong kasama ko nga pala si Chelsy nung inalis ni Demi ang tingin sakin at nilipat kay Chelsy.

Hindi ko na alam ang ekspresyon ng mukha ko habang tinitignan ko ang mga lalaking 'to. Kailangan ko mag control. Takte! Ano ba 'to, gusto ko nalang matawa parang may halimaw sa loob ng k

atawan ko na pilit kong kino-control.

Nabigla nalang ako nung biglang tumakbo dito si Demi palapit sakin but she didn't aim for me. Pagtingin ko sa likuran ay hawak na niya sa kamay si Chelsy kaya talagang nagulat ako.

"Ahmmmm... kukunin ko lang sana 'yong nasa ulo niya." kalmadong paliwanag ni Chelsy kay Demi at ngumuso para ituro ang ulo ko.

Agad akong napakapa sa uluhan ko at doon ko nakuha ang scotch tape na nakadikit. Takte, saan galing 'to?

Chelsy gave her an awkward smile. Binitawan nadin naman siya ni Demi, yumuko ng kaunti as a sign of sorry.

TAKTE! Napatigil talaga ako sa paghinga. Kinabahan ako bigla, mas nakakakaba pala pag nasaksihan mo na may dalawang babae with this kind of situation at malapit ka pa sa kanila. Kinikilabutan ako sa aura nila parehas. Feeling ko may bombang sasabog.

AGATHA'S P.O.V.

"Saan tayo pupunta?" nakangiting tanong ko sa kanya habang lumalakad kami papuntang sasakyan niya.

"Secret." sabay bukas niya ng pinto ng kotse.

Napatingin ako sa mga guards na nasa paligid namin na nakatingin sakin at tsaka yumuko. "Ingat po kayo young lady."

Agad na nanlaki ang mga mata ko, tumingin ako kay Uriah at sinenyasan niya lang ako na pumasok na. "Okay." sagot ko sa kanila at tuluyan ng pumasok.

"Teka, di sila kasama?" mabilis kong tanong nung makasakay na si Uriah.

Tumango tango lang siya tsaka binuksan ang makina. Napakapit ako sa braso niya at lumapit para silipin ang mukha niya.

"Seryoso?" walang bodyguard? As in kami lang dalawa?

Nagulat siya sa ginawa ko pero mas nagulat ata siya sa mukha kong abot tenga ang ngiti.

Umalis na kami at tumingin pa ko sa likuran ulit dahil baka niloloko lang nila ko, pero wala nga! Walang sumusunod na bodyguard.

"Wow!" nasabi ko nalang at naisandal na ng tuluyan ang likuran ko, dahil ibang kaginhawaan ang nararamdaman ko ngayon. Namiss ko kasi 'yong ganitong pakiramdam, 'yong nasa passenger seat, walang katabi na mga tahimik na bodyguards. Kaya pag ganun tahimik lang din ako e di pa naman ako sanay ng ganun. Kahit alam kong para din sakin ang ginagawa iba padin pag ganito.

Tuwing may mga bodyguards kasi sa totoo lang kinakabahan ako, pakiramdam ko kasi talagang anytime e may mangyayaring di maganda. Pero tuwing kasama ko naman sila ay wala naman nangyayaring ganoon, awkward lang talaga.

"Alam 'to ni Dad?"

"Oo."

Luluwa na ata ang mata ko sa sobrang gulat sa mga nangyayari. Pinaalam niya na pala ako nung nakaraan pa nung pumunta sila sa amin. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagmamaneho siya at iniimagine kung paano siya nag paalam sa Dad ko na lumabas na kaming dalawa lang.

Date na ito? Date 'to diba? As in!

'Kalma Agatha.'

Hindi ko kayang kumalma sa loob loob ko, kung iisipin mabuti ito ang kauna-unahang official first date namin ni Uriah. Dati naman naisama niya ko sa amusement park pero date ba 'yon? Parang ganun nadin pero ito talaga official. Favorite ko na ang word na official.

Di ko tuloy mapigilan ang ngumiti.

"Tsk. Stop it you're creeping me out."

Creepy ba 'tong ngiti ko. Nilabas ko ang cellphone ko at agad na tinext si Mom para sabihin na may date kami ni Uriah.

'Okay! Enjoy ingat kayo anak!' reply ni mom. Bilis magreply ah!

"Hihihi!" di ko talaga mapigilan ang tumawa parang siraulo lang. Ano ba 'yan tama na baka kung ano isipin ng unggoy na 'to.

Pagsilip ko sa kanya napailing nalang siya habang nakangisi. Kulang nalang sabihin niya na nababaliw na naman ako.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayon, ilang araw na kasi akong lutang at iniisip ang mga nangyayari pati tungkol sa mga sinabi sakin ni Dad nung makiusap ako na kung pwede ay turuan din ako makipaglaban. Tuwing naiisip ko 'yong bagay na 'yon ay naiinis ako sa sarili ko, tama nga si Dad dahil nagpapadalos dalos ako. Dapat ay paghandaan ko ang lahat kung gusto ko mangyari ang bagay na 'yon.

Pero sa totoo lang, pagkatapos sabihin 'yon sakin ni Dad ay mas pinagtuunan ko na ng pansin ang kalusugan ko. Hindi ko alam kung sa mga susunod na araw ay aayon ang lahat sa gusto ko pero narealize kong hindi nga talaga madali ang gusto kong mangyari.

'Saan kaya kami pupunta? Sa mataong lugar? Hindi ko sure dahil baka hindi pumayag si Dad dahil wala kaming bantay.'

Pero si Uriah nga pala ang kasama ko wala kong dapat ipag-alala, wala din naman siguro di magandang mangyayari. Ayaw kasi ni Dad na pumunta muna ako sa matataong lugar lalo na't pag walang kasama.

Pupunta kaya kaming amusement park ulit? O di naman kaya manunuod ng sine? Gaya nung ginagawa ng normal na couples. Nakasama ko naman na siya manuod sa sinehan dati pero kasama ang buong tropa.

Todo imagine pa ako at di muna siya kinakausap, dahil ayaw din naman niya sabihin kung saan kami pupunta. Malamang ay gusto niya ko i-surprise kaya makikisama nalang ako.

Natigil ako sa pag iimagine nung mapansin ko kung saan kami pumasok na gusali.

"Teka..." sabay tingin ko sa paligid.

"Let's go." sabay baba niya ng sasakyan. Pinagbuksan ako ng pintuan nung lalaki kaya gulung gulo ang isip ko nung bumaba ng sasakyan pagkatapos ay inabot ni Uriah ang susi ng kotse sa kanya. Parang familiar sakin ang building na 'to, di ko sure kung sa magazine ko ba 'yon nakita o TV.

ANg friendly naman nung mga staff dito simula sa guard pati sa mga nagpapalakad lakad dito. Syempre bumabati din ako. Si Uriah naman poker face lang pero tinitignan naman ang mga bumabati. Improving.

Ang sosyal pa nung design dito mukhang mamahalin dito. Siguro dito kami kakain. May nakita kasi akong buffet doon. Syempre pag pagkain talaga lumilinaw din ang mata ko.

"Good afternoon Mr. Imperial and Ms. Posadas." bati nung babae doon sa counter. Ngumiti lang ako tsaka nagpagala gala ulit ng tingin. Teka bakit kilala pala niya kami? Taray naman ganito ba dito pag nagpareserve. Bigla akong nawindang nung parang may narinig akong room number.

Paglingon ko ulit sa kanila ay may hawak ng card si Uriah.

Bago pa ko makapagtanong kay Uriah ay hinawakan niya ko sa braso, ang warm ng kamay niya. Ano kaya ginagawa niya lagi at ganito kainit ang kamay niya. Nakakarelax.

Dahil sa unting physical contact lang ay nawala na naman ako sa sarili, andito na kami sa elevator. Ganto talaga ako kaengot pag nadidikit sa kanya.

"Saan tayo punta? May restaurant din dito sa taas?" naiilang kong tanong, naiilang ako na hawak padin niya ko sa braso kahit na wala naman ibang nakakakita samin.

"Wala."

Ano ba? Dapat ba manguna na ko at hawakan ang kamay niya? O hihintayin ko nalang na hawakan niya ang kamay ko? 'Yon talaga ang iniisip ko ngayon. Pang one million question naman ang tanong ko, hirap mag desisyon. Bihira pa naman na kami lang talaga dalawa ang magkasama.

Hindi na nasundan ang tanong ko nung pagbukas ng elevator ay may dalawang bantay na bumungad samin. Agad silang yumuko at ni-lead kami sa nag iisang pintuan na andito. Isa lang talaga pintuan dito? Parang ang laki laki ng floor na 'to.

Pagbukas ng pinto...

"Wow."

Sobra kong namangha sa nakita ko. At di ako nag atubiling di pumasok agad. Ang ganda, ang lawak lawak! Ang lalaki ng bintana. May magandang sofa, kusina at may mezzanine pa. As in kompleto. Ang ganda pa ng view sa labas.

Oh my!

"Uriah? A-ano 'to? Hotel ba 'to?"

"Ngayon lang talaga nagsink in sa utak mo?" sagot niya at nakatingin sakin na para bang ang engot ko.

Nakatitig lang ako sa kanya at naghihintay ng eksplenasyon. Pero parang abala siya sa ibang bagay at may kung anong hinahanap.

Teka, alam ba ni Dad na dito kami? Naku! Pag nalaman niya yari kami. Baka isipin niya may ginagawa kaming masama ni Uriah.

"Hoy Uriah! Anong ginagawa natin dito? Alam ba 'to ni Dad?"

"Oo. Wag kana madaming tanong saglit lang naman tayo dito." aniya habang nakasilip sa bintana at may kung anong tinitignan.

Napalakad ako paatras, saglit lang? Alam ni Dad? Napatakip nalang ako sa bibig ko habang lumalakad paatras. Anong binabalak ni Dad? Gusto na kaya niya magka apo? Pero di pa ko handa. Madami pa kong gustong gawin sa buhay habang dalaga pa ako.

"We will just wait..." hindi na niya natapos ang sasabihin nung mapalingon siya sakin at nakita akong gulat na gulat, paiyak na habang lumalakad patalikod.

"Uriah... ano ba 'yan!." Hindi pwede! Sabay iling iling ko habang nakatingin sa nakakasilaw na sahig na 'to.

Pagtingin ko sa kanya ay nakasingkit na ang mata niya. Tumingin siya sa oras, habang ako ay pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Hanggang sa mapatid ako at muntikan na ko mapasigaw dahil akala ko babagok ang ulo ko pero mabuti nalang ay sa couch ako napatid kaya napadiretso higa lang ako.

Ang puso ko! Kaya pala ganun padin ang mukha niya nung mapatid ako dahil alam niyang couch ang babagsakan ko.

"Di man lang sinabi na mapapatid na ako." bulong ko at iniangat ang ulo ko para tignan siya.

Saktong pagtingin ko ay nakita kong nakatagilid siya at tinatanggal ang T-shirt niya!

"Oh!" nauutal na ko habang turo-turo siya. "U-URIAHHHHHHHHHHHH!" halos mamaos ako sa sigaw kong 'yon. Halos sumabog ang mukha ko sa gulat at sa pag sigaw ko. Napatigil siya at sinilip ang mata niya sa t-shirt niyang nakaangat na.

Pakiramdam ko ay may lalabas na dugo sa ilong ko dahil parang umangat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Para akong nanunuod ng live modelling, 'yong moment na itigil niya ang pagtanggal ng damit, binaba niya kaunti ang braso at damit para isilip ang lang ang mga mata niya para tignan ako ay isa na ata sa pinakamagandang view na nakita ko sa talambuhay ko.

Tapos ang messy pa ng buhok niya, 'yong shadow sa mukha niya na sobrang lalaki tignan. 'Yong mata niyang cold pero pag tinignan ka kakabahan ka at parang may sumpa na gusto mong titigan ng matagal.

'Yong katawan niyang parang hinulma ng iskultor. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko akalain na appreciative ako, gusto ko siya ipagmalaki!

"Gusto kitang ipaframe, Uriah." ngiting ngiting kong sabi habang inaappreciate ang view.

Pero seryoso? Anong gagawin namin?

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...