Deathbound [Published Under C...

By iamrurumonster

1.7M 72.3K 7.3K

A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates... More

Author's Note
Prologue
1. Banished
2. Run. Hide. Run
3. Ensnared
4. Ali's Culprit
5. Captives
6. Ascend
7. Buttonholed
8. New Abode
9. The Recruits
10. Split Emotions
11. Chains and Clones
12. Unkempt Gut
13. Freed
14. Sheryl's Curse
15. Thorns of the Dark Rose
Deathbound Characters
16. Near Yet Far
17. Bounced Back
18. Tempt Me Not
19. Raiders
20. Plan. Print. Pain.
21. Almost
22. Happenstances
23. The Noobs
24. Bue's Secrets
25. Transformed
26. Levi
27. Nułł
28. Torn
29. Gutter
30. Deceived
31. The Channel
32. The Puzzle
34. Unreturned
35. A Dark Return
36. Blur
37. Flipped
38. Double Source
39. Prince of Tulsa
40. Envisage
41. Hidden Agenda
42. Missing Pages
43. The Lucas Journal
44. The Crisis
45. The Last Reunion
46. Claremur
47. The Great War
48. Dodged
49. Plan B
50. On the Cards
51. It Lasted Til Death
52. Undetected
53. The Annihilation
Epilogue
Deathbound Published Under Cloak Pop Fiction

33. Tempted

24.7K 1K 206
By iamrurumonster

We stayed inside the cave to keep hidden from possible enemies. Allen's group knows where the safe routes are at dito muna kami magpapalipas ng oras. Tila nadagdagan ang kompiyansa kong makakayanan namin ang ano mang laban gayong mas marami na kami sa grupo.

Hindi parin maiwasan ng mga mata ko ang pansinin ang matamis na lambingan ng mag-asawang Rita at Rambu habang nasa loob kami ng kweba. Nakagawa si Reid ng isang bonfire gamit ang kumpol ng mga malalaking tipak ng bato kaya aninag ko ang matamis na turingan ng pares. Napansin ni Rita na napapangiti ako sa kanilang mag-asawa kaya hindi na rin nito napigilang lumapit at makipagkamustahan saakin.

"Hindi ka pa ba nakakapili?" bungad saakin ng babae saka umupo sa tabi ko.

Nagtaka ako sa tanong nito pero nang maglaon ay napagtanto ko ang ibig niyang sabihin. Hindi ako kaagad nakasagot.

Nagpatuloy si Rita, "Hindi mahirap na mapansin ko na may gusto sa'yo ang dalawa. Alam kong may napili ka na pero bakit mo pa hinayaang magdusa kayong tatlo?"

Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Tama siya. May napili na nga ako pero ayokong may masaktan ako. Ayokong unahin ang nararamdaman ko sa gitna ng sigalot sa islang ito dahil madami pa akong kailangang unahin. Bagay na mas mahalaga sa tinitibok ng puso ko. "It's not the right time Rita." Sagot ko.

"When is the right time? When you die regretting you thought it's not the right time?" mapanghamong tanong ng babae. She's been making sense from the very start of our conversation and I've been agreeing silently. "Alam mo, noong makilala ko si Rambu, parehas kaming bihag noon ng kaharian ng Tulsah. Kalagitnaan ng quarlerly clash at hindi mo aasahang may panahon pa kami sa pag-ibig na yan. Pero nangyari nga. Mahal namin ang isa't isa kaya hindi na kami nakapagpigil."

"Ilang taon na ba kayong nagsasama?" Pag-uusisa ko habang hinahagilap kung nasaan sina Alec at Levi.

"Eight years. Eight beautiful years. We risked it and yet we still live. Those were the best eight years of my life. The days I never regret when we fought for our lives, live for our love and survive for each other."

Rita's words got me. It was like an awakening of the realization I have kept burried over the years. Nang lingunin ko ito'y nakangiti siya saakin habang ninanamnam ko ang mga sinabi niya.

Tinapik-tapik nito ang kaliwa kong balikat saka nagpatuloy, "I know you have chosen someone. Never play your cards in love Alison. Never gamble because loving is not gambling, that someone should win over something. It's a partnership. A mutual battle wherein both of you have to win each other."

"Ang lalim mo naman Rita," pagak ang naging pagtawa ko. Pero totoo ang mga sinabi ko. Malalim at makatotohanan ang mga salita ni Rita. Marahil ay nahubog na ang pagkatao nito sa dami ng mga pinagdaanan. Experiences, weather good or bad, molds a person anyway.

Natatawa din si Rita pero hindi parin natatanggal ang sinseridad sa mga mata nito. "Kung iniisip mo na walang meant to be sa lugar na 'to Alison, nagkakamali ka. Everywhere is a place for a meant-to-be love. You may believe that you and Alec or the other guy are not meant to be but I tell you, whoever owns your heart right now, fight for it. No matter how hard. Naniniwala ako that the couples who are meant to be are the ones who go through situations that are set to tear them apart, but even come out stronger. Maybe you and one of these two are meant to be together in this place."

Napaisip ako. Rita's words make me ponder. Marahil ay tama nga ito. Marahil ay pinipigil lang ako ng takot ko at ng sitwasyon ang dapat ay pinaglalaban ko. Takot ba akong may masaktan kapag ipinaglaban ko ang isa? Takot ba akong may mawala sa kanila sa oras na sabihin kong matagal nang may napili ang puso ko?

"Pag-isipan mo Alison. Life is very short here in Delta. Pero sa oras na marealize mong you want to spend the rest of your life with somebody, you would really want to start your life as soon as possible. Ang tanong kailan? Ganyan kalakas ang kalakas ang kapangyarihan ng love. Isang kapangyarihang walang sino man ang makakatalo." Tinapik uli ng babae ang likuran ko. Hanggang sa tawagin na ito ng asawang si Rambu na tila tapos na sa paghahanda ng kanilang mahihigaan. "Hinding-hindi mo pagsisisihang piliin ang lalaking laman ng puso mo. Kaya good luck!"

Naiwan akong nakatitig lang sa apoy na hindi namamatay. Narinig kong nagbibiruan na naman sina Reid, Souk at Sheryl na ngayo'y kasama si Pea pero mas malakas ang bulong ng puso ko para intindihin sila. Nag-init ang leeg ko at bigla kong naramdamang kailangan kong magtampisaw sa ilog na nasa loob mismo ng kweba. Kailangan mapayapa ko ang aking isip bago ako talunin ng puso ko.

Nagmadali ako. Wala si Levi at Alec sa dinaanan ko kaya hindi ako nahirapang tunguhin ang ilog. Walang tao sa bahaging iyon ng kweba dahil nasa malapit sa bonfire ang mga kabataan, si Allen, Quattro at ang mag-asawang Rita at Rambu. Nakahinga ako ng maluwag nang maabutan kong payapa ang bahaging iyon ng kweba. Tanging ang lagaslas ng ilog patungo sa kabilang bukana ng kweba ang naririnig. Nang-iimbita ang tubig na nasisinagan ng konting liwanag mula sa labas kaya tanaw ko ang mala-kristal na kulay nito.

Mabilis kong tinanggal ang combat boots ko. Lumingon pa ako sa paligid at sinigurong walang tao bago ako naghubad ng damit. May kadiliman ang bahaging iyon ng kweba kaya panatag akong walang makakakita saakin. Maingat akong humakbang pababa sa nakaka-engganyong tubig. Napasinghap ako nang dumapo ang paa ko sa malamig na tubig. Tila natanggal lahat ng agam-agam sa katawan ko nang tuluyan na akong lumusong sa ilog. 

My body felt the refreshing touch of the cold river. Tila nahugasan at tinangay ng tubig ang lahat ng pasanin ko simula nang umakyat ako dito sa Delta. Pag-ahon ng ulo ko sa tubig ay saka ako sumalok ng tubig at idinampi iyon sa aking mukha. Nagpatianod ako sa malamig na tubig habang nakalutang ang aking katawan. Hindi ko napigilang isara ang aking mga mata. I have been longing for this. The peaceful moment that was so aloof for days.

Pinayapa ko ang aking isipan habang nakalutang sa tubig. Pero panandalian lang iyon dahil biglang may napansin ako sa gilid ng aking mga mata nang magbukas ako ng paningin. Isang hubad na bulto ng isang lalaki ang napansin kong nagtatampisaw sa di kalayuan. Nakatalikod ito habang nakalublob ang kalahating bahagi ng katawan nito. Naagaw ang atensyon ko sa matipuno nitong likuran at napalunok ako nang gumalaw ang mga laman nito sa braso nang sumalok ito ng tubig para paliguan ang kahubaran nito.

Kilala ko ang lalaking ito kahit na nakatalikod siya. Ilang araw na siyang laman ng isip ko kaya ganoon nalang ang kaba ko nang makita ko siya dito. Sinubukan kong ikubli ang sarili ko sa madilim na bahagi ng kweba. Napaatras ako ngunit tila bumuo iyon ng lagaslas na umagaw sa atensyon ng lalaki. Lumingon ito sa gawi ko at doon nangyari ang kanina ko pa iniiwasan -nagtama ang aming paningin. Isang hipnotismo ang dulot no'n dahilan para tumigil ang mundo ko.

Hindi ako nakakilos. Hindi ko namalayan ang mabilis niyang paglapit saakin nang hindi binibitawan ang masidhing tinginan namin. Pakiramdam ko'y may kapangyarihan ang mga titig niyang 'yon na sa oras na bitawan niya'y matatauhan ako't kakaripas ng takbo palayo. Nabigo ako at nagtagumpay siya. Naramdaman ko ang presensya niya sa harapan ko. Halos lumundag ang puso ko nang hawiin niya ang buhok ko. Pakiramdam ko'y ginawa niya iyon upang mapagmasdan ang kahubaran ko.

Sinubukan kong magsalita ngunit tila naguusap-usap ang mga bahagi ng katawan ko para huwag akong tumanggi. Ano itong nararamdaman ko?

"I miss you..." tipid niyang sabi. Naramdaman ko ang init ng katawan niya kahit na may ilang pulgada ang nasa pagitan namin. Naramdaman ko ang banayad na paglalaro ng kanang palad nito sa aking balikat na sinadya niyang ilantad mula sa nakatakip kong buhok. Umikot-ikot ang daliri nito sa balikat ko at napasinghap ako dahil tila kakapusin ako ng hangin sa baga sa ginagawa niya. He softly chuckled with the reaction.

"A-alec p-"

Napigil ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang palad nitong naglakbay mula sa balikat ko patungo sa aking likuran. His hand conquered my waist and gently pulled me towards him. Nagdikit ang aming katawan at mabilis na nag-init ang aking pisngi. "I like it when you blushed that way Ali. That is so sexy," yon lang ang nagawa niyang sabihin saka banayad na lumusong pababa ang mukha nito at sinakop ng mainit at nananabik niyang mga labi and nakaawang kong mga labi.

Sa una'y naging mapusok ang paghalik nito. Nagtatalo ang utak at puso ko sa kung anong magiging tugon. I can just chain his system and pretend I'm strong enough to get rid of him but his kiss makes me vulnerable. So vulnerable making me to want more of his kisses. Parang hindi na ako hihinga kapag nawala ang mga halik niya. Nagpaubaya ako sa temptasyong dulot ng mga halik ni Alec. I miss him too. I want him more.

I raise my right hand to reach for his nape and he moaned as my fingers brushed the back of his head. Naging mas banayad ang paghalik niya. It tasted even sweeter. Hinalikan nito ang baba ko pababa sa aking leeg habang naglalakbay ang isa niyang kamay sa aking katawan. His right arm is steady holding us together. His left palm gently touches my back until it travelled its way up to my chest. My knees almost feel at the sensation. Napaliyad ako habang bumababa ang halik niya. As if my body tasted honey and he wants it all for himself.

"Your my favorite sweets. You taste sweeter than honey," bulong nito saakin nang umakyat muli ang halik niya sa tainga ko. Napasabunot ako sa buhok nito nang muling maglakbay pababa ang mainit na labi nito hanggang sa matagpuan nito ang dibdib ko. He nibbled my left breast gently at hindi ko napigilang kumawala ang kanina pa nagbabadyang ungol sa aking bibig. His mouth felt so warm on my chest.

"Alec," yon ang tanging lumalabas sa bibig ko habang ginagawa niya iyon.

He continued kissing me as he held me tighter. Nagawa niya akong buhatin patungo sa gilid ng ilog kung saan walang sinag ng araw. Isinandal niya ako sa isang malaking bato at maingat na hinawi ang mga kumawalang buhok ko sa mata. Muli itong tumitig sa mukha ko habang nakapangalumbabaw saakin. I can feel his hardness on my left leg. It makes me shiver.

"I love you Alison," mahina niyang sabi. His warm breathing touching my face. "I am so obsessed with you and I only want you for myself."

Napapikit ako saka tinimbang ang nararamdaman ng puso ko. My heart never stops beating fast. Nang magmulat ako ng tingin ay naroon parin ang gwapo nitong mukha. Umawang ang mga labi ko at tinangkang magsalita pero muli niya akong hinalikan. Banayad. Matamis. Nakakalunod.

"Please say you love me too," nang-aakit niyang sabi saka ako muling hinalikan sa baba.

Sa nararamdaman ko ngayon ay parang gusto ko na ring tumugon. Parang gustong kumawala ng mga salita sa dibdib ko. Gustong-gusto ko na siyang sagutin. Napabuntong hininga ako at humaplos sa basang mukha ng lalaki. Alam kong hindi ko ito pagsisisihan. Hinding-hindi. "I love you too, Alec," narinig kong sabi ng puso ko.

###

Continue Reading

You'll Also Like

655K 27.2K 48
Kingdom of Tereshle Story # 2 [COMPLETED] Anastasia Miller. A strong and one of the top Agent of Tynera. Gustong-gusto ni Ana ang trabahong pinasok...
6.2K 693 5
Tin is the perfect guy that every girl would dream of, a perfect male lead. He's good in academics and sports, kind, and has the looks. But because o...
Istasyon By Ailous

Short Story

664 90 9
Minsan kasunod ng kamatayan ay hindi pala paraiso o paghihirap? Ito ay maaring palengke? mall? o kahit istasyon ng tren? Walang nakakaalam, unless p...
90.3K 1.6K 115
[COMPLETED] a Forthsky Padrigao and ThatsBella Fan Fiction #WPEndGame ©️Full Credits to the owner of the pictures used in the story