Mady
"No."
"Pero Daddy--"
"I said no."
Napayuko nalang ako sa tanong ni Daddy at umakyat nalang sa kwarto ko. Hindi naman matigas ang ulo ko, sadyang gusto ko lang talagang sumama kay Namjoon mag-swimming.
Kahapon kasi after the contest, he asked me na kung pwede raw kaming magpunta sa Enchanted Kingdom atsaka dumiretso sa may Laguna Beach Resort. Magkakasama ang barkada ko at ang Bangtan. Swimming party , arcades at roadtrip raw kasi long vacation naman. One week na walang pasok. Eh ang sabi ko, magpapaalam muna ako. Pero eto, ayaw akong payagan ni Daddy. Bakit ganun? Wala naman kaming gagawing masama ah?
"Daddy, please? Minsan lang--"
"I said no. Mady, kelan pa naging matigas yang ulo mo?! Nahawa ka na ba dun sa mga bagong kasamahan ninyo ah? Yung mga lalaking yun?! Nako, lumayo-layo ka sa mga yan ah."
At aba, dinamay pa ang Bangtan! Jusko naman!
"Bahala ka na nga." I whispered before walking upstairs.
I am so tired following his commands and rules. Naiintindihan ko namang dati siyang sundalo but bakit kailangan pa niyang i-apply yung pagiging sundalo niya sa pagiging ama niya? He always command me na dapat daw, I am always on top. Na dapat daw, hindi bumaba sa 99 ang average ko. He wants me to be a perfect daughter but I admit it, I'm not.
I opened my laptop and logged in into my Facebook account. I chatted Namjoon right away and tell him that I'll come for that swimming thing. Well, I don't care if Daddy will be mad at me. Gusto ko lang sundin ang gusto ko. I just want to be free and experience what other teens experienced today. Gusto kong sulitin ang mga araw na to, yung mga araw na kasama namin ang Bangtan because I know, that day will come. The day where they will leave us.
I started packing my things na dadalhin ko bukas. Extra undies and extra shirts and shorts and then yung mga sunblock ko and other girly things.
Woooh! This is it Mady Wong, wala nang urungan to.
~~~~
I woke up early as 4:30 in the morning. Tatakas ako. Oo, tatakas ako.
5:30 pa ang gising ni Daddy kaya malabong mahuli niya ako. I took a quick shower atsaka ako nagbihis kaagad ng tight jeans, white crop top and a pair of superstar addidas. Isinukbit ko na ang bagpack ko at dinala na ang sling bag ko. Aba syempre,
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko, avoiding to make a noise. I succesfully sneaked out of the house. Dahan dahan kong binuksan ang gate namin at dahan dahan ko ring isinara yun. Baka magising pa sila.
Tumakbo naman ako kaagad papunta sa gate ng village namin and there, I saw Mhargot waiting for me.
"Ano? Pinayagan ka?" She askes while cooling down the coffee that I guess she bought on a vendo machine.
"Tumakas lang ako. Wag kang maingay---"
"Ano?! Nako naman Mady, kami ang mapapagalitan nito!" Agad niyang pag-tutol.
"Calm down, will you? Ayos lang na mapagalitan ako but not you. Ako ang aako ng kasalanan since ginusto ko naman to. Hinanda ko na ang sarili ko para sa sermon ni Daddy mamaya pag-uwi natin." I explained then smiled at her.
She just shrugged and finally she drank her coffee. Maya maya lang ay dumating na ang isang pamilyar na kotse. Ang kotse ng Bangtan.
"Sakay na." Bungad saamin ni Hoseok pagkabukas niya ng pintuan ng van.
Sumakay na ako at agad na nagpunta sa may bandang likuran kung saan naabutan kong natutulog si Mich habang nakasandal kay Taehyung na nakaakbay sakanya na tulog rin. Aw, ang cute nila. At sa tabi ni Taehyung ay si Namjoon na kasalukuyang natutulog din at nakasandal habang may neck pillow sa leeg niya at may earphones na nakasalpak sa tenga niya.
Tumabi ako kaagad sakanya at inayos ang upo ko. Isinandal ko ang ulo ko sa may bintana at isinalpak na rin ang dala kong earphones.
It's gonna be a long long ride.
~~~
"Mady, gising. Kakain na muna tayo."
Naalimpungatan ako nang may marinig akong boses. Malalim na boses. At laking gulat ko nang makita ko ang sarili kong nakasandal na kay Namjoon. Hala! Paano nangyari yun?! Nakakahiya!
Agad akong umayos ng upo at inayos ang nagulo kong buhok.
"A-ah. S-sorry, asan na tayo?" I asked, trying to remove the awkwardness between us. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong van, wala nang tao. So kami nalang pala ang naiwan?
"Ah, nag-stop over muna tayo dito sa may SLEX. Sa may Petron. Ano, Starbucks tayo?" He asked.
I just nodded and smiled. "Ah, labas na tayo?"
Pagkalabas namin ng kotse, agad na sumalubong saamin ang sariwang hangin. Medyo malamig pa dahil medyo maaga pa and when I looked at my wrist watch, tsaka ko lang nalaman na it's already 6:12 in the morning na pala.
Agad kaming dumiretso ni Namjoon papunta ng Starbucks and we sighed in relief when we saw that wala pang costumers except from us.
"Asan yung iba?" I askes habang naglalakad kami papuntang counter.
"Andun sa ibang food shop. You know, iba iba ang trip eh. Pero baka pumunta rin lang sila dito mamaya for the coffee." Sagot niya.
"Goodmorning Mam, Sir. May I take your order please?"
I looked at the menu board and I spotted my favorite strawberry and cream.
"Mine is strawberry and cream. Grande." Pag-oorder ko.
"Name po mam?"
"Ah, Mady."
May sinulat pa yung cashier bago naman siya bumaling kay Namjoon.
"And yours Sir?" She asked.
"Oh, just give me a frapp. Java chips to be exact. And the name is Namjoon." Dire-diretso niyang sabi. Mukhang sanay ah, rich kid.
Humanap na kami ng mauupuan at napili namin na doon nalang kami sa may tapat ng aircon umupo.
"Buti pinayagan ka ng daddy mo."
I was taken aback by his statement. Shiiz, they didn't know pa pala na tumakas lang ako except from Mhargot. Ohgosh, should I lie? Or nah?
"A-ah kasi---"
"Miss Mady and Sir Namjoon, here's your order."
Ano ba yan! Bakit ang bilis?!
Patayo na sana ako nang pigilan ako ni Namjoon at ipinakita niya saakin ang nakakatunaw niyang ngiti.
"Ako na."
Ang gentleman talaga ng manliligaw ko. Mygash.
Ngunit sumagi nanaman sa isip ko si Daddy. For sure ay hinahanap na ako nun ngayon. He's probably overreacting right now but nagpaalam ako kay Mommy kagabi and I am lucky cause she understands. Siya na raw ang bahalang magpaliwanag kay Daddy. And also, my Mommy knows about Namjoon. About he who courts me, but Daddy doesn't know. Sabi ko nga, strict siya. At kasama na sa pagiging strict niya ay ang pagbabawal sakin na magpaligaw or mag-boyfriend man lang. But I disobeyed him. Pumayag akong magpaligaw kay Namjoon cause buhay ko naman to eh, ako ang bahala sa sarili ko. Ayokong kinokontrol ako ng ibang tao.
"Eto na Mady oh."
I smiled before getting my order in his hands. "Thanks."
Bumalik siya sa pagkaka-upo at ako naman tong super titig sakanya.
Namjoon as a suitor is good. Hindi gaanong sweet but hindi rin naman siya boring. Tama lamg, kumabaga sa kape, hindi mapait at hindi rin sobrang tamis.
He is the kind of guy na tahimik minsan but he'll let you know what he feels through his gestures. Tulad nalang kapag naglalakad kami minsan ng sabay. Magugulat nalang ako pag bigla niyang hahawakan ang kamay ko tapos pagsasalikupin ang mga iyon. Sweet ayt?
"Mady?"
I blinked my eyes twice bago ako napabalik sa huwisyo ko. Fuuudge, nakakahiya! Nakatitig nga pala ako sakanya!
"Gwapo na ba ako?"
Ayan nanaman, lumalabas nanaman ang makulit na Namjoon.
"Malamang." Mahinang sagot ko na nakapag-pangiti sakanya. Halos mapapitlag ako nang bigla siyang tumayo at lumipat sa tabi ko. Umakbay siya sakin at isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko.
"I love you, Mady Wong."
Oh geez, Kim Namjoon. Sumobra ata yung sugar diyan sa frap mo ah?
××××
Updated! Sorry po sa lame update 😭😭 babawi po ako sa next chap 😊