Once upon a STRANGER (lesbian...

By Hazelnot

548K 6.2K 1.3K

Ito ay storya tungkol sa dalawang taong nagkakilala ng dahil wattpad, si Clarice at si Andrea. It is a bisexu... More

Nothing but something...
Prologue
Ang Simula... (First Chapter)
Messages... Chapter 2
Smiles... Chapter 3
Happy Birthday... Chapter 4
I'm interested in you... Chapter 5
Attraction?... Chapter 6
Surprise! Chapter 7
We miss you! Chapter 8
What did you do to me? Chapter 9
AN :)
Picture! Chapter 10
Getting to know! Chapter 11
Sino ka? Chapter 12
Welcome back JILL! Chapter 13
Coffee Shop... Chapter 14
Andrea Catrine... Chapter 15
Phone Call.... Chapter 16
Saan kaya siya pupunta? Chapter 17
Adventure! :) Chapter 18
I know you! :) Chapter 19
I'm so careless! Chapter 20
Facebook Friends... Chapter 21
Sorry... Chapter 22
Guilty? Chapter 23
Magkita tayo! Chapter 24...
Disappointed! Chapter 25
AN
Can we talk? Chapter 26
Bistro Night... Chapter 27
Market Day... Chapter 28
I don't know why... Chapter 29
Wondering why... Chapter 30
Shayne's POV... Chapter 31
Hindi ko na alam... Chapter 32
This is WHY... Chapter 33
She still makes me smile! Chapter 34
Breakeven... Chapter 36
What do I feel? Chapter 37
I have something to say... Chapter 38
Pupunta ba ako o hindi? Chapter 39
Part 1... Chapter 40
Part 2... Expect the Unexpected... Chapter 41
Love is a choice... Chapter 42
Text Conversation...Chapter 43
Talking about... Chapter 44
Date? Chapter 45...
Lego House... Chapter 46
Gusto kita... Chapter 47
Kiss sa cheeks... Chapter 48
Ian? Chapter 49
Shayne... Chapter 50
Letter... Chapter 51
Ian's POV... Chapter 52
Jill...ian... Chapter 53
Unlimited Pain... Chapter 54
You like her... Chapter 55
Love and Pain... Chapter 56
Nikka... Chapter 57
To: Miss Author... Chapter 58
What's her reaction... Chapter 59
Once Upon A Stranger... Chapter 60
Sino Si Andrea? :)
AN
I miss this!

Wattpad User... Chapter 35

6.2K 77 6
By Hazelnot

Ang bilis ko magupdate! haha... Sinipag ako bigla eh! Ewan ko ba kung bakit! :)

Gusto ko palang magthankyou! Ang saya ko kasi more 20 thousand reads na to! Gusto kong maiyak sa saya! Hahaha.. Joke lang! :) Pero THANK YOU TALAGA! :) Kung pwede ko lang kayo ihug isa-isa nagawa ko na. :D

Gusto ko din mag thank you sa mga taong consistent na nagcocomment sa bawat chapter na inaupdate ko! Nakakataba ng puso. <3

I love you guys! :)

-Hazelnot

Clarice POV

 

Kanina ko pa hawak hawak yung phone ko. Paulit-ulit kong binabasa yung text ni Andrea na “Goodnight.Hug.” Feeling ko muka na kong tanga eh. Isang oras na kong ganito.

Oo tama kayo ng iniisip!

Sa text niya na yun, kilig na kilig na ako! Ang babaw ko lang! Yung feeling na hindi ako mapakali. Grabe lang!

Pakiramdam ko nga may mga powers siya. Power na pangitiin ako, kapag ang lungkot lungkot ko na.

Finally bumalik din ako sa katinuan. Finally kumalma din ako. Finally normal na ulit yung heart rate ko.

To: Andrea

-Salamat! Can I call?

 

Yan lang ang naitext ko sa kanya. Eh alangan namang sabihin kong kilig na kilig ako. Baka maniwala siya. Pero totoo naman kasi. Hahaha.

Ngayon ko lang narealize na ang buhay nga naman merong ups and downs. Para mood ko lang, kanina down ako, naging up, ngayon naman down na ulit! Ano bang buhay to.

Tapos na ang lunch time nung tumunog yung phone ko. Dahil malayo sa kin yung phone ko, halos madapa pa ako makita ko lang kung sino yung nagtext, at umaasa akong si Andrea yun.

Pag tingin ko sa phone ko, hindi pala siya yung nagtext! -___-

At alam niyo kung sino? Si Shayne!

From: Shayne

-I’m Sorry for everything Clar. Sana balang araw, you’ll find forgiveness in your heart. And when that time happens, I still wish that our friendship will still remain. Sana pag dating ng time na yun, please let me know.

 

Oo nga pala, nagtext talaga ako, kasi gusto kong magpaalam sayo, paluwas na ako tonight and the day after tomorrow, I’m leaving for good. You take care of yourself. Thank you for everything Clar.

 

Yan ang text ni Shayne na mala email sa haba. Parang ang bigat ng pakiramdam ko, pero kasi ayoko namang sabihing okay na ko, pero hindi pa naman talaga.

To: Shayne

-Hindi ko man kaya ibigay yung friendship na hinihingi mo ngayon, pero alam ko in time, magiging okay din tayo. Mag-iingat ka kung san ka man pupunta. And sorry sa lahat, saka salamat!

 

Kahit na alam ko sa sarili ko, hindi pa din ako lubusang okay, somehow gumaan yung pakiramdam ko dun sa text ni Shayne. Well sabagay, sabi nga nila, time heals all wounds.

 

6:30pm

Nakahiga lang ako, nagiisip, at tingin ng tingin sa phone ko. Nagsasounds lang ako ng malakas. At humihinga ng malalim. Ng biglang tumunog yung phone ko.

Hindi na ko nagexpect na si Andrea yun. Pero syempre deep inside, gusto ko na pangalan niya pa din ang makita ko sa screen ng phone ko.

From: Andrea

-Okay :)

 

Nung makita kong nagtext siya, napabangon ako ng wala sa oras. At nagtatalon ako na parang timang! May sayad na ata tong utak ko, pero pati puso ko damay na din! Tsk.

Nanginginig pa ko habang dina-dial ko yung yung number niya sa phone ko. Ay mali hinanap ko lang pala siya sa contacts ko. Haha. Ano ba tong nararamdaman ko, natataran ako na hindi ko maintindihan. Para namang first time kaming mag-uusap eh.

Ring… ring… ri…

 

“Hello” siya yung unang nagsalita. Pero parang nalungkot ako bigla kasi parang pagod na pagod yung boses niya.

“Hi! Oh bakit ganyan yung boses mo?” Triny kong hindi ipahalata na nagaalala ako sa kanya, baka kasi magfeeling tong loko na to eh!

“Pagod ako, as usual, enrollment pa din, ilang araw na lang naman to.”

 

“Kawawa ka naman pala! Haha.”

 

“Hindi kaya ako kawawa, kasi magaling ako!” Grabe pagod pa siya niyan, nakuha pa nyang purihin ang sarili niya! Kakaiba talaga siya. Pero kahit ganun, hindi naman siya yung taong mahangin, yung mayabang, talagang makulit lang siya pag nasa mood!

“Ikaw na magaling!” Kasi napapangiti mo ako kahit wala akong ginagawa. Yan dapat yung kadugtong ng sasabihin ko pero syempre hindi ko tinuloy! Haha.

“Uy may kwento ako.” Parang nabuhayan siya ng loob. Ano naman kaya yung ikukwento niya? Magkakaron din kaya ako ng energy sa mga sasabihin niya? Parang kinabahan lang ako eh.

“Talaga? Ano yun?” Pinilit kong gawing exciting yung boses ko kahit na ang totoo, kinakabahan nga ako! Ang weird.

“Wag na pala! Haha” Tignan mo tong babaeng to, nangaasar lang ata siya eh!

“Ano nga kasi yon?” Medyo napalakas yung boses ko, kasi nakakainis naman talaga siya! Sana hindi na lang niya inopen, kung hindi din naman pala niya itutuloy. Tsk!

“Hahaha, nakakatuwa ka, halatang nainis ka eh! Haha.” Oh diba ang saya nyang pinagtatawanan niya ako! Pero kahit naiinis talaga ako sa kanya. Natutuwa naman ako, kasi kahit pagod siya, napatawa ko siya.

“Binibiro lang kita, kasi naman pikon ka! Ang sarap srap mong asarin!” Dagdag pa niya. Haaaaay nako kung hindi lang talaga ako natutuwa sa kanya, kung hindi niya ako napapasaya, baka nainis na ko talaga. Haha

“Lakas din talaga ng trip mo sa buhay eh! Pagod ka pa ng lagay na yan ah!” Ayan medyo kumalma na yung boses ko.

“Pero seryoso may ikukwento nga kasi ako.” Ang lakas din ng trip niya! So tuwang tuwa talaga siyang inisin ako eh. Ang kuliiiiiit!

“Ano nga kasi yun?”

 

“Alam mo ba, ang cool kasi yung isang wattpad user na nakausap ko dito sa wattpad na nagbabasa ng story ko, eh malapit lang pala siya dito sa min.” Sabi ko na nga ba hindi ako matutuwa sa ikukwento neto eh! -___-

“Talaga? Ang cool naman! So nagmeet na kayo?” Yung boses ko, talagang sinadya kong parang tuwang tuwa ako. Yung tipong excited ako sa kwento niya about dun sa wattpad user na yun. Pero ang totoo, ayoko ng marinig yung mga susunod niyang sasabihin. Parang hindi ko ata kayang marinig at malaman na nagkita na sila, pero nung kami ang magkikita hindi natuloy! Kainis!

“Hindi pa! Basta nagkakatext kami, at kahit na malapit lang siya sa kin, ayoko pa muna makipagmeet. Busy ako sa pagaaral ko, at sa enrollment.Haha”  Napangiti ako sa sinabi niya!

“Yes.” Mahina kong sabi, eh hindi ko napigilan eh, natuwa talaga akong malaman hindi pa sila nagkikita!

“Huh?”

 

“Ah wala wala, so ano na, tuloy mo na kwento mo about dun sa wattpad user na yun!” Ano ba to, narinig pa ata niya yung pag yes ko! Nakakahiya lang! -___-

“Wala naman, nakwento ko lang siya, kasi makulit din siyang kausap, nakakatuwa siya, hindi nga ako naboboring kapag kausap ko yun eh.” Shit! Ibig sabihin ba nun pag ako ang kausap niya naboboring siya sa kin. Saka bakit ganun? Parang ang saya saya niya habang nagkukwento? Hindi kaya may gusto na siya dun! Waaaaaaah, wag naman sana!!! -___-

Pero teka lang, eh ano naman kung may gusto siya dun? Ano naman ang pakialam ko. Bakit ba ko apektado? Haaaay, ang dami kong tanong sa sarili ko! Naguguluhan na naman ako! Lagi na lang akong ganito eh.

“Huy ano ng nangyari sayo dyan? Wala ka man lang bang sagot sa tanong ko?”

 

“Ha? Anong tanong?” Shit parang wala naman akong narinig na tinanong niya sa akin ah! Kasi nga nagkukwento lang siya!

“Ayoko na nga! Minsan lang akong magkwento hindi kappa nakikinig!” Oha may mga ganyang eksena din pala siya, Marunong din pala siyang magtampo kunwari. Oo halatang kunwari lang, kasi bakit naman siya magtatampo, ang babaw naman kung ganun! Haha.

Kung ano ano naman kasing iniisip ko kaya hindi ko talaga narinig yung sinabi niya! -___-

“Sorry na, kasi ano, may naalala lang ako! Ano na nga ulit yung tanong mo? Wag ka ng magtampo dyan! Arte mo din eh! Haha.”

 

“Hindi ako nagtatampo! Hindi naman ako ganun kababaw na tao!” Sabi ko na nga ba! Siya na talaga! :)

“Oo na nga lang ako! Oh anon a yung tanong mo! Dali na!”

 

“Tinatanong ko, kung makipagkita na kaya ako sa kanya? Kasi sabi niya magmeet daw kami, tutal, malapit lang naman yung bahay naming, so kapag may free time daw ako magmeet daw kami.”

 

SPEECHLESS! Yan talaga ako ngayon. Wala akong masabi.

“Ikaw bahala.” Yan na lang ang naicomment ko sa tanong niya! Haaaaay. So nagiisip nga siya kung makikipagkita siya dun!

Nalungkot ako. At masasabi kong, ang sakit ng naramdaman ko.

 

Continue Reading

You'll Also Like

566K 7K 51
THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE.... Nagsimula sa plano, nauwi sa pagseseryoso.... Sundan nyo na lang ang kwento ng dalawang bida natin.:))) PS...
112K 2.4K 17
"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia...
97.8K 307 6
At first, akala ko isa lang akong maituturing na bully, maldita, fuck girl, maarte, bitch, etc. Sa tanang buhay ko. Hindi ko naisip kung may chance b...
217K 626 5
Jhena a 29 yr old beautiful girl married her best friend just to avoid being an old maid like her Aunties and to fulfill her dreams to have a complet...